Long Life

Nang bumalik ako sa burol ay nadatnan ko na roon si Daddy at tito Timothy na nag uusap. Napatigil ako sa bukana ng silid na iyon at pinakatitigan lamang ang dalawang magkaibigan. Sa mukha ni tito ay nasasaktan rin ito para sa kaibigan.

Mamaya maya pa ay lumapit na ako sa kanila. Niyakap ko muna si Daddy at tsaka hinarap si tito.

" Nakapagpahinga ka naman ba ng konti ija? " tanong nito sa akin.

Literal na konti lang, tito. Ginulo ako ng magaling niyong anak eh.

" Ah, opo tito. " mahinahong saad ko.

" Ah eh, nakita mo ba si Tyler? Hinahanap ka kanina ah. " takang tanong nito.

Nahanap na po ako tito. Ginulo nga ako eh. Ang sarap niyang itulak sa rooftop kanina.

" Ah, opo tito. Nahanap niya po ako kanina sa rooftop. Nag...usap lang po kami. " saad ko.

" Ahh. O siya sige, maiwan ko na muna kayong mag ama dito. Kung may kailangan man kayo'y nandoon lang ako sa suite ko. " saad niya.

" Salamat Tim. " si Dad na kanina pa walang imik.

Nag iwas ng tingin si tito sa akin at tsaka ngumiting pilit at tinapik ang balikat ni Daddy.

Lumipas na ang ilang buwan at hindi pa tanggap ni Daddy ang pagkawala ni mommy. Ako man ay hindi ko rin matanggap pero wala naman akong magagawa. Hindi na muling mabubuhay pa ang aking ina.

At sa ilang buwan na nakalipas na iyon ay patuloy si tandang Tyler sa pangungulit sa akin.

Kagaya na lamang ngayon. Sumama ako kay Daddy na pumunta rito sa kompanya nila. Hindi ko inaasahang nandito ang lintik na anak ni tito Tim.

" Ano ba?! Huwag ka ngang sunod ng sunod sa akin! Naasiwa ako sa'yo! " sigaw ko dito.

Mabuti na lang at walang empleyado dito sa floor ng office ni tito Tim.

" Sa gwapo kong ito, Yesh? Maaasiwa ka? Paano tayo mag mamahalan niyan? " panunuya nito.

" Anong magmamahalan?! Lininaw ko na sa'yo. I'm not interested with a man who's older than me. Yes, we're promised to each other but that doesn't mean that it will last forever. " walang pusong saad ko.

Ewan ko ba at naiinis talaga ako.

" Woah! Thats hurt baby. Pero hindi ako titigil. Hindi mo mapipigilan ang nararamdaman ko. " he whispered softly at tsaka ako nilampasan.

Napaawang ang labi ko rito. Sinundan ko siya ng tingin at pumasok ito sa office ng daddy niya kung saan nag-uusap sila ni Daddy.

He really won't stop?

Ano bang makakapag patigil sa kaniya?

Hmm, what if I'll entertain some of my suitors?

So that he'll see na iyong mga ganoon ang tipo ko.

Habang pauwi kami sa bahay ay biglang nagtanong si Daddy.

" Nag-away nanaman ba kayo ni Tyler? " nilingon ako ni dad.

" Po? " Hindi kami nag away. Nilinaw ko lang sa kaniya na ayaw ko sa kaniya.

" Tinanong namin siya kanina tungkol sa'yo, he didn't response. It seems that he's avoiding the topic about you. " saad niya.

Then that's good?

" Hindi po kami nag away dad. Mayroon lang kaming hindi napagkaintindiha  kanina. " mahinahong sabi ko naman.

" Magkasundo na sana kayo anak lalo na't malapit ka nang mag eighteen. " seryosong saad niya.

Nagbaba ako ng tingin.

Hindi ba nila iaatras ang plano nila?

I'm too young for him. Five years gap? Really?

" Opo dad. " sang ayon ko na lamang dito

Makalipas muli ang ilang buwan, napapansin kong madalas ay gabi na umuwi si Dad. Pero hinahayaan ko lamang iyon. Pero ang sabi kasi ni tito Tim ay pumupunta daw ito sa casino at doon nagpapalipas ng oras.

Nalalapit na rin ang pasko. Kaming dalawa lang ni Dad ang magce celebrate kasama ang ilang kasambahay namin.

Masaya pa rin naman ako dahil andito si Dad.

December 15 is my birthday.

And ten days to go na lang, birthday ko na.

Wala naman na akong ibang hinahangad. Spoiled man ako kila mom and dad noon, ayaw ko na ngayon.

Ang gusto ko na lang ngayon ay maging masaya kami ni Dad dahil kahit anong gawin namin ay kaming dalawa na lamang ang natitira sa isa't isa.

Hiniling ko kay Dad na huwag na siyang magpahanda ng en grandeng birthday party para sa akin. Nagpumilit pa siya pero kalaunan ay napapayag ko rin siyang hindi na.

Useless din naman iyon dahil wala si Mommy. Kulang kami.

Isang araw bago ang birthday ko ay inimbitahan kami ni tito Tim sa bahay nila. Ngunit ayaw sumama ni Dad kaya mag isa na lang akong pumunta roon at nagpahatid na lamang sa driver namin.

Hoping na wala iyong lintik na tandang Tyler doon at nasa condo niya lang.

Napakahirap naman kasi tanggihan ni tito Tim. Napakabait kasi non. Samantalang iyong anak niya ay parang araw araw may sayad. Minsan, ang manyak niya magsalita. Minsan lang mabait. Tsk.

At bakit ba iniisip ko siya?

Pagkababa ko sa sasakyan ay kaagad akong sinalubong ni tito sa pinto nila.

" Advance Happy birthday our dear Ayesha Vanelise Trevino! " bungad niya sa akin. Napangiti ako at lumapit sa kaniya para yakapin at magpasalamat na rin sa kaniya.

" Sorry, tito. Hindi po sumama si Daddy. " malungkot na sabi ko.

" Huh? Bakit daw? " takang tanong niya.

" Ewan ko po eh. " saad ko.

May ngisi na dumaan sa labi nito ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Natural na iyon sa dugo ng  mag amang Valencia.

" Hayst. Hayaan mo na lang muna ang daddy mo. Halika muna rito sa loob at may ipapakita ako sa'yo. " anyaya nito at inakay ako papasok sa loob ng bahay nila.

Pagkapasok namin ay nagulat ako sa biglaang pagsigaw nila.

" ADVANCE HAPPY BIRTHDAY, AYESHA! " sigawan ng lahat ng narito sa bahay nila tito Tim.

Kasama na doon si Daddy na malawak ang ngiti, nakahawak ng baloon. Yung iba ay nagpaputok ng confetti.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking papalapit sa akin. Nakahawak ng cake. Nakangiti ito sa akin habang namumungay ang mga mata.

" Advance Happy Birthday, Yesh. " he greeted me huskily.

" Thank You. " saad ko.

Ngumiti ito sa akin. Si dad at si tito Tim ay lumapit sa amin. Nakangiting pareho.

" Make a wish, 'nak. " magiliw na sabi ni Dad.

Malawak ang mga ngiti nito sa akin. Si Tyler ay titig na titig sa akin kaya naman hindi ko maiwasang mailang at iniwas ko na lamang sa kaniya ang tingin.

*As I said. Wala na akong ibang hiling pa kundi ang maging masaya kami ni Dad.

At kung ngayon ma'y tutuparin ang kahilingan ko, I wish, for my dad's long life*.

Hinipan ko ang kandila matapos kong isatinig sa aking kaisipan ang kahilingan ko para sa aking ama.

Thank You for reading! Hope you like it!

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play