Chapter 2

"Ano na naman ang kailangan no kay Kara, ha, Sun Woo?" sabat ng kanyang kaibigan na si Sol. Napasulyap din ito sa tatlong barkada na binatilyo na puro rin matangkad. Napalibutan sila ng mga ito. Nakangisi pa ang mga itong tila excited na nanonood sa susunod na mangyayaring eksena sa pagitan nila ng chinito.

"Bakit mo hindi binasa 'yong ibinigay ko sa 'yo?" baling ni Sun Woo sa kanya na hindi man lang pinansin ang kanyang kaibigang si Sol. Halatang hindi nga ito interesadong makipag-usap kay Sol. 'Sabagay, siya naman ang paborito nitong kulitin kasi. At ewan niya kung bakit. She might never know 'til she dies.

Ipinakita pa niya rito ang pinunit niyang papel na nasa kamay niya. "Ah, ito ba?" Itinapon niya iyon sa mukha nito. "Ayan, ibinalik yo s 'yo."

Nagkalat tuloy ang piraso ng papel sa sahig na gawa sa cream-colored tiles.

Napatawa si Sol na tinakpan ang bibig. Pero hindi man lang natinag ang binata sa kanyang ginawa. Napatawa lang ito ng mapakla. Napatingin ito saglit sa mga kaibigan habang lumalabas na ang iba nilang mga kaklase at pinabayaan na sila roon sa loob. Alam naman kasi ng mga ito ang bad blood sa pagitan nila Sun Woo noon pa man.

Tatalikod na naman sana si Kara ng pigilan siya ng lalaki sa kamay. Lalong sumingkit ang chinito nitong mga mata. Half-Filipino at half-Korean ang lalaki. Isang Korean-national ang ama nitong businessman at Pinay naman ang ina nitong dating stage actress at hindi raw kasikatan. Hindi nga nila kilala ito, e.

Sun-Woo was tall kaya napaangat siya ng tingin dito. Napahanga man siya sa pisikal na anyo nito at kakayahan simula pa noong first year nila ng junior high ay hindi naman niya gusto ang ugali nito lalo na at parati siya nitong binu-bully. Sa loob man o labas ng campus.

Ang lalo pang ikinaiinis niya ay magaling itong tumayming. Hindi maniniwala ang mga teacher nila kapag magsusumbong sila ng kaibigan dahil magalang naman ito at palabiro. Wala siyang nakuouhang ebidensya laban dito. Isa pa, isa sa mga regular donors sa eskuwelahan nila ang mayamang pamilya ng lalaki. Kaya talo talaga siya palagi. And she just endured and fought it all these years. Wala rin naman talaga siyang magagawa kundi ang harapin lang ang hurdles niya sa buhay.

"Saan ka pupunta?" tanong ng binata sa kanya.

"C.A.T. Saan pa? Kung ayaw mong mag-training, bahala ka sa buhay mo!" Binawi pa niya ang kanyang kamay.

Isa siyang platoon leader, officer ng C.A.T., samantalang ang mga athletes ay may option na mag-undergo ng training o hindi at depende kung may laro ang mga ito o wala.

Bago pa niya nalaman ang nangyari ay may na may superglue na ang kanyang kamay nang binitawan ito ng lalaki. Ngumisi pa ito sa kanya nang nandilat ang mga mata sa nakadikit na papel sa kamay niya.

Tumawa pa ang mga kabarkada nito na hinila ang binata palabas ng classroom.

"Han Sun Woo! Baliw ka!" galit na sigaw niya sa lalaki.

Mabilis na nagtaas-baba ang kanyang dibdib sa inis. Napapikit pa siya ng mga mata.

Alala namang tinignan ng kaibigan ang kanyang kamay. Ang hirap pa namang tanggalin ng superglue. Paulit-ulit niyang minura ang lalaki. Wala siyang pakialam kung maging litanya na niya ito.

Huwag kang mag-alala BFF. I'll surf the net to search on how to remove it," anitong sabay hugot ng tablet at nagse-search kaagad sa internet. Peri naglalakad na sila patungo sa traning ground.

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play