Remeber Me
"Isang araw na lang matatawag ka nang Mrs. Zaragosa." Masayang sabi ni Kris saakin sabay halik sa tuktuk nang ulo ko habang ako naman ay mas sinisiksik ang mukha sa leeg niya.With his embrace I feel secured and love. Kaya gustong gusto ko pag niyayakap niya ako. “And I can't wait that to happen. Ang tagal naman mag umaga!" Maktol nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap saakin.
Nandito kasi kami sa garden nang hotel kung saan ang reception pagkatapos nang kasal bukas na nakaupo dito sa gazebo nila. Ang isang to kasi gusto daw makita ako ngayon dahil namimiss daw niya ako kasi isang area kaming hindi nagkita. Bawal kasi daw magkita kami dahil baka di matuloy ang kasal. But for us di kami naniniwala doon dahil higit pa sa pamahiin ang pagmamahalan namin.
"Ako rin di na makaintay hanggang bukas." Sabi ko na nakanguso. "Gusto ka nang matawag na Mrs. Khristian John Zaragosa." Humagikgik ito sa naging tugon ko. He kiss my temple. Humiwalay ito sa pagkakayakap saakin at tinignan ako nang seryoso sa mga mata.
"Gusto mo pakasal na tayo ngayon agad agad? Ha? Ha? Ha?" Tanong niya while wiggling his eyebrows and I giggle as he tickled me on my waist.
"Kris ano ba!" Saway ko habang tumatawa. Tumatawa rin ito habang kinikiliti pa rin ako. And after seconds he stop and kiss my forehead.
"Pero seryoso baby. Gusto mo ngayon na tayo magpakasal?" My forehead knotted because of what he said. Hindi pa ako nakarecover nang nilabas niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya at may dinial doon. Tumayo ito habang nasa tenga niya ang cellphone at may kausap na.
Napanguso ako dahil bigla bigla lang itong nag-alok nang kasal ngayon na dapat bukas pa. Akala ko magseseryoso siya pero parang hindi dahil busy siya sa kausap niya sa cellphone.
Umabot ang ilang minuto ay umupo ulit siya tabi ko at tinago ang cellphone sa bulsa niya. Nang nakaupo na siya ay mas tinulis ko pa ang nguso ko while crossing my two arms in my chest. Ang tingin ko ay nasa harapan ko lang.
Tumawa ito sabay akbay at halik sa sentido ko. "Nagtatampo ang baby ko, hmm?" Malambing niyang tanong saakin.
"Eh sino kasi yang tinatawagan mo at ang tagal niyong matapos mag-usap? May paalok-alok ka pang ngayon tayo ikakasal pero di pa ako nakasagot may kausap na ka nang iba sa cellphone mo? Mabuti pang di na lang tayo ikasal bukas kas—" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ang labi ko dahilan para pumula ang pisngi ko.
I heard him chuckled. "I'm busy contacting our witnesses and the person who will marry us." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
Seryoso talaga siya sa alok niya?
"Look, Laikah. I can't wait tomorrow to be your husband." He chuckled again. "Can you still say I do even if we have some rehearsal tonight for our wedding tomorrow?" He said with so much sincerity and determinations. And pleaded eyes.
"What do you mean? I can't understand you?"
He pinch my right cheek. "Your so cute baby." Nakangiting tugon niya. "Ang gusto ko kasi baby na mag rehearse tayo nang vows natin para bukas at nang I do natin. Tska para mas makakatuhanan ay dapat may witnesses kahit dalawa lang. At may pari kunwari at higit sa lahat may marriage contract....kunwari, tapos isipin na lang natin na kunwari kasal natin hehe." Nahihiyang sabi niya sabay kamot sa nape niya at iwas nang tingin saakin.
Ang cute nang soon-to-be-husband ko kapag nahihiya
Di ko mapigilang mapangiti sa inasal niya. "Ang cute cute cute cute nang baby damulag kooo." Pinanggigilan ko ang dalawang pisngi niya.
"Aray baby!" Reklamo niya pero alam ko na gusto niya rin yung ginawa ko. "So ano na, baby? Payag ka ba?" Binigyan ko siya nang isang malaking ngiti na kita pati gilagid ko ay kita habang tumatango. Biglang nag liwanag ang mukha niya at nagtatapon talon sa saya. Kala mo nanalo sa lotto. Mas OA nga ang reaksiyon niya ngayon kaysa nung nagpropose siya saakin last year at nag yes ako kala mo naman na kasal namin ngayon eh bukas pa naman.
"Walang bawian baby ha?" Paninigurado niya.
"Pero bakulaw ko!" Ngumuso ko.
Umupo ito ulit sa tabi ko. “Bakit amazona ko." Lambing niyang tugon. Sabay hawak sa isa kong kamay at halik sa likod nang palad ko. I really love how he always do that. I found it sweet and cute.
Oh God! How I love this man! I can't imagine without him in my life.
"Magpapakasal tayo ngayon pero ito ang damit ko." Pagsusumbong ko. He laugh of what I said.
"Don't worry babyloves. You're still pretty."
Mas ngumuso ako. "Ehhh ang pangit nang suot ko!! May ikakasal bang nakaterno na barbie? Baks! Bihis muna ako nang damit na maganda! Kahit naka dress lang—" he cut me off by putting his index finger in my lips.
"Don't worry baby! Boy scout to!" Tinuro niya pa ang sarili niya gamit ang thumb niya na parang proud na proud. "Nagpadala na ako sa isa sa witness natin baby girl."
"Talaga?" Pagsisiguro ko.
"Oo naman! Gusto ko bang magmukhang katawa tawa ang baby ko sa wedding day 'kunwari' natin?"
Tumatalon talon ako sabay yakap sa kanya. "I love you baby!!" Masayang tugon ko.
Hinalikan niya ang tuktok nang ulo ko habang mas hinigpitan ang yakap niya saakin. "I love you more baby. I can't imagine my life without you. You’re my life diba?." My heart melted as he say those words. I smile because of his word that touches my heart and my soul.
"Oh bakit may yakapan na? Akala ko ba magrerehearse lang nang kasal? Bakit may yakapan na dito?" Singit nang isang matinis na tinig.
"Love, let them be." Saway na man nang isang baritonong boses. At nang makalapit na ito sa babae ay nilagay niya ang braso sa bewang nang babae sabay halik sa sentido nito.
"Ang epal niyo Stella!" Maktol ni Kris sa asawa nang kuya niya, which is my twin sister — Stelameah Vistar Zaragosa.
"Ikaw naman chansing! Hoy Khristian! Bukas pa kasal niyo kaya magtimpi ka diyan! Shoo!" Natawa na lang ako sa naging reaksiyon ni Kris nang itaboy siya ni ate S.
"Alam mo Stella ikaw kasi di na kailangan nang chasingin si kuya kasi nakascore ka na! Ebidensiya oh!" Turo niya sa tiyan ni ate S na may maliit na umbok. 3 months na kasi ang tiyan niya.
"Kung nakaturo to oh!" Tinuro niya rin ito. "Ano ako tae? Labs oh!" Sumbong niya sa asawa niya na nakanguso sabay yakap dito.
"Kris." Sabi nito naa may pagbabanta kaya binelatan siya ni Ate S habang nakayap sa bewang nang asawa.
"Waaahhh!! Babyloves!" Lumapit saakin si Kris saakin with open arms na parang gustong magpayakap saakin. Nang naka lapit na siya ay yumakap talaga siya saakin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. "Inaaway nila ako." Parang batang sumbong niya saakin.
Hinagod ko ang likod niya. From his back head down to his back, back and forth. "Kawawa naman ang baby bakulaw kooo."
"Oo nga! Kawawa ako babyloves! Dapat awayin mo din sila!" Sabay padyak sa paa niya.
"Ang OA nito! Oh ano na? Di na tayo magrerehearse?" Bigla na lang bumitaw si Kris sa pagkakayakap saakin na para bang di siya nangtantrums kanina.
Ngumiti ito na kita ang gilagid. "Tara na— Aray!" Binatukan kasi siya agad ni Ate S. "Sadista ka talaga no!?" Singhal niya dito.
"Anong tara ang sinasabi mo? Nagbibihis pa diba kayo dahil kasal niyo 'kunwari'?"
"Ay! Oo nga pala! Oh Ste! San nayong white dress na pinakuha ko sayo?" Linahad niya ang palad niya kay Ate S. "Bilis!"
"Wow? Atat lang? Oh ito oh!" Inabot ni ate S ang isang paper bag na hawak hawak ni kuya X kanina. “Saksak mo sa bilbil mo!”
"Excuse me! Wala akong bilbil no! Abs meron! But by the way, salamat Ste!" Ninabot din ito ni Kris at binigay saakin. "Babyloves oh! Suot mo yan ha?"
"Pangit din kung hindi ko isuot Kris." Sarcastic kong tugon.
"Hahaha oo nga baby no?"
Pumunta muna kami ni ate S sa room na tinutuluyan nilang mag-asawa. Mag-asawa. Ang sarap naman pakinggan. Don't worry dadating di ako diyan.
Di ko mapigilang makaramdam nang excitement kahit pa rehearsal lang namin ito. Baliw talaga ang isang yun. Akala ko pa naman na pakakasalan niya talaga ako ngayong gabi yun pala magrerehearse lang pala kami para bukas. May pawitness witness at pari pari pa ang baliw.
"Your so beautiful baby." Nakangiting tugon ni ate S saakin. Nakaupo kasi ako sa vanity mirror habang siya nasa may likuran ko nakatayo.
"Syempre maganda ako kasi magkamukha tayo." Natatawang sabi ko.
"Yeah right!" She rolled her eyes. "Pero ako ang mas maganda hahahah."
"Wow ha? Nahiya naman ako." Sarcastic kong sabi.
"Dapat lang!" Proud niyang sabi. "Ako kaya ang dating crush ni Kris at mahal din ako sa dati mong crush which is my husband."
"Edi uwian na!" Pabiro akong tumayo sa kinauupuan ko. "May nanalo na kasi."
Tumawa lang ito sa ginawa ko. Nang makatayo na ako ay niyakap niya ako sa likuran ko habang nilagay niya ang baba sa balikat ko. "Pero seryoso Laikah. I'm so happy for you." Sabi niya na nakatingin doon sa salamin kung saan nakikita namin ang repliksiyon naming dalawa. I lean my head on his head.
"Ang OA ate S ha? Bukas pa ang kasal ko, kunwari palang ito ngayon." Natatawang sabi ko.
"Yeah. I know, I know, I know. I just can't help but feel happy for you. You already found your love of your life, your forever." She give me her sweetest smile. "At alam kong hindi ka sasaktan ni Kris. Maloko lang ang mokong na yun pero alam kong mahal na mahal ka niya. Marami man siyang naging babae noon pero sayo pa rin siya babalik. Your not his first but you are his last. And that is the most important thing."
"Thank you ate S! I love you." Sabay halik sa pisngi niya kahit pa naka back hug pa rin ito saakin.
"And I love you too, baby." Sabay halik din saaking pisngi.
Nilagyan lang ako ni ate S nang flower crown which is white roses ang design. She also put light make up that will enhance my simple beauty while wearing a simple white dress na top puff sleeve drawstrings and bottomdown peplum skirt. At ang nakakatawa dahil may bouquet of white flowers pa. Di naman masiyadong bongga na bouquet. Yung tipong simple lang pero elegant. Pang bride's maid kungbaga.
Natawa rin ako sa naging arrangement nang garden dahil may red carpet na at sa dulo nang red carpet ay nandoon nakatayo si Kris wearing his long sleeve white polo and brown short sa tabi niya ay si Kuya X at sa gitna may isang matandang lalaki na nakasuot nang pangpari na makikita mong parang nasali lang siya sa kabaliawan ni Kris dahil sa parang di ito comportable.
Sa parang may altar naman ay may artificial falls doon na kasali na sa landscape nang garden. May arko pa doon na dulo pati na rin sa entrada na may nakalagay na white curtains tapos sa bawat gilid nang red carpet ay may mga bulaklak at puting tela na parang nakakapit sa bawat bulaklak.
Natawa na lang ako sa pinaggagawa ni Kris dahil pinaghandaan niya talaga ang sinasabi niyang kasal kunwari namin.
"Wow ha? Rehearsal pala to Kris? Parang nagpaprivate wedding ka lang dito sa garden ha!" Pang aasar ni Ate S kay Kris nang nakarating na kami dito sa garden.
"Paki mo ba Ste! Inggit ka lang!" Sagot naman ni Kris. Nang nakalapit na ang dalawang magkapatid saaming magkakapatid ay hinalikan agad ako ni Kris sa noo ko pati na rin si Kuya X kay ate S.
"Ready na baby?" Nakangiting tanong ni Kris.
"I'm born ready!"
"That's my baby! By the way baby, this is Mang Doming, hardeniro dito siya ang magiging pari natin ngayon, hehe." Pakilala ni Kris doon sa matandang lalaking nakasuot nang pang pari. Not totally na na pang pari kasi naka white polo at black slacks at may dala pang Bible.
"Hello po mang Doming!"
“Hilo rin, hija. Ikaw ba si Laikah? Mapapangasawa nang batang to?” Tumango ako na nakangiti sa tanong ni Mang Doming. “Ahh kaya pala hindi nakapag-antay ang batang ito dahil an—” di na natapos ni Mang Doming sa sasabihin niya dahil tinakpan na ni Kris ang bibig niya gamit ang palad niya.
“Mang Doming, wag na puro satsat! Para matapos na.” Sabi nito habang nasa bibig pa rin ni Mang Doming ang kamay niya. “Okay! Lets start na!” Sabay hila kay Mang Doming papunta sa may altar na nakaakbay dito.
Nang nakapwesto na sila sa altar ay puwesto na rin ako sa likod nang arko na may curtina dito sa entrada. Ate Stella pull the hem of the curtain kaya di ko na nakita nakita ang altar dahil ang kaharap ko na ay ang curtina.
As the music starts I took a deep breath and pushed aside the curtain revealing me to them, and there I saw my soon-to-be-husband standing edge of the red carpet. Smiling while standing in the altar waiting for me.
I don’t know why but I feel nervous yet feel excitement as the same time even if I know this is just a rehearsal where Kris initiate. As I walk in the aisle my tears can’t help but falls on my cheeks.
Ang OA ma Laikah! It just a rehearsal and you are crying for pete’s seek!
Rehearsal lang ito Laikah! Practice bakit nenerbyos ka diyan? Its no thing right?
Hindi rin nawala saakin ang pag simpleng pagpunas niya sa luha niya. Ang OA talaga namin kala mo naman totoong ikakasal na kami.
Nang nakarating na ako sa altar ay inabot ni Kris ang kamay ko kaya naramdaman ko ang panginginig nang kamay niya. Ang tingin ko na galing sa kamay niya na inaabot ang kamay ko ay unti unti kong inangat para tignan ang mukha niya. He is smiling at me genuinely, his teary eyes look at me with so much love.
“I, Khristian John Zaragosa, standing in front of you—” he started but I wasn’t able to hear clearly what he is saying dahil may nabibingi ako sa lakas nang kabog nang puso ko.
Ganito pala ang pakiramdam na ikakasal. Grabe nakakakaba. Di pa nga kasal namin pero grabe ang kaba ko. Pano na kaya bukas na totoong kasal talaga namin? Oh! I can’t wait that to happen.
“—no matter what happen, always remember that I love you so so so much. I can’t trade this with anything in this world. My heart will always find you wherever you are.” He hold my right hand and put on his chest. I could feel his heartbeat so fast. “Because my heart always remember you. I love you baby.” He kiss my forehead and I found this gesture sweet and respected. After that he put a ring on my ring finger. “Take this ring as a symbol of my love for you.” I’m so touch as he put the ring in my ring finger because that ring is the ring that I’m dreaming. Its simple but it captivated me. Ang iniexpect ko kasi na singsing dito ay laruan o di kaya walang singsing but Kris as being Kris he gave me Tiffany and Co ring. Yeah mahal nga ito cost a million. Di naman ako materialistic na tao ok na saakin kung ang price nang ibinigay mo saakin ay peso masaya na ako doon basta galing sa puso. But there is something on this ring that I can’t resist.
“Pano ko ilalagay ang singsing natin bukas eh may singsing na diyan?” Natatawang komento.
He murmured something pero di ko marinig.
“Tss. Basta isuot mo yan! Wag mong tatanggalin as long as hindi ako ang magtatangal! Dami pang sinasabi. Sige na. Ikaw naman. Gandahan mo ang vows mo ha yung pangMMK! Oppss wala na palang MMK!” natawa na lang kami. Baliw talaga!
“I Stelaikah Vistar, standing in front of you telling how lucky I’ am to have you in my life. I don’t know my life without you Kris. I can’t promise to stay with you throughout your hard times or in your milestone but I will do my best to be in your side no matter what happens aalis lang ako sa buhay mo kung ikaw na mismo ang mag—”
“—and that would never happen baby.” He cut me off by his sweet words that melted my heart. Again. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkotan doon nang binanggit ko ang mga salitang iyon. Lagi kasi itong nasasaktan o di kaya nalunlungkot kapag feeling niya I doubted his love for me.
I smile sweetly at him. “Yeah. Yeah. Yeah. Pero. Pero lang naman. Kung mangyayari yun, gagawa ako nang paraan na hindi mo ako aalisin sa buhay mo.”
“Tss. Okay.” Walang gana niyang tugon. “Kung iiwan kita at sasaktan. Tandaan mo na lagi iyong may dahilan. At kung feeling mo masakit na masiyado.” Pumikit muna ito na mukhang di kaya ang sasabihin. “Iwan mo ako para di na kita masaktan pa. Pero sana, baby di na tayo humantong doon.” Ngumiti ito nang mapait saakin. Kita ko na disgusto siya sa sinasabi niya. Alam ko naman na di niya ako iiwan. At alam ko rin ngayon ay masama ang loob niya saakin dahil sa sinabi ko.
“Alam ko.” Nakangiting sabi ko. “Ikaw pa? Hindi mo kaya ako kayang iwan. Mahal mo kasi ako ata mahal di kita.” Pang-uuto ko para di na magtampo pa ang JS ag to. Mahirap na. Magtantrums pa ito dito. Isip bata pa naman ito.
“Mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan ha?” Ngumiti ito saakin nang matamis kaya sinuklian ko rin ito nang matamis ngiti.
Tumikhim si Mang Doming kaya nakuha niya ang atensiyon naming dalawa. “Gusto niyo pa bang makarinig nang husband and wif—“ Kris cut him off.
“O sige na Mang Doming! Hahaha Mang Doming.” Tumawa ito na parang siya lang ang nakakaalam nang joke kaya sinamahan lang siya ni Mang Doming si Kris kaya ngumisi na lang ito at nag peace sign.
“Kris, do you take—”
“I do!”
“Hoy OA mo Kris di pa tapos si Mang Doming! Wag mong sabihin bukas I do ka kaagad di pa natatapos ang pari!” Siway naman nang kakambal ko.
“Alam mo panira ka talaga!” Reklamo ni Kris kay Ate S.
“Laikah, do you take Kris as your—”
“I DO!!” Malakas na sigaw.
“Wow! Bingi lang kami dito baby Laik?” Singit ulit ni Ate S.
“Love, she is just happy. Let her be.” Saway ni Kuya X sa asawa.
“On the power that vested on me, I now pronounce you. Husband and wife. You may now kiss the bride.” Unti unting nilapit ni Kris ang mukha niya saakin hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Its just a simple kiss but full of love.
Dinikit niya ang noo sa noo ko. “I love you baby. Oh God! How can I live without you in my life.” I just gave him my sweetest smile on him.
“I love you too.”
May pinirmahan kami ni Kris pati na rin sila Ate S as witness daw. Nakakatawa nga kasi puro reklamo si Ate S kesyo ma ganyan ganyan pa daw at ang daming OA pa daw ni Kris. But I know deep inside she is happy because she know how Khristian John Zaragosa madly inlove with her twin sister.
"Are you ready baby?" Tanong saakin ni ate Stella. Today is the day! Our wedding day!
Nandito kami ngayon ni Ate S sa room ko para makeupan na dahil mamaya ay may pictorial pa. And its already 3pm kasi 5pm magstastart ang kasal.
"I'm nervous ate" sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Iba kasi ang nararamdaman ko ngayon kaysa nung kahapon.
Parang may iba. Dahil ba ngayon ang kasal at iba yung kahapon kaya ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon?
"Ganya talaga yan baby, yan din ang naramdaman ko nung kasal namin ng kuya Xester mo." Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya sabay yakap.
"I'm so happy kasi nandito ka sa wedding day ko ate." Maiyak-iyak kong tugon. I thought kasi na di na siya makaka attend nang wedding ko dahil sa isang trahedyang hanggang ngayon ay di ko pa rin iniexpect at na paniwalang nangyari.
"Shhh...Don't cry baby. Its your special day. Masisira ang make up mo. Baka pumanget ka. Hindi na itutuloy ni Kris ang pagpapakasal sayo." tumawa ako sa sinabi ni ate Stella. She really knows how to move Mountain with her words.
"Thank you kasi lumalaban ka ate." Tanging saad ko sabay kawalas sa pagkakayakap sa kanya para tignan ang mukha niya
She smiled "I love you baby. No matter what happen you still my baby."
"Oh I'm so happy because our baby is marrying the man she loves" sabi ni mama nang makapasok na siya sa dressing room.
"Mama!" Sigaw ko sabay tayo at yakap sa kanya "I'm still your baby right?" Panglalambing ko.
"Of course! Your still baby for mama!"
"Love you ma!" I kiss her cheeks and she giggle.
"Love you too baby!" Habang yakap yakap pa rin ako. Yumakap na rin si ate saamin.
"Oyy ano yan! Ako rin sali" sabay takbo sa gawi namin at yakap ni papa saaming tatlo. “Ohh my princesses and my queen" saad ni papa "I'm so happy because we are complete on the special day of our baby princess."
"Me too pa!" Saad ko "I'm so happy! Sana lagi na lang ganito." Masayang tugon ko.
"I hope so baby" sabi ni papa pero magkayakap pa rin kami.
Ring..ring..ring
Kumiwalas si ate sa pagyayakapan naming magpamilya nang tumunog ang cellphone niya.
"Xester is calling" sabi niya saamin na may matamis na ngiti.
"Sus! Ate S kinikilig! Tumeteenager! Sagutin mo na yan baka magtampo ang bf este asawa mo." Pang aasar ko. Kaya napatawa sila mama at papa. Sinagot na ni Ate S ang tawag ni Kuya Xester doon sa veranda.
“How you feel right now baby?” Nakangiting tanong ni mama nang nakaupo na kami sa kama.
“Hindi ko alam mama. Kasi po kinakabahan ako na na di ko maipaliwanag.”
“Its normal baby. Kami nga nang mama mo kahit kinasal kaming dalawang beses kinabahan pa rin nga ako.” Sagot naman ni papa.
“Eh kasi tarantado ka!” Segunda ni mama sa sinagot ni papa.
Nakasimangot na lang si papa sa naging tugon ni mama. “Ano ba yan ma! Past is past! Never discuss!” Reklamo ni papa. “At tska! Debut nang baby natin ngayon!”
“Pa! Anong debut? Its my wedding day!” Apila ko sa sinabi ni papa.
“Joke lang baby! Alam ko! Ako pa ba!?” I just pouted my lips. He kiss my forehead. “But even if your married, kayong dalawa nang kakambal mo. Your still our baby ha?”
“Oo naman pa! Ikaw kaya ang first man in our life and we love you so much—” hindi natapos ang sasabihin ko dahil biglang pumasok si Ate S galing veranda na parang di maipinta ang mukha. “Oh anong nangyari sa mukha mo Ate S? Parang di maipinta.” Natatawang sabi ko.
“Ah-mm, Laikah.” Di ko alam pero biglang kumalabog ang dibdib ko sa paraan nang pagtawag ni Ate S sa pangalan ko. Para kasing may sasabihin siyang di kaaya aya.
“B-bakit Ate S?” Nauutal na tanong ko.
“Oh my goodness! How can I say this!” She murmured. She looks frustrated dahil napahilamos pa siya sa kanyang mukha gamit ang palad niya.
“Ate S ano pala ang nangyayari? Pinakakaba mo ako.”
“L-Laikah, ano...ano kasi.”
“C’mon Ate S. Tell me. Ano pala yan?”
“Laikah, si...si Kris kasi...” hirap na hirap niyang sabi kaya mas lalo akong kinabahan lalo nang binanggit niya ang pangalan nang lalaking mahal ko.
“Ate ano ba!” Frustrated kong sigaw.
“Kris is in the hospital.” Nung sinabi yun ni Ate S ay parang gumuho ang mundo ko. My knees weaken at napaulo ulit ako sa kama.
“W-what? I-I can’t get it.” Di ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko.
Bakit siya na hospital? He is with me yesterday night! Looking healthy and good man. Paanong? Paano nangyari yun?
“Xester can’t find Kris in his room earlier kaya hinanap siya ni Xester—”
“— then why Kuya X did not call us na nawawala pala si Kris!?” Di ko mapigilang napasigaw habang dumadaloy pa rin ang luha sa pisngi ko.
“He only thought that, that, I mean na... baka lumabas lang. At tska ayaw niyang ipaalam pa dahil baka mareact ka kaagad. And he found K-Kris....” humagulhol si Ate S. Na parang ang hirap hirap sabihin ang dapat niyang sabihin saakin.
“Stella what happened? Tell us, baby, please.” Nag-aalalang sabi ni papa habang dinadaluhan niya si Ate S habang si mama naman ay saakin.
“H-he saw Kris...lying on the floor and.... blood. His own blood.” Sabi niya sabay hagulhol.
“W-what?” My voice trembling with the force of my emotions. Di pa sumisink in saakin ang sinabi ni Ate S.
I was with him yesterday ang both of us are so happy tapos ito ang sasalubong saakin na balita? Lying on the floor with his blood? Bakit siya nakahandusay at nakahiga sa sariling dugo dito mismo sa loob nang hotel nila Kris?
I laugh of what Ate S said. “A-ate S...ang epic nang..nang joke mo! W-wag ganyan!” I said while tears are still flowing on cheeks.
Umiling si Ate S. “I-I’m not k-kidding around, Laikah.” Glazing at me through tears filled eyes.
Tiningala ako sa kesame para pigilan ang luha ko but my tears doesn’t cooperate. “And what do you mean, he is lying with his own blood ate!?” I shouted with so much frustrations.
Sasagot na sana si ate kaya lang biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si Ate G. As she enter on our room she immediately run towards me and hug me tight while crying. “He will be fine, Laikah. Tiwala lang kay Kris. He don’t want to miss his special day— Marrying you.”
We went to the hospital where Kris being confined. And as we arrived on the hospital, Kris is still on the operating room reason why I almost fainted because I cannot imagine hi on that room. Fighting his life. What if he can’t made it? What if he will leave me? What if!? I cannot lost him! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
Days passed, weeks and month but Kris still unconscious. According to the doctor, its normal to the patient since he suffer severe head injures. Sa ulo niya kasi ang mas napuruhan.
And those past weeks and month we still investigating who is behind of it and we know Kuya Victor do his best on it.
Fire extinguisher is the object being used by the culprit. And according to Kuya Victor’s investigations. The culprit really aim, Kris’ head. So far, wala pang nakitang motibo kung bakit may gumawa nun kay Kris dahil masiyadong malinis ang pagkagawa. No trace, according to kuya Victor. But on his own analyze, kilala ito ni Kris. Yun palang ang binigay ni Kuya Victor saamin tungkol sa kaso ni Kris. And according to him madali lang malaman kung sino ang nasa likod nito oras na magising si Kris.
“Baby...please, wake up na. Magpapakasal pa tayo.” I’m holding his right hand while kissing and whispering. “I love you.” I whisper.
Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako doon lang ako naalimpungatan nang may parang may gumalaw. Kinusot ko ang mga mata ko bago ko ito minulat nang pagkamulat ko ay tumambad saakin ang naguguluhan mukha ni Kris dahilan para mapabalikwas ako sa kinahihigaan ko.
“K-Kris.” Tawag ko sa kanya na hanggang ngayon ay di makapaniwala. “Oh my God! Your awake baby!!” Dahil sa saya ko ay niyakap ko siya agad habang may luhang tumutulo sa mga mata ko. “I-I t-thought...I thought, I’m gonna lost you.” Hinawakan niya ang braso ko upang bigyan kaming dalawa nang distansiya sa isa’t isa. I wipe my tears away and look at him and smile. “Teka lang baby, tatawag muna ako nang doctor.”
Lumabas ako sa kwarto ni Kris para tumawag nang doctor. Habang inexamine si Kris ay tinawagan ko sila Ate S at sinabing gising na si Kris kaya mga ilang minuto ay nakarating na sila. Wala sila mama dahil may emergency meeting sa company.
When the doctor stepped out on Kris’ room I immediately walk towards him.
“Doc. Suarez, ok na po ba siya?” Bungad ko sa kanya.
“I already check him and thank God he responsed easily on my test. But, I remind you, don’t let him stress that might trigger him. And if you observe something with him just call me. Especially, he had severe head injuries.”
“Ok po Doc. Thank you po.”
Nang umalis na si Doctor Suarez ay pumasok na kami nila Ate S. Tumabi agad ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya pero laking gulat ko nang bawian niya a ng kamay niya saakin.
“B-baby?” I called him with little shock on what he did. Hindi siya ganoon eh. Kris would never do that, in fact he love holding my hand especially I’m the one who initiate it. “A-ah, ano..how you feel right now?” Pang-iiba ko. But he just look at me with question mark and puzzle expression.
“Who are you?”
Who are you....
I can’t imagine with just this three words can weaken my knees. Napahawak ako sa gilid nang hospital bed ni Kris para alalayan ang sarili ko. Dali dali ring pumunta si Kuya X saakin para daluhan ako.
Who I’m I?
I’m your life Kris.
But after this I don’t know if I’m still your life.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments