Three Jers,One Chic, And Me
Haley's p.o.v.
Mahimbing akong natutulog sa malambot kong kama. Bugbog ang aking katawan dahil kakaensanyo ng martial arts kahapon. Self taught lng iyon dahil kung mag-e-enroll pa ako ay kailangan ko pang gumastos eh, mayroon naman sa internet na tutorials kung paano matutunan ang mga `yon.
"Haley!" Malakas na tawag ng ina ko nang ang pinto ng kwarto ko.
Bumalikwas ako sa kama dahil sa pagkagulat.
"Ano pang ginagawa mo riyan?! Tanghali na! Naku, ikaw talagang bata ka!"
Kinamot ko ang aking ulo at dahan-dahang tumayo. Tiningnan ko ang orasan na nasa pader at inis na bumuntong-hininga, "ma! Hindi pa naman tanghali ang 7 o'clock!" Reklamo ko nang makalingon ako sa kanya.lalong nagdikit ang mga kilay niya, kaya lumunok ako ng sariling laway at dali-daling lumabas ng kwarto. "Ito na nga po, eh."
Bumaba ako ng hagdan. Medyo sumasakit pa ang aking mga hita kaya medyo dinadahan-dahan ko lang ang paggalaw. House chores ang madalas kong gawin pag kagisng ng umaga. Kahit na nakakatamad kumilos ay kailangan kong gumalaw. Ang aabi kasi ni mama, babae raw ako kaya responsibility kong gawin ang mga trabahong iyon. Eh, kung maging lalaki kaya ako? Tingnan natin kung hindi pa rin niya ako uutusan.
Pumunta ako sa kusina noong makababa ako at nakasalubong ko ang aking ama na nagkakamot pa ng dibdib.
"Good morning, anak!" Nakangiti nitong bati nang maibaba ang kanyang kamay.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments