2

Dalawang araw na ata ang lumipas simula nang makita ko si Pader. Hindi ko din naman makita ang totoong account nya sa fb dahil sikat Pala ang lalaking to. Pero ang hindi ko inaasahan Bakit nandito ang mga church mate namin sa bahay?

"Oh nabuhay mga bulate mo sa Tian?" bulong sa akin ni kitty ng makita akong Naka tingin sa mga tao sa baba.

"Anong meron at nandito sila?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Bible Study daw dito sa bahay tsaka baka magpa ganda ka ah. Hindi makakarating dito si Kuya Jade alam mo na artista ang lalaki yun."

"Hindi ko tinatanong" pa irap kong sabi at dumiretso na sa Kwarto.

Doon na lang siguro ako sa loob ng Kwarto mag momokmok. Gamit ang Rpw account ko ay tinignan ko ang mga post ng mga fans ni Jade. Minsan naman ay Hindi ko maiwasan ang mapatawa kapag nababasa ang post ng iba na naghahanap ng jowa.

Congratulations to my baby Keneth Jade Vercide for the most attractive and handsome man worldwide.

Sya ang pinaka pogi? Weee? parang mas pogi pa yung no 2 ah. Nag hanap pa ako ng ibang article sa kanya. I was about to press the post where Jade was seen dating a non showbiz girl when my sister enter my room without knocking.

"Don't you know how to knock?" singhal ko sa kanya.

"Highblood ka?"  Naka pameywang na tanong nya

"Hindi, pero naasar ako sa Mukha mo kaya lumayas ka"

"Kahit sabihin ko pang nandito si Kuya J?"

"Andito eh busy nga yun sa date nya" bulong ko sa kawalan.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Tsaka ano bang pakialam ko kung nandito sya?"

"Wow ha! Ikaw na nga tong tinutulongan ikaw patong maarte?"

"Anong klaseng pag tulong ba ang sinasabi mo?"

"Napa punta ko dito si Jade na crush mo tsaka meron ding dalawang additional"

"Additional?"  pinag sasabi ng babaeng to?

"Oh mah gosh I forgot Manang ka pala, so you dont know anything about them"

"Alam mo kung mang iinis ka lang lumayas ka sa teritoryo ko"

"Fine."  Aalis na sana sya ng Bigla syang humarap sa akin.

"Yeah I forget, pinababa ka pala ni mama" 

Napa irap nalang ako sa kanya tsaka tumango.  Hindi na ako nag abala pang mag half bath o maligo man lang. Inayos ko lang ang buhok ko at nag palit ng damit.

Wala naman kasi talaga akong paki alam kong ano ang tingin sa akin ng mga tao. Pake ko sa kanila hindi naman sila ang nagpapa kain sa akin. Mabigat na mga hakbang ang ginawa ko habang bumababa.  Ngunit pababa na pababa ko ang una Kong nakita ay si Mr. Pader katabi ng dalawang lalaki.

Familiar sa akin ang lalaking nasa kanan nya.  Sya ata yung ranked no 2 sa nakita Kong post kanina.

"Ella mabuti naman at bumaba ka na. Tulongan mo ang kapatid mo doon sa kusina na maghanda ng meryenda.  Magsisimula na ang Bible study" bulong ni mama sa akin.

Sinulyapan ko muli ang mga bisita namin tsaka dumiretso sa kusina. Nagtitimpla ng juice si Kitty ng naka ngiti, naka drugs ba sya?

"Anong gagawin ko?"

"Hmmm prepare ka ng bread... Sarapan mo ah"

"Kailangan ko pa bang maghanda eh meron na namang tinapay dyan oh" turo ko sa slice bread

"Tanga lagyan mo kaya ng peanut butter"

"Wala naman tayong peanut butter ah" kunot noo Kong sabi

"Bumili si Mama kina Aling Mena kanina" kumuha sya ng baso para tikman ang juice tsaka nag thumbs up sa akin. Naka drugs na nga sya

"Yun lang ba?"

"So far yun lang naman. After that dumiretso kana dun para makinig OK. Nakakahiya sa crush mo" 

"Wala akong crush"

"Sabi ko nga wala kang CRUSH" Amputek bakit diniin ang salitang crush?

Umiling lang ako tsaka sinimulan lagyan ng peanut butter ang mga tinapay. Mukhang nag simula na din sila kaya naman binilis bilisan ko ang galaw ko para maka alis na dito sa kusina. Nasa panghuling tinapay na ako ng maramdaman kong may pumasok sa kusina. Baka si Kitty

"Hi miss, can I ask you a question?"

Halos mabitawan ko ang slice bread na aking hinahawakan ng marinig ko ang boses ng taong pumasok. Takte paano ko to sasagutin? Naputol ata ang dila eh.

"Miss?" 

Pumikit muna ako ng mariin bago ko sya hinarap ng dahan dahan. Mag hunos dili ka nga Ella.  Para kang tinutulis ngayon eh.

"Ano?" taray kong tanong sa kanya.

"Where i-"

"Hindi ako marunong umintindi ng English"

"Ella" tinignan ko naman ng nakakatakot si Kitty ng pumasok sa kusina. Ang daldal pa naman ng babaeng to baka kung anong masasamang salita ang sabihin neto.

"Kitty glad you're here, can is a-"

"Teka lang Kuya Jade ah mukhang tinawag ako ni mama eh" nagmamadali nyang sabi sabay kindat sa akin.

"Kitty" sigaw ko ngunit hindi na lumingon pang muli ang kapatid ko.

"Manghihingi lang sana ako ng tubig" he said using his husky voice. Dinaan ko nalang sa irap ang ilang ko ng tignan nya ako sa Mata.

"Teka lang kukuha ako" stricta Kong sabi

"Sorry sa disturb pero pwede kitang tulongan sa ginagawa mo"

"Hindi na"

Langya hindi man lang nag pumilit. Nanatili pa ako sa kusina ng ilang minuto bago naisipan na silipin sila mama. Kasalukuyang nakikinig sila ngayon sa preacher. Si Jade ay maiging nakikinig sa nasasalita samantalang ang dalawa nyang katabi ay busy sa pakikipag usap.

"Nak, buti naman at nakinig ka" Pagod na sabi ni Papa tsaka humalik sa aking noo.

"Pa, kamusta?" tanong ko habang kinuha ang dala nyang damit.

"Eto pagod sa trabaho, ilang weeks nalang siguro tapos na ang construction namin. Sana meron namang magpapa trabaho" 

"OK lang yan pa, ang layo pa eh advance ka namang mag isip"

Tumango lang sya sa akin tsaka sinabihan akong umupo na dun para makinig.  Dahil batid kong pagod si Papa hindi na ako nagdag dag pa ng salita dahil pagod nga sya. Naghanap nalang ako ng bakanteng upuan pero naka walong ikot na ako ng tingin but the only available space ay yung other side ni Jade.

"Hi,naghahanap ka ba ng upuan?" Bati nya ng nakita ako papunta sa direction nila.

"Obvious ba?" taray ko pa ding sagot.

Hindi na ako nagtanong pa dumiretso na ako ng upo. Nakikita ko pa din sa peripheral vision ko na pa minsan minsan ay sumusulyap sya sa akin

"Dba artista ka?" boryong tanong ko sa kanya. Inaantok ako eh.

"Pwede bang Sagutin ko nalang tanong mo mamaya?" Madali nyang Sabi

"Tss seryoso ang dali lang naman ng tanong ko Bakit Hindi mo nalang Sagutin?" I crossed my hands as I look at him.

"Oo"

"Yun lang ang trabaho mo?"

"Hindi"

"Palagi ka bang nagsisimba?"

"Oo"

"May balak kang mag jowa?"

"Hindi"

"Type mo ako?"

"Hindi"

Ouch ha!!!! Oo at Hindi na nga lang ang sagot nya hindi nya pa ako type??!!

"Buti kung ganon dahil hindi naman ako keyboard para-"

"Shhh mamaya ka na mag salita OK"

Fine.

Ngayon nga lang ako naging friendly tapos ma re reject ako?? Hah! He is just a freaking artist and I bet hindi sya ganon ka sikat...

"Ella tulongan mo ang kapatid mong mag serve ng snack"

Aishhh. Kakausapin ko pa si Jade eh.

"Ano ba naman yan Kitty hindi ako maka porma dahil sayo" inis kung bulong sa kanya.

"May pinopormahan ka? Sino?!"

"Wala ka na dun." 

Kinuha ko na sa kanya ang ibang pagkain at binigay sa bisita.  Impaktang to inunahan pa akong bigyan si Jade.

"Oh!"

"Bakit mo binibigay sa akin ang mga yan?"

"Ikaw na mag serve dyan.  May kakausapin ako"

"Ano? Anak ka ng pusit alam mo ba mahirap mag serve?"

"Cge na ngayon lng ako naghingi ng favor" binigay ko na sa kanya ng sapilitan ang mga pagkain tsaka sya iniwan.

"Oh tapos na, wag mong Sasabihin sa akin hindi mo pa din ako sasagutin?" umupo ako sa harap nya ng Naka taas ang kilay.

"Ano nga ang mga tanong mo?"

"Nakalimutan ko. Pero artista ka dba?"

"Oo"

"That means busy ka, paano mo na manage ang time mo?"

"What you mean?"

"Busy ka so paano ka nakakahanap ng time para pumunta dito?"

"Well I always make way for him. I do believe that i can't make and achieve what i want without him so what's the deal to have time with him"

"Kailangan ba talaga English sagot mo?"

"I'm sorry"

"You're unique"  kumento nya, Naka tingin sa juice na sobraang lamig.

"Why? Kanina kapa nakatitig sa juice, Hindi mo ba yan iinumin?"

"Kasi the first time na naka sama ko ang ibang taong dito ay naiilang sila sa akin. Kailangan pa ako ang mauna na kumausap sa kanila but you" Hindi Maka paniwala nyang sagot.

"Actually hindi ko alam na artista ka. Pero kung artista ka naman edi mabuti dba. Meron akong discount sa mga malls pag kasama kita"

"So you're going to use me?"

"Hahahaha slight lang naman pero dba kindatan mo lang mga sales lady baka meron kanang discount para maka libre na din ng pagkain." 

"Serioso ka?"

"Oo kaya nga gusto kitang kaibiganin dba?"

"Jade we need to go" sabat ng lalaking naka white shirt...

"Hi my name is Ella" I greeted him sexily.  The boy looked at me evily before surpassing an evil smile while looking at Jade.

"Aiden. Nice to meet you miss" Iaabot na sana ni Aiden ang kamay nya sa akin ngunit winaksi ni Jade iyon.

I just smirk at him.

"Chill bro, una na nga ako mamaya mapatay mo pa ako" iling-iling na sabi ni Aiden.

"What's  with that sudden move?" I ask raising a brow.

"Sa tingin ko sapat na ako para maka libre ka ng gastusin. You don't need to be friendly with another artist" 

Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play