Chapter 4 Evie' Training
Amber
“Miguel Martim is proven Not guilty! ” anunsyo ng lalaking nakatayo sa gilid ng judge na tatlong beses pinukpok ang mantel.
Tatlong taon akong naghintay para makulong ang taong nagpahirap at pumatay sa mga magulang ko.
Ngunit hindi ko inaasahang ganito ang kalalabasan ng tatlong taong paghihintay ko ay parang bulang naglaho lahat.
Oo at pitong taong gulang palamang ako ngunit ng dahil sa nangyari tatlong taon ang nakalipas ay sinikap kong mas intindihin ang lahat sa murang edad.
Napayuko ako ng maramdaman ang luhang nagbabadya na tuluyang tumulo ng yumuko ako at nagsimulang humikbi.
Umiiyak parin ako ng makalabas sa loob ng silid na iyon na hindi ibinigay sakin ang hustisya narararapat para sa akin.
“Amber” lumuhod ito upang magpantay ang aming mukha. Hinawakan nya ang mukha ko pinatingin sa kanyang mga mata.
Bumuntong hiniga at naawang naka tingin sakin. Patuloy parin ang pag daloy ng luha sa aking mata maging ang aking paghikbi ay walang tigil. “Amber, anak tahana alam kong matagal kang naghintay pero ang mga katulad ng martim na iyon ay hindi madaling ilagay sa likod ng preso.” bumuntong hininga syang muli.
“Bakit po?, hindi po makatao ang ginawa nya sa nanay at tatay ko bakit po hindi sya nakulong?” walang tigil ang pagagos ng luha ko at ang aking paghikbi.
“Dahil ang may perang katulad ko ay kayang bilhin ang kahit na sino kahit ikaw ay kaya kong bilhin.” napatingin ako sa likod ko ng marinig ang pamilyar na tinig “ Wag mo nang subukan pang kalabanin ako dahil mapera ako at madami akong koneksyon kumpara sayong paslit lamang HAHAHAHA” Tumawa ito ng nakakaloko at umalis.
Ang mga mata ko ay nakatingin parin sa dinaanan nya at mas lalo akong naiyak hindi porket mayaman sya ay nararapat syang makalaya mula sa kasalanang ginawa nya.
“Amber, halika na hayaan mo at mapaparusahan din ang demonyong martim na iyan, hindi pa man sa ngayon ay sa tamang panahon.” sabi ni papa na nakaluhod parin sa harapan ko.
Pinanood ko syang tumayo at hawakan ang kamay ko't tulungang maka sakay sa kotse nito.
“Papa” tawag ko dito ng makapasok sya sa sasakyan “Gusto kong maparusahan sya sa ginawa nya kila nanay at tatay, papa tutulungan mo po ako diba?” umaasang tanong ko.
Bumaksak ang balikat ko ng bumuntong hiniga sya ngunit agad ding nakiwanagan ng tumango ito.
“Hindi ko alam kung magugustuhan ng nanay at tatay mo ito, paniguradong maski ang mama mo ay magagalit dito, pero gusto kong matuto kang lumaban para sa sarili mo at sa karapatan mo bilang tao” aniya
Tinahak namin ang daang pamilyar samin kaya nakaramdam ako ng saya makikita ko ulit si ate evie.
Nang tumigil ang sasakyan ay ibinaba ako ni papa at tunakbo kung saan ang kwarto ni ate evie para lang muling bumagsak ang balikat ko dahil wala ito doon.
“Wala si evie dyan halika at dadalhin kita sa kanya. Panoodin natin sya” napalingon ako nang biglanv nagsalita si papa.
At hinawakan ang kamay nyang naka lahad naglakad kami papunta sa field kung tawagin nila dito.
Nang makarating kami ay namamangha akong nakatingin sa nga batang mas matatanda pakin ng ilang taon na mayhawak na mahabang kahoy.
Natuon naman ang mata ko kay ate evie na may hawak ding mahabang kahoy na nakatutok sa apat na lalaking mukhang kasing tanda nya.
“Papa si ate evie baka masaktan sya oh” tinuro ko ang direksyon kung saan ko sya nakikita pero ngumiti lang sya sakin.
“Hindi nila masasaktan si evie” aniya
“Bakit po?, eh apat po silang lalaki samantalang mag isa lang po si ate” nagaalalang tugon ko.
“Dahil magaling sa pakikipaglaban si evie sya ang pinaka magaling sa kanila, panoodin mo sya” muli nyang tinanaw ang direksyon ni evie binalik ko din doon ang tingin ko.
Namangha ako ng mabilis na sinalag ni evie ang mga palo nila. Sinalag nya ang isa gamit ang kahoy at hinila ang mula sa pagkakahawak ng bata ang kahoy inihampas dito.
Ngayon ay dalawa ang hawak nyang kahoy. Pinigilan nya ng isang kahoy na hahampas sa ulo nya ng sanggain nya iyon at hinampas ang likod ng tuhod nito naging dahilan para matumba ito.
Mabilis nya ring nasalag ang kahon ng isang bata at isa pa at sinipa sa dibdib ang nasa harap nya. Tinulak nya ang dalawang batang natitira.
At hinampas ang isa sa likod ng tuhod ganondin ang ginawa nya sa isa pa. Pinapanood na sya ng iba pa at isa isang sumugod patuloy naman sya sa pagsalag at pagsalo sa mga hampas nito at pinapalo sa likod ng tuhod.
Nang tumigil sya ay habol nya ang kanyang hininga habang nakamaang na namamangha akong nakatingin sa kanya.
“Ang galing nya papa, gusto ko din pong matuto non papa” hawak ko ang laylayan ng damit ni papa habang nakatingala dito.
“Ilang taon ding nag ensayo si evie amber. At kung gusto mo talaga ay si evie na ang magtuturo sa iyo” nakangiting saad nito ginulo ang buhok ko.
“Thank you po papa!” magiliw na ani ko.
“Amber, papa ano pong ginagawa nyo dito?” hindi ko namalayang nakalapit na si ate evie.
“Evie simula ngayon ay dito na Titira si amber, hanggang sa matuto syang makipaglaban at bukod kay Ornand ay ikaw ang mag tuturo sa kanya maaasahan ba kita?” lumuhod si papa para mapantayan kami.
“Opo!” agarang sagot nito.
“uuwi muna ako at kukuhain ko ang damit mo” tumingin sya sakin at bumuntong hiniga “Simula ngayon ay ito na ang bago mong tahanan, dito ka lalaki at dito mahahasa ang kakayahan mo”
Tumango ako bilang sagot nag paalam ito na aalis kaya naman hinila nako ni evie sa pwesto nya kanina ipinahawak ang isang kahoh.
“Ang tawag dito ay arnis, gamit ito matututo ka ding gumamit ng espada, at sa pagsapit ng mo ng ika sampong taong ay tuturuan ka kung pano gumamit ng palaso, at pag sapit mo naman ng labing dalawang taon ay tuturuan ka kung paano umasinta gamit ang ibat ibang kalaseng baril.” itinaas nya ang hawak nyang arnis at itinaas ang akin gamit ito.
“Tuturuan ka ng basic self defense hanggang sa makayanan mo ang mahirap at makaya mong bumuo ng sarili mong galaw. Tuturuan ka ding humawak at gumamit ng patalim, pwesto!” hinampas nya ang arnis na hawak ko at bumuntonv hininga ng tumalsik iyon.
Pinulot nya iyon ay hinila ako sa isang nakatayong kahoy at pumwesto sa likod ko.
Pagkunaw ay hinawakan nya ang kamay kong may hawak na arnis at tinampas ang kahoy sumakit naman ang palad ko sa malakas nyang paghampas dito. Kaya nabitawan ko iyon.
“Aww”
“Sorry, amber hindi ko sinasadya masakit pa ba?” pumunta sya sa harapan ko at tinignan ang palad ko.
Umiling ako nag patuloy kami hanggang sa nasanay ako sa bigat at sa tamang pag hampas nito.
To be continue...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments