The Gatekeeper
Isa kang high school student at sumasideline bilang writer sa isang site, hindi naman sikat. Sakto lang.
Teacher ang nanay at tatay, may isang pasaway ngunit maalalahaning kuya. Normal ang buhay. Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap.
Ngunit anong gagawin mo kung isang araw pag gising mo, nagbago nalang ang lahat. Ang mga kaibigan mo sa paaralan ay hindi kana maalala teka, hindi, mali, more on, hindi sila ang mga kaibigan mo, kamukha lang. Maski ang mga magulang at kapatid mo'y nagbago ang ugali. . Teka, hindi, hindi sila ang mga magulang ko.
Ang malala pa, lahat ng karakter sa mga kwentong naisulat mo ay present sa lugar kung nasaan ka!
"Kuya!" Pagtawag ko sa kapatid ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Naglakad lamang siya palabas ng bahay! Hindi ko mawari kung kaninong bahay ito dahil pag gising ko ay nasa isang magarbong kwarto na ako.
Pagbukas ko ng kulay rosas na pinto ay bumungad sa akin ang malamansiyong bahay, nahuli ng tingin ko si kuya na palabas ng bahay at nakasuot ng uniporme ngunit hindi naman iyon ang uniporme ng paaralan namin.
"Lucent, bakit hindi kapa nagbibihis? Malelate kana sa paaralan"
Napalingon ako sa may hallway dahil sa nagsalita. Nagulat ako dahil sa matandang babaeng nasa edad singkwenta na nabigla nalang sumulpot kung saan, kumunot ang noo ko dahil doon. Teka, sino siya?
"Lucent" pagtawag niyang muli sa pangalan ko at humakbang palapit sa akin.
Nang makalapit siya ay inilapat niya kaagad ang palad sa noo ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakalagaw kaagad. Mas matangkad ako ng kaunti sakanya kaya malaya ko siyang natignan. Tinitigan ko siya sa mga mata, napansin niya ata iyon dahil bigla niyang ini angat ang paningin at ngumiti sa akin. Ibinaba niya ang kamay bago nagsalita.
"Maligo kana at magbihis, nakahanda na ang almusal. Malelate ka. Nauna na si Lucid dahil may gagawin pa daw siya sa paaralan. Pumasok narin ang mama at papa mo dahil may gagawin daw sila sa kompanya " paliwanag niya.
Teka, ano? Kelan pa kami nagkaroon ng kompanya. Tsaka ano? Si kuya Lucid? May gagawin sa paaralan. Teka, kelan pa? Eh ang tamad tamad non!
"Ahm. . Ano daw pong gagawin ni kuya Lucid sa paaralan?" Tanong ko nalang para mawala ng kaunti ang kaba. Teka, Lucent, hingang malalim. Anong nangyari sayo? Natulog ka lang at pag gising mo, nagbago na ang lahat. Hindi kaya, nacomatose ba ako o ano?
"Ano kaba? Alam mo naman kung gaano karesponsable iyong kapatid mo, may gagawin daw sila sa org. Ba yun?" Wika pa niya tsaka ako sinamahan bumalik sa sinasabi nilang kwarto ko.
Nalilito man ay naligo na lamang ako at nagbihis. Teka nga, kelan pa naging responsable si kuya?
Nagbago rin ang uniporme ko. Pagbaba ay bumungad sa akin ang magarbong sala at kusina. Nalilito man ay kumain nalang ako para makalabas na. Hindi ko pa rin alam kung ano talagang nangyayari.
Pakiramdam ko ay mababaliw ako, tinitigan ko ang mga larawan sa paligid lalo na ang mga nakalagay sa sala, oo, sila mama at pala nga ito kaya lang, hindi ko maalala kung kailan namin kinuha ang mga picture na ito, tsaka, bakit nakadamit ng ganito ang mama at papa ko? Pang opisina at napakaseryoso ng mga mukha nila.
Napa atras ako dahil doon. Dali dali akong naglakad palabas ng bahay at nakitang nasa ibang lugar ako. Doon ay pakiramdam ko'y maiiyak na ako.
"Kalma! Lucy. . " wika ko sa sarili habang kinakapa ang dibdib. Naiiyak ako. Pakiramdam ko ay nakapasok ako sa ibang mundo.
Luminga ako sa paligid at nakita ang mistulang maze na garden, may fountain iyon sa gitna at maraming bulaklak ang bawat halaman.
"Nananaginip lang ata ako" natatawang wika ko sa sarili tsaka kinurot ang braso.
"Aww" pag angal ko nang makaramdam ng kaunting kirot dahil doon.
"Miss Lucent! Tara na po"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isang kulay itim na kotse na mukhang mamahalin.
"Teka lang po, manong. . " wika ko dahil naguguluhan pa ako.
Tumango naman ang lalaki at tumayo lang sa tabi ng kotse.
"Lucent, ito ang bag mo" wika ng babae kanina..
Napatitig ako sakanya dahil doon.
"Ano yun?" Tanong pa niya, napansin ata niyang nakatitig ako sakanya.
Binali ko naman ang tingin ko at kinuha ang bag na ini aabot niya.
"Salamat po" mahinahong sagot ko ngunit nagtaka ako nang bumalandra ang gulat sa ekspresiyon sa mga mata niya na tila miiyak na.
Tumalikod na ako at naglakad palapit sa kotse. Pinagbuksan ako ng pinto ng lalaki kanina. Pumasok ako at naupo na ng maayos.
Hindi parin ako matatahimik dahil pagtingin sa paligid ay alam kong nasa ibang lugar ako.
Sa pagtataka ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa paaralan.
And to my shock! Nasa Brampton High School ako.
Alam niyo iyong itsurang hindi na ako makahinga dahil sa hindi ako makapaniwala.
"****" bulong ko sa sarili lalo na noong natigil kami sa harap ng gate. Pinagbuksan ako ng driver kaya bumaba narin ako.
"Anong oras mo ako susunduin kuya?" Tanong na na lalong ikinagulat ng driver kaya kumunot ang noo ko.
"Ah. . Miss, 5 pm po natatapos ang klase niyo. 5 pm nandito na po ako" wika niya nang nakayuko.
Kahit nagtataka ay hinayaan ko na siyang umalis. Damn. Hindi ko alam kung nasaan ang classroom ko, in the middle of school year, mangyayari sa akin ang hindi totoong pangyayaring ito.
Unang una! Nasa loob ako ng librong isinulat ko, pero hindi ko alam kung nasaang panahon ako o kung nakakinong kwento ako napunta. Teka, totoo ba to? Nangyayari ba talaga to?
"Lucy!" Nakarinig ako ng mahinang sigaw galing kung saan kaya hindi ko nalang pinansin. Naglakad ako palapit sa guard house na nasa tabi lang ng gate.
"Lucy!!" Mas lalong lumakas ang sigaw. Natigil ako sa paglapit kay kuya guard na mistulang hinihintay din ang pagpasok ko sa guard house at paglapit ko sakanya.
Lumingon ako sa may gate at nakitang tumatakbo palapit sa akin ang papansin at pasaway kong kaklase sa National kung saan talaga ako nag aaral sa totoong buhay, teka. . Bakit siya nandito?
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments