I Hate Fate
Sa mundong ito, hindi mo alam kung saan hahanapin ang pagmamahal. May minamahal kang tao ngunit, hindi kayo pwede sa isa't isa. Magkaiba kayo ng pinaniniwalaan, ng lahi, ng lugar na kinalakihan at paano kung ang angkan pa ng iyong pamilya ay mag kaaway.
"I thought fate is on my side but I now I hate it".
Mali ba na magmahalan ang dalawang tao na magkaiba ng lahi at mag kaaway ang angkan? Ang tadhana ay tunay ngang mapagbiro. Hindi mo alam kung kakampi mo ito o hindi.
"Zeev, pinapatawag tayo ng konseho. Alam kong mali na mahalin ang isang tulad mo na mula sa angkan ng mga masasama kaya handa akong harapin ang lahat." ang malambing ngunit malungkot na sambit ng isang babae.
"Xylenna at Zeev, ng dahil sa inyong kasalanan kayo ay paparusahan ko ng pang habang buhay."
"Xienna, uyy wait hintayin mo ko ang bilis mo naman maglakad."
"Eh bat kasi ang bagal bagal mo, ikaw kaya yung magmadali"
"Sorry naman teh ha, habang kasi ng mga bias mo putulan mo kaya tapos ikabit mo sakin."
"Gaga ang daldal mo talaga kung dila mo kaya putulin ko, magmadali ka nalang mahuhuli tayo sa klase."
"Xi, balita ko may mga poging campus crush daw dito makita kaya natin sila?"
"Karen, nandito tayo para mag aral hindi para humarot"
"asus, sinasabi mo lang yan ngayon".
"hay nako, Karen ikaw talaga dame mong alam."
"oo na po Ms. Study first."
"Sige na pasok na ko sa classroom ko sabay tayo umuwi mamaya ah"
"alas tres out na ko, kapag nauna ako intayin nalang kita"
"Xylenna? Xylenna!" sigaw ng isang lalaki na napabangon sa kanyang pagkakahiga.
"aray, sino bang nakaalala sakin nakagat ko tuloy dila ko."
"Ms. Lipreno is there a problem?"
"Ahh wala po maam".
"Hoyy! Xi tulala ka jan alika na nauna ka pala mag out sakin eh"
"Ha? ahh oo tara na, maaga kasi kami pinalabas may emergency si sir".
"Lutang ka dzai? tulalang tulala ah"
"kasi ano eh, parang may tumatawag ng sakin pero wala naman".
"hala ka Xi, baka nasusundan ka ng multo. Diba albularyo lola mo magpatawas ka na"
"Sira, wag ka nga manakot jan. Ewan ang weird hayst"
"bili nalang tayo ng ice cream para happy mwehehe"
"sige maaga pa rin naman eh"
"nga pala Xi, may event daw bukas para sa'ting mga freshmen."
"oo ng eh, aattend ka ba?"
"aba oo naman shempre baka mahanap ko don forever ko"
"ikaw talaga Karen sari sari ka sa buhay. btw may susuot ka na ba?"
"Wala pa nga eh, tara sana magtingin ngayon sa mall? kaso wala akong money."
"Hmm sige bumili na tayo ngayon, papautangin nalang kita sa susunod mo na ako bayaran".
"Ay talaga Xi? wait may lagnat ka ba? tingin ko nga"
"gaga, wala sige ka magbago pa isip ko."
"oo na hindi na nga."
"tapusin mo nalang yang ice cream mo, para makapasok na tayo ng mall."
"saglet Xi, nangilo ngipin ko."
"dami mo kasing alam napapala mo".
"Xi, tingnan mo bagay to sayo".
"Karen! iyan? seryoso ka? revealing masyado".
"hay nako si Ms. Manang eto na naman tayo sa pagpili ng damit".
"sayo, nalang yan, Ayun oh mas maganda yun for me."
"ha? seryoso ka? ano ka maglalaba? ang panget Xi, tamo nga o pang nanay".
"ehh kesa naman puro labas ang kaluluwa noe".
"lumabas ba kaluluwa mo? asan? di ko makita".
"kaluluwa nga eh, diba?"
"ay onga sorna bobo langs".
"alam ko wag ka na mag sorry sanay na me"
"tara nalang maghanap noe, oh eto oh sukat mo nga maganda to mukha kang fresh".
"peroo ano ehhh"
"walang pero pero pasok sa dressing room"
"hmp sige na nga, maghanap ka na din ng sayo habang nagsusukat ako para...."
"para hindi sayang ang oras, oo alam ko na saulo ko na mga sinasabi mo"
"sige na chupiii, maghanap ka na don."
"ses, ano tapos ka na? nakahanap na ako"
"Karen, nahihiya ako may tao ba jan sa labas?"
"sakin ka pa nahiya saka ikaw? may hiya ka? walang tao ako lang, labas na kasi."
"ohh eto na, what do you think?"
"ayy hala ses, pak ang ganda mo natitibo ako".
"Karreen, ayan ka na naman."
"ang ganda mo sissy ko superr, alisin lang tong salamin and the boom"
"hoy ano ka ba bat mo inalis, ang labo ng paligid ko"
"tapos Xi, try mo magcontact lense, sukat ko lang to ah".
"oy akin na".
"huh? asan na si Xi? ay hala nasa kin pala salamin nya, Karen ang gaga mo talaga".
"Karen! asan ka na ba? ayy sorry po"
"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"
"Uhmm sorry po, nasa kaibigan ko kasi salamin ko and nagkahiwalay kami".
"tss. I don't care".
"hmp sungit mo naman, palit kaya tayo mata."
"Whatever."
"Karen. asan ka na ba malilintikan ka sakin kapag nakita kitang babae ka".
"Naku patay ako kay Xienna neto hehe sorry sissy".
"tabi nga jan paharang harang".
"aray!"
"ayy sorry ayaw kasing tatabi sa daan eh."
"bes, malabo mata nya can't you see, so di nya nakikita yung daan "
"hay nako tara na nga, mag reready pa ko sa event bukas."
"aba mga kurimaw na yun, sinagi ako. Aray sakit ng paa ko ah. papakulam ko kayo sa lola ko".
"uhhh, oyy miss ok ka lang?"
"mukha ba kong ok? teka ikaw yung masungit kanina. Bat ka bumalik?"
"hmmm di ah"
"nye nye wag ako, malabo mata ko pero di ako tanga. Natatandaan ko boses mo".
"ikaw na nga tutulungan jan"
"di ko kailangan ng tulong lalo na pag galing sayo."
"di daw kailangan ng tulong di naman makatayo"
"naririnig ko mga bulong bulong mo"
"sabi ko eto na nga tutulungan ka na."
"hmp wag na"
"arte mo pa, halika na. Sakay ka na sa likod ko, mabango ako wag ka mag alala".
"amp, di ko naman tinatanong noe"
"ang bigat mo pala, sige baba ka na"
"hoyy hindi ako mabigat noh. Ibaba mo nalang kaya ako".
"bahala ka jan. Maglalakad na ako mahulog ka sige, ano baba ka pa?"
"hmp, edi wow".
"asan na ba yung kaibigan mo?"
"nasa department store sa women's section, namimili ng damit."
"layo ah bigat mo pa naman, good luck nalang sa likod ko."
"di ako mabigat, ibaba mo nalang ako"
"bahala ka bumaba ka jan mag isa."
"Aba, Xi nawala ka lang sandali may boylet ka na agad ah"
"happy ka?"
"hehe sorry na Xienna, di ko sinasadya sana mapatawad mo ko huhuhu".
"oo na wala naman akong magagawa nangyari na."
"nararamdaman ko galit mo dzai eh"
"oo nga ako din"
"ano?"
"ahh wala, sabi ko ibaba na kita"
"Karen, akin na salamin ko hay nako dahil lang sa salamin na yan ginabi na tayo".
"oh eto na sorry ulit. Pero sino nga yang kasama mong pogi? ang hot pa teh ha".
"ikaw talaga puro ka kaharutan, tara na magbayad ng damit para makauwi na tayo."
"uhmm, excuse me. I gotta go, bye miss?
"Miss Xienna Lipreno, salamat saka ano sorry sa abala"
"ok lang, bye ingat kayo".
"ang bitter mo talaga, pero ayiiee aminin mo kung di dahil sakin di ka makakasakay sa likod ni pogi".
"sira ka talaga tara nalang magbayad"
"ayiiee iniiba topic, kinikilig yan yiiee ikaw Xi ah"
"btw, Xi bat di mo try mag contact lense, para naman di ka na mahirapan."
"di naman bagay sakin yun, ok na ko sa salamin".
"luhh eh mas maganda ka nga pag walang salamin".
"hay nako, tara nalang umuwi".
"Xi, ang dilim na natatakot ako".
"ayan inabot tayo ng dilim kasalanan mo to, mag tiis ka"
"hmmm, bingo! nahanap din kita"
"Xi, tingnan mo parang may lalaking naglalakad? teka nga. Hala shet palapit sya satin".
Isang lalaking naglalakad papalapit sa kanila, natatakpan ng dilim ang kanyang mukha, ngunit malinaw ang kanyang mapupula at nagngangalit na mga mata.
"Karen, kung may mangyari man kaya natin to. Saka marunong naman tayo mag self defense diba".
"pero Xi, wahh natatakot ako. Pakain nalang ako sa lupa."
"Karen, ano ba umayos ka medyo bumibilis yung lakad nong lalaki"
"oo nga eh takbo na tayo? Xi tara naaa"
"Diyos ko po, wag nyo po kaming pababayaan, tara na Karen takbo".
"Xi, bilisan pa natin tumatakbo na din si kuya. ano bang problema nyan"
"ewan baka nakikipaglaro lang ng habulan".
"Kuya, tinatakot mo kami hindi magandang laro yan."
"Karen bilisan mo pa, titigil tayo kapag naligaw na natin sya".
"eh pano kung maligaw din tayo"
"madali na yun, basta mahalaga mawala na sya".
"ay hala gagi Xi, nawala na nga si kuya"
"san napunta yun?"
"aahhhhhhhhh"
"waahhhhhh ahhhhh"
"sino ka ba ha?, wag ka lalapit"
"Xi, pano sya napunta sa unahan natin"
"aba malay ko"
"wag ka lalapit, sinasabi ko sayo nako".
"Xi, wala na tayong aatrasan, katapusan na natin to"
"oo, katapusan nyo na to. Say goodbye"
"aaaahhhhhh"
"aaahhhhhhhh"
"tumigil ka na Luke".
"kuyang pogi?"
"lagi mo nalang sinisira mga plano ko Zeev"
"diba binalaan na kita"
"at akala mo mapipigilan mo ko".
"oo, kayang kaya kita pigilan."
"sino kaya satin ang may mabigat na parusa ha"
"umalis ka na, Luke".
"wag mo kong utusan, magkikita pa tayo Zeev, di pa tayo tapos".
"nasaktan ba kayo?"
"hindi po, salamat ah dumating ka".
"teka nga, magkakilala kayo nong lalaking yon?"
"ano bang problema nyo samin?"
"Xi, chill lang. Sinave naman tayo ni pogi"
"Hindi Karen, halos mamatay na tayo sa takot eh"
"ok, ako na humihingi ng sorry sa kanya, I'm sorry for the trouble."
"pano naman kami makakasiguro na hindi na sya babalik?"
"hindi ko sya hahayaang gawin ang mga gusto nya".
"aba dapat lang, baka iba naman takutin non."
"uhmm hatid ko na kayo?"
"nako wag na wala akong tiwala, lalo na't kakilala mo pala yung kupal na yun".
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments