Pwedeng kiligin, hindi pwedeng magmahal.
Yan ang kaisa-isang rule na isi-net ni Quirah Morli sa kaniyang sarili ng minsan ay halos madurog ang puso niya dahil sa sakit na pinaramdam sa kaniyang ng ex niya. First boyfriend, first heartbreak. Akala pa nga niya noon ay ito na ang magiging forever niya dahil nakikita niya at nararamdaman niya ang pagmamahal nito, pero mali pala siya. Puros kasinungalingan lang pala lahat ng pinakita nito sa kaniya at pinaglalaruan lang siya. At ang mas masaklap pa doon, rebound lang pala siya. May hinihintay lang pala itong bumalik at ginawa lang siyang panakip butas sa kalungkutan nito. Kaya naman pinangako niya sa kaniyang sarili na hinding hindi na siyang muli magpapauto pa sa mga ganoong klase ng lalaki. Mas gugustuhin niya pa nga na sana maging matandang dalaga nalang.
Pero dahil boring naman kung walang thrill sa buhay, nagdesisyon siyang pwede naman siyang kiligin paminsan minsan. Sasabayan niya ang trip ng mga lalaking mambobola sa kaniya pero hindi siya magpapauto. HINDING-HINDI.
Ito ang prinsipyo niya hanggang sa makilala niya ang doktor ng kaibigan niya. Si Darius Spencer.
NovelToon got authorization from chaesen to publish this work, the content is the author's own point of view, and does not represent the stand of NovelToon.
Breaking The Rule Comments