Mia pov...
isang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula ang semester pero Hindi ko parin siya ulit nakita, mula nong unang araw ng pagdating ko sa unibersidad na ito.
By the way, may mga new friends na pala ako, si lalaine na may isang anak pero seksi parin, si rey na gwapo sana kaso isang bakla at si mercy ang matalino at maganda na best friend ni lalaine at merciful pa kasi tinutulungan niya kami sa mga assignments namin hihi.
Narito kami ngayon sa gymnasium ng eskwelahan at lahat ay nakaupo sa bleachers na itinalaga ng bawat president ng different courses, as for me, nasa gropo ako ng PS Students kasama ang mga bago kong kaibigan.
"oy bunch, excited na ako sa magaganap na Mr and Ms golden state 2021 sana yong faculty natin ang manalo" narinig kong sabi ni rey kay lalaine, bunchuy ang tawagan ng tatlo kong naging kaibigan, mula ng makilala ko sila, kahit sa tono ng pananalita niya ay masasabi mo talaga na bakla siya, wala naman akong problema sa mga bakla kaso lang si rey kasi ay gwapo, matangkad, maganda pang magdala ng damit yong tipong maiinlove ka sa kanya sa malayoan hindi sa malapitan tapos pag tahimik siya akala mo nakakatakot siyang tao, mahilig pang magsoot ng itim na damit kaya sino bang hindi maiinlove sa kanya.
Enough for the compliments.... Back to the story...
Para sa ilang mga kadahilanan, ang mga seniors ay nagpatawag ng meeting para sa mga freshmen.
(sa college kasi, Hindi lahat ng mga kaklase mo ay first year din tulad mo, nakabase kasi yon sa subject na hindi mo nakuha kaya pweding kahit 1st year ka pa ay meron ka ng kaklase na 2nd year, 3rd year, at 4th year level as long as kailangan nilang makuha ang score nila sa subject na yon)
actually ang meeting na ito ay Hindi naman importante, urgent lang hahaha
"good morning sa inyong lahat, my dear PS Students." pagbati ng Science Faculty President gamit ang megaphone.
"goood moooorninggg din seniors " sabay sabay din naming sagot
"Paumanhin sa madaliang pagpupulong na ito dahil may mahalagang bagay pa tayong gagawin," sabi Niya. Ang senior na iyon ay isang babaeng payat, balingkinitan ang katawan, nasa 5'0 ang height, nakasoot ng eye glasses pero nangingibabaw parin ang ganda ng kanyang mukha samahan pa ng mahabang buhok na nakatali.
"Ngayon, gusto naming hilingin sa lahat na humirang ng kinatawan na makibahagi sa pagpili para sa Mr and Ms Golden state 2021 ang balitang ito ay kumakatawan lamang para sa mga freshman" Dagdag pa niyang sabi pagkatapos non ay agad siyang nakatingin sa cellphone niya kaya kinuha ng kasama niya ang megaphone na hawak niya.
"si Reynaldo assuncion po for the boys" agad na sigaw ni mercy tapos bigla namang tumayo si rey at pakaway kaway pa na tila isang beauty queen.
"hindi pwedi!!, bakla yan eh" sigaw ni lando, (si lando ang laging bumabara kapag narinig niyang magsalita si rey) chubby ito pero may maskuladong katawan, gwapo din kaso hindi masyadong katangkaran. Tapos yong buhok niya ay laging 1inch lang ang haba kasi balita ko lagi syang nagpapagupit pag napansin niyang humaba na ng konti ang buhok niya.
"cheeeh!!!" sigaw din ni rey sabay upo na lamang
Narinig kona mula kay Jane, na ito ay ginaganap daw talaga taun-taon, para sa mga freshman student sa loob ng unibersidad.
Nakikita ko na rin na excited na ang lahat lalo na ang mga girls sa balitang ito.
"listen guys, marami pa kaming gagawin sa mga oras na ito kaya sabihin niyo agad kong sino ang karapat dapat na representante."ang sabi pa ng isang seniors.
This time ay isang chubby na lalaki naman ang nagsasalita, matangkad ang lalaki pero malamya kong kumilos kaya feeling ko isa siyang bakla.
Ang totoo ay may magaganap na paligsahan sa darating na mga araw, at kailangan nila ng mga representante sa gaganaping Mr and Ms Golden state 2021.
"Gusto naming kayo mismo ang pipili ng lalaki at babae bilang representatives ng faculty natin. 10 minuto lang ang ibibigay naming oras sa inyo kasi ayaw naming mapressure kayo sa desisyong ito ngunit kung hindi kayo makakapili kaagad ay kailangan niyong manatili rito hanggang bukas. "biglang sigaw ng isa pa nilang kasamahan. Lalaki iyon dahil sa tindig at porma niya ay masasabi mong lalaking lalaki siya, gwapo, matangkad, at moreno ang kulay ng balat. Hindi pala pressure huh, pero 10 minuto lang ang binigay niyang oras.. Galing diba.
Agad na nagtinginan ang lahat sa isa't isa. Mas lumakas din ang ingay sa buong lugar nagtatanong kong sino ang dapat na sasali sa paligsahan.
Para sa akin, hindi ako lubos na interesado sa bagay na ito kaya naman ay nanatili na lamang akong tahimik sa aking upuan at hayaan ang lahat na makapili ng karapatdapat sa gaganaping competition.
"si mia!!si mia!! si mia!!" Narinig kong sigaw ni mercy. Agad namang tumayo si lalaine na inayos pa ang nagusot niyang damit.
"I nominate Mia to be the Ms PS student representatives for the coming mr and ms Golden state 2021" ang sabi pa ni lalaine at nagpalakpakan pa ang mga kapwa ko estudyante, namangha din naman ako sa maayos niyang pagsasalita pero wait a minute narinig ko ata ang pangalan ko ah.
Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba sa isiping ako pala ang mapipiling representante ng PS group, lalo na ng dinala na nila ako sa gitna para makita ng lahat.
"Paumanhin guys pero palagay ko hindi ako ang tamang babae para dito." ang sabi ko nalang. Ngayon ay nakaharap akong nagsasalita sa lahat ng PS students pagkatapos ay sinikap kong bumalik sa aking upuan.
Pero pinigilan parin nila ako.. Lalo na ang mga seniors.
"that's not true, kasi matagal ka na naming napapansin, at masasabi naming ikaw ang pinakamaganda at tamang tao na sasali sa paligsahan, diba guys? Agree ba kayo?" ang sabi ng leader namin na si apple
Si apple ay chubby at maputi tapos sophisticated lady ang dating.
"Agree!!!" sigawan din ng lahat
"tamaaah!! At sigurado akong ikaw ang mananalo, diba guys??" sigaw naman ni lalaine.
"yeah!!!" sigawan din ng iba
"Tama!! si Mia ang pagasa ng PS team!" si rey naman ang sumigaw
"that's true" sagot pa ng marami at nagpalakpakan pa sila.
Hindi, ayoko, Hindi ko gagawin, nakakahiya, paano kong hindi ako manalo baka sisihin nila ako.
Tatanggi na sana ako pero... Nang tumingin ako sa paligid, ang lahat ng estudyante ng political science ay nakatingin sa akin na para bang ang kinabukasan nila sa unibersidad ay nakasalalay sa aking pagsali bilang kanilang kinatawan.
Sa gitna ng ingay at kaguluhan ay biglang natahimik ang buong gymnasium.
"aaaaaaahhhh!!" biglang sigawan ng mga girls tapos nakatingin pa sila sa likurang bahagi ko kaya agad din akong napatingin para malaman kong sino ang dahilan ng biglang sigawan ng lahat.
N/A pov....
Nakita ng leader na natulala si mia sa biglaang pagdating ni Nathan, napangiti siya ng bahagya at tila nakaisip ng masamang plano, agad siyang lumapit dito at nagtanong.
"so anu?? Payag kana bang sumali sa paligsahan at maging representante ng gropo natin??" pabulong pang tanong ng leader
"oo, payag na ako" sagot naman ni mia na tila hindi alam ang sinasabi dahil sa nakatingin lamang siya kay Nathan
"yes!!!" ang nasabi ng leader na may kasamang ngiti ng tagumpay
"ay hindi" bawi ni mia ng marealize nito ang kanyang sagot
"hep! hep! hep! Wala ng bawian" agad na sabi ng leader
Tumahimik na lamang si Mia sa pagkakataong iyon.
"oh guys, pumayag na si Mia, palakpakan naman diyan" sigaw ng leader sa mga ps students
"yeahhhh!!!" sigawan ng mga estudyante habang nagpapalakpakan.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 4 Episodes
Comments