Jane and aldrin

N/A pov

"tok!!! Tok!!! Tok!!!" tunog ng kinakatok na pinto...

Kahit pa iisang apartment lang sina jane at mia ay magkaiba naman sila ng kwarto kaya tuwing umaga ay nakasanayan na ni jane ang kumatok sa pinto ni mia upang magising ito para hindi mahuli sa klase.

Pero ngayon ay araw ng sabado na dapat sanay tahimik na umaga ang bubungad sa kanya pero Hindi dahil alas sais pa lamang ng umaga ay kumakatok na si jane sa pinto ng kwarto niya.

"Mia... Mia... Gising kana ba, alas sais na ng umaga kailangan mo pang maghanda " sigaw ni jane mula sa labas ng kwarto niya. Pagkatapos non ay naghanda narin si jane sa mga kakailanganin nitong damit na sosoutin pati na ang kakainin nilang agahan.

After ng 30 minutes...

Kumatok na ulit siya para gisingin si Mia...

" tok!!! Tok!!! Tok!!!"

Agad na nag bukas ang pinto at bumungad ang inaantok pang si mia, humihikab pa ito habang nakatingin kay Jane, dumiritso ito sa harap ng lamesa at naupo sabay kuha ng hotdog at subo nito, nilagyan naman ni jane ng isang sandok lang ng kanin ang plato na nasa harapan niya.

"bakit ba Jane, sabado ngayon remember, bakit ba ang ingay ingay mo" malambing pang sabi ni mia sabay subo ng kanin at itlog pero napapansin parin ni jane ang tuno ng pagkairita.

"my dear beautiful hija mia, nakalimutan niyo po ba na sumali po kayo sa Mr and Ms golden state 2021 at ngayon nga po ang unang pageensayo ninyo kaya bakit hindi pa po kayo naghahanda?" malambing ding sagot ni jane na may tono ng panenermon.

Noon nga ay biglang nabuhayan ang inaantok pang katawan ni mia.

" oo nga noh, ba't hindi mo agad sinabi" natataranta pang sabi ni mia, agad siyang uminom ng gatas tapos patakbong kinuha ang towel sa loob ng kwarto at pumasok sa banyo para maligo

"oo nga pala, dapat 7:30 ay nakaalis na tayo dahil mapapagalitan tayo kapag wala pa tayo doon ng 8 ng umaga." pang gigipit pang sigaw ni jane.

"oo... Alam ko..." sigaw naman ni mia mula sa loob ng C.R, pagkatapos ay napapangiti na lamang si Jane sa kanyang ginawa.

Pagkatapos ng isang oras ay handa na ang dalawa sa pag alis.

Gamit ang motor ni jane ay sumakay sila upang madaling makarating sa gymnasium.

Jane pov..

Narito kami ngayon sa labas ng gym sakay ng Ducati V4S kong motor, ang nagiisa kong motor na niregalo ng daddy ni mia sakin nong 18th birthday ko, ayaw ko na nga sanang tanggapin pero sabi niya ay suhol ko daw yon sa pagbabantay ko sa anak nila, mula pa noon kaya laking pasasalamat ko talaga sa pamilya nila. Kaya bilang ganti ay kailangang todo bantay at todo alaga ako sa nag iisa nilang anak na babae.

Pauwi na sana ako at handa ng umalis ng may napansin akong anim na lalaki, magkasabay silang naglalakad at yong nasa gitna nila ay wala ng malay, bugbug sarado pa, dalawang lalaki ang magkatulong na bumuhat sa kanya, napansin ko rin na sa likod ng gym ang tungo nila at hindi sa infirmary kong saan ginagamot ang may sakit o sugatan.

"prrrrrrrrrtttt....." gamit ang lagi kong dalang pito ay tinawag ko ang anim na kataong iyon, napapalingon sila sa paligid hanggang sa mapunta ang mata nila sa direction ko. Agad akong bumaba sa motor ko at lumapit sa kanila, nakita kong dahan dahan nilang ibinaba sa lupa ang walang malay na lalaki.

"anu yan.. Saan niyo dadalhin yan" tanong ko don sa limang katao

"eh bakit..? Anu bang pakialam mo" Isang lalaki ang mas lumapit pa sa akin sabay tutuk ng kanyang baril sa noo ko kasabay ng pasindak niyang tanongsa akin pero hindi ako nasindak dito dahil ilang beses ko nang napagtagumpayan ang eksinang ito sa araw araw na pagtetraining ko para maging karapat dapat na tagabantay ni mia.

"tika alex, tumigil ka, hindi mo ba nakikilala ang babaeng iyan, isa siya sa top 10 ng criminology department" bulong ng kasamahan niya.

"eh anu naman kong isa siya sa pinakamahusay na estudyante, ng criminology department..." hindi paman siya tapos sa sinasabi niya ay tapos ko nang pinatumba ang mga kasamahan niya pati na ang pagbawi ng baril niyang nakatutuk sa akin sabay kalabit nito at agad na itunutok sa harapan, siya lang kasi ang hindi ko pinatumba bagkos ay agad lang na kinuha ang baril nito.

"kong may balak kang pumatay gamit ang baril mong walang kwenta, iputok mo muna bago ka magsalita, tulad nito" agad kong pinaputok ang baril sa lupa sa mismong harapan niya ng tatlong beses pero siniguro ko naman na walang tatamaan niyon. Napaupo naman siya sa sobrang gulat.

"kong gusto niyo pang mabuhay ay umalis na kayo!!!" pasigaw kong sabi

"ALISSSS!!" at noon nga ay pinilit nilang kumilos at nagmamadaling umalis.

"sabi ko sayo nakakatakot ang babaeng yon eh" narinig ko pang sabi ng isa niyang kasama.

Agad kong nilapitan ang lalaki at ginising ito tapos nong nagkamalay na siya ng kaunti ay tinulungan ko siyang tumayo at agad na isinakay sa motor ko. Nakahawak pa siya sa beywang ko habang nakasandal ang noo niya sa balikat ko, mabilis lang kaming nakarating sa infirmary kaya natulungan agad siya ng mga doctor.

Aldrin pov...

Hai guys, I'm Adrian Aldrin divida 20 years old at 2nd year student sa kursong doctors of medicine, hahaha nakakatawa kasi doctor ang kinuha kong course but what now, ako pati itong pasyente dito sa golden state university, by the way, yong utak ko lang ang nakikipagusap sa inyo ngayon kasi naman nasa infirmary pa ako nakahiga at walang malay.

Binugbug ako ng gropo nila benjie kasi inagaw ko daw yong boyfriend niya,,, hahaha nakakatawa, akala ko babae lang ang nahuhumaling sa ka gwapohan ko, hindi ko alam na Pati pala lalaki ay lihim ding nagkagusto sakin syaka sino ba yong boyfriend niya, hindi ko nga kilala yon. I'm only interested in girls at kong magkagusto man ako sa boy, mas pipiliin ko pa si Nathan yong barkada ko na medical technology ang course, mas gwapo yon kaysa sa iba.

Mabuti nalang at may babaeng tumulong sakin, dahil kong hindi ay baka kong saan na ako napadpad ngayon, baka nga may balak pa silang ilibing ako ng buhay, kaya utang ko ang buhay ko sa babaeng yon, sayang nga lang at hindi ko nalaman ang pangalan niya, ang bango niya dahil naamoy ko ito ng umangkas ako sa motor niya, ang astig din ng motor na dala niya siguro mayaman ang babaeng yon.

Kong sino ka man na tagapagligtas ko ay hindi na kita titigilan, hahanapin kita saan ka man naroroon at bilang pagpapasalamat ay pakakasalan kita saan mang simbahan na gusto mo. Piling ko ikaw na ang babaeng nakatadhana sa akin at mamahalin ko habang buhay.

Hot

Comments

Çíêjhay Gáþríél Gârçíá

Çíêjhay Gáþríél Gârçíá

chapter 2

2024-01-19

0

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play