So This Is Love

So This Is Love

Episode 1

...MARAHAS na bumuntong-hininga si abby habang pinagmamasdas ang miserableng ayos ng kanyang ina....

...Nakahandusay ito sa sahig sa isang sulok ng kanilang kusina habang may hawak na bote ng alak....

"Nay,lasing na naman kayo?"aniyang dahan-

...dahang inalalayan ito sa pagbangon. Kagagaling...

...lamang niya sa talyer ng kanyang tito kung saan...

...siya nagtatrabaho....

...Dahil sa hirap ng kanilang buhay, hindi...

...na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral....

...Nasa ikalawang taon sya ng kolehiyo sa isang pampublikong paaralan nang iwan sila ng kanyang ama....

...Jeepney driver ang kanyang ama. Ipinapasada nito ang jeep na pagaari ng kanyang tiyuhin. Noon pa man ay madalas na itong nakikita ng kanilang mga kapitbahay na inihahatid-sundo ang babae nito sa club kung saan nagtatrabaho bilang dancer. Hindi nagtagal, hindi na ito umuwi sa kanilang tahanan....

...Naging usap-usapan sila sa lugar nila....

Mula noon ay nilunod na ng kanyang ina ang sarili nito sa alak at sigarilyo.

..."Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" asik ng kanyang in sa kanya. Marahas nitong tinanggal ang kanyang kamay na nakaalalay rito, saka mag-isang tumayo at pasuray-suray na naglakad patungo sa loob ng silid nito....

...Napailing na lamang sya habang sinusundan ito ng tingin. Nang makapasok na ito sa silid nito ay kumuha siya ng isang mangkok at isinalin ang ulam na binili niya sa karinderya na kanyang nadaanan. pagkatapos ay kumain na sya....

...Mula nang iwan sila ng kanyang ama ay hindi na sila nagsasabay kumain ng kanyang ina dahil madalas itong lasing. Kapag niyaya niya ito ay hindi siya nito papansinin. Lalabas lang ito ng silid nito kapag tapos na syang kumain....

...Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagpahinga....

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play