“Oh wag po tayo magsiksikan. Ma’am magiging ayos lang po ang lahat, ok? Clear the way!”, sigaw ng rescuer.
“Get well soon po ma’am!”, sigaw ng marami sa amin habang lumalayo na ang ambulansya.
“Ano yun? May nasabi ba sayo si Ms. Lopez habang nandoon ka sa loob kanina?”, tanong ni Dylan habang nasa Elevator.
“Wala naman... tungkol lang naman sa topic ko sa article yung pinag-usapan namin ih.”,
Sa totoo lang ano nga bang nangyari kay Ma’am? Wait nga lang!!! OMG!! Wag mo sabihing...
“Hindi naman pwedeng buntis si Ma’am diba?”, biglang sigaw ko.
“Oh my god. Hindi nga?”, tanong pa ng isa.
“Huy, wag nga kayong gumawa ng chismis. Nagtatanong lang din ako noh!”, depensa ko.
“Pero think about it. Hindi ba’t nag-refuse si Ma’am nung may promotion dapat siya? Paano kung ayaw niyang tanggapin kasi mas mabuting mag rest siya para sa baby? Just asking ha.”, sabat ni Dylan.
“Good point, pero nung ako ang nabuntis ok lang naman daw sabi ng doktor, I mean basta walang kahit anong bisyo.”, dagdag pa ni Roseta.
“Roseta, paano nga kung buntis si Ma’am. Hindi naman kayo parehas ng katawan. At let me remind you na secret lang ang dahilan ng pagre-resign ni Ma’am, kaya may slight possibility na ayun yon.”,
“Alam niyo bisitahin na lang natin si Ma’am kapag Off Day natin.”, dagdag ko at lumabas at saktong nakarating na kami sa floor namin.
“Bakit hindi na ngayon? Hindi ba’t pwede nang umuwi kapag wala na yung supervisor? Kapag emergency.... oh ano game kayo? At tsaka Friday naman ngayon, hanggang 4 pm lang tayo.”, paalala ni Roseta.
“Tara na pala. I mean quarter to 4 naman na.”, sagot ng isa naming katrabaho.
“Linisin niyo na yang mga yan. Kailangan na nating bilisan.”,
Hindi na kami nagdalawang isip na puntahan si Ma’am at malaman ang dahilan kung bakit siya nahimatay.
(Nasa company service papuntang ospital)
“Guys, hindi ba weird na never nagsasabi sa atin si Ma’am tungkol sa life niya? I mean kahit mga problema niya wala siyang pasabi.”, reklamo ng isa naming katrabaho.
“Ok lang yan. Kung gusto I-private ni Ma’am ang family life niya at work life ok lang. Pero kung may problema siya mas ok na magsabi siya diba?”, sagot ni Dylan.
“Si Ma’am Christina ba yang pinag-uusapan niyo? Balita ko nahimatay siya kanina ah.”, tanong ng driver sa amin.
“Opo, bakit niyo naman po natanong?”,
“Last week, pagkarating natin sa trabaho may dinaanan kami ni Ma’am bago siya umuwi. Ewan ko ba kung bakit pero paglabas niya pawis na pawis siya’t parang kinakabahan. At bago din siya pumasok dito may tinapon siya.”,
“Manong, saan ba kayo galing ni Ma’am. At nakita mo ba kung ano yung tinapon niya?”, tanong ko sa driver.
“Parang thermometer yata. Abay ewan ko ha, wala na akong alam sa mga etse etse ngayon.”,
“Sa ospital ba kayo galing?”,
“Ay hindi naman sa ospital parang sa clinic lang ata. Maliit lang eh.”,
“Guys sa tingin niyo...”,
“Siguro, parang thermometer daw yung itsura eh.”,
(Nakarating na sa ospital)
“Uhmm... nurse, excuse lang po... galing po kami sa Kingston Publishing. May na admit po kaming senior.”,
“Uhmm.. Christina Lopez? Siya ho ba hinahanap niyo?”,
“Yes po.”,
“Sa room 301 po siya. Just take the elevator to get to the third floor. After that just get to the third room.”, balik ng nurse sa amin.
“Ah thank you po Miss.”,
(On the Elevator)
“Guys sa tingin niyo ok lang na makita tayo ni Ma’am?”,
“Sa totoo lang hindi talaga muna dapat tayo bumisita eh, I mean kung gusto niya i-private, i-private niya. Ok na siguro kung naresolba niya na yun sa family niya diba?”,
“Wala na tayong magagawa, nandito na tayo diba? Wag niyo na lang ipahalata na may problema. At kung magtatanong kayo, please ask permission first.”, paalala ni Roseta sa aming lahat.
Bumaba na kami ng elevator at dumiretso na sa kwarto ni Ma’am .
Kumatok ang isa sa mga katrabaho namin at matikas na lalaki ang bumukad ng pinto,
hindi kaya ito yong jowa ni ma’am?
“Uhmm.. you are?”, tanong nito.
Natulala kami ng saglit at biglang nag-salita na si Dylan.
“Uhmmm.... katrabaho po. Room po ba toh ni Ms. Christina Lopez?”,
“Oh, anong ginagawa niyo dito?”, tanong agad ni Ma’am nang nakita niya kami.
“MA’AM!”, sigaw namin nang makita si Ma’am na mukang matamlay ang itsura na naka-upo sa higaan niya.
“Uhm, hun. I’ll excuse myself muna.”, sabi ng jowa ni Ma’am at lumabas.
“Guys, wag muna kayo magsik-sikan. Nahihilo pa ako unti kaya, please clear a little space.”,
“Ay opo Ma’am, sorry po at excited lang kami na makita kang ok na. May tanong lang po ako ma’am.”,
“Ano ba yon?”,
“Ano po bang dahilan kung bakit kayo nahimatay kanina?”,
“Uhmmmm... gusto ko, na sa parents ko muna sadabihin eh. Pero why not?”,
“BUNTIS BA KAYO MA’AM?”, masayang sigaw ni Roseta.
“Roseta!”, parang galit na sabi ni Ma’am.
“Ay. Ano po ba?”,
“Pero tama ka nga!”, masayang hirit nito.
Nagsigawan kami sa sobrang tuwa sa news ni Ma’am.
“Hala Ma’am, Congrats!”, dagdag pa ng isa sa amin.
“Salamat, may suggestions ba kayo sa names?”,
“Kung girl Ma’am Rachel na lang!”, sigaw ni Dylan.
“Ay weh! Paborito ako ha?”, biro ko sa kanila.
Nagtawanan at nag kwentuhan kami ng isa pang oras, hanggang dunating na ang family ni Ma’am.
“Sige pala guys, babalik na lang ako doon kapag mag-iimpake na ako.”,
“I’d say that went well!”, sabi sa amin ni Dylan habang naglalakad papunta sa terminal.
“Guys, we still have to wait until the baby is actually born you know?”, banat ni Roseta.
“Huy babae bilisan na natin, may anak ka pa!”,
“Ay oo nga pala! Rachel, Dylan una na kami! Bukas na lang uli.”,
“Sige na Roseta! Paka-inin mo na yang anak mo. Una na din pala ko Rachel, mag-ingat ka!”, paalam ni Dylan.
Sa wakas magkaka-pamilya na din si Ma’am! Sana naman magtuloy-tuloy na yung blessings niya, deserve niya lahat ng magagandang bagay na mangyayari sa kanila ng partner niya.
(Final day na ng packing ni Ma’am)
“Ma’am! Wag niyo po kami kakalimutan ha! Mami-miss po namin kayo.”, malungkot na pagpapaalam ni Roseta.
“Ma’am, kung lalaki po yang anak niyo, Dylan ha!”, biro na lamang ni Dylan.
“Sige ba. Pero pag babae ok lang ba Rachel?”, tanong niya sa amin.
“Syempre Ma’am, makakatanggi pa po ba kami. Eh, desisyon niyo naman na po yan. Good luck po Ma’am.”, paiyak na pagpapaalam ng iba.
“Alagaan niyo tong office ha. Roseta ikaw na bahala. Ikaw na pumalit sakin... alagaan niyo yung isa’t isa. Oh tapos na sila, mauna na kami.”,
Kumaway na kami sa kanya habang lumalayo na siya sa aming opisina. Sayang at natameme lang ako, ano naman kaya sasabihin ko? Hindi naman ako magaling jan!
“Ok guys, balik na tayo! Let’s go!”, sigaw ni Roseta na pumalit na kay Ma’am Lopez bilang Supervisor.
And so I was back to work, Rachel’s Writings is back. Though within that span of time, 3 months or so... Ms. Lopez, had an accident.
She had a miscarriage.
“Guys... nabalitaan niyo ba yung nangyari kay Ma’am?”,
“Syempre alam na natin yun. Makakabisita pa ba kaya tayo?”,
Ayan mismo ang kumalat sa office namin. Paano nangyari yon? Mahaharap kaya namin si Ma’am sa sitwasyon niya ngayon?
Nilabas ko na lang ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan.
Kaso, walang sumagot. Mahirap tanggapin kaya matagal pa bago maka-revover si Ma’am, kaya kung di pa siya handa.... hindi muna ako manggugulo.
(2 Weeks After..)
“Ma’am! Ma’am! O-ok na po ba kayo... pasensya na po kung natanong ko yun... pero...”,
“Wait.. ako muna. Please wag mo muna sabihin sa iba. Uhmm... pwede ba tayong magkita? Kung may oras ka lang, I mean ayoko namang mawala ka sa focus. Your article is beautiful by the way.”,
“Ma’am, sa Sabado po ba okay lang? Day off ko po nun... sa Cafe na lang sa tapat ng office ok lang po ba?”,
“Sige, salamat sa pag-iintindi.”,
Ma’am, kaya niyo yan... nandito lang kami para sayo. Walang magbabago... kahit mahirap, nandito kaming lahat para sayo.
\(To Be Continued ——\-\>\)
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 4 Episodes
Comments