“*Hindi kita minumura,Binibini.Ang aking ibig sabihin ay hindi kami masasamang tao at wala kaming balak sirain ang inyong tirahan.Ngunit Maaari kabang maging aking kabiyak at Ina ng aking mga anak...”Yvo softly said and stared at the innocent girl.
Napakaamo at lumanay talaga ng mukha ng dalaga kapag titingnan ito.Isang tingin mo palang ay talagang mapapansin mo na mahimo'y itong kumilos.Para itong mga dalaga noong unang panahon na nagsisimbolo ng Karikitan at kayumihan na dapat ipakita ng isang babae.Liban nalang sa suot nitong damit..Dahon.
Tumingin si Yvo sa mata ng dalaga at napaawang pa ang labi niya ng makitang ang mala-dagat nitong mata ay nakamasid din sa kanya.Katulad ng mukha ay maamo din ang mata nito at mapupungay.Parang nanghihikayat sa isang bagay.Nang-aamo kapag ikaw ay titingnan at nang-aakit kapag ikaw ay titigan.
'D-mn,my baby is so gorgeous.An angel.'yvo said in mind.Ngumiti pa ito na sandalian bago tumikhim at tumingin muli sa dalaga.
"BINIBINI?"nabalik sa ulirat ang dalaga ng magsalita ang binatang si Yvo.Nakatingin ito sa kanya na parang naghihintay ng sagot sa tanong nito kanina.
Nakagat nalang ng dalaga ang kaniyang labi bago muling nag-isip.
Ang sabi ng kanyang namayapang Lola ay ang Pagiging magkabiyak ng dalawang tao ay para lang sa mga nagmamahalan ng totoo.Sabi din ng kaniyang lola na Kapag mag-asawa lang kayo saka kayo pwedeng magkaroon ng anak.Kaya paano siya magiging kabiyak nito kung hindi sila nagmamahalan?At paano din siya magiging ina ng mga anak nito kong hindi sila mag-asawa?Ito ang paulit-ulit na tinatanong ng dalaga sa isip.
Naguguluhan ang dalaga kong ano ba ang tamang isagot sa binata kaya nagsalita siya."Hindi ba't para lang sa dalwang taong nagmamahalan ang pagiging magkabiyak at pagkakaroon ng mga anak,Ginoo?Kaya bakit ako papayag sa alok mo kong hindi natin mahal ang isa't-isa?"tanong ng dalaga.
Tumingin siya sa binata na nakatingin din sa kanya.Bahagya itong ngumiti kaya ginantihan niya iyon.Akala ng dalaga ay isang palakaibigang ngiti iyon na walang kahulugan.Ngunit iba ang dating non kay Yvo.
"Madali lang iyon.Tuturuan kitang mahalin ako."saad ni Yvo makalipas ang ilang segundo.Sinusupil nito ang ngiti sa pamamagitan ng pagkagat labi.
Naiimagine palang ng binatang si Yvo na mahal siya ng dalaga ay bumibilis na agad ang tibok ng kaniyang puso na ni minsan ay hindi niya naramdaman sa kahit sinong babae.
Tinitigan siya ng dalaga at pagkuwan ay itinagilid nito ang Ulo na parang nag-isip.Humawak pa ito sa nakalabas nitong baywang bago lumingon sa mga kasama niya.(Kay na Yllan.)
HINDI magkamayaw si Yllan sa paglunok ng sariling laway ng dumapo sa kanya ang tingin ng dalaga.Sandali lamang iyon ngunit parang nakipagkarera siya sa bilis ng tibok ng kaniyang puso.Marahil dahil parin iyon sa kaba niya sa Tigre.Ngunit parang hindi lang iyon....May mas malalim pang dahilan na hindi niya malaman kong ano.Basta malakas ang kabog ng dibdib niya.
Napatingin siya sa mga kaibigan niya na nasa gilid niya.Isa-isa itong pinasadahan ng tingin ng dalaga.Kapagkuwan ay ibinalik ng dalaga ang tingin sa Kaibigan niyang si 'Yvo o mas kilala bilang sa tawag nilang Lord.Dahil ito ang namumuno sa kanila.Tumingin din ang binatang si Yllan dito.
Naninibago siya sa Kinikilos ng kanilang pinuno.Kung noon ay ayaw na ayaw nitong nakikipag-usap ng matagal ay kabaliktaran ngayon.Kung dati ay wala itong interes sa babae,ngayon meron na.Nagkaroon din ito ng pake sa mga kinikilos ng dalaga.Na hindi normal nilang nakaugalian sa kanilang pinuno.
'marahil isa itong himala.Nakangiti pa ito habang kausap ang magandang dilag.'sa isip ni Yllan.
Kahit siya at ang iba niyang kasama ay Hindi na halos makapagsalita at parang natulos sa kinatatayuan makatitig lang sa dalaga.
Nabalik lang sa ulirat ang lahat ng magsalita ang dalaga at mahinhing ngumiti."Pumapayag ako.Pumapayag ako sa alok mo.Turuan mo akong mahalin ka,Ginoo.At kapag natutunan kitang mahalin..."hinimas-himas ng dalaga ang balahibo ng tigre kapagkuwan ay tumingin kay Yvo."Papayag akong maging iyong kabiyak at maging ina ng iyong mga anak*...."
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments