*AWANG ang bibig ng binatang si Yvo matapos marinig ang sinabi ng Dalaga.
Nawalan na siya ng pake sa makakakita sa mga bago niyang inilalabas na emosyon.Ang nasa isip niya lang ay ang sinabi ng dalaga.Ang mga mata niya ay nakatutok sa Dalaga na nakangiti padin sa kaniya.
'D-mn.Did i heared it right?She agree.F-ck!'mura niya sa isipan at muling nagkagat labi.tuluyan ng kumawala sa kaniyang mga labi ang kauna-unahang sinserong ngiti sa buong buhay niya.Iniisip niya kong anong meron sa dalaga na nagpakuha sa atensyon niya.
Ngunit ng titigan niya ang mala-anghel na mukha nito at balikan niya ang mga sinasabi nito kanina.Nalaman niya....Madaming bagay ang meron sa Dalaga na wala sa ibang babae na gusto ang atensyon nya.At nagugustuhan niya ang mga bagay na iyon na nagpapalabas ng samo't-saring emosyon niya.
'Kong noon paman ay nakilala na kita.Hinding-hindi na ako magtatangkang pakawalan ka hanggang sa huli kong hininga.'wikang muli ni Yvo sa isipan.
"Hinding-hindi ka magsisisi aking Binibini.Kayang-kaya kitang turuang mahalin ako.At gagawin ko ang lahat maging Akin kalang.Tandaan mo na ang isang Yvo Craig Roosevelt ang unang-unang bibihag sa puso mo,binibini ko."maamong saad ni Yvo at bahagya pang yumuko na wari mo'y nagbigay galang.
Nagkaroon ng kapanatagan at kagalakan ang puso ng dalaga ng marinig ang sinabi ng binata.Wala paman ay parang komportable na siya sa binata dahil sa mga sinabi nito.Ngunit sa kabila niyon ay may konti parin siyang kaba na nararamdaman.Hindi niya malaman kong para saan.
'Ang ibig bang sabihin nito araw-araw silang pupunta dito para turuan akong mahalin siya?'tanong ng dalaga sa isipan.Sa isipan na iyon ay may kirot sa puso niya.Kong araw-araw silang nandito ngunit wala sila sa gabi.Si Akila na kaniyang tigre nalang muli ang kaniyang karamay sa dilim ng gabi kong kailangan mas kailangan niya ng kasama dahil nag-iisa nalang siya dahil pumanaw na ang kaniyang lola.Mayroon mang mga hayop sa kagubatan ngunit iba padin kapag tao ang kaniyang kasama.
"Aasahan ko,Ginoo."wika niya.may saya at lungkot sa dibdib na hindi niya mawari.
HINDI alam ni Yvo kong bakit nakaramdam sya ng konting Lungkot.Pumayag naman ito.Ngunit sigurado bang matututunan siya nitong mahalin?Nagkaroon siya ng agam-agam na baka hindi.Lalo na kapag nalaman nitong hindi siya normal na tao lang kagaya ng iba.Nagdadalawang isip din siya kong sasama ito sa kanya manirahan sa kaniyang Mansion para araw-araw niya itong makita.Paano kong hindi ito pumayag?Mananatili padin ito dito sa kagubatan.May tiwala naman siya sa alaga ng dalaga(Tigre-Akila) dahil sa pinakita nitong galit sa kanila ngunit anong magagawa ng isang tigre kapag may masasamang taong may dalang baril ang pumunta dito sa gubat.
Iniisip niya palang na may mangyayaring masama sa dalaga ay nandidilim na ang paningin niya sa galit.
Pinigilan ni Yvo na manlisik ang mata kaya umiwas sya ng tingin sa dalaga at kinuyom ang kamao.Nagtangis ang bagang nya sa nasa isip niya.Naguguluhan din sya dahil ngayon lang nangyari ito sa kanya,ang maging OVerthinker.Tumingin siya sa dalaga na nakatingin na sa Alaga netong tigre.Bigla nalang kumalma ang sistema niya ng makita ang maamo nitong mukha.
'My medicine.'wika ng isip niya.
Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng dalaga na nangyari naman.
Hindi niya pinansin ang mga kasama niyang kanina pa nahihiwagaan sa inaasta niya at humahanga sa dalaga.Nagtangis muli ang bagang niya sa naisip na humahanga sa dalaga ang mga kaibigan niya.Bago pa niya maisipan na pagbabarilin ang mga ito ay humarap ulit siya sa dalaga na nakatingin na sa kanya.
"Binibini ko,papayag kabang tumira sa tahanan ko*...."
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments