Secret Diary

Secret Diary

Chapter 1

Dear Diary, kalilipat lang namin dito sa bagong bahay namin ni mama at pinakilala nga ni mama sakin ang boyfriend niyang si tito fernan, alam mo diary nakakatakot siya, malaki kasi siyang tao at masama ang tingin sakin-alam mo mas gusto ko pa nga ang papa ko kesa sa kanya. Si papa kasi lagi nakangiti sakin at sinusuklayan ako lagi pero iba ito hindi ko nga alam kung bakit naghiwalay sila mama at papa.

Sabi sakin ni mama, kasalanan daw ni papa lahat kaya kami nandito ngayon hindi ko alam kung bakit ganun nalang galit ni mama kay papa pero sa ngayon masaya si mama at hindi na umiiyak tulad noon kaya naman masaya na ako kasi masaya si mama ko.

mavis.

Dear Diary, nagpunta kami ni mama ng mall para daw bumili ng mga kakailanganin ko sa school kasi nga High school na ako at marami ng kakailanganing gamit pero nung napadaan nga kami ni mama sa katabing arcades ay pinilit ko si mama na magpunta doon pero di ako pinayagan hindi na daw kasi ako bata at nasa high school na ako gusto ko nga sagutin si mama ng may mga kaedaran ko ngang naglalaro doon kaya gusto ko ako rin pero tumahimik nalang ako para igalang si mama strikto kasi si mama sakin gusto niya siya lang sundin saaming dalawa pag sinabi niya kasing ayaw niya hindi ko na siya mapipilit kahit pa umiyak ako ng umiyak kaya naman hanggang sa pag uwi malungkot ako.

mavis.

Dear Diary, linggo ngayon at kailangan makapag ready na ako ng mga gamit ko na gagamitin sa school kaya naman pakatapos kong tulungan si mama sa gawaing bahay ay hinalungkat ko ang aking bag upang ayusin ang mga laman nito na kakailanganin pero habang nag aayos ako'y nakarinig ako ng kalabog sa labas ng kwarto ko kaya mabilis kong binuksan ang pintuan para makita kong nakaupo si mama sa sahig at nagkalat din ang basag na vase, hindi ko alam ang gagawin ko kaya agad kong nilapitan si mama na umiiyak. Hindi ko nga alam kung ano mga nangyari di din naman kasi ako sinasagot ni mama at bigla nalamang niya akong niyakap habang hinahaplos ang ulo ko.

mavis.

Dear Diary, umuwi ako galing school na gusot ang damit at may pasa sa mukha unang kita palang sakin ni mama ay tinanong kaagad niya ako kung anong nangyari pero ang tanging sinagot ko lang ay iyak sabay sabing mama ayoko na dito, kahit kasi teacher hindi masaway ang mga nambubully na mga kabataan ngayon sa school pakatapos ng nangyaring iyon ay sinamahan ako ni mama sa school upang magreklamo pero hindi rin naman ito pinansin ng principal. Pag uwi sa bahay ay inamin sakin ni mama na hindi pa niya daw kayang umalis sa lugar na ito sa kadahilang hindi niya maiwan si tito fernan na nagtatrabaho sa talyer. Alam mo diary, feeling ko binagsakan ako ng mundo kasi hindi ko na alam kung anong nangyayari kay mama na para bang nakakafrustrate sabihin o itanong sa kanya kung anong meron at anong nangyayari kasi apektado rin ako at feeling ko ang gulo gulo na ng sitwasyon.

mavis.

Dear Diary, nagdaan ang buwan at ganun pa rin ang sitwasyon ko sa school pero hindi ko nalang pinapansin at nagpapatay malisya nalamang ako sa mga kaklase kong bully, kahit nga pag uwian na ay tinutulak nila ako palabas ng pintuan ng room o kaya nama'y pinapatid sa paa upang mapadapa ako sa sahig ng ilang beses. Oo noong una parang gusto kung umiyak pero pinigilan ko kasi kapag umiyak ako mas lalo lang nila akong ibubully mas lalo nila akong pagtatawanan, alam mo diary ikaw nalang ang bestfriend ko na nasasabihan ko ng mga problema kong ito kahit pa mukha na akong weirdo, lagi kasi akong sinasabihan ng ganyan sa school pero ayos lang titiisin ko muna kasi si mama ayaw pa niyang umalis kami dito.

mavis.

Dear Diary, uwian na ng hilahin ng kaklase kong si jenefer ang buhok ko papuntang likod ng building ng aming year at sigawan ako ng sigawan ng kung ano ano, hindi ko naman kasi alam kung anong ginawa ko sa kanyang masama pero sinabihan niya ako ng malandi at sipsip. Iniisip ko baka yung sinasabi niya ay tungkol sa bago naming english teacher na si sir alex na pinuri ako dahil sa mataas kong score na nakuha sa exam sa kanyang subject, hindi ko naman akalain na magagalit si jenefer saakin malay ko bang may gusto siya doon sa teacher namin at saka pinapanatili ko lang naman ang grade ko sa minimum para matuwa naman sakin si mama na lagi nalang malungkot kapag umuuwi ako ng bahay, halos umubo ako ng dugo sa pagkakatadyak sakin sa tiyan at hahampasin pa sana nila ako ng tubo ng may biglang nagsidatingang lalaki, di ko kilala pero sigurado akong senior namin sila ang tangi ko nalamang nakita ay may lalaking bumuhat sakin na may napakahabang pilikmata at tinanong ako kung okay pa ba ako pero di ko na alam yun kasi nawalan na ako ng malay.

mavis.

Dear Diary, dalawang araw akong nasa bahay upang magpagaling at ngayon nga kailangan ko ng pumasok sa school kahit na may cast pa ang kaliwa kong kamay, nag-alala sakin si mama at ayaw pa sana akong papasukin kaso sabi ko kaya ko na at ang kanan kong kamay ang ginagamit ko at hindi kaliwa, so yun na nga pag dating ko sa school wala yung kaklase kung nambully sakin na nagpahinga sakin ng maluwag pero nung nag lunch na sa cafeteria may kuma-usap saking gwapong senior, napangiti ako kahit na anlakas ng kalabog ng puso ko sa sobrang kilig, tinanong niya kasi ako kung okay na ako syempre naman sinong di kikiligin sa ganun harap harapan kang kinakausap ng savior ko at nalaman ko pang siya yung kumarga sakin papuntang nurse station sa school, grabe kilig at saya ko lalo pa ng ni-pat niya yung ulo ko na halos magpapula sa mukha ko and that day sinampal ako ni cupid ng kanyang arrow, at syempre sa unang pag kakataon nagkacrush ako sa kanya, sa una ring pagkakataon doon rin ako unang nagkakacrush sa buong buhay ko.

mavis.

Dear Diary, Omygod diary kinikilig ako kasi nakakainspire ng pumasok sa school lalo na palagi ko siyang nakakasalubong sa hallway, sa cafeteria at kahit sa gym habang nga may PE lessons kami andun siya, geez syempre sumisimple ako ng tingin papunta sa kanya at iniiba ko palagi ang tingin ko kapag alam kong lilingon na siya sa gawi ko. At nung nag PE na nga kami. Tae, talaga! jusko, halos magbunggo kasi ang aming mga likod ng sinabi ni sir na pass the ball-accident really happens and I really appreciate it, alam mo diary simula nung nangyari sakin yung mga pambubully ni jenefer ay wala ng nangyari sa buhay ko kundinmga kamalasan at pasakit nila sakin pero  nawala lahat ng yun kasi andito na si crush kong si patrick, lagi kasi siyang tinatawag ng kaklase niya kaya nalaman ko kaagad ang pangalan niya, ang saya saya ko na palagi pag nasa school na ako pero maliban doon tuwing umuuwi naman ako sa bahay inaalala ko kaagad si mama na lagi nalang umiiyak.

mavis.

Dear Diary, akala ko wala lang yung pag iyak ni mama nung mga nakaraan pero ngayon halos maguho ang mundo ko ng pag uwi ko galing school ay nakita ko si mama at tito fernan na nakabulagta na sa may sala namin, puno ng dugo at wala ng buhay ansakit sobra halos manghina ako sa mga nangyari lalo na sa mama ko. Diary wala na akong mama.

mavis.

Dear Diary, nang mailibing na si mama at tito fernan hindi ko na alam kong saan na ako lulugar lalo na wala na rin naman akong mapupuntahan pero kahit na anong mangyari kahit na ako nalang mag isa para kay mama, kahit yun nalang ang panghawakan ko ng lakas. Diary ipagdasal mo na sana maahon ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon na sana kahit na anong mangyari nasa tabi ko lang si mama. Cheering me up and still fighting for myself to survive from this situation how i miss you mama.

mavis.

Dear Diary, kauuwi ko lang galing sa part time ko malapit sa school na cafe bistro bilang isang waitress, after kasi ng pasok ko dumideretsyo ako dito para magtrabaho upang matugunan ko mga pangangailangan ko katulad nalang ng mga bayarin, pero di ko naman akalain na pupunta doon si crush sa cafe, kahit pagod ako ay biglang nawala dahil sa kanya.

mavis.

Dear Diary, kakapasok ko palang ng room ay tinapunan kaagad ako sa mukha ng eraser ng isa sa mga bully kong kaklase, pinagtawanan nanaman nila ako pero okay lang, pero hindi talaga sila tumigil kasi kahit hanggang uwian binuhusan nila ako ng isang baldeng tubig, tumakbo nalang ako upang hindi ko na sila marinig na magsitawanan saakin pero habang tumatakbo ay di ko talaga namalayang nabungo ko si crush na halos nagpatawa sa lahat ng studyante sa hallway, naiiyak na ako pero pinigilan ko gamit ang pag kagat sa ilalim kong labi. Hindi ko inexpect na may telang pumatong saakin ng tingnan ko kung sino gumawa noon ay halos umiyak na nga ako dahil buhat ako ni crush paalis ng school na nagpatahimik sa lahat, hindi ko talaga alam ang gagawin ko nun kung kikiligin ba ako o iiyak nalang.

mavis.

to be continued...

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play