Chapter 2

Dear Diary, uwian na't kailangan ko ng tumakbo sa part time ko di ko naman kasi akalain na haharangin ako ni ma'am History sa hallway para lang magpasama sa library at magpatulong ng kung aling libro ang ididiscuss niya bukas. Halos liparin ko ang gate ng school namin makalabas lang papuntang kabilang kanto sa cafe bistro, lagot naman ako nito sa masungit kong manager na halos iluwa na ng damit ang dibdib niya sa sobrang laki, pasalamat nga ako't may pasensiya siya sakin, pero alam mo ba diary kahit ganun ang manager ko mahal ako nun kasi lagi niya akong pinapakain ng mga bagong imbinto niyang kape o cake, she is my second guardian na umampon sakin di nga lang halata. Pero sakto nun na pagbukas ko ng pintuan di ko inaakalang makikita't makakabungo ko si crush halos napaupo na ako nun sa gulat di ko naman kasi iniexpect na andito siya at saka tinamaan bigla ako ng hiya, ikaw ba naman kasi ilahad sayo kamay ng crush mo upang tulungan kang tumayo di kaba naman liparin sa langit sa sobrang kilig isa pa ngumiti pa siya sakin na halos himatayin na ako, alam mong kinikilig ako ng todo habang sinusulat ko tuh sayo diary kasi simula ng nangyari kahapon hindi ko na makalimutan ang pag ligtas niya sakin na agad ko naman siyang pinasalamatan.

mavis.

Dear Diary, bad trip at sobrang lungkot ko ngayon. Alam mo ba kung bakit? kasi nga di ko nakita si crush, idagdag mo pa ang isa kong kaklaseng babae sa paglagay ng basura sa bag ko, tapos nun wala namang ganap sa cafe pakatapos ng shift ko, tamo ang boring ng araw ko ng wala si crush sa paningin ko, kasi nga kapag nakikita ng mga mata ko si crush lahat nagliliwanag na para bang ang langit na mismo ang nagbibigay sakin ng anghel pero omg lang kasi bakit hindi ko nakita ngayon si crush.

mavis.

Dear Diary, uwian na nun at day off ko sa cafe, naglakad lang ako patungong sakayan pauwi ng may mapansin ako sa kabilang kalsada, hindi ko alam pero tumakbo ako papunta doon at nakakita ako ng isang napakacute na pusa, kulay yellow na pusa na halos kasize lang ng kamay ko napangiti ako ng bigla itong yumakap sa kamay ko. Total naman kasi wala naman akong kasama sa bahay kaya naman kinuha ko ito sa box at kinarga pauwi pero sakto nga naman ang hindi ko inaasahang tao na makakasalubong ko. Si crush na nakangiti sakin at tinawag ako sa pangalan ko habang ako naman parang narinig kong nagsikantahan ang mga butihing anghel sa tenga ko, sabay kami naglakad pauwi at doon ko nalaman na binabantayan pala niya yung pusa at hinihintay na may kumuha nito hindi naman daw kasi madadala sa bahay nila dahil bawal sa kanila ang pusa kasi may asthma ang bunso nilang kapatid, pinipigilan ko lang noon ang kilig ko kasi nga kinakausap ako ni crush.

mavis.

Dear Diary, midterm exam ay malala talaga sa akin kasi nga hindi ako nakapag review ng maayos dahil nga sa nag overtime ako sa trabaho ko at masaklap pa wala na akong pera dahil inubos ko na pambayad sa bills ng bahay lalo na ang grocery ko yung tipo kong gusto mag tipid pero ang kamay ko mismo ang kusang nagwawaldas nito na halos 75 ang grado sa exam ang nakuha ko. Pansin ko nga rin kapag napunta ako sa may court ng school para kumain ay kakaunti nalamang ang nagpapractice ng basketball doon kasi ako natambay pag lunch time kasi nga kung sa cafeteria ako kakain baka di ako matunawan sa pambubully nanaman sakin doon, simula nung binully nila ako doon sa cafeteria lagi na akong nagbabaun ng lunchbox. Napangiti ako bigla kahit na nga bagsak ako babawi naman ako sa susunod lalo pa't excited na rin akong umuwi kasi nga andun ang aking mahal na si zenitsu ang aking yellow na pusa, pinangalanan ko talaga siya ng pangalan ng favorite anime ko kasi kakulay niya yun.

mavis.

Dear Diary, Gusto ko tung isigaw sayo kasi nga! nakatanggap ako ng love letter! omygod pero grabe muna ang ginawa kong inspeksyon kasi nga alam mo na baka binubully nanaman ako ng mga kaklase kong mongoloid, o baka may nag prank naman sakin na 3rd year, pero di sa biro ng binuksan ko ang sulat na halos maghugis puso ang mga mata ko kasi nga nakasulat doon ang pangalan ni crush at sinasabing, masaya siya kapag nakikita ako sa school at kung maari ba rin akong magsulat pabalik sa kanya matipid lang yung sulat pero halos umalis ang kaluluwa ko sa sobrang kilig ko.

mavis.

Dear Diary, matapos ko ngang pakainin si Zenitsu ay inabala ko ang sarili ko sa kusina na gumawa ng chocolate na balak kong ibigay kay crush kasama ng reply sa love letter niya, halos si crush na mismo ang nagpapahiwatig na crush niya din ako para na akong nababaliw dito alam mo kada iniisip ko kasi si crush napapangiti ako. So yun na nga pano ako nakagawa ng chocolate sa isang simple procedure, kumuha lang ako ng malaking glass bowl at nilagay ko ang 2 cup cocoa powder at 3/4 cup ng butter at pakatapos ay nagpakulo ako ng tubig upang ilagay ang malaking glass bowl doon at nimix ko ito hanggang maging smooth at maging paste kahit ako natakam amoy palang pero kulang pa iyan ng ingredients, after makita kong smooth na ito ay pinalamig ko muna mga 5 minutes pakatapos ay inadd ko na ang 1/2 asukal, 2/3 cup gatas, 1/4 teaspoon flour at 1 cup tubig saka ko agad na ni mix para hindi bumuo buo ang flour na nilagay ko pakatapos ay nilagay ko na ito sa mga heart shape moulds isa isa bago ko nilagay sa ref, ilang oras rin ang nilagi ko sa kusina't nagtungo na sa kwarto matapos ko maglinis doon. As of the letter ay excitement bigla ang naramdaman ko.

mavis.

Dear Diary, So yun na nga I feel so unemotional kasi nga bumagsak sa lupa ang pag asang kahapon ko pang pinipigilan excitement na pilit pinipigilan na halos gusto ko ng ibigay ang mga chocolate kahapon pa at specially ako mismo ang gumawa at gustong gusto ko na ngang ibigay kay crush, yun pala dinaanan niya lang ako, I put my hope so high naabot langit pero hindi ko naman inaasahan na kung gaano kataas ng pag asa ko ganun din ito katindi babagsak sa lupa. Sa mismong araw ng valentines day sa labas ng gate kung saan karamihan medyo kaunti nalang ang studyante dahil nga sa uwian na, hihintayin ko si crush sa may puno malapit sa may gate para makita ko kaagad siya, ilang ulit ko pa noon prinaktis ang mga sasabihin ko sa kanya habang hawak ko ang paper bag na may laman na chocolates at sulat ko para sa kanya pero di ko talaga ineexpect ang mga nangyari na halos nabitawan ko ang paper bag ko na dala, si crush kasi diary may hawak na bulaklak at mga chocolates kasama ng mga kapwa niya senior na pinagkakaguluhan siya hindi ko rin naalis ang mga mata ko sa 3rd year na babae na nakayakap sa kanya sa braso pagkatapos ay hindi ko napansin na dinaanan lang nila ako. Andon ako e! nakatayo nakatingin kong saan sila naglaho, ansakit.

mavis.

Dear Diary, alam mo diary tinitiis ko nalang ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si crush na dumadaan sa may classroom namin kasi nga the more na nakikita ko siya naalala ko lang yung kasama niyang 3rd year, sinasabi ko nga sa sarili ko na mag move on nalang ako pero hindi ko kaya kasi nga may kasabihan nga tayo na first love never dies, crush pa kaya. Lumipas lang ang araw ko na walang nangyari maliban pambubully sakin ng kaklase ko sa pag hila ng buhok ko.

mavis.

Dear Diary, Ano ba yan pati yata si kupido ayaw sumuko sa crush ko, kasi nga nabungo ko si crush sa hallway, antanga ko kasi lumilipad nanaman yung imagination ko habang naglalakad patungo sa classroom ko. At alam mo ba tinulungan nanaman niya akong tumayo syempre itong lola niyo medyo humaba yata buhok nagpabebe na, sus ikaw pa ayan na oh nakalatag na hindi mo pa igrab, pero saglit lang yun kasi tinawag na siya ng mga kaibigan niya magbebell na rin kasi noon. Nang maghiwalay ang mga kamay namin para akong nakuryente at nagtatakbo patungo sa classsroom ko hindi ko kasi mapigilan ang puso kong tumalon ng mataas at mapangiti na parang tanga. Diary ansaya ko, sobra!

mavis.

Dear Diary, tinutulungan ko si manager ng bago nanaman niyang imbentong cake syempre dagdag sahod na rin yun, ikaw ba naman di magpabida sa boss mo. Nang matapos ay dinisply ko na ito sa sa may counter pero kalalagay ko palang ng mapansin kong may pumipili ng cake at sakto namang ilalabas ko na ang kamay ko ng magtama ang mga mata namin ni crush, mabilis pa sa sigundo na mapatayo agad ako't sinara ang glass counter kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng cake, di nga napansin na uminit ang mukha ko. Napansin ko ring bumaling ang tingin ni crush sa gilid niya, akala ko kinilig din siya sa pag tinginan namin na dalawa yun pala nakita niya yung barkada niya na agad siyang kinausap-gusto kong suntukin ang puso ko. Asar!

mavis.

to be continued...

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play