Delusional Love
Hello, ako nga pala si John. Isa akong student sa sikat na University dito sa Pilipinas. Nakatira ako sa isang maliit na apartment and eto single since birth, pero may isang babae na nag papatibok ng puso ko, at sya ay si Stephanie.
Nakilala ko sya sa isang social media platform, nag cocomment sya sa mga post ko and ganun rin ako sa mga post nya, after some time nalaman ko na same kami ng school na pinapasukan, but she's in second year while I'm on my third.
Isang araw pinag tripan ako ng mga kaibigan ko at nag message sila kay Stephanie gamit yung account ko. Sobrang nahiya ako nung time na yun kaya kaagad akong humingi ng sorry kay Stephanie...
John: uy Stephanie sorry nga pala sa mga sinabi ng mga kabigan ko kanina ah.
Stephanie: Okay lang yun hahaha, ingatan mo nalang yung account mo next time.
John: ah sige sige...
AGHHHH Nakakahiya!! ano ba kasing pumasok sa isip ng mga kaibigan ko at nag message sila kay Stephanie, at sa account ko pa talaga!
At doon na nag simula ang madalas na pag uusap namin ni Stephanie. Kadalasan about sa school and studies ang topic namin. Since mas nauna ako ng 1 year sakanya, nag tatanong sya sakin about sa mga lectures and lessons na medyo nahihirapan sya.
As time passes, we grew closer and closer without even meeting each other in person. Hahaha i know its a bit strange pero okay lang samin kahit ganun, naging komportable kame kahit hindi pa kame nagkikita.
Isang araw, nag message sakin si Stephanie.
Stephanie: Uy John, uhm libre ka ba bukas after school?
John: Ahm oo libre naman ako, bakit mo pala natanong?
Stephanie: Aayain sana kita lumabas, naisip ko lang hindi pa tayo nag kikita sa personal eh.
John: Oo nga noh? Sure intayin kita sa labas ng school bukas:).
Stephanie: Sigeee!
Kinabukasan, Nag meet up kami ni Stephanie sa labas ng school. Nag pakilala sya ng maayos sa personal so nag pakilala narin ako.
Stephanie: excuse me, kayo po ba si John?
John: ah oo ako nga! Then you must be Stephanie?
Stephanie: ahh yess I'm Stephanie! Nice to meet you!
John: Nice to meet you too!
Grabe, I was stunned when I saw her. She's so pretty kasi and ndi ko napigilan mag blush.
After that, pumunta kami sa center square para bumili ng mga streetfoods, then after namin nakabili, nag stroll kami Hanggang makarating kami sa Park. Umupo kami sa upuan at nag usap, mostly about ourselves yung pinag uusapan namin, tulad ng mga interests, hobbies, talents and many more.
Hindi namin napansin ang pag lipad ng oras, at dahil may pasok kami kinabukasan, kailangan na namin umuwi. So hinatid ko na sya sa terminal ng tricycle bago ako umuwi.
After kong makauwi, napahiga nalang ako dahil sa dami ng nangyari nung araw na yun. Naka recive ako ng message kay Stephanie...
Stephanie: Uy John, Thank you for today ahh! Nag enjoy ako dun!
John: ahh wala yun hahaha
Stephanie: Let's go out again sometime!
John: Sigee I'm looking forward to it!
Nag usap kami ni Stephanie hanggang umabot na ng hating gabi. Hindi ko ba alam pero tuwing sya yung kausap ko, parang ayaw ko matapos yung conversation namin eh.
Habang tumatagal, unti-unti akong nag d-develop ng feelings kay Stephanie, pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya. Natatakot kase ako, baka kasi masira yung pag kakaibigan namin kung malalaman nya yung nararamdaman ko, so I just kept it as a secret.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Dark Knight
currently writing chapter 2
2023-09-19
0