44 Days In Hell
Sa isang madilim na silid may isang babaeng nakagapos at puno ng putik ang kaniyang napaka-gara ngunit simpleng bistida na nahahaluan ng dugo. Napakadilim ng silid na iyon, napakasan-sang ng amoy, at tila ba ay may nabubulok na kung ano sa silid na kinaroroonan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naroon sa silid simula nang dukutin siya ng mga hindi kilalang mga kalalakihan.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang bulto ng isang babae, pilit niyang inaaninag ang mukha nito ngunit nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa likod nito.
"Tulungan mo ako paki-usap," pagmamakaawa niya sa babae.
Ngunit hindi ito sumagot, bagkus lumapit ang babae sa kaniya at dahil sa paglapit ng babae ay nakikita na niya ang mukha nito, salamat na rin sa liwanag na nanggagaling mula sa labas.
"Kamusta? Nagustuhan mo ba ang paraan namin ng pagsurpresa sayo? Btw. Belated happy birthday!" nakangising wika ng babae sa kaniya na may.
Nakakakilabot ang ngising iyon, at ang mga mata nito ay tila nag-aapoy dahil sa galit. Bigla siyang binalot ng takot at kaba. Hindi niya maintindihan kung bakit dinala siya dito ng babae, ni hindi nga niya kilala ito. Maski ang boses nito ay hindi pamilyar sa kaniya. Kaya ano ang kailangan nito sa kaniya? Ano ang ginawa niya upang magalit ito ng ganito sa kaniya?
"Sino ka? Nasaan ako?" puno ng pagtatakang tanong niya sa babae.
"You may not know me but I know you, "nakangiting wika nito sabay mahigpit na hinawakam ang kaniyang panga na halos bumaon na ang mahahaba nitong mga kuko sa kaniyang balat. "You're inside our territory. We just want to give you our gift, hindi kasi kami nakapunta noong birthday mo kaya ngayon lang namin maibibigay ito. I just hope that you would like our gift for you." saad nito na hindi naaalis ang nakakakilabot nitong na ngisi sa labi.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?Ano bang kailangan mo?" takot at takang tanong nito.
"Hmmm.... Wala naman akong masyadong kailangan mula sayo. Pero sila meron, and like i said just now, we just want to give you, your gift." wika nito na may inosenteng ngiti.
"Ano ang ibig mong sabihin? Sinong sila? At anong regalo ang pinag-sasabi mo? " nagtatakang tanong nito.
"Hindi ko sasabihin sayo kung ano ang regalong tinutukoy ko. I don't want to spoil the surprise, but I think, you really need to know the one of the reasons why you're here."
Lumapit ang babae sa kaniya at may ibinulong sa kaniya. Lumaki ang kaniyang mga mata at halos mahulog ang panga dahil sa sinabi ng babae. Hindi siya maka-paniwala sa nalaman.
Hindi maaari.
Paano nila nagawa iyon?
Hindi pwedeng isa siya sa kanila.
Hinding-hindi niya magagawa iyon.
Paano niya ako nagawang traydorin ?
Hindi parin siya makapaniwala sa nalaman. Hindi makapaniwalang umangat ang kaniyang tingin sa babae at nakita niya na nakangiting nakatingin ito sa kaniya.
"Ngayong alam mo na ang totoo, siguro alam muna rin kung anong klaseng regalo ang inihanda namin para sayo,"may mala-demonyong ngiting wika ng babae sa kaniya.
Kahit na natatakot ay pilit niya itong nilalabanan. Hindi pwedeng magpatalo siya sa takot. Kailangan niyang makatakas sa lugar na ito,kailangan niyang alamin kung totoo nga ba ang sinabi ng babae sa kaniya o hindi. Binuksan nito ang ilaw sa silid at napapikit dahil sa liwanag na nagmumula rito sa ilaw. Nang kaya niya ng makakita ng maayos ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa kuwarto. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa kaniyang nakita. Puno ng dugo ang silid na iyon, may mga ilan pang nagliliparang mga bangaw.
Nang dumapo ang kaniyang tingin sa kabilang bahagi ng silid ay parang gusto niyang masuka, dahil sa parteng iyon ng silid ay may mga ilang parte ng katawan ng tao at inu-uod na ang mga ito.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwan nito ang anim na kalalakihan. Hindi na siya nagulat nang makita ang taong tinuring niyang parang kapatid na kasama ang mga dumukot sa kaniya.
"Ano nang balak mo sa kaniya?" tanong ng isa sa mga kalalakihan sa babaeng nasa kaniyang harapan, habang malagkit na nakatingin sa kaniya.
"Kayo na ang bahala sa kaniya, wala naman akong paki-alam diyan eh," nakangising wika nito. "Just don't kill her......yet. Don't spoil the fun boys."
"Katulad din ba ng dati?" tanong ng isa sa kasama nito.
"Kayong bahala," nagkibit-balikat lang ito sabay alis sa lugar na iyon.
Nagpatuloy sa pag-uusap ang mga taong nasa kaniyang harapan kung ano ang gagawin nila sa kaniya, na parang wala siya sa kanilang harapan. Nababalot siya ng takot, at hindi niya rin alam ang gagawin sa mga oras na iyon, lalo na't nakagapos ang kaniyang mga kamay.
Lumapit ang isa sa mga ito at marahas na ini-angat ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang buhok. Halos maihiwalay ang kaniyang buhok sa kaniyang anit sa paraan ng pagkakahawak nito.
Iniabot ng katabing lalaki ang isang kandila na sinindihan nito, sa lalaking may hawak sa kaniya.
Pilit siyang nagpupumiglas nang malaman kun ano ang gagawin ng mga ito sa kaniya. Ngunit, sadyang mahigpit ang pagkakatali sa kaniyang kamay at sa pagkakakawak sa kaniya. Napahinto siya sa pagpupumiglas ng bigla siyang sinampal ng lalaking nasa kaniyang harapan.
At itinapat nito ang kandila sa kaniyang kaliwang mata. Tanging ang kaniyang mga sigaw at hagulhol lamang ang maririnig sa buong silid nang dumapo ang wax ng kandila sa kaniyang mata. Halos hindi siya magkandauga sa kaniyang kinauupuan sa sobrang hapdi ng kaniyang mata dahil sa wax na tumutulo dito.
Nang malapit nang maubos ang kandila ay saka lamang sila tumigil. Puno na rin ng wax ang kaniyang kaliwang mata, sobrang hapdi nito. Ang buong akala niya ay tapos na ang mga ito sa ginagawa ngunit doon siya nagkamali, dahil muli siyang napasigaw ng napakalakas ng biglang tanggalin ng mga ito ang wax na nasa kaniyang kaliwang mata at dahil sa ginawa ng mga ito ay pati ang kaniyang kaliwang mata ay nahugot.
Napupuno ng dugo ang kaniyang damit pati na rin ang kalahati ng kaniyang mukha. Nanlalabo na rin ang kaniyang kanang mata, at nanghihina na siya.
Tanging iyak lamang ang kaniyang magagawa. Tumuon ang ang kaniyang tingin sa 'kaibigan' na nakasandal sa hamba ng pintuan upang humingi ng tulong ngunit, tanging malademonyong ngiti lamang ang ibinigay nito habang nakatingin sa kaniyang naliligo sa sariling dugo. Dahil siguro sa panghihina at sa ginawa nila sa kaniya kaya biglang nandilim ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.
****
Sa mga nakalipas na araw niya sa lugar na iyon ay walang awa rin siyang pinapahirapan ng mga ito. Araw-araw ay iba't ibang klase ng pagpapahirap ang ibinibigay sa kaniya.
Nagising siya na hindi na siya nakagapos, nakabukas din ng kaunti ang pintuan. Kahit na nanghihina ay pinilit parin niyang tumayo at silipin kung may tao ba sa labas, mayroon siyang nakita na dalawang bulto ng tao hindi kalayuan sa kaniya. Nag-uusap ang mga ito, at dahil medyo malapit ang kinaroroonan ng mga ito sa kaniya ay naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Ano ng gagawin natin sa kaniya?" tanong ng isa sa kasama.
"Ilagay nalang kaya natin siya sa isang malaking drum," wika nito.
"Hindi ko alam pero parang naaawa ako sa kaniya," sabi ng isa.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw na nga itong pumatay eh," sabi ng kasama.
"Oo nga pala, hahaha...."natatawang sabi nito," sayang nga eh napakaganda pa naman niya. Kaso kailangang mawala na siya."
Ako ba ang tinutukoy nila?
Pero buhay pa naman ako ah?
May iba pa ba silang biktima bukod sa akin?
Tanong niya sa kaniyang isip.
Patuloy parin sa pag-uusap ang dalawa nang biglang napadako ang kaniyang tingin sa ilalim ng kamang naroon sa loob ng silid. May kung anong kumikinang roon, lumapit siya upang alamin kung ano iyon. Napaatras siya sa nakita ng silipin niya ang ilalim ng kama, may isang bangkay ng isang babae sa ilalim ng kama at bigla siyang kinilabutan sa kaniyang nasaksihan. Pinapalibutan narin ito ng mga nagliliparang mga bangaw at inuuod narin ito. Napakabrutal ng sinapit ng dalaga, tila ba ay hindi mga tao ang gumawa nito. May napansin siya na nakaipit sa kamay nito, isang kwintas at isang papel.
Pilit niyang nilalabanan ang kaniyang takot upang makuha ang kwintas at papel mula sa kamay ng babae.
Binuklat niya ang papel at binasa ang nakasulat dito.
"Hoc autem non est finis. Faciam ut certus, ut et ego faciam in me contra Et ego vado vos et ipsi trahunt omnia in inferno liberavit aliquos de inferno."
Kinilabutan siya sa kaniyang nabasa at sa ginamit na panulat dito. Purong dugo ang ginamit sa pagsulat ng salitang iyon. Nang mapatingin siya sa kwintas na hawak ay bigla siyang nanlamig nang maalala kung kanino ito. Hindi makapaniwalang dumako ang kaniyang paningin sa bangkay.
Napatakip siya ng bibig sa sobrang gulat ng mapagtanto kung sino ang babae.
"Hindi maaari. Imposible."bulong niya.
Hi guys... I hope you like my story. Ahm.. Actually first time ko pong gumawa ng story so, sana magustuhan niyo po.☺️
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments