Naranasan niyo na bang gumising mula sa isang panaginip na sa sobrang kakaiba at di kapanipaniwala akala mo totoo? Yun ang pakiramdam ni Jewel nang imulat niya ang mata niya the next morning.
She was in her bed room, in her silky pajamas, wearing her fluffly polka-dotted bandana. Napaupo siya habang hinihimas yung ulo niya.
"...bwisit na panaginip" she murmured under her breath.
"Masamang panaginip ba?" Tanong ng pamilyar na boses pero may antok pang natitira sa sistema ng ating bida kaya di niya agad napansin and cute na trespasser na nakangiti sa kanya na para bang nalunok nito lahat ng masaya sa mundo.
"Mmh, napanaginipan kong nagpropose daw sakin ang isang golden retriever-- " huminto sa pagsasalita si Jewel at tinignan ang taong nagtanong.
"Heh? Ang weird naman ng panaginip mo angel" and there he was, smiling with all his adorable glory.
"AH!!!!!!"
Kaiden Santiago ang panganay na anak ng Santiago Group of Companies. Their family centralizing in the business of travel and owns half of the country's transportation and shipping. The Santiago family were known for two things, one was their wanderlust--walang permanenting tahanan ang mga Santiago, they hop from one country to another like nomads. Kung saan sila dalhin ng hangin, dun. Second was their obsession with exotic romances. They don't discriminate against races, status,defects or gender basta kayang mahalin mamahalin, their family motto? "Kahit ano man ang kulay, hugis, kasarian o estado basta't alam mong pag-ibig, as long as its love, then its love!". They were the most carefree people Jewel had known. Ang bunga? Er... Medyo questionable pero matino naman kahit papano.
"Sinong nagsabi sayong pwede mong papasukin ang manyak na yan sa kwarto ko?!" Tanong ni Jewel kay Holly na sa sobrang inis nakalimutan niyang i-keep ang tinatawag na personal space.
"Kababata niyo po--"
"Childhood sweetheart!" Pakokorek ni Kaiden
"...childhood sweetheart niyo po siya--sabi niya" walang emosyong pagtatama ni Holly.
"Do you find this amusing Holly?! Pinagtatawanan mo ba ako?!" Jewel shook her shoulders.
'...lolololololol' ang sagot ay... Oo, pinagtatawanan siya ni Holly, well-mentally nga lang.
"I need him out! Out of my room, out of my dining room and off my property!!!" Jewel yelled, namumula sa galit at frustration.
"Parang kamatis na ang mukha niya! That's so friggin' cute!!! Seb yung camera!" Nanginginig sa tuwa si Kaiden while watching Jewel throw a tantrun.
"Gusto niyo po bang i-record ko din gamit ang DSLR?" Tanong ng butler/bodyguard ni Kaiden na si Sebastian sabay bigay sa amo yung camera nito.
"You'd do that for me?! Ilang zero ang idadagdag ko sa account mo?" Malaki ang ngiti ni Kaiden.
"Argh!!! No one is listening!!!! Damn it!!! Give me my phone!" Pasigaw na utos ni Jewel kay Holly na siyang agad namang binigay sa kanya ang iphone nito.
She dials her dads number at wala pang isang segundo pagkatapos magring, the line connects.
"Dad!!! We need to talk!--"
"Miss Jewel, si Anthony po ito. I'll switch it to video call"
"Tsk, Holly transfer the call to the screen"
"Opo"
A while later, nasa sala ang lahat and when the call finally connects natigil ang pagpoprotesta ni Jewel nang makita niyang nasa hi hospital bed ang ama niya sa kabila ng screen.
"Dad? Anong nangyari sayo?" Nakakunot noong tanong ni Jewel.
"Ahahahaha, wala anemic daw sabi ng doctor eh" napakamot sa noo si Mr DeLeon "--oh! Si Kaiden ba yan? Aba't ang laki mo na ah! Natatandaan ko pa nung bumibisita ka nung maliit ka pa. You were so attached to Angel that you'd cry pag nagigising ka ng wala siya"
"Ahahaha, nakakahiya naman po, naalala niyo pa yun? Ah! Pero wag kang mag alala Angel, di na ako iyakin tulad ng dati." Pagbabaling ni Kaiden ang atensyon kay Jewel.
"No, I don't really care. More importantly! I'm telling you to stop acting so overly familiar! Listen to this dad! This-this stranger!--"
"Ouch!" Drama ni Kaiden
"He keeps talking about this stupid marriage business! Tell me him he's delusional and that I don't need him messing up with my routine and trespassing in my private property!" Jewel snapped
"Ah, nakakaattract din ang stubborn side mo Angel, natutuwa akong hindi ka basta-basta nagpapadala sa agos ng alon. Ito ang dahilan kung bakit talagang para tayo sa isa't-isa!" Mukhang immune din sa direktang atake si Kaiden
'anong konek?' tanong ni Holly sa isip niya
"Anong konek?" Tanong ni Jewel "in the first place, i can even barely remember you!" Jewel desperately wanted to tell him to back off, pero it seems na kahit magmakaawa ka o magdabog, walang uubra sa katigasan ng ulo nitong si Kaiden.
You must all be wondering--ano na ba ang nangyayari? Nasaan ang pagpapaliwanag sa nangyari pagkatapos nung episode one? Well... Here is the flashback:
"Magpakasal na tayo!"
"... Putang*ñ@! Adik ka ba?!!!!" Is what our female protagonist's reaction to Kaiden's proposal--along with a quick and descisive blow sa diaphragm nito na nagresulta sa maikling minutong kumawala ang ispiritu ng binata mula sa katawan niya.
Anway, after our prince very charming, composed himself, nagsimula na ang larong tagu-taguan.
"Marry me!" Bumulaga si Kaiden mula sa likod ng puno.
"Fu--no!" Jewel succesfully escapes
"Marry me baby~" propose niya mula sa ilalim ng mesa during dinner
"...no..." Malagim na sagot ng dalaga at tinadyakan pa sa muka ang kawawang si Kaiden.
"Marry me-- urk!"
"Bastos kang hinayupak ka!!! Sa cr pa talaga?!" This scene was very self explinatory.
Anyway, buong gabing to tinanong ni Kaiden ng"marry me?" Si Jewel na nagresulta ng maagang pag-uwi ng dalaga which led Kaiden to chase after her car with his car na umabot hanggang sa madaling araw that ended with Jewel's car sucessfully escaping the bat crazy suitor.
So here's the million dollar question. Kung nakatakas si Jewel mula kay Kaiden nung gabing yun, what was he doing in her house, in her living room right now?
Ang sagot? Well, duh dumaan siya ng gate.
"Ahahahaha, i see you two getting along! Mabuti! Mabuti!!" Natutuwang saad ni Mr DeLeon as he clap his hands in delight.
"Mabuti my ***! Explain Dad!!!" Nagdadabog na demand ni Jewel.
"Hm... Nagsimula ito sa ikalawang trimester ng pinakamamahal kong asawa--"
"Di ko kailangan ng isang episode ng MMK Daddy, ang kailangan ko sagot!" Mabilis na pinutol ni Jewel ang internalization ng kanyang ama.
Baka kung saan-saan naman kasi mapunta ang pagfa-flashback niya.
"Tsk, kj naman" sumimangot si Sir Addam "kasunduan yun ng mama mo at ng mama ni Kaiden okay? Na pag babae ang magiging anak ni Sophia, ipapakasal siya sa lalaking anak na siyang si Kaiden." Bumuntong hininga si Mr DeLeon while he reminisced the look of his wife and her friend habang pinaplano nila ang kasal ng mga bata "-- I tried telling last time kaya lang sa sobrang busy ko nakalimutan ko nang banggitin, anyway, were not a family upholding stiff rules like those, saka isa pa... Your mom passed away a long time ago, but technically Kaiden is legitimately your fiance, though you can call it off if you both don't want to" Nakangiting paliwanag ng daddy niya "Surprisingly, Kaiden was adamant to marry no one but you, bumalik siya ng pilipinas just for you Angel! how sweet is that?"
"Excuse you?! Are you serious?!" Di makapaniwalang tanong ni Jewel kay Kaiden na malapad ang di mawala-walang ngiti sa mukha niya.
"Hm? Yep! Its either you o magpapari ako!" He declared.
Pumalakpak naman sa paghanga si Sebastian na nagbe-blend in sa background.
"Edi magpari ka!!!!" Jewel yells.
"Eh?! Don't you want to marry me?!" Shock na shock na tanong ni Kaiden.
"Hindeh!! High ka ba?!!!! What made you assume that?!!" Highblood na tanong ni Jewel.
"Not what, but who! Ikaw!!!! Nagpropose ka sakin nung five palang tayo!!! Nagsulat ka pa nga ng marraige contract! Was it all a lie?!!!" Maluha-luhang depensa ni Kaiden sabay pakita sa madla ang isang lumang papel, medyo yellow-ish na yung kulay at may konting lukot pero dahil naka laminate, napreserve ng maigi.
It was a drawing of a girl with yellow hair and a boy--stick figure halatang ginawa ng batang walang kamuwang-muwang sa salitang kasal o matrimonya. It had their names on top na may heart sa gitna at ang mga salitang "marriage contract" at "happy ever after" sa gilid.
"Baliw!!! Adik!!!! We were five!!! Saka Sinong matinong tao ang ipapalaminate marraige contract na drinawing ng isang limang taong gulang?!!!! The word marriage wasn't even spelled correctly!!!! Ibagay mo sakin yan! Takte!!!" Namumulang sigaw ni Jewel habang pinipilit na kunin yung "dukumento" sa kamay ni Kaiden.
"Ayoko nga! Kayamanan ko to eh~" mapang-asar na sinagot naman siya ng binata. "With this, di ka na pwedeng ikasal kahit kanino except for me~ Yey!!"
"Narinig mo ba ang sinabi ko?! And Its fake damn it!" Talagang tumataas na ang high blood pressure ni Jewel tuwing nakakausap niya ang lalaking toh.
"Awe~ want to make it real?" With his charming lopsided smile, he eliminates the space between them by snaking his arm around her waist na siyang napasinghap at gulat si Jewel--shutting her up during the process. "Marry me Angel" he says.
'syet, nakakakilig. Say yes na kasi! Walanjo!' sabi ng walang emosyon sa mukha na si Holly sa isip niya.
"Ahahahaha as expected of a Santiago! You both look good!" Bumalik lang sa katawan niya ang kaluluwa ni Jewel nang isaboses ng ama niya ang tuwa nito.
She pushes him away while blushing furiously, sabay hawak sa earlobe niya to calm herself.
"Tsk, malapit na sana eh. Istorbo ka uncle" nakapout na reklamo ni Kaiden na siyang lalong ikinatuwa ng ama ng babaeng gusto niyang pakasalan.
On the other hand, it was the first time Holly saw someone who managed to shut Jewel up. Ang Reyna na may pride na kasing taas ng mount everest... Isang ngiti lang pala ang katapat? Marami talagang kababalaghang pinapakita ang mundo.
"Wala akong balak na pilitin si Angel na pakasalan ka Kaiden if she decides she doesn't want to. Pakiusap kong wag mo nalang ipilit. All in moderation, okay ijo?" Paalala ni Mr DeLeon
"I understand Uncle" nakangiting sagot ni Kaiden.
Pero sa mga oras na yun... Ni isang tao sa loob ng living room... Walang naniwala sa kanya--lalong-lalo na si Jewel.
"Good, good--" inatake ng malakas na pag-ubo ang matanda
"Dad? Are you okay?" Tanong ni Jewel habang pinapanuod niyang inumin ni Mr DeLeon ang tubig na ibinigay sa kanya ni Tony.
"Oo naman! Im fine. Nabilaukan lang. Anyway, i need to go now. May mga papeles pa akong tatapusin. You two be safe alright? Kaiden ikaw na muna bahala sa anak ko"
"I'm fine by myself, thank you very much" masungit na bwelta ni Jewel
"Sir yes sir! Babantayan ko siya 24/7! 365 days in a year!" Sagot ng binata sabay akbay kay Jewel.
"Ugh! Space please!" Irap ng dalaga.
"Mabuti naman kung ganun--" "president..." "Okay, sige, babye na. I love you Angel! I'll call again later!"
"Fine, and take care of yourself, gosh di ka na bata" inis na paalala ni jewel
"Yes po. Bye" with the the video ends.
"Ang sweet-sweet mo talaga Angel, i wonder if magiging kasing sweet mo rin ang magiging anak natin?" Naging half-hug yung kaninang akbay, mukhang di alam ni Kaiden ang mga katagang "social distancing" at "personal space"
Jewel pushes him off while blushing in the brightest red possible "narinig mo naman ang sinabi ni Dad, ayokong magpakasal sayo kaya wag mong ipilit! I'm fine on my own!"
"Hindi naman kita pinipilit. I'm convincing you~ wala namang sinabi si uncle na di kita pwedeng suyuin, diba?" palusot ni Kaiden.
"You call that convincing?! More like threatening to stalk me kung di ako papayag sa gusto mo!"
"Hala, obvious ba?--aw!! Tenga!!! Angel masaya akong ikaw na ang naii-nitiate ng skinship pero please, aray, aray, aray!! mapupunit yung tenga ko!" Kaiden cried nung mahigpit na kinurot ni Jewel yung tenga niya.
"Sabi ko nga ba!! Kaya mo siguro nahanap tong bahay ko dahil sina-stalk mo ko noh?!"pag-iinterogate ni Jewel
"Technically, sina-stalk nga kita pero matagal ko nang alam kung san ka nakatira--aw!!! Masakit!masakit!!!"
"Punyeta ka-umamin ka patalaga ah!!! Mamatay ka na!!!"
On the side, parehong ina-admire ng butler/body guard na si Sebastian at ng P.A na si Holly ang nakakatouch na scene na punong-puno ng violence, mga katagang bawal sabihin sa national TV at external screaming... Mostly external screaming.
Anyway, kahit na sobrang gulo na ng kanyang umaga, Jewel managed to get to school to maintain her perfect attendance--syempre after niyang patalsikin sa bahay niya ang trespasser. Though, mukhang wala nang ikakaganda ang mood ng ating reyna.
"Move" nayeyelo niyang utos sa kun sinong minalas na mob character na nakaharang sa dinaraanan niya.
'uy, bago yun ah' Holly notes in her head
Parang red sea sa biblya kung mahati ang nagsisiksikang studyante sa hallway giving way to the woman who owns it all.
"Holly, am I cursed? sinumpa ba ako ng kamalasan ngayong araw? First there's that stalker psychopath following me around, tapos ito? Akala ko ba sinabi kong hindi ko gustong may humaharang sa dinadaanan ko?" Inis na pagmamaktol si Jewel.
'...wait...ako ba may kasalanan?' tanong ni Holly sa isip niya "di na mauulit Miss"
"Talagang dapat di na mauulit! You better do your job right Holly!" Sita ni Jewel nang makarating na sila sa tamang building, then she enters her classroom at iniwan niya sa labas ang P.A niya.
'wow... Triggered na triggered siya... Lololololol' Holly thought bago siya lumihis ng daan papunta sa cafeteria.
Sa kabilang dako ng mundo-char lang, wag na tayong masyadong lumayo--sa kabilang dako ng school. Magfocus naman tayo sa buhay ng isang supporting character.
Lets meet Yosef Almario. Varsity basketball player, miyembro ng Event Committee, matangkad, gwapo--may pagkapilyo pero matino naman. Isa siya sa mga heartthrob ng school kung baga. Ngayong araw, half day siya dapat kayalang may morning practice siya kaya naman maaga siyang pumunta sa school. Thinking na mas mabuti nang magtambay nalang siya sa University habang hinihintay yung klase niya sa hapon, kasama niya ang barkada niyang nagchi-chill sa oval since kakatapos lang ng practice game nila.
"Yosef, balita ko naghahanap nanaman si Lisa ng bagong secretary para sa Event Committee, Adik talaga presidente niyo, nakita kong umiiyak sa faculty si April Jan kahapon" sabi ni Friend A
"Tol ayos ka lang? Rinig ko pinagkatuwaan lang daw nilang gaya-gayahin si Space Please tapos ganun na nangyari. Hindi ka ba natatakot na baka isang araw kainin ka nalang niya ng buhay?" Tanong ni friend B
"Lol, ano kala mo sa kanya si godzilla?" Natatawang tanong ni Yosef.
Hindi naman sa pinagtatangol niya si Jewel--in thefirst place hindi si Jewel ang tipo na babae ni Yosef. Jewel is a strong, confident woman, na alam na alam kung anong gusto niya. She's insensitive pagdating sa feelings ng iba at nakakasakit ang mga salitang binibitawan niya minsan but its not like she's not considerate. Kahit papano Jewel respects the fact that the people around her doesn't revolve solely around her. That's one admirable attitude coming from a spoiled princess. Para kay Yosef, although she has the looks,money and brains... it did not appeal to the lowkey romantic like Yosef Almario...Gusto niya yung, mahinhin... Medyo shy, cute... Yung tipong damsel in distress... Yung gusto mong protektahan...Tama...
Katulad nalang ng cute na binibining pinagkakaguluhan ng mga babaeng students sa di kalayuan... Yep... Ganun yung type niya--
'teka--' tinignan ng mabuti ni Yosef ang grupo ng mga babaeng maingay sa di kalayuan.
"Anong nangyayari? Ba't ang ingay?" Tanong ni Friend C kahit obvious na pero tinanong niya parin para sa dramatic effect.
"Teka, saglit lang" dahil nga gwapo, matangkad a.k.a heart throb ng school, di kayang isantabi ni Yosef ang isang magandang binibini na humihingi ng tulong-- though hindi naman talaga siya humihingi ng tulong. Let's also be reminded that the person in question is his type.
Yosef, leaps into action at hinati yung bola ng nagsisigawang mga fangirls na akala mo nakalunok ng steriods sa sobrang lakas--nahirapan tuloy si Yosef na makapunta sa mata ng problema.
"Oh my gosh!!! Pwedeng papicture?!" Sigaw ni Fangirl A na aksidenteng malapit sa tenga ni Yosef.
"Kyaa!!!! Korean ka ba?!!!! Saranghae!!!" Sigaw ni Fangril B na sa kasamaang palad malapit sa kabilang tenga ng kawawang prince charming.
"Sheyt! Model ka! I swear na kita ko na mukha mo sa billboards! Autograph please!!!" Pagmamakaawa naman ni Fangirl C na aksidente niyang natulak si Yosef papunta sa harap.
The momentum was big, Yosef couldn't apply his breaks at di niya maiwasang mapaluhod sa gitna ng kaguluhan.
'shemay.... Nakakahiya...' namula ang tenga niya sa hiya nang maramdaman niya ang libo-libong mga mata na nakatingin sa kanya.
"Okay ka lang?" Tanong ng isang mala-anghel na boses...--it was deep for a woman.
' baka paos lang' Yosef thought positively
"Yeah, okay lang ako" may nakita siyang malaporselanang kamay na nakaawang sa harap niya and he takes it, malambot ito, maganda ang mga kuko at maputi pa--though it seemed like it was too big for a woman.
Nang i-angat ni Yosef ang mga mata niya, bahagya siyang nasilaw sa mala-talang ngiti ng isang napakacute na babae...hinigit siya nito patayo--okay... Isang matangkad na cute na babae... Tapos bumaba ang tingin niya sa dibdib ng babae.... Okay! Isang flat-chested na matangkad na cute na babae... Tapos muling bumaba pa sa jeans ng baba--
'fvck... Hindi siya babae!!!' Yosef screamed internally.
"Sorry girls, andito na sundo ko." With an apologetic smile, inakbayan nung baba-este lalaki si Yosef na hindi pa rin makamove sa nakita niya.
"Aw!" Sabi ng mga extrang fangirls na siyang nagsialisan na.
"Whew, salamat sa tulong ah" nakangiting sabi ng cute na estranghero sabay bitaw sa balikat ni Yosef.
"Hindi, okay lang. Mukhang malulunod ka na kasi dun eh" tinawa nalang ni Yosef ang disappointment niya "Yosef nga pala" he extends his hand.
"Oh, I'm Kaiden, nice to meet you" tinanggap nung cutie pie yung kamay ni Yosef at nagkipagkamay sila.
Mayamaya, sinama na ni Yosef si Kaiden sa kung saan tumatambay ang mga kaibigan niya at nakipag-usap sila.
"Oh, so bumalik ka sa pilipinas para pakasalan yung childhood sweetheart mo?" Tanong ni Yosef habang binubuksan kung BLT sandwich niya.
"Uhuh" masayang tumango naman si Kaiden. "Nagpromise kasi kami sa isa't-isa na magpapakasal kami pag malaki na kami, gusto niyong makita yung marriage certificate na drinawing niya para sakin?" Proud na ibinandana ni Kaiden ang nakalaminate na bond paper sa harap ng mga bago niyang kaibigan.
"Wow ang sweet naman" sabi ni Friend A
"Lol, dala-dala mo ba to kahit san ka pumunta?" Yosef mused.
"Naman! Good luck charm ko kaya to" sagot ni Kaiden.
"Ang romantic naman--pero diba 14 years kayong di nagkita? Pano pala kung may mahal na siyang iba?" Pangho-hot seat ni Friend B.
"Pfft, imposible yan" Kaiden dismissed "palihim ko siyang pinapabantayan kaya imposible yan" nakangiting sabi ni Kaiden.
'anu daw?' napakisap ng ilang beses si Yosef nang marinig niya ang huling sinabi ni Kaiden, then he brushes it off thinking na baka nagkamali lang siya ng rinig. 'he doesn't look like the obssessive type...' he surverys Kaiden's face bago agad binaling sa ibang bagay ang tingin niya '...gusto ko talaga ang mukha niya... Pakshet'
Pano ka nakakasigurado walang ibang gusto yung childhood sweetheart mo? Malay mo may secret crush siya na ayaw niyang ipahalata o di naman kaya palihim na relasyon?" Bumuntong hininga si Yosef "you've been away for fourteen years, something's bound to go wrong"
"...sa tingin mo niloloko lang ako ni Angel?" paiyak na tanong ni Kaiden
"Hi-hindi!!! Hindi lang alam ni Yosef ang mga pinagsasabi niya! Diba brad?" Assist ni Friend A
"Oo nga! Wala ka talagang delekadesa, siraulo ka! Dadak ka ng dadak, may childhood sweetheart ka ba na kung makapagsalita ka kala mo naranasan mo na!" Binatukan si Yosef ni friend B
"Oo, tama!! Siraulo si Yosef, wag kang maniwala sa kanya! Siguradong naghihintay parin sayo yung si Angel mo! Soul mates kayo! Soul mates!" Pagtatahan ni friend C.
"Wow, Ba't ako naging kontrabida?! Totoo namn ah!" reklamo ni Yosef.
"Tumahimuk ka nga! Wala kang delekadesa!!" Chorus nina Friend A,B at C
May punto naman talaga si Yosef, Lalo na kung maganda tong Angel na childhood sweetheart ni Kaiden mas lalong imposibleng walang nobyo o kahit manliligaw man lang... At hindi rin sa nanghihimasok pero masama bang mag-alala?!!
'Tsk! hindi ko na kasalanan pag umasa ka tapos masaktan okay? Concerned lang naman!' reklamo ni Yosef sa isip niya at nagdadabog na kinagat yung sandwich niya.
"So, dito siya pumapasok sa university namin? Tapos gusto mo siyang i-surprise? Anong year at course? Baka kilala ko" Tanong ni Yosef, naiinis man--mabait pa rin.
"Tutulungan mo kong hanapin siya?" Parang naligaw na pusang naliwanagan ng pag-asa ang mukhang pinakita ni Kaiden.
"O-oh, magkaibigan na tayo diba?" Nauutal na sabi ni Yosef.
Nabobothered siya kasi Type niya yung mukha ni Kaiden. Tsk, tsk itigil mo yan puso ni Yosef! Lalaki siya, lalaki!
"Yes! Salamat!--ah, second year na siya ng business ad department" nagsimulang i-describe ni Kaiden si "Angel" niya.
'Business ad? Course yun ni Godzilla..' Yosef remembered.
"Right! My picture ako dito, gusto niyong makita?hehehehe" nakabungisngis na saad ni kaiden at dinukot yung wallet niya.
"--i told you to finish it by this afternoon at sinasabi mong hindi mo pa nasimulan? My ghad Ana, presentation natin yan mamaya. Are you effin' kidding me? You know what? Never mind, ako na ang gagawa. You can just kiss your grades goodbye--" Tumingin si Yosef sa malakas at triggered na boses ng babaeng dumaan.
Parang pinause yung eksena, nabato si Yosef nang makita niya ang mukha ni Jewel while Jewel froze when she saw Kaiden
'**** what is he doing he--' Jewel inwardly asked
'oh, si godzilla... Anong ginagawa niya rit--' Yosef wondered.
"Angel!!!!! You found me again!!!! Sabi ko na talaga para tayo sa isa't-isa eh!!" Nanigas ang buong mundo nang niyakap ni Kaiden ang reyna na kilala sa kanyang pagkamuhi sa skin contact regardless kung tao ka man o hayop.
Ngayon lang gumalaw muli ang mga kadena sa utak ni Yosef at mabilis siyang napasinghap. He covered his mouth nang marealize niya na ang Angel na tinutukoy ni Kaiden; ang Angel na parang dyosa na bumababa mula langit kung i-describe ni Kaiden... That Angel... Was actually...
'...totoo nga... Love is blind' at that moment... Yosef Almario received enlightenment. '... Now tell me... SAAN BANDA ANG ANGHEL SA BABAENG YAN?!'
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments