Affianced (Tagalog Ver.)

Affianced (Tagalog Ver.)

His Proposal

(the following chapters will be narrated in the 3rd person's point of view)

 

Once upon a time, sa isang malaking mansion, may mayamang mag\-asawang naninirahan ng masaya at payapa. Then... Fast forward sa time na binayayaan na sila ng isang masayang regalo. The wife, was pregnant despite the fact that she was diagnosed with infertility. Sa sobrang saya ng mag\-asawa, they declared na kahit na ano pa man ang maging kasarian ng magiging anak nila, it would inherit everything they have. And so... Fast forward ulit sa araw ng pagsilang. That day, there was a terrible storm and the birth was difficult. Wala nang nagawa ang mga doctor and unfortunately, the wife passed away.

 

This was the tragic story of how Jewel Alexandra DeLeon came to the world. Pero wag kayong mag-alala di tragedy ang tag ng story natin.

It all started that one ordinary day, when her daddy, the great Tycoon Hotelier Addam De Leon calls from dubai...

"I'm managing the companies fine dad, its going to be my company in the future anyway so hindi mo na kailangang mag-abala pa." Relax na relax na sabi ni Jewel while she stretches her limbs in a yoga posture on her yoga mat sa balconahe.

"Alam ko naman yun Angel, but im just worried about you, you know? Isang taon akong mawawala, di mo ba ako mami-miss?" nakasimangot na sabi ng ama niya na nasa screen ng mac ipod na hawak-hawak ng personal assistant niyang si, Holly.

"We can still call each other. Gosh, nakakahiya ka." Jewel rolled her eyes. "**You told me this was an important deal"

"Walang mas importante kesa sayo Honeybunch! Ah nga pala natatandaan mo pa yung kaobigan mo nung malii--" "Sir Addam kailangan na nating pumunta sa central hotel, its bad manners to let our investors wait**" rinig ni Jewel ang boses ng secretary ng papa niyang si Anthony who also happens to be Holly's dad. "Teka lang naman! Five minutes Tony! Five minutes nalang!--arrgh!!!!--" nawala sa focuse yung camera mukhang nag-aagawan silang dalawa. "Sir! You can call your daughter again tonight--" "hindeeeh! Ayoko!!! Sinasabi mong tonight pero alam kong lulunurin mo na naman ako ng trabaho!!!!--- Tony!!!!!" Unfortunately, the secretary always wins "**magandang araw po, Miss Jewel."

"Ugh, you still wear those ugly glasses**?" Komento ni Jewel the moment na mag focus ang mukha ni secretary sa camera.

"Parte po ito ng identity ko" he repositioned his glasses and ignored the crude remark like a pro "Tatawag nalang ulit si Director mamayang gabi"

Jewel waved her hand to dismiss him before the connection was cut off. Ipinagpatuloy niya ang pagyoyoga.

"Miss, ipapaalala ko lang na kailangan mong umattend ng university mamayang hapon as part of the event committee, tungkol ito sa University Fest na gaganapin three months prior. At may maliit na dinner na iho-host ang pamilya Sagrada around 9pm, they sent an invite" Jewel recieves a beige invitation para sa isang formal dinner

"Charity event? Ang mga Sagrada?" She scoffed at binalik yung invitation kay Holly "sa tingin ba nila uto-uto ako?"

"**Should i decline?"

"Hindi, lets attend. I'm not interested in the event perse pero mukhang may plano silang magpatayo ng circus, sino ba naman ang makakatangi sa comedy**?" Inhaling deeply, she finishes her yoga session. "**Is that all?"

"Opo, sinabi rin ni Sir Addam na huwag kayong masyadong mag-oover work at mas magfocus sa school. So he ordered to have your weekend schedules altered and reported back to him**" Binigyan ni holly ng tubig at malinis na towel si Jewel

"Tsk, sinabihan ko na siyang wag akong pakialaman... He never listens to me." Tinanggihan ni Jewel and tubig at pumasok na sa sala, passing by the grand piano by the living room. "He really should stop meddling with my affairs. Ano ba ko sa akala niya? 3 years old?" Inis na saad ni Jewel as she makes way towards the dining room.

Sumenyas naman si Holly sa mga katulong na ipaghanda na ng agahan si Jewel. As Jewel sits on the ivory tables and chairs. Isa-isang inihanda ang agahan niya sa araw na toh na inihanda ng isang chef mula sa 5 star Michelin restaurant. A healthy breakfast consisting of chicken meat and salads. For her drink, freshly extracted orange juice.

"Nag-aalala lang si Sir sayo, you are after all his only daughter" Holly defended.

"Nag-aalala my ***, i can take care of my self. Did you see the company ratings within the last week's I've been managing it? Tripled! I'm capable enough" naiinis na tinusok ni Jewel ang mga halaman sa plato niya.

"Don't play with your food" suway ni Holly

Tinignan aiya ng masama ni Jewel and begrudgingly ate her breakfast.

"He doesn't trust me, i know he doesn't. Kung pinagkakatiwalaan niya talaga ako he wouldn't call everyday just to check, at. Lalong-lalo na hindi siya magte-text every hour!" Inis na sabi ni Jewel sabay ipinakita ang lumalaking bilang ng unread messages mula sa ama niya.

'...adik si sir lol' Holly said in her mind.

"At this rate, pati lalaking papakasalan ko siya rin ang magdedesisyon!!!" Jewel yelled and dove inside her walk in closet at inis na naghanap ng damit na susuotin. "Kaninong buhay ba to? Akin o kanya?"

'...lol, parang teleserya lang? Lololololol' Holly said in her mind, habang walang emosyong pinapanuood ang ilang mamahalin at branded na damit na magliparan na para bang wala silang halaga.

"Ugh!!! Nakakainis talaga! Holly! How does this look?" Kahit naiinis, kailangan fashionable, tanong ni Jewel habang hawak hawak ang white polo-dress

"Ano po ba ang mood niyo ngayon?" Tanong ni Holly

"Yung naiinis ako pero i still want to look cute kind of mood" nakasimangot na paliwanag niya before flinging the dress away. "Argh, is this all my clothes?!" Once more she opens another door leading to another large walk-in closet.

'...hindi ko manintindihan ko pano niya na-iismall ang pagkarami-rami niyang damit na halos kayang punu-in ang buong mall... Iba talaga ang ikot ng utak ng mga mayayaman' Holly commented on her head.

"How about this?" Tanong ulit ni Jewel then she picks up a short blue overalls at off shoulder skin tight long sleeves. "Never mind, ill take it. I need my pumps!" Jewel strides towards the next pink door containing shelves of shoes worth more than an average man's monthly salary.

After ng galit na make over ni Jewel sa sarili niya, pwera pupunta lang naman siya sa university. They finally managed to hop into the black Bennett, na siyang parang school bus ni Jewel, ibang sasakyan kasi ang sinasakyan niya pag pupunta siya sa companya and also a different car paggagala siya. Anyway, enough about Jewel flexing her unlimited amount of car collections. Pagdating nila sa parking lot ng School, di pa nga bumababa marami na ang nakakaalam kung sinong prima donna ang dumating.

Pano ba naman ni di malalaman, Jewel's family was the co-founder of the university plus, the biggest shareholder, not to mention she naturally stands out, with her beautiful wavy blonde hair at blue eyes--impossibleng di mo siya makikilala. She's practically the queen of this school--tama, you heard me, bow down pheasants-- este, lets continue.

Kung saan dumadaan ang reyna walang nagtatangkang humarang, takot lang nilang mapugutan ng ulo--not physically though kasi illegal ang pumatay. Anyway, Jewel is the epitome of a confident woman. Her chin raised, back straight and she walks like a model owning a runway, not to mention she's taller than average Filipino women because of her one-third German genes from her mother in heaven. Kaya naman wala talagang nagtatangkang harangan siya.  In the first place,  ayaw ni Jewel na hinaharangan ang daan niya--she's ambitious as she is pretty. Alam niyang mas mataas ang posisyon niya kesa sa mga ordinaryong hampaslupa and she likes it that way.

Tumigil sila sa harap ng pinto ng club room ng event committee, di pa sa pumapasok pero rinig na ang kulitan at kantyawan ng mga miyembro sa loob.

"Ahahahah, sige nga tignan natin kung sino ang mas magaling pagdating sa pag-iimpersonate sa kanya!" Tinig ng lalaking pero matinis at nakakainis, this voice belonged to April Jan, the committee 's secretary.

"Ahem, ahem, katahimikan!" This deep voice belonged to a woman called Lisa "... Sino ka sa akala mo? Ako ang anak ng pinakamayamang tao sa buong bansa, bilhin ko pa buhay mo eh, space please" sino ba ang ginagaya niya?

"Ay!!! Mali!!!! Ganito yun" this time it was a man's voice, si Albert to "isampal ko pa ang prada ko sa mukha mo eh. Space please!"

"Ahahahahaha!!!! Kuhang kuha mo talaga Bert!!!"

Sa labas ng pinto tinignan ni Jewel habang nakakunot noo si Holly, na siyang binalik naman ang tingin ng walang emosyon.

'...actually... Ang galing nung last... Kuhang kuha' komento ni Holly sa isip niya kasi pag isinaboses niya... Baka mawalan siya ng trabaho sa loob ng susunod na sigundo.

"I don't talk like that" depensa ni Jewel at binuksan yung pinto.

"Isa pa!! Isa pa!! Hahahahaha" masayang sigaw ni April Jan na nakaupo ng nakatalikod sa pinto kaya di niya napansin ang delubyong nagtatangkang gawin siyang lechong baboy gamit ang matalim nitong tingin. "Oh? Ba't kayo natahimik? Ano ba guys!" Sabi nito nang mapansin niyang isa-isang umatras ang mga kaibigan niya sa gilid.

"I hope you spent your last days happy, April Jan Reginaldo, dahil simula mamaya hindi mo na kakayaning ngumiti, space please." Banta ni Jewel mula sa lukuran, nang makita niyang nakaupo si April sa mesa niya--mesa ng presidente ng committee.

"Wow! Sino nag-sabi nun?! Parang totoo--" di na natuloy yung sinabi niya nang makita niya ang liwanag

At this time, sumalangit ang kaluluwa ni April Jan... Rest in peace.

"Now that, wala nang istorbo, Lisa gusto kong maghanap ka ng papalit sa secretary position na vacant. If you can't find someone then take the position" Prenteng-prenteng umupo sa trono niya si Jewel as they started the meeting pagkatapos na i-ban si April mula sa event committee club room.

"Maghahanap po ako! Agad agad! Wag kayong mag-alala!" Alistong sagot ni Lisa, because becoming the secretary meant na kailabgang siyang magreport ng personal kay Jewel--which was the only thing she avoided the most.

Hindi lang siya, kundi ang buong miyembro ng committee. Ilang secretary na ba ang dumating at umalis? Di na nila mabilang pero dahil sa malaki ang brownie points na natatanggap nila just by being part of the committee, in demand ang position kahit pa kampon ng demonyo ang presidente.

"Adequate, asan si Yosef?" Binaling ni Jewel ang mata niya kay Albert na kanina pa pinagpapawisan ng malamig.

"N-m-may varsity practise siya, i-iniwan niya po yung excuse letter niya sa drawer niyo" Albert is a year older at dapat siya yung pino-po at ginagalang but no--not in front of Jewel.

Jewel checks the letter on her drawer and nods. With that, nagsisimula na ang pagpaplano para sa up coming major even ng school. Ilang oras, later...

"Miss..." Mahinang tinapik ni Holly ang balikat ni Jewel,   reminding her that it was time to dismiss.

"Tapusin na natin dito. I'll contact you again for the next meeting, aasahang ko tapos na by then yung pinapagawa ko" Jewel says habang parang mga latang halaman ang mga miyembro na inexpose sa araw ng ilang dekada.

Tumayo si Jewel at di na nagpatumpik-tumpik pang lumabas ng kwarto. Holly hands her the extra soft, wet wipes. Kumuha si Jewel ng sheet at hinugasan yung kamay niya. They walked towards the parking lot

"**I need my dress ready"

"Nacontact ko na si Hope**" sagot ni Holly

"Your good with your job" ngumisi si Jewel as she entered the car.

'...ah, she complimented me' di rin napigilan ni Holly na maproud sa sarili.

         8:30 sharp, nagsidadatingan na ang mga bisita sa mansion ng mga Sagrada na nakatayo sa isang private lot atop a hill. The modern structure in monotone colors of blue and white. Malaki ang garden na may maze na ilang taon ring pinaghirapan ng hardinero. Tonight the party was going to be held in this very Garden. May auction na magaganap, for sale are priceless antiques, plant hybrids that were very costly on international market and lastly, paintings na gawa ng  "prodigy" ng pamilya Sagrada, the youngest child and blooming artist, Amelia Crystal Sagrada. Mapupunta ang mga naipong pera sa isang foundation na sumusuporta sa mga lumalaban sa cancer. But the star of this party is not the host--kundi ang nag-iisang tao na kayang bilhin ang lahat ng nasa auction with a single blank check.

Tama, it was the one and only, ang nag-iisang unica-ija ang bilyonaryong byudo, Jewel Alexandra DeLeon.

The moment that familiar BMW rolled down the drive way of the family's front porch, nagsilinya na ang mga reporters at camera man para lang masilayan o makausap ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamayamang tao sa bansa. The door opens, lumabas si Holly na naka lady-tuxido, kasama nito ang iilang mga malalaking taong nakatuxido din. Hinarangan ng mga body guards and mga reporter na lumapit pa. Then finally the door opens.

Parang mga bituing walang tigil na kumislap ang flash ng mga camera almost blinding her pero di nagpatinag ang totoong bituin. Wearing a dark blue galaxy cocktail dress, with a low back and deep v cut front. Hugging her upper torso beautifully before flowing down to her lower thighs. Paired with her silver cigarette heels and diamond clutch with the mark of Hermes and diamond earrings.

"Ija!!! We've been expecting you!!!!" Binati siya ng mayordoma ng pamilya, ang ikalawang asawa, si Mrs Sonya Sagrada--she opened her arms to welcome the young heiress.

"Space" mabilis na sabi ni Jewel with her hand up, indicated she stopped there.

"Uh, of course, of course. Naexcite lang akong makita ka!" Tinawa nalang ni Madam Sonya ang hiya  niya and ushered Jewel inside. "I heard your dad, is in Dubai! Sayang at di siya umabot sa party"

"Mm...sure" walang ganang sagot ni Jewel habang iniikot yung tingin niya sa buong lugar.

"Mom! Nasan na yung-- oh my gosh! Jewel! Long time no see!!!" Lumabas naman ang panganay na anak na babae, namely Juddette Sagrada with her pale pink dress and pearl necklace at aakamang yayakapin din nito si Jewel.

"Space..." And just like what she did to the mom, she shut her down

'wow, deja vu' commento ni Holly wa utak niya.

"**Right, nakalimutan ko di ka nga pala mahilig sa hugs. Ah! Gusto mong makita yung kwarto ko? Just last time pinaextend ko yung walk-in closet ko kasi it was getting masikip na eh--"

"Darling, mag-paparticipate si Jewel as his father's representative ngayong gabi, she has no time to play around okay**?" Suway ni Mrs Sagrada na ikinataas naman ng kilay ni Jewel.

"Actually, tita. Hindi alam ni daddy ang tungkol sa... Maliit niyong auction" ngumiti ng pagkatamis si Jewel "so unfortunately im not participating as his proxy, pero wag kang mag-aalala may pera naman ako eh"

"Ah-ah... Ganun ba?" Once more itinawa nalang ni Mrs Sagrada ang hiya niya.

"No need to escort me, marami pang parating na guest, me and my P.A can find ourselves a seat since hindi naman ganun ka laki ang bahay niyo" with a smile and savage comment, iniwan na ni jewel ang mag-inang naka-awa ang mga bibig.

'...legendary ... asan na ang korona?' Holly thought in her mind at sinunod na yung boss niya papunta sa garden ng walang pinapakitang emosyon sa mukha.

While waiting for the auction to start, nagsilbing body guard at maid si Holly, she was responsible for Jewel's meals at, at the same time, kailangan niya ring siguraduhing walang paparazzis lalapit sa empleyado niya.

"Sa tingin mo, Ba't biglang naisipan ng mga Sagrada na magpacharity? This is so unlike them" tanong ni Jewel habang inu-unti-unti yung champange na nasa kamay niya.

"Rinig kong, magpapatakbong governador ngayong halalan ang padre de pamilya, siguro kailangan nila ng boost sa image" sagot ni Holly.

"Pfft, if they wanted to boost their image, then locking their eldest poor excuse of a son underground and far from public would be the best option" umiling-iling si Jewel.

Di na sumagot si Holly kasi sumangayon rin siya sa ideya ng dalaga. Maya-maya, nagsimula na ang auction--na naging shopping spree sa kalagitnaan. Nung una wala naman talagang balak na magwaldas si Jewel eh, she thought that if she saw something good then she'd buy it pero kasi, natrigger siya sa sinabi ni Mrs Sagrada. She's a proud woman, at hindi kaya ng pride niya na marinig mula sa bibig ng ibang tao-lalong-lalo ng isang gold digger na nakikiride lang siya sa kayamanan ng ama niya. She's an independent woman that was already making money by the time she entered elementary school! How dare she assume that she was just riding his father's tailcoat?!

Kaya ayun, bawat bid, hindi niya binababa sa isang milyon ang presyo--sino pa ba ang lalaban eh may nanalo na-the first half of the program just turned out to be Jewel flexing her money in front of her competitors.

Isang pahina nanaman to sa weekly gossip magazine.

"Hay... This boring." Tumayo siya sa upuan niya

"**San po kayo pupun-"

"Stay there, mag-c-cr lang ako**" utos ni Jewel at iniwan si Holly.

Hindi siya pumunta sa banyo though, pumasok ng palihim si Jewel sa maze para magpahangin saglit. Kanina pa sumasakit ang ulo niya, malakas ang amoy ng rosas sa hardin and she didn't like it. Nang makarating siya sa  sa maliit na building-only to find it occupied.

She came in contact with a beautiful stranger. Naka-puting tux, complementing his light skin, chocolate brown eyes and a ruffled, slightly curly hair. Kung hindi siya flat malamang napagkamalan siyang babae ni Jewel. This man had tears in his eyes na pumana sa puso ni Jewel.

'...damn, he looks like a lost puppy!!!!' Jewel thought. "What is with this cuteness?!" 

"...Angel?" Sambit ng binata.

It wasn't her name, pero palayaw yun na ginagamit ng adik-este protective niyang ama.

"Huh?--"

"Angel!!!!!!! Oh my god! Bakit ka andito?!!!! Pano mo nalamang andito ako?!! Angel! Angel! Angel!!--" bigla siyang sinugod nung "cute" na stranger

"Oi- spac--" di na natapos ni Jewel yung sinabi niya kasi niyakap na siya ng nakakamatay sa higpit nung estranghero na cute.

"I missed you!!!! Alam mo bang ilang birthdays ko palagi kong wini-wish na sana magkita tayo ulit!!!! Di ko akalaing ngayong taon matutupad yung wish ko!!! Tama nga ang Disney! Dreams do come true!!!! Wahhh, I'm so happy!!!!" Pilit na kumakawala si Jewel sa bisig ng cute na lalaki pero walang epekto, mahigpit kung lumingkis ang mokong "pero pano mo ko nahanap?!" He separated himself from her for only a moment pero agad din nman niyang niyakap ito ulit "ah!!! Sabi ko nang totoong anghel ka eh!!!! Namiss talaga kita!!! Hindi ko na kailangang magtiis na makita ka lang sa pictures at videos na palihim kong pinakunan!!!!"

'EXCUSE YOU?!' "okay, that's it! Bitiwan mo ko! Space please!!!" Sigaw ni Jewel.

"Ah, di ka ba makahinga? Sorry, okay ka lang?" Pinakawalan na siya finally--well half, kasi hawak niya parin ang balikat ng ating bidang babae.

"Pwede ba! Bitiwan mo--anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Jewel nang makita niyang palapit ng palapit ang mukha nung cute na guy.

"Ang ganda mo talaga kahit saang angulo tignan Angel, hindi ako magugulat kung sasabihin mong totoong anghel kang nahulog sa lupa. You look good in blue-sana pala nagblue rin ako ngayong gabi para kambal tayo" he pouted.

Napalunok ng wala sa oras si Jewel at agad na umatras.

"Don't act so over familiar, in the first place hindi kita kilala!"

"Ano?!!! Di mo ko natatandaan?!!!!" Parang inagrabyadong tanong nung lalaki as he closed their distance once more

"Sabi nang spa--" di na natuloy ang banta ni jewel nang hawakan nung lalaki ang kanyang dalawang kamay

"Ako toh! Remember me? Its Kaiden! Ang nag-iisa mong childhood sweetheart/best friend/soulmate/everything!!!!" He passionately exclaimed

'...adik...' was the only word that crossed Jewel's mind.

"Its me!!! Your Denden  nung five years old pa tayo!!!"

'--ah' sa mga oras na toh may isang butil ng memoryang pumasok sa isip ni Jewel, a vague memory of meeting a beautiful girl at her age, na umiiyak dahil nadapa siya '...no, more importantly.--'

"Ang tagal na nun, t@ng!n@!!!!" Di na niya na pigilang batukan sa ulo si self proclaimed "childhood sweetheart/best friend/soulmate/everything."

Sa buong buhay ni ni Jewel, dalawang beses palang siyang nawalan ng "cool". Yung unang beses ay nung gade six siya nang binilhan siya ng factory na gumagawa ng feminine pads ng daddy niya in celebration sa pagdadalaga niya. At yung ikalawa... Was infront of this man... Who despite na binatukan na sa ulo, nakabungisngis pa rin.

"Seryoso anong klaseng prank to?" Hinimas niya ang kamay niya na ginamit niya sa pagbatok sa lalaki-Kaiden was his name.

"Gosh... So hindi to panaginip lang? Ang saya ko!!" Hinawakan ni Kaiden ang pisngi niya bago tinignan si Jewel ng nangingislap niyang mga mata. "Namiss talaga kita!!" And he attempts another hug na this time naiwasan ni Jewel-succesfully.

"I said spa--"

"Mahiyain ka pa rin! Ang cute mo talaga!!!" And he attempts another hug.

"Nakikinig ka ba sakin?!--anak ng, argh!!! Space please!!!" Unfortunately, bingi pala ang bagong kakilala ni Jewel, and he hugs her despite her warnings, threats and protests.

"Angel ko~ palagi kitang napapaginip gabi-gabi--hindi actually kahit umaga ikaw ang laman ng daydreams ko!" He rubs his face on her forehead affectionately na para bang pusa na humihingi ng atensyon sa amo niya.

"I'll ignore how creepy that was kung bibitawan mo ko ngayon din!" She yells pero once more hindi pinakinggan ang protesta niya.

An hour later, nakaupo at nakadequatro si Jewel habang tinitignan ng masama ang lalaking ngiting asong hawak-hawak na ang kamay niya. She survived the hug fest... Pero parang walang balak na bumitaw ang gungong na to.

"Okay ka na?" Dry na tanong ni Jewel.

"Concerned ka sakin?! Awe! Ang sweet mo naman. Basta't kasama kita mas okay pa ako sa pinaka-okay!" Masiglang sagot ni Kaiden.

"Perfect" nakasimangot na sagot ni Jewel. "Pwede bang bitawan mo na ko?"

Gulat na gulat si Kaiden sa sinabi ng dalaga, na parabang ngayon niya palang narinig ang mga katagang yun. Then his eyes transformed into the most sinful puppy eyes Jewel has ever witnessed.

'...oi, hindi ba illegal to?!' she panicked inwardky.

"Pagkatapos kong maghintay ng labing apat na taon... Okay naintindihan ko, nagulat ka... Sabagay, ako din naman hindi makapaniwalang totoo ang mga nangyayari eh... Sorry" parang inaping-asong binitawan niya ang kamay ni jewel at umatras ng isang sentimentro--wow, umatras ka pa. "Pero gusto ko lang ipaalam sayo angel!!" Agad din niyang binawi yung distansya at lumapit hanggang sa magtama ang tip ng mga ilong nila

"**Pu--"

"Seryoso ako sa sinabi ko nung mga bata pa tayo, Angel**... "

'anong pakulo nanaman--'

"Magpakasal na tayo!"

...

Ha?

[Author's notes: how's that for a first chapter? Here's a treat, see you next time?]

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play