Our Why's ( Tagalog )
Khatleen POV
Napaka tirik naman ng araw, ang init init ani ni Khatleen sa kanyang Pinsan na si Mary na kasama niyang mag lakad papunta sa sakayan ng jeep sa patungo sa trabaho nito. at siya naman ay sa kanyang paaralan . ang hill valley college. na matatagpuan sa hillwood main City ngunit si Khatleen ay hindi taga rito siya ay taga El dorado province Nakikitira siya sa bahay ng kanyang pinsan mas matanda ito sa kanya ng 9 years mag isa ito sa bahay.
"Puro ka reklamo bilisan mo na mag lakad at baka mahuli ka pa sa unang araw mo" aniya ni Mary
"Opo eto na po" sagot ni Khatleen
ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na sila sa sakayan.
"Ate mary kinakabahan ako at natatakot" aniya ni Khatleen sa kanyang pinsan
"Wag kang kabahan isipin mo nalang na para lang tong high school pag unang klase." Pag aalo ni Mary sa kanya
"Manong bayad po isang Golden Horizon Bank. at isang hill valley college" aniya ni Mary at iniabot ang bayad nito sa kundoktor
ilang sandali pa ay huminto ang jeep sa paaralan ni Khatleen
"Ate mauna na kong bumaba ingat ka ate" aniya nito at nag paalam na sa kay Mary
"Mag iingat ka good luck sayo ah" Paalam naman nito sa kanya.
Harap si Khatleen sa tapat ng kanyang bagong paaralan nag hahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman .
ni isa ay wala siyang kilala sa paaralan na iyon Bagong bago ang lahat sa kanya. at nang siya ay pumasok na sa. pag tingin tingin nya sa matataas na gusali sa kanyang paaralan di niya napansin na bubungo na sya sa isang kapwa niya studyante
"What the heck Di kapa tumitingin sa nilalakaran mo ? naliliitan kaba sakin.?" aniya nito na mababakas ang pag ka inis.
" sorry po sorry po di ko po kayo napansin sorry po" aniya ni Khatleen sa Lalaki
" sa susunod miss please tumingin ka sa dinadaanan mo" Saad nito at tumalikod at umalis
" Ang sungit naman nito. Sayang ka Pogi ka pa naman nako Khatleen . nakakahiya ka unang araw mo palang Bad vibes na nako bad vibes umalis ka sa katawan ko" sa isip isip ni Khatleen at nag lakad na siya patungo sa kanyang class room
"ohh asan na ba ko di ko maintindihan tong Mapa na to" saad niya sa kanyang sarili sa kanyang pag ka ligaw nakira niya ang isang matandang janitress agad siyang lumapit at nag tanong
"Manang pwede po mag tanong saan po kaya itong class room na ito" tanong ni Khatleen sa matanda.
"malapit kana lumiko ka lang don sa unang kanto nitong building at makikita mo na" sagot nito sa kanya
"Salamat po manang" aniya at umalis na siya
"nako late na ko" saad niya sa kanyang sarili at dali daling tumakbo patungo sa kanyang class room at nang makita na niya ito kumatok muna siya at nang siya ay pumasok nag a attendance na ang kanyang Professor
"Good morning po Sir sorry po late ako." aniya ni Khatleen
"Ok find your seat i hope this is the last time" sagot nito sa kanya.
was tahimik lang ang buong class room at tila wala siyang makitang bakante upuan at ilang segundo lang ay nakakita siya ng bakante ngunit ikinabigla niya ang iba pa niyang nakita .
"jusko Bakit naman sa lahat pa bakit si Mr. Sungit pa yata ang makakatabi ko Lord Why !? " sigaw niya sa kanyang isip
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 4 Episodes
Comments
Rose Ann Avergonzado Suar
/Smile//Shy//CoolGuy//Tongue/
2024-04-18
1
Rose Ann Avergonzado Suar
hipo
2024-04-18
0
Jessie Mae Lobesto
huhu
2020-12-07
0