Chapter 3 : ang piging ni mayor martinez
Hindi pa rin sanay si Evelina sa bigat ng _baro’t saya_. Bawat hakbang niya pababa ng hagdan, parang may nakatingin.
*Capitán Dolores*: Evelyn, bilisan mo. Hindi magandang magpahintay ang Mayor.
Strikto ang boses. Matangkad, may bigote, at ang mga mata niya parang laging galit. Ito pala ang ama ni Evelyn — _Capitán Alfonso Dolores_. Hindi man lang siya tinanong kung ayos lang siya pagkatapos ng “aksidente”.
*Evelina*: Opo, Itay...
Pilit niyang ginalaw ang bibig. _Itay_. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Evelyn, pero base sa bulong ng mga katulong kanina: _“Nahulog daw sa kalesa si Señorita nung isang araw. Simula noon, parang tulala.”_
Kaya pala akala nila wala siyang memorya. Kasi hindi naman talaga siya si Evelyn.
*Capitán Dolores*: Pagkatapos nating mag-almusal, maghanda ka. May piging mamayang gabi sa bahay ni Mayor Martinez. Imbitado ang lahat ng _principalía_. Kailangan nating dumalo.
_Piging_. Party nung panahon ng Kastila.
*Evelina*: Piging po? Para saan?
*### Capitán Dolores*: Kaarawan ng anak niyang si Hiro. Bente uno na siya. At binata pa. _Tumingin siya kay Evelina nang matalim._ Maging magalang ka roon.
_### Hiro_. Hindi pa niya kilala, pero kinabahan na siya bigla. Lalo pang humigpit ang kwintas sa leeg niya.
_Gabi. Bahay ng Mayor Martinez_
Nakakasilaw. _Araña_ ang ilaw, tugtog ng _rondalla_, at lahat ng babae naka-_traje de mestiza_. Amoy _pabango at tabako_ ang hangin.
Hawak ni Evelina ang _abaniko_ niya. Hindi niya alam gamitin, pero kunwari paypay lang siya para tago ang kaba.
*Boses ng lalaki*: Señorita Dolores, ikinagagalak kong nakarating kayo.
Napalingon siya.
Matangkad. _Barong Tagalog_ na burdado, malinis ang gupit, at ang mga mata niya... hindi tulad ng sa Capitán. Mahinahon. Maginoo.
*Hiro Martinez*: Ako si Hiro. Hiro Martinez. Anak ng Mayor.
*Evelina*: A-ako si... _napalunok_... Evelyn. Evelyn Dolores.
*Hiro*: Alam ko. _Ngumiti siya._ Ikaw yung babaeng laging tahimik sa simbahan. Pero ngayon... iba ang mga mata mo.
Napatigil si Evelina. Napansin niya agad?
*Hiro*: May lagnat ka pa ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa kalesa mo. Mabuti at ligtas ka.
_Kalesa_. Kaya pala “aksidente” din si Evelyn — nahulog sa kalesa _same time_ na nabangga si Evelina ng kotse. Dalawang aksidente. Dalawang kaluluwa. Isang kwentas.
*Evelina*: O-okay na ako. Salamat... Señor Martinez.
*Hiro*: Hiro na lang. _Inilahad niya ang kamay._ Maaari ba kitang isayaw, Binibining Evelyn?
Sa likod nila, nakita ni Evelina si Capitán Dolores na nakatingin. Mahigpit ang mukha. Parang nagbabantay.
At sa leeg niya, biglang uminit ang kwentas.
*Bulong sa isip niya*: _Siya na ba? Siya na ba ang dahilan kung bakit ako bumalik?_
Chapter 4 : basang dangal
*Hiro*: Maaari ba kitang isayaw, Binibining Evelyn?
Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung sa kilig o sa kaba. Tatango na sana ako nang—
*Boses ng babae*: Hiro, mahal. Kanina pa kita hinahanap.
_Mahal._
Parang may bumuhos na malamig na tubig sa ulo ko. Pero wala pa yun.
Lumingon ako. Pula ang _traje de mestiza_ niya. Pula rin ang labi. At pula yung tingin niya sa akin — parang gusto akong saksakin gamit yung _abaniko_ niya.
*Hiro*: Luna.
Luna de Mendoza. _Fiancée_. Arranged. At magiging asawa ni hiro
*Luna*: Sino ‘to, Hiro? _Yung tingin niya sa akin, parang basura._ Ah. Si senyorita Evelyn Dolores. Yung binibining nahulog sa kalesa_.
Kaya pala kakaiba ang kilos mo ngayon.
Humigpit ang hawak ko sa _abaniko_ ko. Sana alam ko gamitin ‘to pang-hampas
.
evelyn : Magandang gabi , Señorita Mendoza.
Pinilit kong maging magalang. Kahit gusto ko siyang sabunutan._
*Luna*: Maganda? _Tumawa siya. Yung tawa na hindi masaya._ Hindi ko alam kung _maganda_ o _kaawa-awa_.
Hiro, hindi mo ba ibinalita sa senyorita na _akin ka_?
Na Sa susunod na buwan na ang kasal natin?
Biglang sumikip yung kwentas sa leeg ko. Hindi ko na narinig yung sagot ni Hiro. Kasi sa isang iglap, may malamig na bumuhos sa harap ko.
Splash.
_
Tubig. Sa mukha ko. Sa baro’t sayako. Sa pride ko.
Tumahimik ang buong piging. Naririnig ko yung patak ng tubig mula sa laylayan ng damit ko.
_Plok. Plok. Plok._
*Luna*: Ay, pasensya. Nadulas ang kamay ko. Bagay naman sayo ang basa, Evelyn. Para kang _basang sisiw_.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. Gusto kong batuhin siya ng _taho_ kung meron lang.
Pero hindi ako si Evelina na call center sa 2026. Ako si _Evelyn Dolores_ ngayon
At ang mga Dolores… hindi umiiyak sa harap ng kaaway
Tinaas ko ang baba ko. Nanginginig ako, pero tumayo ako nang tuwid.
Tapos narinig ko yun.
_Clink.
_
Mahinang paglapag ng kopita sa mesa. Hindi malakas. Pero lahat tumingin.
*Itay*.
Si Capitán Alfonso Dolores. Hindi siya sumigaw. Hindi namula ang mukha niya. Tumayo lang siya, dahan-dahan. Inayos ang _chaleco_ niya. At naglakad papalapit.
Hindi siya tumingin sa akin. Diretso kay Luna.
*Capitán Dolores*: Señorita luna de Mendoza.
Ang lamig ng boses niya. Parang yelo. Mas malamig pa sa tubig na binuhos sa akin.
*Capitán Dolores*: Ang anak ko ay nag-iisang Dolores na nabubuhay. _Pause._ At sa pamamahay ng Mayor, sa harap ng buong _principalía_... dinungisan mo siya.
Nakita ko si Luna. Yung mayabang na Luna. Tahimik , alam niyang magiging problema kung makaka away ng mga mendoza ang mga dolores _abaniko_ niya.
*Capitán Dolores*:
Tumingin siya kay Mayor Martinez._ Mayor. Turuan mo ang mga bisita mo ng _magandang asal_. Dahil kung hindi... ako ang magtuturo.
_Grabe._ Hindi siya sumigaw, pero parang sinampal niya buong angkan ni Luna sa isang sentence lang. Ang cool.
Ang nakakatakot.
Tumingin si Itay kay Hiro. Hindi galit. Pero yung tingin… parang sinasabi niyang _“Ayusin mo ‘to.”_
*Capitán Dolores*: ginoong Martinez. Kontrolin mo ang dapat mong kontrolin.
Tapos sa wakas, tumingin siya sa akin. Isang segundo lang lumambot yung mata niya Sobrang bilis, akala ko nag-imagine lang ako.
*Capitán Dolores*: Umuwi na tayo, Evelyn.
Hindi niya ako hinawakan. Hindi niya ako pinunasan. Pero nung naglakad siya sa tabi ko palabas, parang may _armor_ ako. Walang humarang. Walang bumoses.
Paglingon ko, nakita ko si Hiro. Nakakuyom ang kamao niya. Nakatingin sa bakas ng basang paa ko sa sahig.
At ako? Tumutulo ang luha ko. Pero nakangiti ako.
Kasi sa unang beses mula nung napunta ako sa panahong ‘to… pakiramdam ko, may _kampi_ ako.
Sa leeg ko, uminit ulit ang kwentas.
*Bulong sa isip ko*: _Luna de Mendoza, maghanda ka.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments