Episode 2

Nagpatuloy si Bryan sa lumang building na sinasabi ni Alice. It’s getting dark at napaka-tahimik ng paligid. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may maligno raw doon. It was an abandoned building that had four storeys. Ngunit buo ang kanyang loob na pasukin ang lugar, alang-alang sa kanyang pagnanasa.

"Go Bryan. Langit ang nandito at hindi mga multo. Sabik na sabik akong mapagmasdan at mahalikan ang mga labi ni Alice." May pananabik na wika ng kanyang utak.

Puno ng pagnanasa ang dibdib niya sa mga sandaling iyon. Matagal na niyang gustong tikman ang babaeng iyon, at ito na ang pagkakataon na kanyang hinihintay.

Agad na siyang lumapit sa isang bulto na nakasuot ng itim habang nakatalikod sa kinaroroonan niya. Napangiti siya at mas lalong tumindi ang kanyang pagnanasa. Dahan-dahan siyang lumapit kay Alice na noon ay nakatalikod parin sa kanya. Pakiwari niya nakikipag suspense lamang ang babae sa kanya kaya mas lalo pa siyang natatakam dito. Tuluyan na siyang napalapit sa babae at akmang yayakapin na niya ito ngunit isang matulis na bagay ang sumalubong sa kanya. Napaigtad siya sa sakit at napahawak sa kanyang tiyan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang matulis na patalim nakatusok sa kanyang sikmura at ang unti unting pag daloy ng dugo mula roon. Marahan siyang napaatras habang hawak-hawak ang sugatan niyang tiyan. Ramdam niya ang likido sa kanyang kamay.

"You stabbed me." Nagawa niyang ibulas habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Natumba si Bryan sa lupa habang hawak ang sugatan niyang tiyan. Patuloy sa pagbulusok ang dugo mula doon dahilan upang manghina siya. Unti unting lumalabo ang kanyang paningin . Gayun paman ay pilit niya parin inaaninag ang taong sumaksak sa kanya. Alam niyang it wasn't Alice. Dahan dahan na lumapit sa kanyang kinaroroonan habang may hawak hawak na patalim.

"No… No… Don’t do this to me… please." Ang kanyang pakiusap. Ngunit patuloy itong lumapit sa kanya at sinaksak ang kanyang paa. Napasigaw siya sa sobrang sakit at humingi ng saklolo. Dahan dahan siyang tumayo habang hawak ang sugatan niyang tiyan. Tumutulo na ang dugo sa sahig sa kanyang bawat hakbang. Ngunit patuloy ito sa pag sunod sa kanya animoy nakikipaglaro lamang ito. He felt blood in his mouth as he tried to ask for help, ngunit nawalan na siya ng boses. Ramdam niya ang matinding sakit ng kanyang sugat, at mas lalong nanlalabo ang kanyang paningin. Bumigay ang kanyang mga tuhod at tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Sa nanlalabo niyang paningin ay nakita niya ang bulto na nakatayo sa kanyang paanan. He cried and begged for his life.

"No… maawa ka sa akin… Please don’t kill me." Umiiyak niyang pakiusap. " I’m not ready yet to die."

"I begged you once. Pero ang sabi mo, ‘begging is just a word.’ You deserved to die." Narinig niyang sabi nito. It was full of anger and revenge. Tuluyan na siya noting pinagsaksak ng maraming beses. As the blood flowed freely, animoy gumagawa ito ng landas habang patuloy na bumababaon ang patalim. Sa bawat saksak, naroon ang matinding poot at galit. The only thing that could be heard was the beating of a heart full of hatred.

……

"Nasaan ba nagpunta ang loko at bakit ayaw sagutin ang tawag?" sabi ni Allison nang pumasok sa loob ng bahay.

"What? Hindi pa rin ba sumasagot?" tanong ni Khim. Naroon sila sa bahay ni Morgan dahil kaarawan nito. Out of town ang mga magulang ng lalaki kaya ang buong bahay ay sa kanila lang.

"Hindi pa rin eh… Saan na naman kaya siya dinala ng pokpok na babaeng iyon." Kilala nila si Bryan kapag babae na ang usapan, talagang hindi ito aatrasan.

"Huwag mo nang hintayin. Sisingilin mo ang gago na iyon bukas kung hindi siya magpapakita ngayon. Come on man! It’s your birthday so let’s celebrate!" sabi ni Cyrus habang nagtataas ng inumin. There was plenty of food and beer. Naroon ang girlfriend ni Cyrus at ni Allison, habang magkayakap ang dalawa. Malakas ang musika na pumapailanlang sa buong sala. Kumakain, nag-iinuman, at naglalaro ng body shot ang lahat. Masaya at naghahari ang tawanan, hanggang sa magkalasingan na ang iba.

Tumayo si Morgan when he saw his two buddies making out with their girlfriends. Tang ina! Kagagaling ko lang sa break-up. Leche na babaeng iyon! Ipinagpalit siya sa iba.

Maliit siguro ang pagka lalaki niya at hindi nakuntento, kaya nagawa pa siyang iwan. Nakita niya si Khim sa kusina habang umiinom nang mag-isa.

"Nag-iisa ka yata," sabi niya at lumapit dito at tumabi ng upo.

"Nakaka-OP doon eh," nakangiti nitong sabi. Tama nga naman ito. Hinawakan niya ang kamay nito at tinignan sa mga mata upang ipaabot dito ang kanyang tunay na damdamin sa mga sandaling iyon. Alam ni Morgan na may gusto din si Khim sa kanya kahit labis ang pagkahumaling nito kay Kenzo.

"Akala ko ba ayaw mo sa mga bakla," wika nito. Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa kanyang harapan. Marahan nitong pinisil ang nasa gitna ng kanyang mga hita.

"Different kinds of pleasure feels good." Sambit niya at kaagad sinunggaban ang mga labi ni Khim. Gumanti ito ng halik. Mas nakakadarang. Mas maalab at mas mapusok. Naramdaman niya ang pagpasok ng kamay nito kanyang short at pinisil-pisil ang matigas niyang sandata. Right there and then, kapwa nila binigay ang kahilingan ng kanilang mga katawan. Nang matapos, sabay na silang lumabas patungo sa sala. Naroon pa rin sina Cyrus at Allison na nagpapakasaya. Bigla silang napatda nang tumunog ang doorbell.

"Baka si Bryan na iyan," wika ni Allison. Tumayo si Morgan at binuksan ang pintuan. But it wasn’t Bryan. Instead, it was a delivery boy holding a huge black box.

"Good evening, Sir. Kayo po ba si Morgan Cruz?"

Marahan siyang tumango. "Oo, ako nga."

"Delivery po para sa inyo, Sir. Paki-sign na lang po dito."

May pagtataka man ay agad siyang pumirma sa hawak nitong papel at kaagad iniabot sa kanya ang isang itim na kahon.

" I didn’t expect any gift. I wonder kung ano ang laman nito. Akala ko galing ito sa aking mga magulang, pero alam kong hindi naman sila nag-aalala dahil negosyo at pera lang ang laman ng isip nila, kahit kaarawan ko pa man."

He locked the door and brought the box inside.

"Wow! Ang laki naman ng regalo mo! Dali, buksan mo na baka may marijuana pa sa loob!" sabi ni Cyrus, mas excited pa kaysa sa kanya. Medyo lasing na ito sa mga oras na iyon.

"Sa dinami-dami ng kulay, itim pa ang pinili nilang balot," nakapamamaywang na sabi ni Khim, tila may kakaibang pakiramdam ito sa mga sandaling yaon.

"Dali, buksan na natin, pare!" Tumulong na rin si Allison sa pagpunit ng balot. Tatlo silang nagpupumiglas alisin ang makapal na plastik na nakabalot dito hanggang sa tuluyan na itong nabuksan. Ngunit bigla silang nagkatinginan ng napansin ang dugo sa kanilang mga kamay. Nabahiran iyon, and it was fresh blood.

Nakabalot sa isang itim na cellophane ang laman, at pakiramdam ni Morgan ay kakaiba ang laman niyon. Si Cyrus ang unang nagpatuloy ng pagbubukas. Subalit tumambad sa kanila ang laman ng kahon dahilan upang mapatda ang lahat. Nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita na para bang tatakasan ng ulirat anumang sandali. Lumantad sa kanilang harapan ang pugot na ulo ni Bryan na dilat pa ang mga mata.

Hilakbot at takot ang naghari dahil sa nakita. Sumigaw sa gulat at takot ang dalawang babae, pati na rin si Khim, na napaatras at napaupo sa sahig.

"What’s happening?! Sino ang may gawa nito?!" Natataranta at umiiyak na tanong ni Khim, nanginginig sa takot.

"Fuck!" mura ni Allison, habol ang hininga at hindi maalis ang tingin sa kahon. Napakamot ito sa sailing buhok, hindi makapaniwala.

"Sino ang gumawa nito?! SINO?!" galit na sigaw ni Cyrus, nanginginig sa poot. "Sinong baliw ang gumawa nito?!"

Hindi makagalaw si Morgan sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot. Tulala niyang tiningnan ang ulo ni Bryan at doon niya napansin ang isang maliit na kapirasong papel sa sahig, na hindi nila agad napansin.

Binasa niya ang nakasulat doon.

"Did you like my surprise? More to come soon."

Mas lalo siyang nanginig matapos mabasa ang mensahe. The last thing he remember ay inagaw na pala ni Cyrus ang papel mula sa kanyang kamay.

"Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Bryan!" sigaw ni Cyrus, puno ng galit ang tinig nito.

"But how? We didn’t even know kung sino ang may gawa nito." Ang kanyang sabi na hanggang sa mga oras na iyon ay nanginginig pa rin.

"Hindi kaya bumalik siya at gagantihan din tayo?" Wika ni Khim na hindi parin makapaniwala sa nangyari.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! HE’S DEAD!" galit na wika ni Cyrus at matalim ang tingin kay Khim.

"Who’s dead?!" tanong ni Samantha. Ang kasintahan ni Allison na ngayon ay lumapit na rin.

"Wala. Forget it," mabilis na sagot ni Cyrus at agad itong lumabas ng silid.

Nang makaalis na ang dalawang babae ay naiwan silang lima na nagkatinginan. Puno ng takot, galit at pagdududa.

"Wala akong maisip kung sino ang posibleng gumawa nito kay Bryan," umiiyak na sabi ni Khim.

Nakatawag na rin sila ng pulis. Anumang sandali ay inaasahan nila ang pagdating ng mga ito. Walang nakasagot kung sino ang salarin; tahimik lamang ang lahat. Bawat isa ay nag-iisip kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.

Nang dumating ang kapulisan, agad nilang kinuha ang kahon at sinuri upang masimulan ang imbestigasyon.

Ibinahagi ng lahat ng nangyari. Grabe ang panaghoy at ang sakit na nararamdaman ng mga magulang ni Bryan nang malaman ang sinapit ng anak. Nagsimula na ang imbestigasyon at agad na itinuro ng lahat si Alice ang pangunahing hinihinalang may gawa ng krimen. Nakita sa locker ni Bryan ang dalawang note na ginawa ng babae bago ang pagpaslang.

"Why would I make such a note? He’s not even my type, and to think na papatulan ko pa siya. I’m not that kind of girl. And besides, I was sick at that time and I was in the hospital. Hindi ako mamamatay tao."

Iyon ang pahayag na binigay ni Alice ng kausapin ito ng mga pulis. And her parents insisted na naospital nga ang dalaga dahil nagkaroon ito ng allergy. Nagpatuloy pa rin ang kaso at ang imbestigasyon. Lalo na’t hindi pa rin matagpuan ang katawan ni Bryan.

"I’m scared about what happened," Wika ni Khim habang nasa favorite spot sila ng campus. "It’s already five days ngunit hindi pa rin natatagpuan ang katawan ni Bryan. Isang baliw lang na tao ang makakagawa ng ganung krimen."

"Ano ka ba Khim. Baka nakalimutan mong kriminal din tayo! We killed too!" Matigas na sabi ni Cyrus.

"Iyon na nga eh. Paano kung binabalikan na tayo ng karma? Paano kung isa na naman sa atin ang susunod?!" Hindi niya maipaliwanag ang takot sa kanyang dibdib.

"Only foolish people believe that bullshit karma!" Sabat ni Allison. Tahimik lang si Morgan at parang malalim ang iniisip nito.

"Hindi ako natatakot sa kanya kung sinuman siyang baliw! Magpakita siya sa atin at ako mismo ang papatay sa kanya.!" Naikuyom ni Cyrus ang mga kamao.

"How about the note? Why did he send it to me? Hindi kaya ako ang isusunod niya?" Wala sa loob na sabi ni Morgan. Napansin niya ang isang bulto ng tao na nakatayo sa ikalawang palapag. Salamin ang wall ng school nila at nakita ni Morgan ang isang tao na nakatingin sa kanilang kinaroroonan. Hindi klaro ang mukha niya ngunit nakasuot siya ng itim na damit. Nang tingnan niya ito ulit ay bigla na lamang itong naglaho. Iba ang pintig ng puso niya sa mga oras na iyon.

………

"Hey Rhina!"

Lumingon si Rhina ng may tumawag sa pangalan niya. It was Kenzo. He was smiling at lumapit sa kanya .

"Uwi ka na ba?" Tumango siya dito.

"Oo. Marami pa kasi akong gagawin. Bakit?"

"I have something to tell you." Iginiya siya nito sa isang sulok na walang makakarinig sa pag-uusapan nila.

"I think I saw Shawn last night. He was in my room watching me. I wasn’t dreaming. Nakita ko siyang tumalon right at my window…"

Hindi siya nakapagsalita ng marinig ang sinabi ng lalaki.

 

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play