KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kinuha ko ang cellphone ko bago ako lumabas ng k'warto. Bumaba na ako't dumiretso sa dining area para kumain.
"Manang may pagkain na ho ba?" tanong ko sa kaniya nang makita ko.
"Opo sir," nakangiting salubong niya sa akin.
"Paghahain ko na ba kayo?"
"Yes, please."
Tumango lang sa akin si manang bago siya naghain ng pagkain.
"Where's Mom?"
"Kaaalis lang po," saad niya habang naghahain ng pagkain.
"Saan daw po ang punta?" nakataas na ang dalawa kong kilay.
"Kasama po ng Daddy niyo. May pupuntahan lang daw, siguro'y tungkol sa business niyo."
Tumango na lang ako at nag-umpisang kumain mag-isa.
"Kumain na ho ba kayo manang?" tanong ko.
"Hindi pa po sir."
"Sabay ka na lang sa akin," pang-aalok ko.
"Hindi na ho sir, mauna na po kayo. Mamaya pa po ako kakain," nakangiting saad niya.
"Okay."
Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng lamesa 'tsaka ako nag-open ng facebook. Sumubo ako ng pagkain bago ko binuksan ang notification ko.
Kumunot ang noo ko nang makita ko si Vaughn Lewis na nag-react sa post ko. Clinick ko 'yon at hindi lang pala ang pag Haha react ang nando'n kundi nag comment din siya sa post ko.
Badtrip!
Iyan ang post ko dahil buong araw akong badtrip kahapon. Marami ang mga nag-react sa post ko at nag-comment pero ang mas nakakuha sa atensyon ko ay 'yong comment niya.
Vaughn Lewis:
Kalma lang, papunta pa lang tayo sa exciting part.
Marami ang nag-reply at nag-react sa comment niya ro'n sa post ko. Nagtiim ang panga ko. Balak ko sana siyang i-unfriend o i-block na lang pero baka mas lalo lang niya akong inisin kaya hindi ko na lang pinansin ang comment niya kahit kating-kati na akong patulan siya.
Umagang-umaga, bina-badtrip niya agad ako. Nag dadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako ngayong araw dahil paniguradong b'wi-b'wisitin na naman niya ako pero kung hindi naman ako papasok, paniguradong mas lalo lang niya akong aasarin.
Napabuntong hininga na lang ako. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya bumalik na lang ako sa k'warto para maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas akong nakatuwalya lang na hanggang baywang. Pinulot kong muli ang cellphone ko para i-text si Cell kung sabay ba kaming papasok sa eskwelahan pero sigurado naman akong magsasabay sila ni Rem.
Ako:
Sabay ba tayo?
Ilang sandali lang ay nag-text siya sa akin.
Cell:
Sige.
Kumunot ang aking noo sa pagtataka pero nagkibit na lang ako ng balikat. Ilang sandali lang ay may nag-text ulit. Hindi ko na tiningnan pa kung sino 'yon dahil paniguradong si Cell lang 'yon. Siya lang naman ang ka-text ko ngayon.
Unknown number:
Send pic.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at nag-picture ako. Nag peace sign ako habang abot baywang ang pag-picture ko kung saan makikita niya ang towel na nakapalibot sa baywang ko bago ko iyon sinend sa kaniya.
Ako:
Yari na naman ako sa boyfriend mo, bakit ka ba nag papa-send ng picture?
Takang reply ko at ilang sandali lang ay nag vibrate ang cellphone ko kung saan nag-reply ulit siya.
Unknown number:
Wala akong boyfriend. Btw, nice body huh.
Dito na ako nagtaka. Tiningnan ko ang pangalan kung si Cell ba talaga ang ka-text ko pero natigilan ako dahil unknown number pala ang ka-text ko. Nagtiim ang bagang ko habang nakatingin sa huli niyang reply. Napasuklay ako sa sariling buhok habang nagtitimpi ng inis.
What the heck!
Sino ba 'to? Paniguradong ka-schoolmate ko lang 'to dahil hindi na rin bago sa akin na may mag-text na unknown number. Sa sobrang badtrip ko ay hinagis ko na lang sa higaan ang cellphone ko at nagbihis na ng school uniform.
Pero bakit ba ako naiinis? Ilang beses ko na rin pinagkamalang si Cell ang ibang unknown number dahil sa nagkakataon pero bakit ngayon lang ako na b'wisit nang ganito? Napailing na lang ako at tinapos na ang pagbibihis.
Bumaba na ulit ako dala-dala ang bag at cellphone ko. Tinawagan ko na lang si Cell dahil baka ma-wrong send na naman ako.
"Hello, Cell."
"Zeus, 'wag mo na akong sunduin sa bahay. Hinahatid na ako ngayon ni Rem papuntang school. Doon na lang tayo magkita, bye."
Pabulong niyang sabi. Bago pa ako makapagsalita ay binaba na niya ang tawag. Napailing na lang ako at malalaki ang hakbang na lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa motor. Nag-helmet muna ako bago ko pinaharurot ang motor papuntang eskwelahan.
Wala pang limang minuto ay nakarating na agad ako sa eskwelahan. Naabutan ko pa si Cell na nag-aantay sa gate ng school at katabi niya si Rem. Hindi sila nag-uusap kaya paniguradong nag-away na naman sila. Lumapit ako nang maparada ko na ang motor at agad naman niya akong nakita, kumaway siya sa akin kaya kumaway ako pabalik. Tinanguan ko lang si Rem pero ang masama niyang tingin ang pumukol sa akin. Napailing na lang ako at mahinang natawa.
Sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng eskwelahan. Nasa gitna si Cell at hindi kami nagsasalita. Medyo nakakapanibago kaya ako na ang nagbasag ng katahimikan.
"Rem," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako kinibo.
"Sabay ulit ako sa inyo mamayang lunch," pagpapaalam ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin bago tumango. Iritado pa rin ang mukha niya pero at least pumayag siya.
"Hindi muna ako sasabay sa inyong mag-lunch," mariing sabi ni Cell at nauna na siyang naglakad at iniwan kaming dalawa ni Rem.
Kumunot ang noo ko bago bumaling ng tingin kay Rem.
"Ano'ng problema ng girlfriend mo? Nag-away ba kayo? Dahil ba sa akin?" sunod-sunod kong tanong.
"Sino ka ba sa akala mo para ikaw ang pag-awayan namin?" sarcastic niyang tanong pero hindi siya nakatingin sa akin.
Napakamot naman ako sa batok.
"Akala ko ako e, sorry naman. E, bakit ba kayo nag-away?"
Tumingin ang iritado niyang mukha sa akin. Kailan ba siya kakalma kapag kaharap ako?
"Wala ka ng pakialam."
Napangiwi na lang ako nang mauna na siyang maglakad sa akin pero huminto siya't parang may nakalimutang sabihin.
"Sabay na lang muna tayong mag-lunch mamaya, hindi sasabay sa atin si Cell. May pag-uusapan tayo."
Bago pa ako makapagtanong sa kaniya. Mabilis na siyang naglakad at iniwan akong mag-isa. Ano ba ang mga problema nila? Napailing na lang ako't naglakad na sa hallway. Nang makarating sa classroom naabutan ko na ro'n si Cell na seryoso ang mukha. Hindi ako makakapagtanong kung bad trip siya lalo na't kung ganiyan ang mukha niya na sobrang seryoso. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na lang siya.
Napatingin ako sa likuran ko at nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko nakita si Vaughn sa upuan niya. Napangiti ako nang dahil do'n.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 30 Episodes
Comments