Chapter 4

Nang pagkaharap ko dahil uupo na sana ako sa upuan. Halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa akin si Vaughn. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa gulat. Seryoso lang ang mukha niya at hindi ko na rin nakikita ang nakangisi niyang labi.

"Namumutla ka," turo niya sa labi ko.

Nakatingin siya sa labi ko bago ulit siya tumingin sa mga mata ko. Isang hibla lang ang layo namin sa isa't isa bago ako napalunok sa sariling laway dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.

Hindi na ako nagsalita pa't binigyan ko na lang siya ng daan para makadaan papunta sa upuan niya. Hindi ako lumingon sa kaniya at naupo na lang ng dahan-dahan sa upuan ko.

Nakalutang lang ang isip ko buong discussion kaya hindi ko na rin na malayang lunch break na. Nagulat na lang ako nang magsalita si Sir Renz.

"You may now take your lunch, dismiss."

Nag-dismiss na si Sir Renz. Bumaling ako sa katabi ko't wala na do'n si Cell. Napailing na lang ako't dumiretso na sa canteen. Naabutan ko na si Rem do'n pero hindi niya kasama si Cell. Tulala siya habang kumakain, napailing na lang ako't um-order ng pagkain 'tsaka ako dumiretso sa p'westo niya.

"Ayos ka lang?" bungad ko sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin bago ulit nag-iwas ng tingin. Hindi siya nagsalita kaya nagtanong ulit ako.

"Nasaan si Cell?"

Tinuro niya kung nasaan si Cell kaya napatingin ako do'n. Nang makita ko siyang kasama ang ibang babae naming kaklase ay napanatag naman ako. Napatingin si Cell sa gawi namin ni Rem, ngumiti ako sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti bago ulit siya nakipag-usap sa mga kaklase namin.

"Ano bang nangyari?"

Hindi ulit siya sumagot kaya napabuntong hininga ako.

"Alam kong iritado ka sa akin pero p'wede mo naman sa akin sabihin kung ano ang naging problema niyo ni Cell," seryoso kong sabi sa kaniya.

Tumingin na siya sa akin bago siya nagsalita.

"Dahil sa selos," maikli niyang hayag.

Natawa naman ako ng mahina. Tama nga ang hinala ko, nagseselos siya sa amin ni Cell. Normal lang naman ang magselos kaya ayos lang.

"Hindi mo naman kailangan pang magselos sa akin, Rem," natatawa kong sambit.

"Hindi ako. Kundi si Cell, nagseselos siya sa kaklase kong babae," mariin niyang sabi at bumuntong hininga ulit.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Mahina akong tumikhim.

"Ay? Akala ko ikaw, bakit naman daw siya nagseselos?" curious kong tanong.

"Zeus, alam mo naman ang mga babae, Selosa."

Napatango-tango naman ako sa punto niya. Actually, may point naman siya.

"E, bakit kasi hindi mo iwasan 'yong babae? 'Di ba hindi ka naman friendly?" nakangiwi kong tanong.

Tinabunan niya ako ng masamang tingin kaya natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Chill ka lang p're, ako na ang bahalang kumausap kay Cell. Nga pala, ano ang pag-uusapan natin at gusto mo pa akong kasabay na mag-lunch?" nanunudyo kong tanong sa kaniya.

Matalim pa rin ang tingin niya sa akin.

"I want your help."

Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.

"Gusto mo ng tulong ko pero kung makatingin ka sa akin parang gusto mo na akong patayin. Kung nakakamatay nga lang ang masamang tingin paniguradong nakabulagta na ako."

"Nakakairita ka kasi."

"Kailan ka ba hindi iritado? Lagi naman," mapanuyang sabi ko.

"Whatever, Zeus."

Natawa ulit ako sa inasta niya.

"Ano bang tulong ang kailangan mo?"

"Gusto kong suyuin si Cell. Mamaya pumunta ka sa bahay para tulungan ako sa set up."

Hindi siya makatingin sa akin at parang nahihiyang humingi ng tulong. Namumula na rin ang tainga niya kaya natawa ako ng palihim.

"Grabe talaga ang pag-ibig na 'yan, nakakabaliw," nakangising sabi ko.

"Kung hindi ko lang kailangan ng tulong mo. Kanina pa kita sinipa palabas ng canteen," mariin niyang sabi.

"So, kailangan ko bang mag thank you? O sadyang ginagamit mo lang ako kasi may kailangan ka pa?" sarcastic kong tanong.

"Both," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"How dare you!" inis kong sabi sa kaniya.

Dinuro ko siya pero tinampal niya lang ang kamay kong nakaturo sa kaniya. Medyo natawa naman siya sa ginawa ko kaya natawa na lang din ako. Bihira lang tumawa si Rem kaya achievement ang mapatawa siya.

"Thanks, Zeus."

"Oh! Oh! Nagpapasalamat sa akin ang isang Sperm Boldazor," nagagalak kong saad at marahang pumalakpak.

"Baliw."

"Bihira lang ito Rem, kaya natutuwa ako na na-appreciate mo na rin ako kahit lagi mo akong tinitingnan ng masama."

"Lagi mo akong iniinis."

Natawa naman ako at napailing sa kaniya. Napabaling ang tingin ko sa likuran niya at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang maabutan ko si Vaughn na nakatingin sa amin ni Rem. Sobrang seryoso ng mukha niya at nagtitiim ang panga. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

Napansin kong may mga kasama siya at lahat sila ay namumukhaan ko. Sila 'yong kasama ni Vaughn sa pakikipag basag-ulo no'n. Napailing na lang ako't hindi na lang sila pinansin lalo na si Vaughn na masama ang tingin sa akin o kay Rem?

Nag-usap ulit kami ni Rem tungkol sa magiging set up namin para kay Cell. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa gawi nila Vaughn lalo na't panay rin ang tingin dito sa gawi namin ni Rem. Napabuntong hininga na lang ako.

Nagtawanan kami ni Rem nang mag-suggest ako ng banat para kay Cell.

"Ang corny mo, baka lalong magalit sa akin si Cell."

Napatango naman ako sa kaniya at parang sumang-ayon din.

"Siguro nga, baka lalo pa kayong mag-away," nagtawanan kami.

Nag-usap pa kami ng ilang sandali bago ako nagpaalam sa kaniya na magre-restroom.

"P're, restroom lang ako. Suyuin mo na si Cell, baka dumiretso na rin ako sa classroom," pagpapaalam ko.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti ng tipid.

"Thanks, 'tol."

Natigilan ako sa huling sinabi niya pero kinalaunan ay tumango na lang ako at umalis na sa canteen. Bago lang sa akin na tawagin akong tol ni Rem dahil minsan niya lang tinatawag ang pangalan ko. Napangiti na lang ako habang naglalakad papunta sa restroom.

Naghugas lang ako ng kamay at balak ko na rin sanang bumalik sa classroom o 'di kaya naman ay tumambay muna sa likod ng eskwelahan dahil mahangin do'n pero natigilan ako nang pumasok si Vaughn sa restroom at dumiretso sa nakahilerang bowl 'tsaka siya umihi.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang paghugas ng kamay. Napatingin ulit ako nang tumabi siya sa sink at naghugas din ng kamay. Nagtiim na naman ang panga ko dahil sa inis. Naalala ko na naman ang comment niya sa facebook. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin do'n pero wala na akong pake.

Pinatay ko na ang gripo at akmang lalabas na ng restroom nang magsalita siya. Bumaling ako paharap sa kaniya habang nagtitiim pa rin ang panga ko. Samantalang nakasandal siya sa gilid ng sink at naka-cross-arm habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Seryoso lang siya at walang mababasa na kahit na anong emosyon.

"Bakla ka pala?" nanunuyang tanong niya sa akin.

Kahit hindi na siya nakangisi ngayon. Ramdam ko sa boses niya ang pang-iinsulto. Nagtiim ulit ang panga ko.

"Tanong ba 'yan o insulto?"

Nagkibit lang siya ng balikat.

"Wala ka ng pakialam do'n."

"So, bakla ka nga? Boyfriend mo ba 'yon?" tanong niya ulit habang nakaturo sa labas ng pintuan.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganiyan pero mas lalo lang akong naiirita sa kaniya sa tuwing nagsasalita siya. 'Di baleng isipin niyang bakla ako kaysa kausapin pa siya ng matagal.

"Ano naman sa'yo? Wala kang pakialam, Vaughn," mariin kong sabi.

Ngumisi na siya sa akin at kitang-kita ang pag-iiba ng awra ng mukha niya lalo na ng mga mata niya. Napalunok ako ng palihim sa uri ng tingin niya. Para niyang sinisisid ang buong pagkatao ko sa uri ng tingin niya. Ayaw na ayaw ko talagang nakikita siyang ngumingisi dahil nakakasira ng araw.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago niya ulit ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Inisang hakbang niya ang pagitan namin kaya sobrang lapit na namin sa isa't isa.

"Kung gano'n, humahalik ka ng lalaki?" he asked seductively.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play