First
mag gagabi na nung magising ako kaya lumabas na ako ng kwarto medyo nagugutom din kasi ako ehh sakto namang nakasalubong ko ang apat kaya sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria
Maraming student doon at nung pumasok kami parang isang segundo lang kung tumahimik sila anong meron bat nanahimik?
"Nasa mataas na rank kasi kami dito kaya nanahimik sila pag pumupunta kami natatakot sila"bulong ni bella kaya nagulat ako
Potek kahit alam ko na yung sa mind reading abilities niya di ko pa rin maiwasan magulat at mangilabot nababasa niya kaya lahat ng kagagahan ko?
"hihihi wag kang mag alala kaya mo naman i private ang dapat i private " sabi niya sabay kindat tsk tsk
'*sino siya bagong member?'
'oo yata kaya ba sila umalis kanina dahil sinundo nila yan?'
'uhumm pero bakit parang di naman siya members ibang iba itsura niya ehh*'
mga bulungang naririnig ko ano ba dapat maging mukha ko? maging mukhang kabayo tss
natawa naman si bella at umiling ngumiti lang ako sa kanya ughhh nakakalimutan ko kasi na may ability pala ang mga kasama ko
umupo kami sa table doon sa gitna mabango naman ang canteen amoy pagkain kaya nga canteen tss
Bigla naman may lumapit sa amin na lalaki mukhang server ng canteen
"Good evening dawn what's your order?"tanong niya kaya naman kinuha ng mga kasama ko ang papel na nakalagay sa table at tinuro ang order nila
"Ikaw sam ano gusto mo?" tanong ni ida
kaya naman tumingin na lang ako at tinuro ang parang palabok at tinuro din ang juice na kulay pink
"naka recober ka na ba sa pinag usapam natin kanina?"tanong ni ida kaya huminga naman ako ng malalim bago sumagot
"Well hindi ko sasabihin ok na talaga ako pero may na gets ako"sabi ko at ngumiti
"Buti naman, uhmm natatakot ka ba sa amin?" tqnong ulit niya kaya natawa ako
"Hindi naman siguro ako sasama pa sa inyo kung natatakot ako diba?" natawa ako sa sagot ko
"oo nga naman,"sabi ni kylan kaya tinignan siya ng masama ni ida napatingin naman ako kay kaiser na naka pikit di ba siya nakatulog kanina?
Ilang oras din naman akong nasa kwarto at tingin ko ehh nasa kwarto din siya pero malay mo may ginagawa, habang nakatingin ako sa kanya unti unti siya dumidilat kaya iniwas ko na ang tingin ko
Maya maya lang ay dumating na din ang inorder namin, masarap naman siya yung nga lang di siya katulad ng mga palabok na nabibili ko kay aling nena pero masarap pati yung juice masarap din ngayon lang ako nakakain ng mga ganong pagkain
"masarap ba?"tanong ni ida kaya naman tumango ako at ngumiti
kakaiba ang pagkain nila dito parang hindi siya kinakain sa realworld
"Mamatay kasi sila kapag kumain sila niyan"sabi ni bella kaya nanlaki naman ang mata ko m-mamamatay? bakit?
"May kasamang kung ano ano ang mga yan gamit ng ibang ability ng mga chef dito"sabi naman ni bella kaya nanlaki ang mata ko huhu
"wag kang matakot di ka naman normal na tao kaya di ka mamamatay"nakangiti ani pa niya pero halatang pinipigilan ang tawa tss
Kumain naman ako ng marami...
Pagkatapos ng gabing yon naging ayos naman ang umaga ko dahil hindi tulad non na na kila mama pa ako di ako makatulog ng maayos dahil lagi niya na lang ako binabato ng kung ano ano pero kahit ganon di ko talaga siya kayang saktan ehh kaya hinahayaan ko na lang
nagbihis na ako ng school uniform nandito na din ang sched ko may mad naman na binigay parang cp yung map nila kasi may map na may compas pa HAHAHAHAHAHAH ang cute
Sinuot ko na ang uniform fit na fit ito sa akin at yung boots ang ganda medyo maputi naman ako kaya bumagay sa kulay ko pagkatapos inayos ko na ang sarili ko nagtali lang ako ng messy bun at lumabas na ng kwarto
Napatingin naman ako sa gilid ko ng biglang may sumabay si bella
"Hi bella"nakangiti kong sabi pero masyado siyang seryoso nanyari dito?
"yung pin mo nasaan?" seryosong tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko ayy oo nga tss kaya pala seryoso siya ganon na pala ka importante ang pin dito
"importante talaga lalo na at iyan ang basehan ng rank mo"mahinahong saad niya kaya tumango ako at hinatak siya
Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha sa drower na maliit yung pin pati yung card?
"Bella oo nga pala para saan pala itong card?"tanong ko
ngumiti siya at kinuha ang card
"mmm may sariling mall kasi ang lexus academy so parang iyan ang magiging pera mo kapag bibili ka doon"namamangha naman akong tumingin sa card ko
"T-Talaga? magkano naman ang laman nito?"tanong ko
"Depende kung magkano ang pinadala ng guardian mo"sabi niya kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya mukha namang na gets niya yung tingin ko
"Guardian mo yun yung laging nandiyan kapag kailangan mo na talaga ng tulong at nandiyan para sumuporta sa mga kailangan at gusto mong gawin sila din ang magtuturo sayo kung paano mo malulutas ang mga problema mo"sabi niya kaya napatango naman ako ang astig
"mamaya tignan natin kung magkano ang pinadala niya"sabi niya kaya napangiti ako at tumango
"saan ang una mong klase?"Tanong niya
"Technology"sabi ko kaya tumango siya
"Ihahatid na kita kay ms. Vina Mag iingat ka doon dahil alam kong unang pasok mo palang ehh mahirap agad ang ipapagawa lalo na at ang rank mo ay dawn wag ka mag alala kasabay ng sched mo si dev" sabi niya kaya napatango na lang ako
Pagkadating namin sa may tech class ko nagpasalamat ako kay bella tumango lang naman siya at sinabihan ako ng goodluck sabay kindat muntanga amp
Pagkapasok ko ay unti lang naman pala kami mga 12 naghanap naman ako ng upuan at kay dev lang ang walang katabi kaya pumunta ako doon
"Hey sam pwede ba akong umupo dito? kundi mo mamasamain"sabi ko tumingin naman siya ng deretso sa mata ko at tumingin din ako ng inosente sa kanya
umirap lang siya... ibig sabihin ba non pwede? hmmm ok
umupo ako doon at maya maya lang ehh dumating na ang teacher namin sa Tech ano nga ulit ang pangalan niya ms.vani? gaga mali vina pala hehe
"Good morning class"nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya grabe nananakot ba siya?
"Good Morning ms."sagot naman ng lahat
inikot ni ms vina ang mata niya hanggang sa mapunta ito sa amin nagtaas naman siya ng dalawang kilay at ngumiti nanaman ng nakakaloko kaya umiwas ako ng tingin dahil nailang ako mukha kasi siyang multo uhhhh katakot mismaam
"So What's your name miss?"tanong ni ms vina habang nakatingin sa akin
"A-ahh samantha Miller p-po"naiilang na sagot ko
"Nice name ms miller"nakangiting sabi niya kaya napatingin ako sa baba
"Ganon ba talaga siya?"bulong ko kahit alam kong walang sasa~
"Yeah"bulong din ni kaiser kaya nanlaki ang mata ko ngayon ko lang narinig ang boses niya baritono ito na ang sexy ehe kainlab pero mas cute pa rin si ~
"class listen so were talking about the ability to search a mythical creature"
At nag discuss si maam
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments