Lexus Academy
Kelan nga ba naging maayos ang buhay ko?
kelan ba ako pinagmalaki ng mga taong nasa paligid ko?
kelan ba nila ako hindi kinumpara?
pagod na pagod na ako sa buhay ko lahat na lang ng gagawin ko ehh mali para sa kanila...
Sam's POV
nandito na ako sa tapat ng bahay namin ayokong pang pumasok dahil tsak na bubungangaan nanaman ako ng nanay ko
kaya umupo na lang muna ako sa tapat ng pinto at tinakpan ang mukha ko hay biruin mo natatakot akong pumasok ng bahay kasi alam kong insulto nanaman ang aabutin ko
Klak...
nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto kaya dali dali akong tumayo saktong pag tayo ko nung pagbukas ng pinto at bumungad sa akin ang kulubot ang mukha ng nanay ko
kaya napayuko ako alam kong masama akong tao pero pag dating sa nanay ko ehh bumabaluktot ako kahit pa hindi ganon kaganda ang trato niya sa akin
"ohh" gulat akong napatingin sa kamay niya nung bigla niyang inabot ang isang envelope
kinuha ko iyon ng may nagtatakang tingin anong meron dito tinignan ko muna siya bago ko buksan ang envelope
Nanlaki ang mata ko nung mabasa ko ang pangalan ko na iniimbitahan ng isang paaralan na nag ngangalang LEXUS UNIVERSITY hindi pamilyar sa akin ang university na iyon pero parang expensive lalo nat ang ganda ng pagkakagawa ng invitation.
"P-Papayagan niyo po ba akong mag aral rito?"maingat kong tanong
ngumisi naman siya at tumawa
"bakit hindi kung ayon lang ang tanging paraan para mawala ka"nakangisi niyang sagot
napayuko naman ako alam kong sa panahon na tohh unti unti na akong nadudurog pero di ako umiiyak
"Mag empake ka na dahil bukas ay may susundo daw sayo galing sa paaralan na yan"sabi niya kaya mabilis akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang mata
"B-Bukas agad?"tanong ko
"wala ka bang narinig?"tanong niya kaya dali dali na aking pumunta sa kwarto ko
Kumuha ako ng bag at nilagay ang mga kailangan kong dalihin para bukas...Gabi na nung matapos ako sa pag iimpake kaya bumaba na ako at kumain
K I N A B U K A S A N
nasa harap na ng bahay namin ang van na sinasabi ni mama isa lang itong simpleng van na kulay itim
Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang Apat na student na bagot na bagot gulat akong napatingin sa kanila ang gaganda nila walang halong biro amputi pa ng balat 2lalaki at 2 babae ang nasa loob
"U-uhh magandang umaga"bati ko at ngumiti
Ngumiti naman yung tatlo pero yung isa na wala man lang reaksyon ang mukha, mukhang snobber pero di ko na din pinansin
"Hello dear ahmm what's your name?"tanong ng babaeng medyo maikli ang buhok na may pag ka brown ang buhok
"samantha "sagot ko at ngumiti
"Zenaida you can also call me ida"ngumiti siya at nakipag shake hands
"Ako naman si arabella bella na lang for short" sabi ng babaeng maputi at mahaba ang pilik mata
"Kylan"sabi nung lalaking bumati sa akin kanina ang gwapo niya... nakipag shake hands naman ako sa kanya at ngumiti
Sandali pa kaming natahimik ng nagsalita si ida
"And this is Kaiser Lexus"pag papakilala niya doon sa lalaking walang kibo
Nakanguso naman akong tumango di ba talaga namamansin yung kaiser na yon ohh wala lang sa mood?
"HAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" biglang tumawa si bella kaya naman taka akong tumingin sa kanya
"ganyan talaga siya sam HAHAHAHAAHAH" nagtataka pa rin akong tumingin sa kanya
"h-huh?"taka kong tanong pero ngumiti lang siya nahagip naman ng mata ko ang ang talim ng titig ni kaiser kay bella
Nanahimik na lang ako at di pinansin ang mga bagay...
Maya may lang ay nagsimula ng umalis ang sasakyan sa harap ng bahay namin tumingin ako sa bahay namin at nakita ko sa mama na nakangisi pero alam kong nag alala umakto naman akong nag bababye kahit di niya nakikita
Nakalayo na sa bahay namin ang sasakyan kaya sumandal na lang ako sa upuan at kinuha ang earphone nagpatugtog ako ng "say you won't let go" by james arthur one of my favorite song
Mahigit 3 oras din ang byahe bago kami makarating sa school na sinasabi nila i mean academy
Pagkahinto ng sasakyan bumukas na ang pinto isa isa naman kaming lumabas nag inat muna ako at pinunasan ang mata ko habang pinupunasan ko ang mata ko unti unti itong nanlaki
Gubat?
nasan yung academy?
narinig ko naman ang paghingang malalim ni bella kaya tumingin ako sa kanya.
"A-akala ko ba sa academy ang punta natin?" tanong ko
"Sa academy nga"nakangiting sabi pa niya at tumingin sa gubat
nanlaki naman ang mata ko ng biglang...
**may kay red yung mata ni kaiser na parang...
LASER**?
WHAT THE HELL IS HAPPENING RIGHT NOW?
unti unting nawala yung red na laser sa mata niya at tumitig sa unahan kaya napatingin din ako NANLALAKI nanaman ang mata ko dahil nagkaroon ng isang malaking... PALASYO? sa GUBAT? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH this can't be happening anong nangyayari
D-diba wala yan kanina? A-anong nangyayari? UGHHHHHHHHHHH
"ahmm sam...binasa mo ba talaga yung nasa envelope?"tanong ni bella
nanlalaki pa rin ang mata kong tumingin sa kanya
B-bakit? A-anong meron doon ang nabasa ko lang ehh Mag T-transfer ako sa Lexus Academy
W-wag mong sabihing meron pang nakalagay sa papel?
SHIT.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments