02
Pagkatapos ng mahabang discussion na iyon ay natapos din ang klase ang naintindihan ko lang ay may amoy na kakaiba ang mythical creature ehehehe
"sam" malakas na tawag ni ida ngumiti naman ako at kumaway sa kanila ni bella
"Halika pumunta tayo ng mall at bumili tayo ng damit natin or kung anong gusto niyo"sabi ni bella tumango na lang ako dahil mukhang exciting naman ito noon kasi nung nakila mama pa ako di pa ako nakakapunta sa mall pinapauwi na ako dahil sa tambak na gawain sa bahay
pero ngayon parang ansaya pero nakaka ano pa rin dahil nga nasanay ako na di nag mamall di ako out going person ehh kasi di naman ako pinapayagan pero ok lang yon siguro para sa kapakanan ko na din yon
"Well pwede ka naman na mag mall dito kahit kelan mo gusto" sabi ni bella at ngumiti
Ngumiti din ako sa kanya at inaya na sila nagpahatak lang ako kay ida at bella dahil di ko naman kabisado ang school na tohh maliban na lang kung kailangan ng map pwede ko gamitin
maya maya lang nakarating kami sa tapat ng isang malaking building m-mall ba tohh? huh? tss paano ba naman sa sobrang laki di ka na makakatingala at mababali na lang ang leeg mo kakatingin
hinatak na ako ni bella at dinala doon sa may isang mini store na may nakasulat na
Card M
"Bella ano meron dito?"tanong ko at ngumiti siya
"ipapatingin natin kung magkano ang laman ng card mo"sabi niya at napangiti naman ako na excite kasi ako ehe bat ba
kinuha ko ang card ko at binigay kay bella
binigay niya naman doon sa babae na parang nasa counter pinasok lang nung babae yung card doon sa may ayoko na ipaliwanag mahirap ehh
Nanlalaki naman ang mata ni bella at ida na tumingin sa screen doon wala naman akong maintindihan anong meron bat iba yung letter? maski yung ateng na nag aano sa card ehh lumaki din ang mata
"Woi ano? magkano? "tanong ko
Lumunok muna si bella lunok ulit siya lumunok ulit siya nanyari dito?
"HOYY PURO KA LUNOK ANO NANYARI?"tanong ko
"3-3-35 M-m-million A-a-ang l-laman ng card mo..."mahinang sabi niya kaya nanlaki din ang mata ko 3-3-3-35 million what the fudge!? is that even true?
"gaga totoo"sabi ni bella kinilabutan naman ako uhhhhhhh para akong nanalo sa lotto ang dami naman magpadala ng guardian ko mahal na mahal niya siguro ako mayaman kaya siya?
" HAHAHAHAHAHAHAH syempre nakaabot nga ng 35 million ang nilagay niya sa card mo samantalang yung akin nasa 3 million lang tinitipid ata ako non"sabi ni bella
sabay sabay naman kaming natawa at nagpasalamat sa may ateng na nagbabantay doon tumango lang siya at ngumiti, pagkatapos non duda pa rin talaga ako ehh ninakaw niya ata tohh baka mapatay pa ako kapag nalaman kong nakaw tohh
"sam your a immortal di ka mamamatay"nakangiting sabi ni bella kaya naman nanlaki ang mata ko
I-immortal that greek mythology na hindi namamatay? tama ba?
"Yeah" sabi niya dahil sa yeah na yon naalala ko ang pag yeah ni Kai kanina ngayon ko lang narinig ang boses non pero ang tipid niya magsalita di kaya napapanis ang laway non? tss
"Lika na"hatak naman ni ida sa amin dalawa at dinala kami sa may damit ng pangbabae ang hirap pumili lalo na at di ako mahilig sa girl stuff pero may nakita naman akong mga cargo pants kaya kumuha ako non
pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa may unisex na mga gamit din ang binibenta kumuha naman ako ng mga oversized na t shirt at mga short na medyo pang boyish doon kasi talaga ako komportable
pagkatapos non pumunta kami sa may fast food chain at kumain kami doon napasarap naman ang kwentuhan namin kaya di namin namalayan ang oras pagkatapos non ehh pumunta kami sa may cinehan at nanood kami
Marami pa kaming ginawa bago kami pumunta sa may cafeteria para kumain ng dinner pagkadating namin nandoon na ang 2 boys naghahantay ng yata ng order nila
"Hi boys dumating na ba si ethan?"tanong ni ida sa kanila ethan? sino yun?
" HAHA nakalimutan kong sabihin 6th member siya ng dawn" sabi ni bella kaya napatango na lang ako
"Yoww hi ladies"biglang may nagsalita sa likod namin
nakita ko naman ang isang matangkad na lalaking maputi na ewan ko ba di talaga ako mahilig mag describe
"Yoww ethan ano nangyari sayo? mahigit tatlong araw ka nawala pre ahh"sabi ni kylan
" HAHAHAH binisita ko lang si coleen"nakangiting sabi niya at tumingin sa akin
"Hi Ms.?"makulit na sabi niya ngumiti naman ako at inabot ang kamay ko sa kanya
"sam"maikling sagot ko kinuha niya naman ang kamay ko at i shinake yon
"Ethan" nakangiting sambit niya
Tumango naman ako at tinaggal na ang pagkakahawak sa kamay niya umupo na din ako sa tapat ni kai nakatingin lang siya sa table na parang may iniisip na sobrang lalim antahimik talaga nito ano kayang lasa ng laway niya
Tumawa naman ng malakas si bella dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya nanlaki namn ang mata ko dahil sa napagtanto
"Hehe bella tara upo ka na dito sa tabi ko hehe"awkwars na sabi ko pero tumatawa pa rin siya at nanunuksong tumingin sa akin
"Bella bakit?"tanong ni ida tumawa nanaman si bella hayop ka bella mamaya ka sa akin kapag talaga sinabi mo yon
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH ang sarap mag mind reading ang lt mo sam ahhahahahahahahhaha"putchang gala naman talaga oi paano ba mapoprotektahan tong utak ko laban sa demonyo
"Di ako demonyo nohh"sabi ni bella tinignan ko siya ng matalim
"Bella mabuti pa umupo ka na lang dami mong satsat "sabi ni ethan tinignan naman siya ni bella ng matalim at nagsimula na silang mag bardagulan napatingin naman ako kay kai nakatingin din siya sa akin na nakakunot ang noo
"Hoyyy ayos ka lang?"tanong ko umiling naman siya at umiwas ng tingin tss weird
Sabay sabay na kaming kumain pagkatapos non hinatid naman nila akong lahat sa kwarto ko syempre pumasok muna sila doon at nag kwentuhan muna kami
mga kalahating oras din silang nandoon bago nagpaalam na aalis na kaya naman naghilamos na ako at nagsoot ng oversized shirt at medyo maikling shorts
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments