Chapter 1

Chapter 1

2 years later

Crap! Napasobra na naman ang tulog ko!

I gather my things as fast as I can with a messy thought. I work so hard for this interview! Bakit hindi ako nagising ng alarm clock ko, pakiexplain please!?

Dapat nakaligo ako. Dapat nakaayos ang buhok. Dapat maganda akong naglalakad papasok sa opisina ngayon. But heck, reality hits different! Halos takbuhin ko na ang distansya makapasok lang sa elevator kaso hindi ako umabot. Ginala ko ang mata ko at hinanap ang exit para makarating ako ng mas maaga kasi ilang minuto nalang magsisimula na ang interview ko!

"Shit! Shit!" panay mura ako habang paakyat.

Maybe I should have just accept my father's offer in their company? Bakit ba ako nagpapakahirap dito? Nang mahawakan ko na ang pinto ay halos magpang-abot na ang dila at ang sahig sa kakahabol sa hininga ko.

My black shoes is ruined!

Pati pencil skirts ko, ang dugyot na rin tingnan. Sigurado rin ako na naliligo na ako ng pawis ngayon. Bakit nga ulit ako nagpunta rito ngayon? Knowing that I still won't be able to attend it on time!? Pakiexplain? Pagkasilip ko sa relo ko, napairap nalang ako ng wala sa oras. It's too late now!

Nahihingal akong lumabas. Inayos ang postura at naglakad ng maayos. Nilingon ko ang mga aplikanteng nakapila. I want to try again. Kaso, pati ako nadidiscourage sa pagmumukha ko ngayon. Hindi ako nakaligo kaya amoy pawis na ako. Hindi man lang ako nakapagmake-up ng maayos kaya basic on-the-go ang nagawa ko ngayon. Walang nangyari sa plano ko.

Bumalik ako sa condo ko at parang nanaginip lang. Tinapon ko ang sling bag ko sa kama saka tiningnan ang sarili sa salamin. Still, you did good, Shan. Ngumiti ako sa sarili ko.

Pagkatapos kong gumraduate last year. Nagpahinga na muna ako at hindi na muna inabala ang sarili na maghanap ng trabaho. Magulo pa ang utak ko nung panahong iyon. Para narin mapigilan ang sarili ko na gumawa ng mga bagay na mas ikakasira ng pangalan ko. I decided to stay put for the mean time. I slowly gather my thoughts and when I did, nag-apply ako. Tinawagan at... hindi nakasipot sa interview.

Naligo ako at nag-ayos sa sarili. Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maiwasan na manghinayang. I should have done this. This is what I planned! I feel so annoyed right now. Huminga akong malalim saka lumabas sa kwarto.

Gaya ng madalas kong ginagawa. Kumakain lang ako habang nanonood ng movies. This is the life of living independently. Well, I mean... living alone. Kasi financially, sinusuportahan naman ako ng magulang ko. Kung iisipin, wala naman akong problema sa pagkain at sa pang-araw-araw. Kaso lang, tumatanda na ako. Lumalaki na rin ang pride ko, and as much as possible, I want to support myself from now on. Para walang masabi ang mga kapatid ko sa ina at ama. Ayaw kong isipin nila na masarap ang buhay ko. Which ia totally not true. Sino ba ang masaya na mag-isa mamuhay? I feel bored from time to time and the only thing that can support my sanity is watching movies. Kaya ako nakakaraos sa pang-araw-araw.

I received a call after a while. Si Mama.

"Ma?"

"Kamusta ka diyan? Dalawin mo naman ang mga kapatid mo rito. Wala ka namang ginagawa diyan,"

I paused the movie I'm watching and focus on her. "Marami akong ginagawa..."

"Hindi ka nga nakaabot sa interview mo kanina. Hay, Shan. Dumalaw ka rito samin. I won't take no as an answer." binaba niya ang tawag at naiwan akong hindi makapaniwala sa inasal ni Mama.

How did she know?

Imbes na makinig. Pinlay ko ulit ang palabas na pinapanood ko. But then, kahit na lumabas na iyong multo. At pinatay na ang lahat ng nandoon. Hindi man lang ako natakot. Mas nakakatakot pa sakin ang magalit si Mama at putulin ang suporta sakin kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at magtungo sa kwarto. Kumuha ako ng iilang gamit at nilagay iyon sa maleta ko. Hindi naman ako doon matutulog pero magdadala nalang ako just in case. Nagbihis ako at nag-apply ulit ng blush on sa pisngi para hindi ako mapagkamalang stress.

Instant blooming. Parang may boyfriend!

Bitbit ang maleta ko, sumakay ako ng elevator patungong parking lot. Honestly, iniisip ko na talagang tanggapin nalang ang offer ni Dad sa accounting firm niya. Kapag hindi ako nakahanap ng trabaho sa loob ng isang linggo. Si Dad nalang ang last resort ko. Pagkalabas ko ng elevator, diretso na ako agad sa parking at binuksan ang compartment ng sasakyan. Nilagay ko ang luggage ko at sinara iyon.

Habang nagmamaneho patungo sa bahay ni Mama. Hindi ko maiwasang makaramdam ng irita. The reason why I don't want to visit in there anymore is because of my past... Kung hindi lang tumatawag si Mama sakin. Hindi naman ako nagpupunta dito. And, I am glad that everytime I visit she's not around so, I won't be needing to try so hard to be okay kahit na hindi. Kahit nga mukha niya lang ayaw ko nang makita, marinig pa kaya ang boses niya? The fact that she's so casual to me made me hate her even more. Bitch.

I don't want to talk to her.

Nagdoorbell ako sa bahay ni Mama. Ilang sandali pa, nagbukas iyon. The face that I don't want to see... unexpectedly, showed up in front of me.

"Ikaw pala, Shan. Tinawagan ka ni Ate?"

"Yeah..." I barely said it.

"Kamusta ka na? Matagal kang hindi nakadalaw, ah? Nakapag-apply ka na ba ng trabaho?"

I looked at her with disbelief. "Can I come in now?" medyo iritable kong sinabi.

Hindi na naman bago. They know me as a short tempered. Ang hindi niya alam, may alam ako kaya ako ganito. She doesn't know how much I hate her and I mean it. Hindi lang dahil may attitude ako.

Ngumisi lang siya sakin at tumango. "Init ng ulo mo..."

Buti nalang at hindi ko dinala ang luggage ko. When I saw her face, I wanted to go back in my car and just go home. Kaya lang, I need to at least show up in front of my mother.

Pagkapasok ko, sinalubong ako ng maliliit kong kapatid. Hindi ko napigilan ang ngiti ko ng niyakap nila ako sa binti.

"Ate Shan!"

"Anong ginagawa niyo?" magaan kong tanong.

"Buti at dumating ka na... Tulungan mo ako rito sa kusina, Shan." si Mama.

"Naglalaro kami ng chu chu train, Ate Shan!"

I chuckled when they showed me what they're playing. Tinawag ulit ako ni Mama. Pumasok din si Rica sa loob ng bahay. Kaya imbes na magtagal pa ng kaunting oras, agad akong nagpaalam sa mga bata.

"Shan," tawag ulit ni Mama.

"Andiyan na po."

Nagtungo ako sa kusina at agad nakita si Mama na busy sa ginagawa. "Mag-apron ka. Nagluluto ako ng spaghetti. Dito ka ba matutulog ngayon?"

"Hindi po, Ma." sabi ko habang nagsusuot ng apron. "Si Tito po?"

"Nasa site... may inaasikaso,"

"Lulutuin lang po 'tong pasta?"

"Oo. Tapos ikaw na magluto ng sauce, titingnan ko lang ang baby sa taas." Aniya.

Akala ko ba tutulong lang ako? Tss.

"Tutulungan ka ni Rica. Tapos na ako sa pagmince ng mga ilalagay mo. Ang sauce nasa cabinet, marunong ka naman niyan,"

"Yes. That's why, I don't need Tita Rica's help."

"Tita? magkaedad lang kayo ng kapatid ko. Ikaw talaga. Nagbo-bonding pa nga kayo dati. Ikaw talaga," she snorted then walked out.

I shut my eyes closed.

Napalingon ako sa likod ko ng may naramdaman.

"Tutulungan daw kita sabi ni Ate..."

Umiling agad ako at pilit na ngumiti. "No need. I can do this alone, Tita."

She chuckled. "Pakiramdam ko tuloy sobrang tanda ko na."

Imbes na umalis, kumuha siya ng apron at ngumiti lang sakin. Nagvolunteer siya sa paggawa ng sauce. Ako naman, nagtitimpi habang hinihintay na lumambot ang pasta.

"Kamusta ka? May boyfriend ka ba ngayon?" she asked.

Napalingon ako sa kanya at iritableng ngumiti. "I don't need a boyfriend,"

Tipid siyang humalakhak at tumango. "I know. Nakakapaghintay naman ang mga ganyan... Buti at hindi ka nadala sa mga kaibigan mo dati,"

Humigpit ang hawak ko sa hawak na sandok. Nilingon ko siya at seryosong tiningnan siya sa mukha. "How about you? May boyfriend ka ba?"

"Broken hearted ako ngayon," she smiled. "I don't know his reasons. He broke up with me."

Napakurap-kurap ako.

Iyon ang naging laman ng utak ko pagkaalis sa bahay ni Mama. I don't know if parehong tao ba ang tinutukoy namin o magkaiba. But damn... my heart is beating loudly inside my chest. If they broke up... at kapag bumalik siya sakin... tanggapin ko ba siya? I don't know why I feel so happy knowing that they broke up already. Even if he cheated on me with her. Why do I still feel happy? May feelings parin ba ako sa kanya? Even after all these years?

Halos hindi ako makatulog nun kinagabihan. Iniisip ko ang mga posibilidad kapag nagkita kami ulit. Baka may girlfriend na siyang bago? Gwapo siya kaya imposibleng maging single iyon kahit isang araw. O baka may nabuntis na siya? May pamilya na? These thoughts keep on running inside my head kaya halos hindi ako nakatulog ng maayos.

After a week of job hunting. Wala parin akong mahanap na magandang trabaho.

Good job is when there's a good salary, less job responsibilities, and good work environment.

Kaya lang, halos ng nakikita kong job posting. Halos paisa isa lang ang qualifications na hinahanap ko. Wala ang major three qualifications. Well, I know one company na sure akong magbibigay sakin ng ganito. At iyon ang company ni Dad.

Hinanap ko ang company niya at nagbigay ng cover letter. Kahit wala namang hiring. I sipped on my lemon juice then send my email.

Naghintay ako ng ilang araw pero... wala man lang reply! What the heck?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dad. Ilang ring pa bago niya sinagot iyon. "Dad?"

"Yes, hija. What's the problem?"

He really has no idea that I just applied on his company? Bumuntong hininga ako. "Can I work in there?"

"What's with the sudden-"

"I already send my CV, you know." umirap ako.

"You did?" gulat niyang sinabi.

"Walang reply!" I added.

He chuckled. "We need someone with experience, hija. Iyon ang sinabi ko sa HR. So, hanggang ngayon, wala parin?"

Napatayo ako ng wala sa oras sa tono ni Dad na parang nakikipag-usa sa batang... parang inagawan ng lollipop!

"This is not funny! Akala ko ba may posisyon ako diyan sa kompanya mo?"

"Mag-aapply ka muna diyan sa iba and if-"

"Dad! Bakit hindi diyan ako kumuha ng experience? I can be a part time. Kahit... ano,"

"Hmm..." I waited for his response. Masyadong pathrill 'to si Simon e!

"Fine. Come here tomorrow."

"Really? Wala na bang interview?" Nakangiti kong sinabi. "I can stay here in my condo with no worries. Pero, ito ako at naghahanap ng trabaho. You should be proud of me, Dad. I am trying to stand on my own feet. I still need your support though,"

"You just want to work because your bored. I know you, Shan. Pumunta ka rito bukas. Dress formally. Don't be late."

I almost jumped with joy when he said it. "Thank you, Dad! You're the best!"

He chuckled. "I can still fire you, though. Wag kang kampante dahil lang sa ama mo 'ko."

"Okay lang. Bye, Dad. Thank you again."

Umirap ako ng makatanggap ng email galing sa company ni Dad. Sinabihan niya siguro ang HR para replyan ako!? Respeto lang, ganun?

I decided to wear a beige corporate pants paired with a navy blue long sleeves polo. I tied my hair loosely, and let my curls hang on my shoulders. Nagdagdag ako ng light contour sa cheeks ko bago nagpahid ng nude shade lipstick. I put on my favorite accessories that won't attract too much attention then grab my handbag. I wear my black pumps and I'm ready to go.

Dumating ako sa office ni Dad na five minutes early at proud ako dun.

"Good morning, Ms Cassandra Valiente. Sa HR daw po kayo magpunta. Wala po ngayon si Sir, may business meeting po na pinuntahan."

"Ah okay. Thanks,"

I was confused. Nagtungo ako sa HR at hindi ko inaasahan na maiinterview ako ng wala sa oras. I didn't prepare about this. Kabado akong sumagot sa mga tanong nila. Mga tanong na pinaghandaan ko few weeks ago para sa interview na hindi ko nasipot. Hindi ko inaakala na dito ko pa maaapply ang mga natutunan ko sa mga videos na pinanood ko: How to slay that interview. Somehow, I think they are impress on how I answered everything. Even to my expected salary rate!

"Thank you... Do you have any questions for us?" nakangiting tanong ng HR.

I did asked some questions because the person who asks a question controls the conversation!

Pagkatapos ko sa interview, agad akong nagleave ng comment sa YouTube video na pinanood ko.

shandra_28: I did these method and it really help! Thank you so much! I was interviewed a while ago and I answered them nicely using the seduction technique! So grateful that I found this video!

Being alone and bored in your room. Marami ka talagang nagagawang hindi mo inaasahan. I talked to strangers most of the time because it makes me feel okay that somehow I still feel that I'm living and that I'm alive too. I replied to some of the replies on my comment. Some would ask for a subscriber and I did anyway. Just to gain some called 'friends'.

Tinawagan ako ng HR pagkaraan ng ilang araw. Natuwa ako doon dahil may sweldo na akong ilo-look forward sa susunod na buwan. It makes me feel good. Bahagya akong naging busy nang magsimula na ako sa pagtatrabaho. I did my best para rin maging proud sakin si Dad at Mama. Ilang araw ko ng lang napapansin ang bakanteng upuan sa tabi ko.

Kinalabit ko sa Janna ng matapos ako sa pag-encode. "May nakaupo ba rito?"

"Meron... Pinadala sila sa Davao. Para sa isang assembly. Babalik na rin ang mga 'yon bukas." sagot niya sakin.

"Tapos ka na ba sa financial sheet, Shan?" dagdag niya.

Ngumiti ako sabay iling. Sana hindi nalang ako nagtanong. Masyadong seryoso itong si Janna sa mga reports. Lalo na at siya ang senior ko. Umiling siya saka binalik ang tingin sa sariling laptop.

Hindi ko mareconcile 'tong account na 'to. Ito ang unang beses na nahirapan ako sa pagbo-bookkeep.

Gusto ko sanang magtanong kaso mas pinili kong i-analyze muna ang data bago ipasa kay Janna. Kinabukasan, iyon lang din ang ginawa ko.

Lunch time nang dumating ang team na pinadala sa Davao. Nanibago ulit ako dahil halos sila magkakilala na habang ako naman pangiti-ngiti lang sa table habang pinapanood silang nagkakamustahan.

"Bagong hire... Cassandra Valiente, Shan nalang daw for short." Pakilala ni Janna sakin sa iba.

Ngumiti ako sa kanilang lahat. "Nice meeting you all."

"Anak ni Sir Simon?" tanong ng isa.

"Oo." Umirap si Janna. "Pero kapag pumalpak 'yan. Sisisantehen naman daw siya ng Daddy niya. Ayos lang 'yan."

"Adisson pala." naglahad ng kamay sakin ang babae at ngumiti. Tinanggap ko iyon at nagpakilala rin. Hanggang sa silang lahat na ang nagpakilala sakin.

Napalingon ako sa upuan sa tabi ko ng makitang may nakaupo na doon. Nakatalikod at hindi man lang nagpakilala.

Sumenyas ang ibang kasama namin at nginuso ang lalaki. "Mainit ulo niyan." Rinig kong sabi nila.

At dahil senior ko rin siya... Tumayo ako at nagtungo sa harap niya. "Hi, Sir! Shan po pala. Bago lang po ako rito. Last week lang. It's nice meeting you po." Sabay lahad ko ng kamay.

Nag-angat siya ng tingin sakin at nagulat ako ng rumehistro sakin ang mukha niya. "Hi." sabay kuha niya ng kamay ko. "Braxton de Leon, Brax for short." he sound so serious.

Gulat ako sa totoo lang. Halos hindi ko na maproseso na nasa harap ko nga si Braxton ngayon. I gritted my teeth and pulled my hands out of his hold. He acts like he doesn't know me. So, he's going to play this game like this?

Bumalik ako sa upuan ko at hindi parin makapaniwala na ang bakanteng upuan ay kay Brax pala.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play