Chapter 2

Chapter 2

Nakakuyom ang kamao ko habang iniisip ang nangyari kanina. Si Braxton?! Ba't nasa accounting firm siya ni Dad? This is so unbelievable! Anong gusto niyang mangyari, ha? He knew that my father owns that firm pero nag-apply siya? Anong gusto niyang palabasin dito? What the heck? Paano ako makakapagtrabaho ng maayos dito? Alam kong kompanya ni Daddy 'yon. Alam kong kahit papaano... may special treatment ako. Kaso, meron ba talaga? Pwede ko bang magamit ang special treatment na 'yon?

But, really, ano ba talagang iniisip ni Braxton at nag-apply siya?

Well, I am not trying to be a shaman here... but, I have this gut feel that I will be meeting him very soon. Hindi ko nga lang inexpect na sa loob ng trabaho. At sobrang very soon naman ata nito! What the heck? Hindi pa nga ako sumweldo!

Umabot ako ng ilang oras kakaayos sa sarili ko. Gumising pa talaga ako ng maaga para mag-ayos pero sumikat nalang ang araw at halos mag-alas siyete nalang. Ito at hindi pa ako nakapadesisyon sa susuotin! Malalagay ako sa alanganin nito! Ilang araw kong pinagbutihan ang track records ko. Hindi ako kailanman nalate. Walang delayed report akong naipasa. Lahat ng iyon pinagbutihan ko

Sa huli, napaisip ako. Bakit ba ako nag-aayos? Para sa kanya? Yuck! Why would I do that? Never! I don't like him anymore. Medyo tumaba na rin naman siya. Hindi na siya gaya nung college days na mataas pa ang leeg which is my type. Ngayon, medyo nagmatured na siya. He looks tired too.

Pumasok ako ng opisina na kabado at halos manginig-nginig ang binti kakalingon kung saan-saan. Nilapag ko ang bag ko sa table at nilingon ulit ang paligid. Alas otso pa lang naman. Wala pa si Braxton?

"Good morning, akala ko late kang dadating." Si Janna.

"Sisirain ko ba naman attendance ko?" Medyo mayabang kong sinabi. "Nasaan na ang... team na dumating kahapon?" pasimpleng tanong kong habang inaayos ang lamesa.

"Andyan naman sila. Bakit?"

"Andiyan ba?" sabi ko sabay lingon. Nakita ko si Adisson at ang ibang mukha kahapon maliban sa... isa. "Wala iyong isa?"

"Ah. Si Braxton? May kliyente na pinuntahan, tungkol ata sa tax return. Bakit?"

"Hah? Wala naman akong tinanong tungkol kay Braxton. Ang sabi ko, iyong buong team..." kabado kong sinabi.

"Napakadefensive mo. Wala rin naman akong sinabi." Ani Janna. "Nasaan na ang financial sheet?"

"Ito. Tapos ko na,"

"Print mo... Iche-check ko muna bago natin ibigay sa kliyente."

Ginawa ko ang sinabi ni Janna. Inaprubahan niya rin matapos niyang macheck lahat. Sunod ko namang ginawa ang isang account. Puro daily recording iyon. Iyon na ang ginawa ko buong umaga. By group din ang lunch time at kasama ko si Janna at Adisson sa pagkain ng lunch. May 15 minutes lang kami sa pagkain at babalik din agad.

Nasa cafeteria kami nang mamataan namin si Braxton papasok sa office. Agad akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko mahahalata nila kung titingin ako sa kanya. Pakiramdam ko malalaman nila na minsang naging kami. At natatakot ako na makaapekto sa kanya ang nagawa niya sakin noon. Walang alam si Dad o Mama dati. NBSB parin ako sa paningin nila. Hindi nila alam na nagkaroon ako ng boyfriend at hindi ako inosente tulad ng nakikita nila. I have been kissed. He's my first kiss and... maybe that's the main reason why I can't forget about him. O baka kahit wala naman akong feelings sa kanya ngayon, dahil lang sa nakaraan namin, nahihiya ako? O baka pakiramdam ko hahalikan niya ako bigla?

Namiss niya ba ako?

I cleared my throat when it started to get dry. Namalayan ko nalang nalaglag na ang kutsarang hawak ko. Napakurap-kurap ako at tumawa ng pilit. "Hindi ko naramdaman ang kutsara ko."

Umiling si Janna sa harap ko. "Para kang sira ulo."

"Okay ka lang? Nakakahilo nga naman ang humarap sa mga resibo. Ganyan din ang nangyari sakin nung first time ko dito sa firm. Ang daming accounts, nakakahilo."

Panay iling lang si Janna sa sinabi ni Adisson. "Hindi. May pagkabuang talaga 'yang si Shan. Wag mong ikumpara sayo, Adi."

Ang harsh naman nitong magsalita pero kahit ganoon hindi naman ako naoffend. Natapos kaming magtanghalian. Hindi ko alam bakit nangangati ang puso ko, ang tiyan ko. Ba't pakiramdam ko, para akong natatae na ewan? Lalo na nung makita ko si Braxton na nakaupo na sa tabing upuan ko. Nakatalikod nga lang siya sakin. Hindi naman iyong tipong magdidikit kami pero... para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Seryoso siya sa pags-staple ng mga papel habang ako naman palagpas na sa lamesa niya. Para akong lalagnatin kahit na naglalakad lang naman ako at lamesa niya lang ang nadadaplisan ng damit ko.

Namula ang pisngi ko ng tuluyan ng maupo sa upuan. Halos magkastiff neck din at parang baliw na inaayos ang galaw kahit hindi naman niya kita. Nagpapakaelegante kahut magaslaw. Nagpapakahinhin kahit nanginginig.

"Okay ka lang? Natatae ka ba?" Si Janna.

Nahiya ako sa sinabi niya. "Hah? Hindi ah!" depensa ko.

"Para ka kasing natatae. Ang dami pa naman ng nakain mo kanina. Naisip ko lang bigla."

Malakas ang boses niya kaya mas lalong namula ang pisngi ko. Malayo si Adisson pero natawa siya dahil doon. Paano pa kaya si Braxton na nasa likod ko lang!? Syempre narinig niya! Narinig niyang NATATAE AKO!?

Hindi na ako nagsalita. Dahil pakiramdam ko, nang-iinis lang si Janna sakin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Tapos ipapahiya niya ako ng ganito? Pinapasa ko ng maaga lahat ng reports kaya ba't niya ginagawa sakin 'to?

Dahil sa kahihiyan na sinapit. Hindi na ako halos lumingon sa lamesa ni Braxton. Nagconcentrate ako sa ginagawa at hanggang matapos iyon. Puro recording lang. Alas tres ng magpaalam si Braxton na pupuntahan ang isang kliyente. Pasimple ko siyang nilingon at sinuri ang suot niya ngayon. Mas maayos nga ang damit niya ngayon kumpara dati. Kung dati hapos butas-butas ang mga 'yon. Panay pasa rin sa mukha ang natatamo niya. Nakakagaan sa dibdib ang makita siyang decente at maayos ngayon. Hindi ko nga alam na gumraduate pala talaga siya. Halos hindi ko na rin kasi siya nakita na pumasok dati. Buti nalang at naging maayos naman siya.

Hindi naman pala ganoon kahirap. Imbes na magreklamo at umalis ay nagpatuloy ako sa pagtatrabaho hanggang sa matanggap ko ang unang sahod ko sa kompanya. Sobrang saya ko ng makita ang laman ng ATM account ko.

Nagyaya sina Janna na mag-inuman kasama si Adisson. Hindi ito ang unang beses na uminom ako pero ito ata ang unang beses na sarili kong pera ang ginastos ko. Nagpunta kami sa malapit na bar at doon nagwaldas ng sweldo.

"Ngayon ko lang 'to gagawin. Hindi na ako gagastos ulit para uminom lang,"

"Ganyan din ang sinabi ko nung unang sweldo ko, Shan. Masaya rito." Si Janna at tumayo at may plano pa atang sumayaw sa dancefloor.

"Madalas si Janna rito. Kaya ganyan... Minsan-minsan lang ako kasi ang mahal," si Adisson. "Malaki na rin kasi ang sahod niya sa firm. Dalawang taon na rin naman kasi si Janna. Saka maganda ang performance kaya siguro tinaasan ni Sir Simon."

Nagsalin ako ng inumin saka sumang-ayon kay Adisson. "Ikaw? Matagal ka na sa firm?"

"Matagal-tagal na rin. Malapit na akong mag-isang taon."

"Ako lang ba ang bago?"

"Si Braxton... kakasix months lang niya ata. Bago lang din 'yon."

Napalingon ako kay Adisson. "Hah? Bago lang? Akala ko senior siya? Bakit parang takot sina Sir Max sa kanya?"

"Analysis si Braxton, pero may background din sa Accounting. Matalino 'yon." tanging sabi ni Adisson.

Alam ko. Matalino si Braxton at alam ko 'yon. Sumimsim ako ng inumin at inisip ang nangyari dati. Nangingilabot ako sa totoo lang. Did I really cry in front of him? Sinabi ko rin ba ang mga nakakakilabot na mga salitang 'hindi ko pa kaya'?. I must be out of my mind. Iniisip niya siguro na sobra akong hulog na hulog sa kanya na para akong mamamatay nun? He must be thinking that I'm a creep. Napangiwi ako saka uminom ulit.

Kaya rin siguro hindi niya ako pinapansin sa opisina. O baka nagsisisi siyang nag-apply siya sa kompanya ni Dad. He didn't talk to me ever since. I never saw him looked at me. Palagi siyang busy at umaalis sa office. Hindi ko rin naman iniisip na iniiwasan niya ako kasi talaga namang busy lang siya at nakikita ko naman 'yon na marami ring umaaasa sa kanya.

Kamusta na kaya ang kapatid niya? Gumaling na kaya 'yon?

"Shan, lasing ka na ba?"

I got so drunk that night na hindi ko na maalala kung paano akong nakauwi. Kinapa ko ang side table ko at hinanap ang alarm clock ko. Sobra pa akong inaantok kaya bumalik ako sa pahkakapikit pero hindi... sayang ang magandang performance ko! I open my eyes even my thoughts are still sleeping.

My headache attacks like a mad terrorist. Napabalik ako sa pagkakahiga at minulat ang mata. Habang nakatingin ako sa ceiling, unti unti nang pumasok sa utak ko na— HINDI ITO ANG KWARTO KO! Iba ang pintura ng ceiling! Mabilis akong bumangon at kabang-kabang ginala ang paningin sa paligid. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa gitara na nakasabit sa dingding at sa maayos na lamesa sa harap ko.

Kulay asul ang pintura ng dingding. At... pakiramdam ko, naamoy ko na ang amoy na 'to dati. Bakit pamilyar? Napatingin ako sa bedsheet. Grayish blue. Lahat blue. Lalaki? Sino ang nakasama ko kagabi? Bakit ako nandito? Iniwan ba ako nila Adisson at Janna? Binenta ba nila ako?

Oh my god!

I checked myself if there's something strange... Kung malagkit ba sa laway ang leeg ko pero wala naman. Kinapa ko rin ang sarili ko pero wala akong maramdamang kakaiba. Sakit lang ng ulo ko.

When the door open, parang nagslow motion sa paningin ko ang pagpasok ni Janna. Napakurap-kurap ako.

"J-Janna!? Oh my god! Akala ko nasa ibang bahay ako!" mabilis akong napatayo pero nabitin din ng makita ang pamilyar na mukha sa likod ko.

No way.

"Braxton?" I slowly utter.

"Magbihis ka na, Shan. Maligo ka sa banyo ni Brax at umalis na tayo. Malapit na 7 am." aniya at umalis.

Natulala ako sandali. "Excuse me, may kukunin lang ako."

"Sorry."

Nagbigay daan ako sa kanya at nilingon siyang nakaayos na at may iilang gamit na nilagay sa bag. His hair is properly combed. Tulad parin ng dati. Nang makita ang hindi maayos na kwelyo, awtomatiko akong lumapit pero nang maalala ko na magkasama pala sa iisang bahay si Janna at Brax. Nahinto ako. Pagkalingon niya sakin, bahagya rin siyang napahinto. Tinuro ko ang kwelyo niyang hindi nakaayos.

"Ah. Thanks,"

Gumilid ako at agad siyang lumabas ng kwarto. Maya-maya pa dumating si Janna na may bitbit na damit. "Ipapahiram ko sayo 'to. Isauli mo pagkatapos mong gamitin."

As usual, plain parin ang tono ng boses niya. Hindi ko alam kung galit ba siya sakin o ano. "Janna... Sandali,"

"Kung nagtataka ka. Hindi kami ganoon gaya ng iniisip mo kaya wag mong ilaylay ang balikat mo. Half brother ko lang si Brax."

Habang naliligo ako. Hindi ko maiwasan na mapaisip paano ako napunta rito? Napanguso ako ng pumasok sa isip ko na parehong sabon ang ginagamit namin ni Braxton. Parang sira! Nakakakilabot naman 'tong iniisip ko! Ngayon ko lang naisip... hindi kailanman nawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Inaamin ko na hanggang ngayon may lugar parin sa puso ko ang bakanteng-bakante para sa kanya lang.

Nakarating kami sa office at hiyang-hiya ako ng marinig ang sinabi ni Janna sakin. Sa sobrang kalasingan ko kung ano-ano nalang daw ang pinaggagawa ko kaya wala siyang choice kundi tawagan si Brax para hingan ng tulong.

Si Braxton lang naman ang kumarga sakin. Tuwing naiisip ko 'yon. Gusto ko nalang maglasing ulit. Halos ayaw ko nalang silang tingnan lahat sa mata. Nakakahiya.

"Shan! Kamusta hang over?" Si Adisson.

Pekeng ngiti ang naibigay ko sa kanya at saka nag-approve sign.

Halos hindi ko malingon si Braxton dahil nakakahiya ang ginawa ko kahapon. Panay kirot ang ulo ko pero kailangan ko pang tapusin ang pagrerecording kaya nung matapos ko. Agad na akong pumikit at pinaghinga ang utak ko. Nakayuko ako sa lamesa at kulang nalang makatulog. Ilang saglit pa, naramdaman kong umikot ang upuan ni Braxton kaya mas lalo akong nagpursigeng magtulog-tulogan.

"Shan..." tawag niya sakin.

My heart just answered to his call. Sobrang bilis ng tibok nun na pakiramdam ko tatalon na patungo sa kanya. Huminga akong malalim at sinubukan na ikalma ang nararamdaman. Bumangon ako at nilingon siya.

"Oh? Brax... Pasensya sa disturbo at salamat pala sa ginawa mo." kaswal kong sinabi.

Seryoso siyang nakatingin sakin. "Gamot,"

Alam kong hindi naman talaga siya vocal. Pero, malaking bagay na 'to para sakin.

I swallowed hard. Pakiramdam ko huminto rin ang tibok ng puso ko. Tinanggap ko iyon at bahagya kong nahawakan ang balat niya. "S-Salamat." Nataranta ako at napatayo ng wala sa oras. "Kukuha lang ako ng tubig sa dispenser. Salamat ulit,"

Pinikit ko ng madiin ang mata ko at pinigilan ang malakas na kabog ng dibdib ko. Baliw ba ako? Bakit ako nahuhulog sa taong minsan na akong niloko?

Shan, sana naman hindi mo nakalimutan. He cheated on you.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play