Prologue
"Young adult? Teen fiction? Ano ba mas maganda? Erotic?"
Based on this data, mas marami talagang reads ang erotic novel. I did try on writing it. Sinubukan ko rin magsulat ng ****** kaya lang dumadating talaga ako sa punto na napapatanong ako sa sarili ko. Ito ba ang dahilan bakit ako nabigyan ng ganitong kakayahan? All of my characters, my story represents a little bit of me. And, I admit that, that's one of the reason why I am having a hard time writing a story. Baka kasi, sabihin nila na ako ang character. Kapag malandi ang character... malandi rin ako? Kapag matapang... kapag maldita... ganun din ako!? It's really confusing. Kaya ngayon hanggang chapter 3 lang ako.
My insecurities didn't even help me in writing a story. Mas nauuna ko pang natatapos basahin ang story ng iba kaysa tapusin ang story ko. And, everytime that happens. Wala akong ibang maramdaman kundi selos. I feel envy towards them. Matalino sila, magaling, maayos magsulat, maganda ang plot, maraming fans, maraming reads, pinagkakaguluhan. And... while me, I haven't reached anything those beyond. Pakiramdam ko hindi ako enough. My insecurities piled up even more. That led me to stop writing and hate writing. Where in fact, writing has nothing to do with these.
Tamad siguro ako.
At kapag naman iniisip ko na tamad ako, mas lalo akong nagiging tamad.
Hindi ko na alam ang iisipin ko! Even my favorite author. She's not helping me anymore. Kasi imbes na makatapos ako ng kwento, basa lang ako ng basa ng story niya which is kind of frustrating for me... it didn't motivates me anymore, but unmotivate me instead. I know she has nothing to do with my worries and insecurities...
Hindi ko alam kung bobo lang ba ako mag-isip ng plot o hindi ako ganoon ka-creative. Ugh!
My choices in life aren't really impressive as well.
When my parents died. Naiwan sakin ang lahat ng ari-arian nila. I don't know how to run the small business they built so... I let my relatives run the business. Bata pa lang ako nun pero dahil legal na naman, inaprubahan din ng korte. Our house in Quezon City is too big for me. And everytime I spend time in there, I always get reminded of them so I sold it... and bought a condo unit instead. I still have money left. May lupa pang hindi nabebenta...
I am now 26 and I still feel so helpless and useless. I don't know what to do with my life. My only escape is writing... which is I'm not even good at. Alam kong may pera pa kaso hanggang kailan ako kayang suportahan nun? I need to at least get a job and the job that I have in mind is writing a book. Pero wala akong matapos-tapos kahit isa!
Tumayo na ako para makapagpahinga ang utak ko. Ilang oras na akong nag-iisip ng magandang outline para sa story pero hanggang ngayon wala akong magustuhan kahit isa. My standards for a story got too high. My ideas are all dumb and cringey. I really need someone to at least help me but then... I'm not in good terms with my cousin. They all find me weird at isa pa, an introvert like me doesn't know how to entertain them.
I got a friend, though. Kaso nakikipagpatentero sa buhay niya. She's too busy and hard working. Halos ayaw ring makipag-usap sakin, tuwing nagsisimula na ako sa salitang "plot" "outline" "story" binababaan na ako ng tawag. I already offered her money to help me with ideas pero ayaw niya. I respect that side of her kasi mag-iinarte pa ba ako? She's the only friend I have.
I did a little stretching while thinking of more interesting story.
"Try ko kaya fantasy? Marvel style?" I did nod with myself. Pilit pinapaniwala sa sarili na may ikakapiga pa ako sa utak na meron ako kahit na... alam kong 2 percent nalang.
"Oh! Paano kung iyong mga aswang nalang? Maiinlove ang babae tapos malalaman niya aswang pala ang lalaki?" I clapped my hands with excitement. Mabilis akong naupo at binuksan ang laptop handa na akong isulat ang idea na meron ako but then as I started the prologue, wala akong maisulat! "Romance? Paano kung... may bed scene na tapos mahahati bigla ang katawan nung lalaki? E, horror na 'yon?"
Madalas kausap ko lang ang sarili ko. I pitied myself more than others do. Kaso lang... It appears that no one other than myself can understand me better. So...
Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Nag-iisip parin ng malupitan na plot but then nothing came to mind. Uminom na ako ng malamig na tubig. Natulala ako sa kusina at pinilig ang ulo... Minsan talaga nakikita ko nalang ang mga characters ko bigla. And... some of them are really nasty. Well, nakakaturn on naman talaga ang bed scene na sa counter top ng kitchen. Napangiti ako bigla sa iniisip ko, masaya isulat ang ganun. But then... no.
Quality over quantity.
I always watch movies or series and observe on how they're gonna pulled off the plot twist and I always feel fascinated everytime.
Kaya nga sinabi ko na sa sarili ko na gagawa rin ako ng story na tulad ng ginawa nila.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Annalisa at sinilip ang posting na ginawa ko kahapon.
"Oh?" sagot niya sa tawag ko.
"Kamusta? May nahanap ka na bang bedspacer?" masaya kong tanong.
"Meron. Kaibigan ni Kuya, sabi mo lalaki 'di ba?" I feel her disgust even when she's being calm. "Nababaliw ka na ba Natalia? Dahil lang diyan sa isusulat ko kailangan mo pa talaga gawin 'to?" She snapped.
"It's hitting two birds at one stone... 26 na ako, you know. If we worked out then mas maganda rin ang kalabasan ng story, it's a win win. Tsaka my kasama na ako sa condo... baka may katabi na rin sa kama, magkakababy kami tapos magkakapamilya. Araw araw na akong madidiligan," I chuckled.
"Oh? Paano kung bubuntisin ka lang at iiwan? Ang gandang plot twist nun 'no?" pilosopo niyang sabi.
Napaungol ako bigla.
"Mas maganda nga 'yon. Ayun sa data, mas maraming readers ang gusto ang ganyan na plot. It's nice too. I like that,"
"Buang." she's so pissed.
Tumawa ako. "Bibig nito."
"May trabaho pa ako. Tumawag ka nalang mamaya."
"Madaling araw na mamaya, my friend."
"Buang. May amnesia ka ba? Bakit ngayon pa naging big deal sayo ang madaling araw? E, ganung oras naman talaga tayo nag-uusap?"
Ngumuso ako. Init naman ng ulo nito. "So, bukas dadating na 'yon? Anong oras?
"Hindi mo man lang itatanong kun kaya bang magbayad ng upa. Ewan ko sayo, Natalia. Hindi ko na alam anong tumatakbo diyan sa utak mo."
"Galit ka?" Humagikhik ako. "Sige na. Tawag ako mamaya."
"Ulol," sabi niya bago pinatay ang tawag.
Tumawa ako dahil ramdam ko ang sobrang irita sa tono ni Annalisa. That's what I like about her, she's concerned about me.
Dahil tinagurian akong advance mag-isip. Nagsulat na ako ng prologue para sa romance genre na story na balak kong isulat. Dahil dadating na ang magiging katulong ko sa pagtapos ng story. I don't know if this experiment would work out. But if it does, then this will be my first break as a writer.
Dito na umikot ang buhay ko sa loob ng sampung taon simula ng mawala sina Mama at Papa. Sa pagsusulat ko nalang naibubuhos ng lungkot ko at pangungulila. I am so thankful that I was able to discover my skill in writing.
And, tomorrow... I will learn more about myself. As much as possible, mag-s-stick ko a romance genre. I want it to be romantic and wholesome. Excited na akong makita ang magiging kasama ko sa susunod na buwan.
I got a crazy mind... but I didn't thought that... his is crazier.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments