Chapter 2

Chapter 2

Nag-iisip ako ng mga dahilan na pwedeng magkick-out sa kanya. Kasi may girlfriend na pala siya! I really like him pa naman... Tall, dark and kind. Gumagwapo lang sa paningin ko kasi malakas ang sex appeal. Hay Fernando. Hindi paman siya nakakalipat dito, nagpaplano na ako sa pagpapaalis. Hinanda ko na nga rin ang pera na binayad niya sakin kahapon. Hay. Sayang talaga... Nararamdaman ko pa naman na medyo malaki... ang pasensya niya. Lalo na sa medyo baliw na utak na meron ako.

"Dadating na 'yon mamaya... Anong sasabihin ko? E, may girlfriend pala siya?"

"Kahapon. Ganyan din ang sinabi mo sakin. Ano ngayon kung may girlfriend? Edi maganda 'yon,"

"Annalisa de Carpio. Balak kong magsulat ng Romance genre novel. Anong maisusulat kong Romance dito kung may sabit pala? Hindi ako lalandiin nun kasi... mukhang loyal."

"Ewan ko sayo, Lia. Wag nga ako ang kausapin mo. Nagbebenta pa ako ng balut dito. Tawag ka mamayang madaling araw." tamad na sabi niya. "Penoy po ba?" Rinig ko tanong niya sa customer niya.

Napaisip ako saglit. Bakit walang nangyayari sa mga plano ko? Napatingin ako sa draft ng first chapter ko. Dapat sa first chapter pa lang, nagge-getting to know each other na. Nasa living room siya at lalabas ako. Magkakausap kami at magtatawanan dahil nanonood kami ng comedy show. Tapos biglang ma-o-awkward sa isa't isa... magkakatinginan tapos... magkikiss! Ang ganda na sana nito kaso...

"Annalisa? Ilang taon na sila nung girlfriend niya?"

"Matagal na. First girlfriend niya 'yon. Baka first ano rin... Alam mo na."

Mas lalo akong nadismaya. Nakakadiscourage naman 'to. Ayaw ko na kay Fernando. "Wala na bang iba diyan na kaibigan ang Kuya mo? Iyong walang girlfriend?"

"Wala na. Maagang nag-aasawa ang mga tagasamin dito. Si Jun naman, siya nalang ang hindi nag-aasawa. Nakakamangha nga na hindi niya pa nabubuntis ang girlfriend niya hanggang ngayon." plain parin na sabi ni Annalisa. Minsan talaga naiisip ko kung may problema ba siya pero wala rin naman sinasabi.

"Talaga? Buti naman kung ganun. Maingat pala 'to umatake..."

"Maingat nga. Ikaw. Ingat ka rin diyan... Umaatake 'yan kahit may girlfriend na."

"Umaatake ba?" bigla akong nabuhayan ng loob.

"Siraulo ka. Parang masaya ka pa ata? Ang sabi sabi kasi rito samin... Ilang beses na 'yang nangbabae kaya mag-ingat ka."

Cassanova. Okay din naman 'yun. "O tapos? Ano pa?"

Matagal-tagal ang pag-uusap namin ni Annalisa sa pagkakataong ito. Marami akong nalaman na pagtataksil na ginawa ni Fernando sa girlfriend niya. Pero ang sabi niya rin, palagi raw tinatanggi ni Fernando na sila nung girl kaya nakakalito. Meron pa palang ganun ngayon? Hindi paman naisusulat ang drama ng buhay niya... ang drama na.

Hindi dumating si Fernando nung araw na 'yun. Naglinis ako sa buong bahay dahil wala na akong magawa. Pinalitan ko na rin ang bedsheet na meron siya. Pinili ko nalang ang plain purple kasi unisex color naman 'to. Kaysa sa hello kitty bed cover. Inayos ko rin ang iilang gamit doon.

Natapos ako at kumain ako mag-isa. Kinakausap ang sarili habang nanonood. Gaya ng madalas na ginagawa ko. Nasa kwarto na ako buong magdamag kapag tumungtong ng 7 o'clock.

Nakatanggap ako ng tawag galing sa pinsan ko. Which is very rare. Pinag-isipan ko pa kung sasagutin ko ba o hindi hanggang sa namatay nalang. Tumawag ulit siya kaya napagdesisyonan ko na sagutin nalang.

"Bakit, Bryle?"

"Nasa condo ka?"

"Oo. Bakit?"

"I'm on my way. Let me borrow the other room for 2 hours."

"Huh? Bakit?" napatingin ako sa digital clock ko at nakitang nasa hating gabi na. Nag-away ba sila ng Daddy niya? O ano?

"Just let me borrow it, Lia."

"Okay."

It was so weird. Hindi tumatawag sakin iyon at masasabi kong iyon ata ang unang beses? Hindi ko alam na may number siya sakin? Hinintay ko si Bryle na dumating at hindi ko inexpect na ito pa ang madadatnan ko. Kakapatay ko pa lang ng ilaw at kakadoorbell niya rin lang. Wala na akong oras para i-on ulit ang ilaw dahil halos sirain na niya ang doorbell sa labas. Nang buksan ko ang pinto, tumambad sakin ang halos hubad nang babae sa pinto. Naghahalikan silang dalawa ni Bryle. Napatakip ako sa bibig ko at tumabi nalang habang patuloy solang naghahalikan papasok ng unit ko.

Ano 'to? Ginawa niya pang motel ang condo ko!?

I can hear their moaning and groans. Hindi ko alam na makakaramdam pala ako ng pandidiri kapag nakikita ko na ito in live action. Sinandal ulit ni Bryle ang babae sa kwarto bago tuluyang pumasok. They look like a hungry animals. Halos hindi parin ako makapaniwala kahit nakasarado na ang pinto. What the heck?

Maling mali ang iniisip ko nang isipin na hindi ko na sila maririnig dahil bawat kalampag nila sa kama. Naririnig ko.

"Ah! Ah!"

Tinakpan ko ang tenga ko at halos mataranta saan magtatago. I swear. I will never answer his calls ever again! Tumakbo ako papasok ng kwarto ko at tinakpan ang sarili gamit ang unan at kumot. Kinagat ko ang daliri ko habang nakakunot ang noo at nandidiri ang ekspresyon ng mukha. That's the most disgusting scene I have ever seen in my life.

Hawak ko ang cellphone ko at pinanghahawakan ang sinabi ni Bryle na hanggang dalawang oras lang sila. Talaga ba? Aabot pa kaya ng dalawang oras? Bilib din naman ako sa resistensya na meron siya, ano? Pagkapatak ng 1 am. Halos hindi man lang ako inantok kakahintay kailan sila matatapos. Unti-unti ko nang kinuha ang unan na nakatabon sa ulo ko pati ang kumot. Sinilip ko ang pintuan at tumayo na.

"Leave... I'm done with you." Rinig kong sabi ni Bryle. Napakurap-kurap ako. Nakasilip sa nakasiwang na pintuan ng kwarto. Nag-aayos na silang dalawa sa sala. Wag nilang sabihin na pati sofa ko, ginamit nila!?

I swallowed hard. Bago tuluyang lumabas ang babae lumapit ulit siya kay Bryle. "Do you want a blowjob, baby?"

WHAT THE HELL!?

"I'm just borrowing my cousins room... We can continue next time. Thanks for the offer." They kissed again. O baka round 2? Hindi ko alam.

Bago pa sila makapagsimula ulit. Lumabas na ako. Tama na naman siguro ang dalawang oras na binigay ko sa kanila 'di ba?

"Excuse me..." pigil ko sa kanila pero hindi man lang sila nabahala!? Excuse me, myself?! I cleared my throat. I still can't believe how horny they are!

"Bryle! Tama na! Lumabas na kayo!"

I can't help it anymore. Natigil silang dalawa at nilingon ako.

"Leave now." utos ni Bryle sa babae. Lumabas din naman ang babae at sinunod si Bryle. Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Binuksan ko ang ilaw at saka pa lang tumambad sakin ang halos pulang marka sa mukha niya. Lipstick at... kiss marks! Nakapamaywang akong hindi makapaniwala sa inasal nila sa harap ko mismo.

"What the hell?" I snapped.

"Kamusta?" Pasimpleng tanong niya at sinusubukan nang suotin ang tshirt. Nakalaylay pa ang suot niyang pantalon sa baywang niya.

"Okay lang ako... I mean, hindi ako okay! Ginawa mong motel ang bahay ko."

Ngumisi siya sakin saka pumwesto na sa sofa. "You're still not getting married?"

"Bakit mo ba iniiba ang usapan? Bakit dito pa sa condo ko? May condo ka naman, ah?"

"Lester's using mine... Andoon siya kasama ng girlfriend niya."

Hah! Hindi ako makapaniwala. "Nagkakasundo na kayo sa pangbabae, ah?"

"I beg to disagree. Magagalit si Lester kapag narinig niya 'yan. He's loyal. Girlfriend niya ang kasama niya."

"So, ikaw lang ang nangbababae? Ganun?"

Tumango siya sakin. "Hindi mo na kinontak si Mama at Papa. Akala namin namatay ka na rin."

Umirap ako. "Bago ako mamamatay, ipapaalam ko sa inyo. Wag kang mag-alala."

"You need to get married, Lia. Kung hindi... baka si Papa ang maghahanap ng lalaki para sayo. The business is getting better. Marami nang ibang businessman ang nagkakainteres. Baka maisipan ni Papa na... pakinabangan ka. You won't like it, Lia."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wala na akong pakialam sa negosyo na 'yan. That's all yours. Kaya wag niyo na akong isali."

"That's not it." he sighed. "I will go now..."

Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya. He changed a lot. From his physique and aura. Bryle de Veyra has now become someone I don't know.

"Thanks, by the way." Aniya bago lumabas.

Ilang araw din ang lumipas bago natapos ang isang linggo. Dumating din si Fernando. Ang inaasahan kong mangyayari sa buong araw ay hindi nangyari. Akala ko kasi kapag lilipat siya, magtataguan-taguan kami. Iyong tipong paglabas ko ng kwarto, saka ko rin makikita ang pagsarado ng pinto palabas. Tapos tuwing papasok na ako ng kwarto, saka rin ang pagbukas ng pinto at pagdating niya. Iniisip ko kasi na mas interesting ang ganun na set-up. Napublish ko na ang ang isang chapter ng story ko sa isang online platform. Wala nga lang reads.

Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang madadatnan ko. Naabutan ko si Fernando na naglilinis ng banyo at naglalaba. Kakabalik ko lang galing sa pagjo-jogging at akala ko pagkatapos ng isang linggo aalis din siya at mangyayari ang madramang pagsasalisihan naming dalawa kaso... naabutan ko siyang andito parin at mukhang walang balak lumabas.

"Naglaba ka?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis. Napalingon siya sakin at agad nag-iwas ng tingin. I am wearing my sports bra pero may jacket naman. Nakasports leggings din ako at nakarubber shoes pa. Dahan-dahan kong hinubad ang sapatos sa pinto at nilagay iyon sa shoe rack bago tuluyang pumasok.

"Naglinis ako ng kwarto at nilabhan din ang mga damit ko nung nakaraan..." sabi niya.

"Ah. Kumain ka na ba?" dumiretso ako sa kusina dahil kumakalam na ang sikmura ko. Madalas naman quaker oats lang ang kinakain ko pero kung gusto niya ng kanin, baka magkakanin din ako.

"Hindi pa... Hindi ko namalayan ang oras,"

"Aalis ka ba ngayon?" sunod na tanong ko.

"Hindi. Wala naman akong plano ngayong araw,"

Hmm... So, buong araw andito ulit kaming dalawa? Sa kanyan-kanyang kwarto namin?

"Anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng sinangag na kanin, itlog? Ako na magluluto." presenta ko.

"Okay lang ba? Maayos lang sakin kahit ano."

Maayos naman siya kasama. Walang arte at walang kibo madalas. Para lang din akong walang kasama. Ang kaibahan nga lang may sumasagot na sakin minsan. Maayos na rin kaysa sa wala.

Nagluto ako at kumain nang mag-isa. May ginagawa pa daw siya kaya nauna na ako. Tinakpan ko ang pagkain niya at naghugas ng plato. Sinilip ko siya bago ako pumasok ng kwarto at nakita kong nag-aabang lang siya sa washing machine. Pwede niya namang iwan 'yan?

"Kain ka muna... tutunog naman 'yan kung tapos na. Nasa lamesa ang pagkain mo,"

Nilingon niya ako at agad na tumayo. "Ah. Salamat..."

"Pasok na ako... Katukin mo lang ako kung may kailangan ka." sabi ko bago pumasok.

He's a little strange. Lalaki ba talaga siya?

"Sige! Salamat ulit!" Rinig kong sinabi niya bago ko sinara ng tuluyan ang kwarto.

Ganun ang nahing routine naming dalawa. Minsan nasa kwarto siya at nasa sala ako nanonood. Hindi siya lumalabas kapag nasa sala ako. Iyon ang napansin ko. Kapag naman nasa kwarto ako, madalas naririnig ko siyang naglalakad sa labas. Dinidikit ko ang tenga ko sa pintuan ng kwarto ko. Minsan naririnig ko lang na kumakalampag ang mga kalan kaya alam kong nagluluto siya. Akala ko ba nagco-coaching siya? Halos hindi siya lumabas nitong nakaraang araw.

"May problema ka ba, Fernando?" tanong ko sa kanya pagkalipas ng ilang araw. Hindi ko na nakayanan. Hindi siya nagsasalita kaya naisip ko na hindi ko malalaman kung hindi ako magtatanong.

Baka may nabuntis 'to o may inutangan na pinagtataguan?

"Ah... Wala naman." Mabilis niyang sagot. Malayong-malayo sa taong walang problema. He seems bothered by my question. Maya't maya na ang paglingon niya sa direksyon ko.

Nanonood ako ng palabas sa TV at sakto naman na lumabas siya sa kwarto niya. Buti nalang hininaan ko ang volume. Akala niya siguro pumasok na ako sa kwarto. Kita ko nga ang gulat sa mukha niya ng makita akong nakaupo sa sofa na nakataas ang binti. Nakapatong ang ulo sa tuhod.

Diretso siyang nagtungo sa kusina at hanggang ngayon hindi parin umaalis kaya nagtanong na ako.

"Talaga? Kamusta na kayo ng girlfriend mo?"

Nakatingin parin ako sa likod niya. His back stiffened. Nilingon niya ako at nang makita ko ang mukha niya. Bigla akong kinabahan... Don't tell me, napatay niya ang girlfriend niya kaya siya nagtatago?! Napakurap-kurap ako at napalunok ng marahas.

"Sinabi ba sayo ng kapatid ni Kieper? Wala na kami nun... May nahanap ng iba. Mayaman." blangko niyang sinabi.

Nakahinga ako ng maluwag. So, heartbroken pala siya kaya hindi lumalabas?

"Ganun ba..."

"Justin Ocampo." Dagdag niya.

Hindi ako sigurado kung parehong Justin Ocampo ang naiisip namin pero may kilala rin akong Justin Ocampo dati nung college pa ako. I still hate him... Everytime I remember his name or his face... I can feel my blood boiling suddenly.

I feel relieved. "Inom tayo? May beer ako diyan sa ref... kung gusto mo." After these years, may kainuman ulit ako.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play