“JULIUS! Ano bang ginagawa mo?!”,sigaw ni Ryan pagkatapos akong hilain.
“Ryan wag mo ngang gawin yan! Bitawan mo siya!”,sigaw pabalik ni Julius.
“Hoy kayong tatlo diyan! Umuwi na nga kayo!”,sigaw ni Ms.Wal sa amin.
“O-opo Ma’am s-sorry po.”,sagot ko sa kanya.
Naglabasan na sila Maira at Marielle pagkatapos marinig ang sigaw ni Ma’am.
“Ryan? Kala ko ba uuwi ka na?”,tanong ni Marielle.
(May mga napadaang Grade 10 Students at nagbulungan tungkol kay Ryan)
“Sabi sa inyo playboy ih. Kita mo yung babaeng hawak niya, hindi yan yung totoo niyang GF. Alam ko yung isa pa yun ih... ayun siya oh.”,bulong ng isa naming senior.
“Sa harap pa talaga nag-harot. Tsk-Tsk. Tara na nga, sa campus pa talaga nagkagulo.”,dagdag pa ng isa.
Paiyak na si Marielle...
Kumawala ako sa pagka-hawak ni Ryan.
Piningot ko si Ryan gamit ang kaliwa kong kamay at sa kanan naman si Julius.
Hinila ko sila palabas ng school at tinawag sina Maira at Marielle para sundan kami.
“Aray! Ano ba!? Bakit parang galit ka? Ikaw na ngang tinulungan ko para makalayo kay Julius.”,galit na pagdadahilan ni Ryan.
“Tinulungan mo nga ba talaga siya? Sa kanya mo nga tanungin yung totoo.”,balik naman ni Julius.
“Maira, Marielle. Hintay nga lang muna kayo dito may susunduin lang ako.”,sabi ko sa kanila at bumalik ng school para hanapin sina Axel,Evan,at Lilac.
(Inikot ang High School Department para hanapin lang sila)
“Lilac! Nakauwi na ba si Evan?”,tanong ko ng makita ko na siya.
“Hindi pa yata. Teka nga lang... paano mo alam na...”,
“Wala ng oras para diyan. Hanapin mo na lang siya. Hahanapin ko na muna si Axel. Sana lang di pa siya nakakaalis. Magkita na lang tayo sa labas ng gate, sa may waiting area.”,balik ko na lamang sa kanya at umalis.
(Nakita na si Axel, nilabas na siya ng school)
“Bakit mo kami dinala dito?”, tanong ni Axel.
“Kayo ha!! Anong naisipan niyo at ako ang ginawa niyong candidate sa pustahan? Para kayong mga bata!”,sigaw ko sa kanila.
“Pustahan? Anong pinagsasabi mo?”,pag-kukunwari ni Axel.
“Hindi ako tanga,at tsaka may mga nagkakagusto na sainyo bakit niyo pa kailangan gawin yon? Nasa tamang ulo ba mga utak niyo?!”,galit na balik ko sa kanya.
“So kung may pustahan nga kami, ano naman? Don’t pretend youre not enjoying the attention.”,sabi uli ni Axel.
“Nobody will enjoy attention from you guys, trust me. Speaking of attention alam niyo na bang may gusto....”,
Pinigilan ako ni Marielle bago ko pa matuloy ang sasabihin ko.
“Michelle, kami na ang aamin.”.
“Ay shit! Oo nga pala,sorry.”, paumanhin ko na lang.
“Uy Michelle, ano ba dapat sasabihin mo? Paki bilis uuwi pa kami diba?”, sabat ni Axel.
“Alam niyo wala na rin akong magagawa ih. Sabay na lang yung mga magkakalapit yung mga bahay. O kaya puntavna lang tayo sa Cafe sa likod. Oh ano? G?”, tanong ko na lamang.
“Alam niyo taa na lang. Sino sasama sa Cafe?”,tulong na pagkumbinsi ni Julius.
“Hintayin na lang muna natin sila Lilac.”,dagdag ni Maira.
“Chat ko na lang siya.”,sabi ni Marielle.
(Hinintay ang reply ni Lilac)
“Mauna na daw sila ni... OH NY GOD!! Guys tingnan niyo to!”,sigaw bigla ni Marielle.
“Hoy si ano yan!! Magkasama sila ni Evan?”,bulong ni Maira.
“Uy bilisan na lang natin nakaka-kilig toh!!”,dagdag ko na lang.
(Pumunta na sila Maira, Marielle, Michelle, Ryan, Julius, at Axel)
“Asan na ba yun si Evan? Kanina ko pa china-chat di pa rin sumasagot.”, inis na sabi ni Axel.
“Wag mo na nga muna pakialaman yung tao! Nakakainis ka rin ih!”,balik sa kanya ni Maira.
“Papansin ka pala tol eh.”,biro ni Ryan.
“Op, nagsalita na din siya. Wag mo sabihing nagpapa-bebe ka lang kanina.”,balik ni Axel.
“Siraulo ka talaga noh? Pero mas nakaka hiya yung ginawa ni Julius kanina. Diba ?”, damay ni Ryan kay Julius.
“Wag mo ibahin yung usapan, ikaw yung topic diba? Wag kang pa inosente. At least ako, nakaamin na. Ikaw? Gusto mo ako ng umamin para sayo.”,balik ni Julius sabay akbay sa akin.
“Oy pucha sana all! Ay puta parang mapapa-amin na yata ako ah.”,sigaw ni Axel.
“Sino naman kaya yan!”,sigaw din ni Ryan.
“Edi sino pa, edi si Maira.”, sabi nito biglang takbo.
“AYIEEEE. Tanginang yan, sabi na eh.”,sabi ni Ryan.
“Narinig mo yon Maira, sana all.”, sabi ni Marielle.
“Baket Marielle? Sino ba yung sayo?”, tanong ni Ryan.
“Wala akong ganun noh. Pero yung dati ko tarantado. Alam mo yung parang walang ambag sa pamilya niya kundi sakit ng ulo.”,sabi nito.
“Ay shet parang ako lang ah. Mamaya ako yang tinutukoy mo ha. Wag namang personalan.”,pabirong sabi ni Ryan.
“Buti alam mo.”,balik ni Marielle.
“Ay sakin ka may gusto ? Nice one Marielle.”,biro uli ni Ryan.
“Ano ka. Di ako desperado para magkagusto sayo.”,
“Bakit pala kinikilig ka? Wala pala ha.”, sagutan uli nila.
“Alam niyo ituloy na lang natin toh sa Cafe. Malapit naman na tayo oh.”, sabat ni Maira.
“Pero meron kamo talaga yang gusto sayo pakipot lang.”, dagdag pa nito.
“Maira! Parang ano naman ihhh!”, sigaw nito at tumakbo kay Maira.
“Ano naman kung may gusto ka saakin? Pero meron ba talaga?”, tanong ni Ryan.
“Bilisan na nga lang natin.”, sagot ni Marielle at biglang tumakbo.
“Oo meron! Tandaan mo yan Ryan ha!”, sigaw nito bago pumasok ng Cafe.
“Uy shet pumapagibig ka na rin ha.”,
biro ni Julius.
Habang nasa Cafe kami, syempre nagka-aminan na diba. Edi ang awkward ng pag-uusap namin. As in walang ma topic yung mga matitino.
Sila Lilac at Evan magpapa-alam na daw sa mga magulang nila kung syempre pwede na nga... kami naman ni Julius... eh magpapa-alam pa din kami, syempre ah. Hindi naman lotto yung magiging relasyon namin na tira lang nang tira diba?
Ewan ko pa kila Marielle at Maira kung itutuloy pa ba nila yung sa kanila pero, we’ll all be there to support each other, no matter what. We’ll be the kinds of friends that stay together no matter the hardships.
***End ••***
3
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 5 Episodes
Comments