Grade 9 (Section: Hugot)

Grade 9 (Section: Hugot)

~Place Your Bets~

“Magandang umaga mga bata. Kamusta ang bakasyon niyo? May nagbago ba?”, tanong ni Ms.Wal.

“Sana nga Ma’am eh. Pero ayon wala pa ring pagbabago katulad ng feelings niya para sa’kin!!”, hugot ni Lilac at biglang nag walk out.

“Ikaw Marielle, may ganap ba? Mag share naman kayo! Umagang-umaga nagsisimula nanaman kayo ha!”, tanong muli ni Ms.Wal sa isa pa naming kaklase na si Marielle.

“Sorry Ma’am, hindi lahat pwede i-share! Lalo na siya!! Akin lang siya!!”, hugot naman nito at sinundan si Lilac sa labas.

“Sana All may dahilan kung bakit humuhugot, kasi ako pati pinaghuhugutan ng lakas umalis na.”, sabat naman ni Julius at bigla ring nag walk out.

“Hay nako!! Tama na yan may recess pa at lunch para diyan!! Mag klase na nga lang tayo!! Open your books to page 69. Tawagin niyo na yung mga kaklase niyo sa labas. Bilis!”, galit na sigaw ni Ms.Wal.

(Lumabas si Maira para hanapin sila)

“Ma’am magsimula na po tayo habang wala sila. Humabol na lang po sila. Alangan tayo na lang lagi mag- aadjust di pwede ganun! Hindi lagi merong second chance once is enough!”, hugot muli ng isa naming kaklase na si Evan.

“Opya! Subukan mo lang mag walk out di ka na uli makakapasok!”, suway ni Ms.Wal.

(Bumalik na si Maira pero hindi kasama ang mga pinapahanap ni Ma’am)

“Ma’am, hindi ko po sila mahanap. Wala din po sila sa canteen. Di ko po alam kung saan na sila hahanapin.”.

“Ganyan naman kayong mga babae eh hindi niyo kaya magpursigi. Akala niyo wala ng pag-asa pero ayun pala naghihintay pa rin, kaso wala naman na palang darating.”, hugot naman ni Ryan.

“PUTANGINA! MANAHIMIK NA KAYO! AKO NANG MAGHAHANAP. AKO NAMAN KASI LAGI MAY KASALANAN EH, KAYA AKO NA!! AKO NA LANG LAGI!!!”, sigaw ni Ms.Wal na halatang hindi na nakapag-tiis sa maagang pag-hugot ng mga kaklase namin.

(Nagdabog palabas si Ms.Wal)

“Naol hinahanap.”,hirit pa ni Axel.

-Cut Scene-

(Lunch)

(Magkasabay na kumakain sina Axel, Maira, Marielle, Evan, Ryan, at Julius)

Inisip ko sa aking sarili, “Sana ol may kaibigan na laging kasabay.”.

Pinanood ko na lamang sila habang nagtatawanan at naguusap-usap.

“Oh, ikaw pala yan Michelle! Sabay ka na sa amin kumain!”,biglang sulpot ni Ryan.

“Hindi na! Sorry sa abala.”, balik ko sa kanya at biglang tumakbo.

(Habang tumatakbo ay biglang bumangga kay Lilac)

“Aray! Oy,girl! Sabay ka na samin kumain! Tara!”,sabi sakin ni Lilac at bigla akong hinatak sa mesa kung saan kumakain sina Axel, Marielle, Evan, Ryan, Julius, at Maira.

“Michelle! Kain ka na dito! Kung ayaw mo ikaw kainin ko!”,masamang biro ni Evan.

“Gago! Tigilan mo nga best friend ko siraulo!! Upo ka na Michelle. Usog ka nga ng unti Marielle.”,balik ni Lilac sa kanya.

(Seating Arrangement)

(Michelle) (Evan)

(Lilac) (Ryan)

(Marielle) (Axel)

(Maira) (Julius)

“Bakit ayaw mo kanina nung niyaya kita? Ayaw mo ba ako?”,tanong ni Ryan.

“Hindi naman sa ganun. Eh kasi...uhhh. Kain na lang tayo. Lumamig pa yung pagkain natin eh.”,palusot ko na lamang sa kanyang tanong.

“OOOOHHHHH, Ok lang yan pards! May oras para diyan, sa tamang panahon. (Tumawa)”,biro ni Evan.

“Di wow ka, tangina mo. Kumain ka na lang. Dami mong satsat.”,balik ni Ryan.

Ang tagal na nung huli kong beses na kumain ng may kasabay. Grade 6 pa lang kaklase ko na tong mga to pero ngayon nakasabay kumain tong mga gungong na toh!

“Uy! Ang sarap naman ng ulam mo Michelle! Pahingi naman ako oh! Ay hindi palitan na lang tayo, pahingi ako unti ng Adobo mo tapos.. bigyan kita ng unting prito. Ok lang ba sayo yun?”,tanong ni Axel.

“Kahit hindi mo na palitan. Ito oh kuha ka na.”,balik ko sa kanya.

“Ep-ep-ep. Wag mo ngang dayain si Michelle! Kunin mo na yung offer niya sabi sayo. Patay gutom yang lalaking yan eh.”,biglang sabat ni Marielle at kumuha ng unting prito ni Axel para ilagay sa baunan ko.

“Pakilamera. Ok nga lang daw diba! Pero di ako galit, kasi totoo naman talaga. Kaya ikaw panalo ngayon.. salamat sa ulam Michelle.”,sagot ni Axel.

Ganto ba talaga sila magusap-usap?

Parang ang sama naman....

Binilisan ko na lang kumain para di na magkagulo uli.

“Balik na ako sa room ha. Kita na lang uli tayo mamaya.”,sabi ko sa kanilang lahat at umalis.

(Umalis ng Canteen at didiretso na sa room, pero biglang sumulpot si Ryan)

Hindi naman sa pang-iinsulto, pero bakit ganun yung trato nila sa isa’t isa? Bakit parang wala lang pag nakasakit sila?

“Michelle ok ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo ah.”,bigla uling sulpot ni Ryan.

“Ah, wala toh. Ge pala salamat sa pag-aalala. Una na ko.”,balik ko na lang.

(Bago maka-alis ay hinatak ni Ryan ang kamay ni Michelle)

“Michelle, may problema ba tayo?”,biglang tanong ni Ryan.

“HEHE. Walang tayo. Una na ko ha.”,balik ko na lang.

“Panis ka pala ni Michelle Ryan eh.(Tumatawa)”,pang-asar nanaman ni Evan.

(Patuloy na naglakad papuntang room)

Ano bang problema nun? Mukang tanga! BWISET! Tinatanong niyo siguro kung bakit ako naiinis, ganto kasi yan.. may tsismis dito sa school namin na...PLAYBOY!!! Daw si Ryan, sa una syempre di ko pinaniwalaan pero, nakita ko mismo eh. Gago talaga siya, anong magagawa natin dun?!

Ok hindi ko na siya huhusgahan, kasi nga syempre di tama.. at nakaka-guilty rin. Mag sorry na nga ko TANGINANG KONSENSYA TOH!!

(Na-guilty at hinanap si Ryan. Nakita na agad)

“Ryan!Ryan!!”,sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.

Di yata ako naririnig nito ha.

“Psssstttt! Hoy! Ryan?”.

Tinigil ko na lamang ang pagsigaw ko dahil nakita ko sina Ryan, Axel, at Evan na magkakasama at nagtipon sa ICT, kahit na hindi muna pwede pumasok.

Sa sobrang ka-chismosa ko ay... sinundan ko sila. Dahan-dahang sinara ni Axel ang pinto. Tumalikod na lamang ako sa pader at nakinig sa kanilang tatlo.

“Oh ano? Suko ka na ba Ryan? Halatang ayaw sayo ni Michelle eh. Alam niya na yata niya yung tungkol sayo na pagiging playboy.”,tanong ni Axel.

“Sus magugustuhan ako nun. Ako pa. Yun nga dapat yung tanungin niyo sa sarili niyo eh, matatalo niyo ba ko ha? Kapal din ng muka mo ih.”,sagot ni Ryan.

“Sa totoo lang ayaw kong gawin to lalong lalo na at may iba akong gusto pero 2,000 is on the line kaya, ayokong magpatalo.”,dagdag pa ni Evan.

GAGO TONG MGA TOH AH!!! 5,000 Pesos ang itinaya nila!? Oh my GOODNESS!!!

Wala ka talagang ma-eexpect sa mga mayayamang tanga!!

Wait lang parang may kulang sa kanila..... si, ano.. JULIUS!!

“AHHHHH!”

“Ano bang problema niyong mga lalaki kayo?!”.

Hindi pa toh tapos!!

(To be continued)

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play