Sapphire POV
"Mom! Mom! Mo-"
"Sapphire anak! Gising!"
Napabalikwas ako ng bangon habang habol ko ang aking hininga.
"M-mama? Ma!" Niyakap ko ng mahigpit si mama at kusa na lang nag unahan sa pag-tulo ang luha sa aking mga mata.
"Shh. Tahan na, anak. Binangungot ka ba ulit?" Marahang pag-alo nya sakin.Tahimik lamang akong tumango at humihikbi.
Lagi ko na lang napapanaginipan iyon nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung bakit.
Nasa loob daw ako ng isang bahay na nasusunog. May babaeng naka higa sa harap ko tapos iyak daw ako ng iyak. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay tinatawag ko syang mom pero iba ang kanyang mukha.
Hindi si mama ang babaeng yon pero sa bawat pag tawag ko sa kanya ay napaka bigat sa dibdib. Wari'y nadudurog ang puso ko at hanggang sa aking pag gising ay dala ko ang kirot na iyon.
"Shh. Panaginip lang iyon. Tahan na." Pinunasan nya ang luha sa aking pisngi. "Bumangon ka na at mag handa. Mala-late ka na sa school nyo." Tinapik nya ko sa aking balikat at lumabas na sa aking silid.
Napa-hilamos ako saking mukha "Sino ka ba talaga? Bakit lagi kitang napapanaginipan?" Huminga ko ng malalim at tuluyan ng tumayo. Inayos ko ang aking higaan at naghanda na.
...----------------...
"O anak nandyan ka na pala. Halika na't kumain ka na." sabi ni mama nang makita nya akong pababa ng hagdan.
"Ma, nakita mo ba yung necklace ko? Yung may pendant na pulang bato? Hindi ko po mahanap sa mga drawer ko" sabe ko kay mama.
Sobrang halaga ng necklace na yun. Sabe ni papa wag ko daw iwawala yun e. Ngayon wala na si papa, yun nalang ang bagay na nagpapaalala sa akin kay papa. Everytime na di ko yun suot or dala, feeling ko may kulang sa akin, di ako sanay.
"Ayun ba anak? Hindi ko nakita e. Baka naman nasa bulsa ng hinubad mong damit? Hayaan mo mamaya hahanapin ko. Sige na umupo kana dito." Sabi ni mama.
Umupo na ko sa hapagkainan at pinilit na kumain kahit wala talaga akong gana. Ayaw kasi ni mama na pumasok kami nang hindi nag aalmusal.
"Huy Saph! Binangungot ka na naman noh?" Tanong ni Ivoree. Sya ang kapatid ko. Actually kambal kame pero kung titingnan mo di kami mag kamuka. Ewan ko, di ba may ganon naman talaga.
Though magkasing-tangkad lang kami at parehas na maputi. Ang buhok ni Ivoree ay straight at hanggang balikat. Ito ay makintab at itim na itim. Malamlam at bilugan ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong at natural na pink ang kanyang mga labi.
Samantalang ako naman ay medyo brown ang buhok. Mahaba ito na aabot hanggang sa aking bewang at mayroong natural na wave. Ang mga mata ko ay medyo singkit ngunit matalim kung tumitig. Ang ilong ko ay maliit ngunit matangos. Ang mga labi ko naman ay mapula, iyong kahit di na ko mag-lipstick ay napakapula na.
Madaming nagsasabi na di daw halata na kambal kami. Maamo ang mukha ni Ivoree at ang akin naman ay cold at mukhang matapang. Pero, who cares?
"Oo, psh" sagot ko sabay kagat sa pandesal.
"Same nightmare?" Tahimik akong tumango habang ngumunguya.
"Baka naman dahil yan sa kakabasa mo ng mga novels. Sabe ko kase sayo hinay hinay lang sa pagbabasa. E parang buong araw mo, pag babasa nalang inaatupag mo e! Try mo kaya mag chill out. Sama ka samin? Gimik tayo this friday! After class. Hm?" Sabi nya na nakatingin sakin habang malaki ang ngiti.
Tinignan ko sya pabalik, "Ayoko." Sabay balik na sa pag kain.
Bigla syang sumimangot nang marinig ang sagot ko.
"Bakit naman! Sige na sumama ka na! Kailangan mo rin mag relax pa minsan-minsan, its unhealthy na palaging libro lang ang nakakaharap mo noh. Sige na, sige na, sige naaa" Sabe nya habang niyuyugyog ako.
"Tch! Kailan pa naging unhealthy ang pagbabasa ng libro? Bitaw nga! Ma oh si Ivoree! Ano ba wag mo ko yugyugin! Ayoko nga sumama." Inis na sabi ko habang pilit tinatanggal ang kamay nya.
"Ivoree anak, wag mo na pilitin si Sapphire kung ayaw nya. Sige na, pumasok na kayo at baka mahuli kayo sa klase." Sabi ni mama.
Napa-ngisi ako kay Ivoree nang kinampihan ako ni mama. "Bleh!" Dumila pa ako para lalo syang mainis kaya naman humaba ang kanyang nguso at lalo pang sumimangot.
"Hmp! Di kita bati!" Inirapan nya ko tsaka tumayo na at lumabas.
"Hah!" napa buga ko ng hangin at sinundan sya ng tingin nang hindi makapaniwala. Napaka-isip bata talaga ng kapatid kong iyon.
"Kita mo yon ma?" Napa tingin ako kay mama. "Hindi manlang nagpaalam sa inyo bago umalis!" Naiiling na sabi ko kay mama.
Napatawa si mama sa sinabi ko. "Ikaw naman kasi anak. Masyado mong ininis yung kapatid mo, alam mo naman tampururot yon e." Natawa naman ako sa sinabi ni mama. Totoo naman e haha. "Sige na sundan mo na iyon at magsabay na kayo sa pag pasok".
"Where's kuya Josh nga pala ma? Di ba sya sasabay sa amin?" sabi ko habang inaayos ang strap ng bag ko.
"Kaya nga e, pinabangon ko na yon kanina ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumababa. Tsk tsk. Siguro ay puyat na naman iyon kaka-laro ng computer. Sandale at kakatukin ko ulit." sabe ni mama at akmang papanhik pataas ngunit nakita nya na si kuya na pababa na rin pala.
"Yo ma goodmorning! Yo saph! Oh asan si ree?" tanong nya saken habang kumukuha ng pandesal.
Kuya Josh is our eldest brother. Bale tatlo kaming magkakapatid, first was kuya Josh, then me Sapphire and then Ivoree. Kuya Josh is just a year older than us and we're studying in the same school.
"Ayon naunang lumabas, napikon sakin e"
"Haha loko ka talaga. Lagi mo napipikon yon." sabe nya habang ngumunguya.
"Im not doing it on purpose! Duh. Anyways, mauuna na kaming pumasok ni ree ha?" sabe at tumayo na.
"Okay. Kita na lang tayo sa school." hinalikan ko na sya sa pisngi at nagpaalam na kay mama.
"Ma! Aalis na po ko!" sigaw ko coz she's in the backyard. "Okay! Mag iingat kayo ha?".
Paglabas ko ng pintuan nakita ko si Ivoree na nakatayo sa labas ng gate at naka-crossed arms.
Nang makita nya kong naglalakad ay inirapan nya ko ulit at lumakad na. Natawa naman ako at sumunod sa kanya.
Malapit-lapit lang ang school sa bahay namin kaya nilalakad lang namin ito. 20 minutes lang ang lalakarin mo at nasa school ka na agad.
"Ree!" Pagtawag ko kay Ivoree ngunit hindi nya ko nilingon. "Ree!" Di nya ulit ako nilingon kaya't tumakbo na ko sa kanya at padagan na inakbayan sya. "Ay! Saph ano ba! Ambigat mo kaya! Tch!" inis na sabi nya sa akin.
"Ito naman, tampo agad. Sorry na nga. Alam mo namang di ako mahilig sa mga gimik na ganyan diba." Pag alo ko sa kanya habang akbay ko pa rin sya.
Huminto naman sya sa paglakad at hinarap ako.
"Nag aalala lang naman ako sayo saph. Ilang araw ka nang nananaginip ng ganon di ba? Gusto ko lang naman na maka pag unwind ka kahit papaano. Hangout lang naman tayo e. O sige kung ayaw mo nang may kasama kahit tayo na lang dalawa! Mag rerelax lang tayo. Sige na. Please?"
Pinag-dikit nya pa ang mga kamay nya na parang nakiki usap at nag-pout na parang aso este tuta.
Napa-hinga ko ng malalim at tinignan sya na parang nag iisip. Nag-roll eyes ako at "Okay fine, tayo lang dalawa" psh, hindi ko talaga matitiis tong kapatid ko. Kahit madalas akong mainis dahil sa kakulitan nya di ko pa rin kaya na pag tagalin ang tampo nya.
Nanlaki ang mga mata nya at ngumiti ng malaki. "Talaga? Yes! Wala nang bawian yan ah! HAHA yehey! Girl bonding mamaya!" halos masubsob ako nang ako naman ang padamba nyang inakbayan.
"Ree! Ano ba!" Sabi ko at umalis sa pagkaka-akbay nya. "Ay. Hihi. Sorry na-excite lang ako." Sabi nya at parang tangang ngumiti sakin.
Inirapan ko naman sya. "Tara na nga, late na tayo" at nag-patuloy na kami sa paglalakad.
...----------------...
"OHAYO MGA CLASSMATES! WAZZUP!" Sigaw ni Ivoree pag pasok namin sa classroom with matching taas kamay pa. Parang abnoy. Ako nama'y dumiretso na sa upuan ko sa likod malapit sa bintana.
"Oy Ree! May assignment ka na sa philo? Pakopya nga!" Bungad ni Ivan.
"Ito ba?" Nilabas ni Ivoree ang notebook nya sa philo at pinakita nya kay Ivan.
Tumango-tango naman ang loko at binalak na hablutin ito ngunit agad na iniwas ni Ree. "Hmp! Ano ka chix! Pinaghirapan ko tong sagutan tas ipapakopya ko lang sayo? In your dreams! Bleh!" Sabi nya kay Ivan at dumila pa, psh, isip bata talaga.
"What! Damot naman nito! Sige na! Parang di naman tayo magkaibigan nyan oh!" Sagot naman ni Ivan na kumakamot ng ulo.
"Sino ba nagsabing magkaibigan tayo? Ha?!" Sigaw ni Ivoree.
"Ah ganon?" Tumaas ang kilay si Ivoree nang ngisian sya ni Ivan.
"Ahhh! Mamaaaaa!" Napatakip ako ng tenga sa tinis ng tili ni Ivoree nang habulin sya ni Ivan habang sinusubukang kunin ang notebook nya sa philo.
"Sige na kasi Ivoree! Pakopya naaa!"
Napa-irap na naman ako sa kakulitan nila. Para silang mga grade 1 kung maghabulan, to think na grade 11 na kami pero ganyan pa rin ang asal nila.
Para maiwasang makita sila, kinuha ko na lang ang libro ko sa bag upang makapag basa.
Ngunit wala pang limang minuto akong nagbabasa nang bigla akong kinilabutan. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok pati na rin sa aking mga braso. Wari'y may nagmamasid sakin.
Napalingon ako sa paligid. At napadpad ang tingin sa bintana. Lumiit ang aking mga mata upang tingnang mabuti ang puno sa tapat ng bintana na malapit sa aking pwesto. Gumagalaw ng bahagya ang mga dahon sa parteng iyon ng puno.
Ano iyon?
Ipagsasa-walang bahala ko na sana dahil akala ko hangin lang, pero nanlaki ang mga mata ko nang may lumiyab doon mismo sa parteng gumagalaw.
The ****?! May sunog ata!
Tinitigan ko pa nang mabuti upang makasigurado ngunit totoo nga! May apoy nga ngunit ito ay unti-unti nang nawawala at nagiging usok.
"Huy Saph!" Napalingon ako nang tawagin ako ni Ivan at napaatras dahil sobrang lapit ng mukha nya sakin.
"Pahiram naman ng notebook sa philo!" Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Tinulak ko ng aking kamay ang kanyang mukha at muling tumingin sa puno. Ngunit wala na ang apoy at usok doon. Parang wala lang nangyari.
"Tch." Bwiset na Ivan to nawala tuloy.
"Saph! Pahiram notebook!" Nilingon ko si Ivan nang may masamang tingin.
"Gusto mo masapok?!" Nakaka inis! Dahil sa kanya nawala yung tinitignan ko! Napa buntong hininga na lang ako. Baka naman guni guni mo lang yun saph? Pero, nakita talaga yun ng dalawang mata ko e.
"GUYS! NANDYAN NA SI SIR!!" Sigaw nung classmate namin na nasa labas.
"Aish!" Napa-palatak si Ivan. Namomroblema kasi wala syang nakopyahan ng assignment. "Hoy guys walang magpapa alala ng assignment kay Sir ah!"
Umayos na ng upo ang klase at maya maya nga ay pumasok na si Sir.
"Stand up class. Aimee lead the prayer." Sabi ni Sir at nag tayuan kami.
Pagtapos mag pray ay pina upo na kami.
Napa-tingin muli ako sa puno. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa nakita. Ngunit di ko na lang ito inisip at nakinig na sa klase.
...****************...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments