I Am
3rd person POV
"Mom! Mom! Look! My hands are burning, I can hold a fire! Woah!" Sabi nito na animoy manghang-mangha sa nakikitang apoy sa kanyang maliit na palad.
Nagulat naman ang kanyang ina sa nakita. Nabalutan ng takot ang kanyang mukha at bumugso ang kanyang pag aalala. Mabilis nyang hinawakan ang mga kamay ng kanyang anak.
Naramdaman ng batang babae na may kaunting ginaw ang pumasok sa kanyang mga kamay at agad na nawala ang apoy.
"Listen baby. Don't let anyone knew about this okay? We'll keep it a secret." Sabi ng ina sa batang babae.
"But mom! I want to show it to my friends! They'll surely like it. Its awesome you know!" Pagpipilit ng bata.
"No baby, they shouldn't know about this." Sabi ng ina.
Agad sumimangot ang batang babae. "But why mom?"
Hinawakan ng ina ang kanyang muka.
"You'll know it soon. Just listen to me right now okay?" Sabi ng ina at hinalikan ang kanyang noo.
"Okay mom" sagot ng bata ngunit di pa rin naaalis ang kanyang simangot.
"Aww. Don't be sad. Ill just buy you ice cream. You want that?" Sabi ng ina upang mapatahan ang kanyang anak.
Agad ngumiti ang batang babae sa kanyang narinig at nagtatatalon.
"Really? Yes! Yes! Ice cream! Yum! I want that mom! Lets go, lets buy ice cream yey!" Sabi nito at hinila hila pa ang kamay ng ina.
Natawa ang kanyang ina.
"Okay, wait for me I'll just get my bag." Sabi ng ina at tumalikod na upang magpunta sa kwarto.
Akmang babalik na sya sa batang babae nang biglang--------BLAGG!
Nagmadali syang lumabas ng kwarto at doon ay nakita nya ang sirang pinto at may lalaking nakatayo sa harap ng batang babae.
"Ah, Fyra. Nagagalak akong makita kang muli." Sabi ng lalaki sa kanya.
Lumipat ang tingin nito mula sa kanya papunta sa batang babae na tila ba'y takang taka sa mga kaganapan.
"Ito na ba ang inyong anak? Napaka gandang bata--" akmang hahawakan nito ang muka ng bata.
"Huwag! Wag mong hahawakan ang aking anak. Sapphire come here" tawag nya sa anak na agad namang tumalima.
Agad nya itong itinago sa kanyang likuran.
"Anong ginagawa mo dito? Pinadala ka ba ng aking ama? Anong binabalak mo?" Agad na tanong ni Fyra.
Agad nawala ang pag kakangiti ng lalaki. "Narito ako upang kunin ang anak nyo ni Phirr."
"Hindi ako papayag." Sagot nya habang masama ang tingin sa lalaki.
"Kung ganon." Sabi nito. Unti unti nyang itinaas ang kanyang kamay na unti unti ring nagliliyab. Ang kamay nito ay nababalutan ng itim na apoy. "Kung hindi mo kusang ibibigay ang iyong anak ay mapipilitan akong labanan ka."
Takot na takot ang batang si Sapphire sa nakitang kapangyarihan ng lalaki.
"M-mom. Im scared." Humawak sya ng mahigpit sa laylayan ng damit ng ina at lalong nagtago sa likuran nito at nagsimulang humikbi.
Hinawakan ng mahigpit ni Fyra ang kamay ng anak mula sa likod. "Baby, go. Hide yourself. Dont go out until i say so okay? Go." Sabi ni Fyra sa anak habang masama pa rin ang titig sa lalaki.
Dahil sa labis na takot, agad tumalima si Sapphire at tumakbo papunta sa kaniyang kwarto. Agad syang nagtago sa loob ng kanyang closet habang umiiyak pa din.
Ilang sandali pa nang makarinig ng mga ingay at kalabog si Sapphire mula sa labas ng kanyang kwarto.
Lalong lumakas ang kanyang iyak. Ngunit napa hinto sya nang narinig ang impit na sigaw ng kanyang ina.
"M-mommy? Mommy!" Akmang lalabas sya ng closet ngunit di nya ito mabuksan.
"Mommy!"
Kinalampag nya ng kinalampag ang pinto ng closet ngunit di nya talaga ito mabukasan. Wari'y pinipigilan siyang makalabas.
"Mommy! Mommy! Take me out of here! Mommy im scared! Mommy! Huhuhu"
Wala nang nagawa ang batang si Sapphire kundi ang umiyak. Gustuhin man nyang lumabas papunta sa ina ngunit ayaw mabuksan ng pinto.
Umiyak lang nang umiyak si Sapphire hanggang sa ilang saglit pa ay biglang nawala ang mga kalabog.
Maya-maya ay nakarinig sya ng mga yabag ng sapatos papasok sa kanyang kwarto.
Nanlaki ang kanyang mga mata at agad tinakpan ang bibig.
Hindi ito ang kanyang ina.
Bigla syang nanginig nang gumapang ang takot sa kanya. Pilit nyang pinipigilan ang mga hikbi na nais kumawala sa kanyang bibig.
"Nasaan ka na munting Sapphire? Huwag mo na akong pahirapan pa dahil mahahanap at mahahanap din naman kita. Pinahihirapan mo lamang din ang iyong sarili." Sabi ng lalaki sa nakakatakot nitong tinig.
Lalong nanginig si Sapphire sa takot nang marinig nya ang mga yabag na unti-unti nang lumalapit sa kanyang kinalalagyan.
Napatalon sa gulat si Sapphire nang yumanig ang kanyang kinalalagyan.
BLAGG!
Tila pilit na sinisira ng lalaki ang pinto ng closet nya. Lalong umiyak si Sapphire.
Nang di nagtagumpay ay tumawa ang lalaki "Kay tuso ng iyong ina. Di bale, hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Hanggang sa muli, Sapphire."
Naramdaman nyang nawala na ang presensya ng lalaki kaya't lumabas sya mula sa kanyang pinagtataguan.
Agad syang tumakbo papunta sa kanyang ina.
"Mommyyyy!" Iyak nya nang makita ang kanyang ina na naka handusay sa kanilang sahig.
Ang kanilang kagamitan ay nagka sira-sira. Ang sala na kinalalagyan nila ngayon ay nababalot ng mga apoy ngunit hindi ito alintana ni Sapphire. Labis ang kanyang paghihinagpis sa nakikitang lagay ng kanyang ina.
"M-mommy" basag ang kanyang boses nang tinawag ang kanyang ina.
"M-mommy. D-dont leave me, please!" Tinig nya habang lumuluha.
"Anak. D-dont cry baby. Im sorry di na kita masasamahan sa iyong paglaki." Sabi ni Fyra sa nanghihina nitong tinig habang lumuluha ang kanyang mga mata.
"Be strong Sapphire. Everything's going to be okay. Hmm? Just be strong. M-mommy's leaving. But always remember that i love you. You will always be my baby. My precious" unti unti nang pumikit ang mga mata ni Fyra.
Ang kanyang katawan ay unti-unting nasunog hanggang sa maging abo. At ang mga abo ay nagsama sama at naging dyamante na kulay pula.
Kinuha ito ni Sapphire at hinawakan ng mahigpit habang patuloy na lumuluha.
Di malaman ni Sapphire kung ano ang gagawin at tanging iyak na lamang ang kanyang nagawa. Labis ang sakit na kanyang nararamdaman.
Umiyak lng sya ng umiyak. Hanggang sa nawalan na sya ng malay.
...****************...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments