Saph POV
"Yeees, uwian naaa!" Sabi ni Ree habang nag-iinat. "Yeheyy girl bonding na! Tara na Saph!"
"Wait lang may inaayos pa ko." Sabi ko habang nililigpit ang gamit ko.
"Nood nalang tayo ng sine ah! Tas kain tayo sa labas! O baka gusto mo mag arcade? O kaya mag-" pinutol ko na ang sinasabi nya dahil kung hindi ay hahaba pa yan ng hahaba at maiirita na ang tenga ko.
"Ree! Isa-isa lang! okay? Tingin mo kaya natin lahat yan gawin ngayon? May assignments pa tayo di ba?" Nag pout na naman sya sa sinabi ko.
"Aw. O sige. Nood na lang ng sine tapos kain tayo sa labas! Tapos uuwi na tayo!" tumango na lang ako sa sinabi nya para di na madagdagan.
"Tara."
...----------------...
"Saph! Ree!" Napalingon kami kay kuya Josh nang tawagin nya kami. Kasama nya yung mga barkada nya at kasama don si Justin, crush ni Ree.
"Omg! Hi Jah~" impit na bati ni ree kay Jah.
"Hi gorgeous ladies" bati samin ni Jah sabay kindat kay Ree.
Napatili ng mahina si Ree at napa irap naman ako. Hmp. Napaka landi talaga ng lalaking to.
"Uuwi ka na ba kuya? Pakisabi kay mama late kami makaka uwi ni ree. Nonood kaming sine" tanong ko kay kuya Josh.
"O? Napilit mo tong si Saph na gumala Ree?" sabay baling nya kay Ree.
Natawa naman si Ree. "Oo galing ko ba kuya? Wag mo na batiin baka mausog at di pa matuloy ang girl bonding namin." sabay tawa ulit sila ni kuya.
May nakakatawa?
"Di rin ako makaka uwi ng maaga e. Maglalaro kaming video games nila Jah" sabi ni kuya Josh.
"Okay tetext ko na lang si mama" sabay labas ko ng cellphone ko para itext si mama.
"Osige. Damay mo na rin ako ng text sabihin mo maglalaro lang kami kila Jah"
"Kay." sagot ko sabay irap.
"O sya sige mag iingat kayo mamaya wag masyadong magpa-gabi. I gotta go." sabi nya sabay halik sa pisngi namin ni Ree.
"Bye bye kuya~" kay kuya nagpapa alam pero kay Jah nakatingin? Harot ng kapatid kong to.
"Bye ladies~" si Jah na nag-flying kiss muna bago sumunod sa mga kaibigan nya.
Eew.
"Kyaaah! Nag flying kiss sya sakin omaygahd kinikilig ako! Hayy." mahinang sigaw ni Ree habang hawak yung mga pisngi nya.
"Tss. Ano bang nakakakilig don? Kadiri kaya tss. Tara na nga" hinila ko na sya dahil mukhang nagde-daydream na sya don. Mukha syang tanga.
...----------------...
"Grabe! Ang ganda nung movie noh Saph?" baling sakin ni Ree habang palabas kami ng sinehan.
"Ha? Oo nga e nakakatawa." sagot ko habang humihikab.
Tumingin sya sakin ng masama.
"Bakit?" sabe ko habang nakakunot ang noo.
"Sci-fi movie yon Saph, anong nakakatawa?!" ay weh? Haha. E di naman talaga ko nanood parang natulog lang ako buong movie e.
"Ah talaga? Akala ko comedy. Tara take out na lang tayo ng pag kain tas uwi na tayo. Madilim na oh" sagot ko na lang saka nauna na ko maglakad.
"Hmp. Chicken gusto kong take out! Hoy teka antay naman Saph!"
...----------------...
"Ansaya saya ko ngayon Saph! Hihi. Ulitin natin to ah? Sa susunod mas mahabang bonding naman." naglalakad na kami ngayon pauwi.
Antaas taas pa ng energy ni Ree samantalang ako eto, tango na lang nang tango sa mga sinasabi nya. Inaantok na ko. Gusto ko na lang umuwi.
"Bilisan na natin maglakad Ree! Pagod na ko gusto ko nang humiga." reklamo ko kay Ree. Napaka-bagal kasi maglakad akala moy naglalakad sa ilalaim ng buwan.
"Oo na. Eto na nga nag--" nahinto kami sa paglalakad ni Ree nang bigla kaming harangin ng mga lalaking naka cloak. Nasa mahigit sampu ang bilang nila.
Ay waw ano yan may sasalihan ba silang dancing contest at dapat naka-uniform sila? Tch korni.
"Sino kayo?" naiinis na tanong ko. Pero di sila nagsalita, bagkus ay naglabas ng kanya kanyang tubo.
"T-teka--" di ko natuloy yung sasabihin ko dahil hinila ako ni Ree papunta sa likuran nya. Yung mga kamay nya naka harang as if pinoprotektahan nya ko mula sa mga lalaking nasa harapan namin.
Nang tignan ko ang mukha nya ay seryoso lang syang nakatitig sa mga lalaki, wari'y nakikiramdam.
Hinawakan ko ang braso nya. "R-ree. Tara na tumakbo na lang tayo. Hindi natin sila kakayanin madami sila." sabi ko sa kanya. Ngunit hindi sya natinag. Ni hindi man lang nya inalis ang kanyang titig sa mga lalaki.
"Stay still Sapphire." malamig na tinig ni Ree.
Natigilan ako. Yung boses nya. Ngayon ko lang sya narinig sa ganyang tinig. Malayo sa natural na masiyahin nyang boses.
"Pero Ree," di nya pa rin ako pinansin.
"Tsk" napatingin ako sa puno malapit samin at doon ay may nakita akong lalaking naka-upo sa sanga.
Naka-itim syang tshirt, itim na ripped jeans at itim na boots. Magulo ang itim nyang buhok pero di masagwa tignan. Malamlam yung mga mata nya parang laging inaantok. Matangos yung ilong at mapula yung labi. Bored syang naka tingin sa mga lalaki na nasa harapan namin.
Lumipat yung tingin nya kay Ree at nagtitigan sila saglit sabay tumango sa isa't-isa. Okay?! Ano yon magkakilala ba sila? Pero ngayon ko lang nakita ang lalaking to e.
Pag katapos ay ako naman ang tinignan nya.
Napakunot ang noo ko nang makaramdam ako ng chills sa mga titig nya. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok. Who is this guy?!
Inalis nya din agad ang pagkakatitig nya sa akin at tumalon sa lupa sa pagitan namin nung mga lalaki.
Nabigla ako nang biglang sabay-sabay na sumugod yung mga naka-cloak dun sa lalaking galing sa puno.
Andami nila kumpara sa kanyang mag isa lang pero di natinag yung lalaki. Pinatunog nya yung mga daliri nya saka parang bumunot ng espada mula sa hangin sabay hampas nito ng malakas sa lupa.
Wala akong nakitang espada pero nakita kong tumalsik ang mga lalaki sa lakas ng impact nito dahilan upang di agad sila makabangon.
Dapat ay tumalsik na rin kami ngunit hindi. Kataka-takang hindi kami tinamaan. Ngunit naramdaman ko ang biglaang pag init ng simoy ng hangin. Parang nakaka-paso pero di nakaka-paso.
Huh? Ano daw lol.
Di ako makapaniwala sa nakita ko. Di madigest ng utak ko ang mga kaganapan.
Panong nangyari yon? Sino ba tong lalaking to? Ano ba sya?
"Lets go." naputol ang aking pag iisip ng hilahin ako ni Ree. Tumatakbo na kami ngayon sa direksyon papunta ng bahay namin.
"T-teka Ree. Pano yung lalaki? Di ba natin sya tutulungan?" sabi ko saka nilingon yung lalaki. Naka bangon na yung mga lalaking naka-cloak at mag isa nya iyong nilalabanan.
Namangha ako sa kung pano sya makipaglaban. Napaka husay. Parang sanay na sanay. Walang wala sa kanya iyong mga lalaki.
Nawala na sila sa paningin ko nung lumiko kami ni Ree sa may kanto.
"Ree yung lalaki baka kung mapano sya" huminto na kami sa tapat ng bahay.
"Kaya nya na sarili nya Saph" sabi nya habang binubuksan yung gate. Bumalik na rin yung boses nya sa dati. I mean yung normal nyang boses. Unlike kanina parang naging ako yung boses nya. Cold and serious.
"What do you mean? You know him?" tanong ko sa kanya.
"Ofcourse!" Tsaka nya ko nilingon. "--not. I dont know him."
I am not going to buy that. Tss. Feeling ko may tinatago to e.
I crossed my arms tapos tinignan ko sya ng naghihinalang tingin. " Are you sure na hindi mo sya kilala?"
"Saph, kilala mo lahat ng kakilala ko remember? So, kilala mo ba yung lalaking yon?" sabi nya tas nag-crossed arms din kagaya ko.
"No" sagot ko.
"See?" tinaasan nya ko ng kilay pero yung mukha nya nang aasar.
"Tch. Whatever. Tabi nga." sabi sabay tulak nang mahina sa kanya para makadaan ako sa gate.
Narinig ko pa syang tumawa ng malakas bago ko pumasok sa pinto. I rolled my eyes. Gustong gusto nya rin talaga akong nakikitang napipikon.
"O nandyan na pala kayo halina't kakain na" humalik muna ko kay mama. "Sige ma mag bibihis lang po ako"
"O sige. Bilisan mo at sabay saby na tayong kakain." umakyat na ako ng tuluyan sa kwarto ko.
Habang nagbibihis ay iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Sino kaya yung mga lalaki kanina? Anong kailangan nila sa amin ni Ree? Di naman sila mukhang typical na holdapers or kidnappers so ano sila? At yung lalaking yon. Arghh! Ayoko ng ganito walang nasasagot kahit isa sa mga tanong ko! "Tch." Nagdesisyon na akong bumaba dahil kung hindi ay mababaliw lang ako kakaisip.
Iniisip ko din kung sasabihin ko ba kay mama yung nangyari kanina. Di ako sanay magkwento sa kanila ng mga pangyayari sa buhay ko so i guess hahayaan ko na lang na si Ree ang magkwento.
Madaming naikwento si Ree kay mama tungkol sa mga pangyayari sa maghapon nya kasama na yung lumabas kami para manood ng sine. Pero ni hindi nya nabanggit yung nangyari kanina. Siguro ayaw nya na ring mag alala si mama since wala namang nangyaring masama sa amin.
...----------------...
Lagpas 11:30 na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.
Biglang pumasok si Ree. "Oh? Hindi ka pa tulog? Dapat tulog ka na ng ganitong oras ah? Anyway pahiram ng charger ha? Ayaw gumana ng akin e" sabi nya sabay kuha ng charger sa drawer ko.
"Matulog ka na Saph. Its late already. Wag mo na isipin yung guy kanina. Alam kong gwapo sya pero mapupuyat ka lang. Wish mo na lang na mapanaginipan mo sya okay? Okay. Bye goodnight mwah!" sabi nya sabay labas ng kwarto.
"Tch baliw talaga" napa rolled eyes na lang ako.
Pipilitin ko na lang matulog dahil for sure sasakit ang ulo ko bukas kapag mas late pa ko natulog. Hahayaan ko na lang yung nangyari kanina tutal parang wala lang din naman kay Ree yun e.
And with that i fell in sleep.
...****************...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments