2

LANCELOT'S POV 2

"Nasaan si Hanzo?" Tanong niya sa akin nang maabutan niya akong nakaupo sa sofa. Nilingon ko siya at tinitigan habang naglalakad siya palapit sa akin.

"He went outside" sagot ko nalang. Bakit ba niya hinahanap si Hanzo, the last time I remember, ako ang hinahabol at hinahanap hanap niya.

"Airport to pick his parents" sagot ko kung iyon ang gusto niyang malaman. Tumango tango naman siya bago naupo sa sofa na nasa hindi kalayuan.

"Dito rin sila uuwi?" Tanong pa niya.

Umiling naman ako. This is my house, why would they come here?.

"I really need to go, uhm. . Sir. . Lance. . Thank you sa inyo ni Hanzo" wika niya.

Tumingin ako sa kanya at bakas pa rin ang takot doon.

"You can stay here for a while, besides, wala si Hanzo" sagot ko.

"No. . I. . I need to look for a job. . Hindi na kasi ako nakapasok simula nang mangyari yung insidente, panigurado sisante na ako" wika niya.

"You can work here" wala sa sarili kong sagot. Damn. Pero hindi ko na mababawi.

Huminga siya ng malalim dahil doon.

"Inviting me here to stay is a big thing, mas marami na akong magiging utang na loob kung magtatrabaho pa ako dito" sagot niya.

"You can work here for free, kung yan ang pinupunto mo. Food and lodging is available, in return, you'll work here for free" mahabang wika ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Umalis ako kaagad bago pa man siya makasagot.

Anong ginawa ko? Pinalapit ko siya sa akin. This can't be. But I can't stop myself.

"Dad, what is it?"

"Son, I have to remind you about your engagement this summer, Kadita's parents are expecting you. . Don't disappoint us" wika niya sa tawag.

Hinilot ko ang sentido ko dahil doon. Bakit ba kalimitan ng mga pamilya ay may ganitong mga tradisyon, can't we just marry the one we truly love. . But wait, the one I truly love?. . Do I have someone like that. Why am I hesitating in this engagement, dati naman ay okay lang ako. .

"I'll think about it" sagot ko nalang sa tatay ko tsaka siya pinatayan ng tawag.

Sumandal ako sa upuan at pumikit. Napamulat ako nang may biglang kumatok.

"Pasok" i commanded at naupo ng maayos.

Unti unting bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Odette. . The beautiful Odette, the woman I've been longing for. . Pero mali. . I need to look tough. .

"Coffee" wika niya bago ibaba ang tasa sa harapan ko.

"Ahm. . " wika na naman niya tsaka pinagsiklop ang mga kamay niya. Nakatayo siya ngayon at nakayuko.

Hindi ako nagsalita. Bagkus ay hinintay ko siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

It took her a minute bago nagsalita.

"I'll stay here. . Kahit pansamantala lang, I'll work for free. . I just need to breathe some fresh air bago ako bumalik" wika niya. Bumakas ang lungkot sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin.

What happened to you, my beautiful Odette?

******

Anong sinabi mo?" Si Hanzo iyon. Nasa opisina kami ngayon at naguusap tungkol sa bagong project na kukunin namin.

"Tumakas si Amethyst?!" Histerikal niyang tanong pagkatapos kong sabihin sakanya ang sinabi ng detective ko.

"Pare, this has nothing to do with you" wika pa niya.

I know. Hindi dapat ako nakikialam, lalo na sa buhay ng mga Carstens. Like what I did 8 years ago.

****

"Lancelot, gusto kita. Gustong gusto kita!!" Sigaw niya sa akin.

She is this stubborn lady na habol ng habol sa akin kahit saan ako magpunta lalo na pag nasa loob ng campus.

"Lancelot, pakakasalan kita pag tumanda na ako" wika pa niya isang beses. Hindi ko alam pero natuwa ako sakanya. Until his father came to me and threatened me. . Walang wala ako noon kumpara sa mga Carstens. Kaya nagsikap ako. . I studied hard, put up a business on my own.

*****

"Pare, huwag kana makisali. I mean, wala ka namang gusto sakanya diba?" Tanong ni Hanzo.

Hindi ako sumagot. Odette for me is very special. I just don't want anyone to know that i like her too. 8 years ago, i liked her too, so much. She is this clingy girl na walang ibang bukambibig kundi ako. But now, she has changed.

"Don't tell me!" May pag angal sa boses ni Hanzo. Umirap lang ako dahil doon.

******

"Chou, anong balita?"tanong ko sa agent ko.

"Sir, bago po mangyari ang insidente kay miss Carstens, pumasok po siya bilang janitress sa isang kompanya" kumunot ang noo ko dahil doon. Siya? Janitress?

"Anong company? At saan?"

"Sa Auburn, sir. MGC po" nagpalting ang tenga ko dahil doon. Paano? Paanong hindi ko alam na nag apply siya.

"Sir, gumamit po siya ng ibang pangalan para hindi po siya matrace. . Pagkatapos po noon, isang linggo bago nangyari ang insidente. . Pinasusundan po siya ng mga tao ng Davins"

"In case you are wondering sir, nasa business trip po kayo that time" mistulang nabasa niya ang iniisip ko.

"Sinasabi mo ba na may posibilidad ba pwersahin siya pabalik?"

"Yun nga po sir. . " sagot naman niya sa akin. Pinatay ko ang tawag at napaisip.

****

"Ibabalik mo ba siya??" Si Hanzo iyon.

Umiling naman ako.

"Pero pare, prinsesa siya. . Sa tingin mo, mananahimik ang mga magulang niya?" Tanong na naman niya.

Alam ko yon. That is why I am building a castle for her. . Just for her . .

"Lance, noong hindi ko pa lubos na alam ang background niya. I want to pursue her too. Pare. Pero noong nalaman ko. Walang wala ehh. " tumango ako sa sinabi ni Hanzo.

Buti naman naisip mo yan. Kasi kung hindi, magiging karibal pa kita.

"The party is my first move, Hanzo. I will get her this time" sagot ko nalang.

I spent 8 years building my own name. Thinking that I would be worthy of her. Her parents will accept me this time for sure. Hindi na ako mahuhusgahan. My family is quite rich too, but not much compared to the Carstens. But now, it has changed.

"Master, ito na po ang resulta ng imbestigasyon" iniabot ni Chou sa akin ang isang envelope.

Iniwan ako ni Chou.

"Carstens Enterprises stocks went down and are going bankrupt."

Tsk. Kaya ba ipakakasal nalang siya sa isang Davin para maisalba ang kompanya nila.

"Faramis Carstens run away with 50% of all the shares and is nowhere to be found"

I see. . Inahas sila ng kadugo nila. That is why they are so desperate in that fixed marriage. . Nah. I will not let that happen. Ako. . Ako ang pakakasalan ni Odette.

Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play