The Lost Princess
"Bitiwan niyo ako!"
"!ano ba!!!"
May isang babaeng kanina pa nagpupumiglas at nais makawala sa mga lalaking kumakaladkad sa kanya. May masamang balak ang mga ito sa kanya at hindi nga nila siya pinakikinggan.
Sa hindi kalayuan ay abalang nag uusap ang magkaibigang sina Hanzo at Lance. Pinag uusapan nila ang tungkol sa ipatatayo nilang negosyo nang marinig nila ang sigaw ng kaawa awang babae.
Napalingon silang dalawa ngunit si Hanzo lamang ang naalarma.
"I think I know her" wika nito sa kaibigan. Lumingon muli si Lance sa direksiyon na iyon at umiling iling.
"I'll help her" ani Hanzo
"Bahala ka" si Lance iyon
"She's Amethyst, iyong habol ng habol sayo noong high school" wika pa nito sa kaibigan.
Hindi pinansin si Lance si Hanzo. Dali dali naman itong tumakbo palapit sa nagmamakaawang babae at pilit itong inagaw sa dalawang lalaking may masamang balak sa kaniya.
"Sino kang pakialamero ka!" Sigaw ng isa na aamba nang susuntukin si Hanzo. Ang babae naman ay dali niyang inilagay sa likod niya.
"Mga pre, huwag kayong mag eskandalo dito" wika ni Hanzo sa kanila.
Aamba nang susuntukin ng dalawa si Hanzo nang dumating ang mga body guard ni Lance para pigilan ang binabalak ng mga lalaki.
Mabilis na dinaluhan ni Hanzo ang nanginginig na babae.
"Hey. . It's okay" paniniguro nito. Niyakap ng babae si Hanzo dahilan para mamula ang mukha nito. Umiiyak ang babae at nagpapasalamat.
"Hanzo, let's go" masungit na wika ni Lance na nasa likuran ni Hanzo.
Lumingon naman si Hanzo kay Lance at nagsalita.
"Mauna kana pre, tell your guards to bring my car here" wika nito sa kaibigan.
May kaunting inis ang bumakas sa mukha ni Lance ngunit pumayag din ito kalaunan.
Nang maka alis ang kaibigan ay hinarap muli ni Hanzo si Amethyst.
"Doon muna tayo sa cafe" wika niya tsaka inalalayan ang babae papunta sa cafe. Sa panghihina nito ay wala ng nagawa ang babae kundi ang magpatinaod at sumama.
**ODETTE'S POV
"S-salamat" wika ko nang makaupo ako. Naupo siya sa upuang nasa harapan ko at humalukipkip.
"Anong nararamdaman mo?" He gently asked. Napangiwi nalang ako dahil sa takot. Yumuko ako ulit at pilit pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Natatakot ako. Ito ang unang beses na nangyari sa akin iyon.
"Amethyst, don't you remember me?" Wika niya kaya napa angat ako ng tingin at napatitig sa kanya. He looks familiar.
Kumunot ang noo ko dahil doon. Ngumiti naman siya at umiling.
"I am Hanzo Sandler, senior mo?" Pakilala niya sa akin.
"Sa Brampton?" Dagdag pa niya.
"Ahm. . Oo . Parang naaalala nga kita" wika ko naman. Napangiti lang siya dahil doon.
"What happened to you?" Tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.
Umayos siya sa pagkakaupo at nagdekwatro kalauan.
"Wala. . You used to be loud, cheerful, mataray, maarte. You're a brat" wika niya na mistulang kilalang kilala niya ako.
Napangiti nalang ako sa kabila ng takot at panginginig.
"People change, Hanzo" wika ko nalang.
Pagtingin ko sa relo ko ay alas singko na. Kailangan ko nang umuwi.
"Salamat ulit, pero kailangan ko nang umuwi" wika ko at akma ng tatayo pero biglang nanlambot ang tuhod ko. Naalarma naman si Hanzo kaya tumayo siya kaagad para alalayan ako. Naupo ako uli dahil doon
"Where do you stay?" Tanong niya. Ramdam ko ang init ng hawak niya sa braso ko. Sino nanga ba si Hanzo?
"M-may apartment ako" sagot ko.
"You live alone?" Tanong na naman niya. Tumango na lamang ako.
"You can stay at my house tonight, ipapacheck ko muna ang apartment mo kung safe ba, bago ka bumalik" wika niya. Umiling ako doon. Nakakahiya.
"Salamat nalang. Malaking tulong na iyong ginawa mo. Hindi ko na mababayaran yun" wika ko.
"I insist" wika pa niya.
Wala nanga akong nagawa. Sa totoo lang ay natatakot pa rin ako. Paano kung may mga kasama pa pala ang dalawang iyon at balikan ako. Speaking of which, hindi ko alam ang nangyari sa kanila nang damputin sila kanina.
"Bahay mo ito?" I asked him habang pumapasok ang kotse niya sa isang malaking gate.
Tumango naman siya. Mayaman pala siya.
"Pasok ka" pag aaya niya sa akin. Naka alalay pa rin siya dahil nga sa panginginig pa rin ng tuhod ko.
Nang makarating kami sa magara niyang sala ay pinaupo niya ako kaagad sa sofa. Yakap yakap ko pa rin ang katawan ko. Natatakot pa rin ako.
"Rest for today. . We'll talk tomorrow. Sasamahan ka ni nanay Andra, katiwala ko" wika niya sabay turo sa babaeng naglalakad palapit sa akin. Nasa edad singkwenta na siguro ni nanay Andra, nakangiti rin siyang sumalubong sa akin.
Sinamahan nga ako ng babae sa isang kwarto, napaka aliwalas noon at maganda.
"Salamat po" sagot ko sakanya bago siya umalis**.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
venice v
❤
2021-07-18
0