Lancelot's POV
"Chou, imbestigahan mo ang nangyari kanina, at lahat ng tungkol kay Amethyst Odette Carstens" wika ko sa agent ko sa telepono.
"Yes, sir" sagot naman nito bago ko ibinaba ang tawag. Sumandal ako sa upuan at napahilot sa sentido. Dito pinatuloy ni Hanzo ang babaeng iyon.
Ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos ng tawag ay may kumatok sa pinto.
"Pasok" sagot ko. Bumungad sa akin ang matalik kong kaibigan na si Hanzo. Naglakad siya palapit sa akin.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
He smiled like an idiot bago naupo sa upuang nasa harap ng desk ko.
"You brought her here" wika ko na tinanguan niya ng ilang beses.
"Just for the night, pre. . She's really helpless" wika naman ng kaibigan ko.
"Just for the night" sagot ko nalang.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Hanzo kaya bumaling ang atensiyon ko sa kanya.
"She's Odette, right? Iyong patay na patay sayo noong high school, that spoiled brat that follows you everywhere. . 8 years ka sa New York and everything changed. . " wika ng kaibigan ko.
Napaisip tuloy ako dahil doon. Yes, she saw me earlier pero parang hindi niya ako kilala. That's not the Odette Amethyst, I knew. . Isa siya sa rason kung bakit ako pumunta ng New York. . To get rid of her. .
"I don't care" wika ko nalang sa kaibigan ko.
Natawa naman siya dahil doon.
"Talaga? You won't care. . Kahit ligawan ko siya?" Wika niya pa. Amethyst won't like you, wika ng utak ko pero tango ang isinagot ko sa kaibigan ko.
"Matulog kana" pagpapaalala niya bago tumayo at lumabas ng opisina ko.
Will she like him?. Tanong ko sa utak ko.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para mag breakfast. Kung nasaan si Odette? Tsk. Wala akong pakialam.
"Goodmorning!" Nakangiting bati ni Hanzo sa akin nang maabutan akong nagkakape sa dining area. Naupo siya sa upuan malapit sa akin.
"Oh! I remember. . Si Amethyst. . Wait lang" he said tsaka tumayo ulit at tumungo sa taas para tignan ang kanyang bisita.
Umiling nalang ako at itinuon ang atensiyon sa pagbabasa ng file sa tablet, iyon yung financial report na ipinasa sa akin ng sekretarya ko.
"Aalis kana?" Rinig kong tanong ni Hanzo habang pababa ng hagdan.
"Oo. . Ahm. Pasensiya na sa abala, Hanzo" mahinahong wika ng babae.
"Wait, may. . May tutuluyan kaba? I heard, iyong apartment mo ay maraming masasamang tao ang nakatira doon" wika ni Hanzo.
Dahil doon ay tumayo ako at dumeretso sa kung nasaan silang dalawa. Naabutan ko silang magkasunod na naglalakad papunta sa pinto.
"Hayaan mo siya" i said to Hanzo. Nasa may pinto na ang babae at nakasunod sa kanya si Hanzo. Natigil sila nang marinig akong nagsalita.
Tumingin sa akin ang babae at bumakas ang sakit sa mga mata niya. She looks fragile and hopeless, not the Odette I knew back then. Iyong habol ng habol sa akin.
"I'm sorry for bothering you" nakayukong wika niya. Natameme ako mula sa pagkatayo at napatingin sa kanya.
What kind of effect is this?. Bakit ako natuliro dahil lang sa simpleng salita niya sa akin.
"Bro, we just can't let her go" wika ni Hanzo na hindi ko inintindi. Tumalikod ako at umalis doon. Pumanhik ako sa kwarto ko at dumeretso sa banyo. . Iniopen ko ang shower at pinaliguan ko ang sarili kahit nakadamit pa lamang ako. . This is not right. .
"LANCE!!" Si Hanzo iyon.
Hindi ako lumabas sa banyo hanggang mawala ang tumatawag sa akin. I don't freakin care. Ginawa ko ang lahat para mawala siya sa buhay ko and here she comes again..pestering me!
"Sir, nandito na po ako" my agent texted me nang lumabas ako sa banyo. Nagbihis ako kaagad dahil doon.
Neither Hanzo or that woman is around. I wonder kung saan sila nagpunta? Siguro ay hinatid na ni Hanzo ang babaeng iyon.
"Tig, hanapin mo si Hanzo" utos ko sa isang agent ko.
Dumeretso ako kaagad sa opisina ko at naabutan si Anton sa may pinto.
"What is it?" Tanong ko nang makaupo ako.
"Sir, si ms. Carstens ay naglayas sa kanila, my data says na a day before her engagement with Johnson Davin ay umalis siya sa kanila, that was 1 week ago. Ang mga lalaking humahabol naman sa kanya ay isang linggo na rin siyang sinisundan. . They are ex convicts with frustrated rape cases. . " mahabang wika ng agent ko.
Tumango nalang ako at pinaalis na siya. She went away the day before her engagement. . Ipakakasal siya ng pamilya niya sa isang lalaking hindi niya gusto.
"Sir, nasa amusement park po si sir Hanzo at ms Odette"
Anong ginagawa nila sa park?. I need to go.
I drove my car at nagpunta ako sa park. I saw the two of them eating hotdog sa isang stall. Ipinark ko ang kotse ko nagpunta malapit sa kanila.
"Lance!" Lumapit si Hanzo nang makita ako at nakipag apir sa akin. Nagpamulsa lamang ako at tumingin sa babaeng mistulang wala sa sarili at napakalalim ng iniisip. Naupo kaming tatlo sa isang bench. Si Odette sa gilid at si Hanzo sa gitna. The two of them are talking like I am not around.
"Please, Amethyst. . Dito ka muna sa Auburn" paki usap ni Hanzo.
"Pero masyado ko na kayong inaabala" wika naman ng babae. Her voice is still so soft. . 8 years ago, i remember her being clingy and such, lahat ng event sa school, lagi siyang may pa banners sa akin. . I smiled at that thought.
"May event sa Friday, may welcome party para kay boss Lance ang company niya. . Sa hotel iyon gaganapin. . I hope you'll come" wika ng kaibigan ko.
"Hanzo" wika ko naman. .
"What??" Hysterical na tanong niya.
"Okay lang, Hanzo. . Kailangan ko na rin naman talagang umalis" wika pa niya.
"Please. . Please . . Remember, may utang kapa sa akin" wika ni Hanzo sa babae.
Nanahimik silang dalawa bago nagsalita ang babae.
"Okay" sagot niya. Rinig ko pa ang excitement sa boses ni Hanzo dahil doon. Kumunot ang noo ko.
She is hiding, pag lumabas siya sa event at nakilala siya. Ang mga tao ng pamilya niya ay tiyak na mahahanap siya.
"Let's go home" wika ko at hindi na pinansin ang dalawa.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
venice v
❤❤
2021-04-20
0
venice v
😀😀
2021-04-16
0