Year 2030 Flowershop
Totoo nama’ng lasing siya ng araw na iyon pero giniit niya na hindi raw siya ang nakasagasa sa isang fishball vendor na malapit lang sa may barangay nakapuwesto. Nahuli siya at humihingi ng danyos ang mama na animo’y nasagasaan daw niya. So, pinuntahan ko at naisip ko na isa rin itong magandang experience sa akin para mka-pagparactice ng aking totoong propesiyon, ang pagiging abogado. Civil rights lawyer ako kung makakapasa sa bar exams. Okay, so, ayun, nga, pinaliwanag ko sa barangay na hindi puwedeng kasuhan ang isang tao hangga’t hindi ma-prove na guilty siya sa kasalanang ginawa. Tinanong ko si Manong magfi-fishball kung anu ba talaga ang nangyari, oo nga at nasagi siya ni Mang Tano ng kaunti at nahagip pero dahil sa nakikigitgit siya na dumaan sa kalsada kahit alam naman niyang masikip ang daraanan. Bumusina si Mang Tano pero hindi narinig ni Manong na naging dahilan na masagi ang kaniyang paninda at nsagasaan siya. Eh, mahina na pala ang pandinig ng fishball vendor, so, nakaligtas sa pagkakakulong si Mang Tano.
Trudy
Nangako siya na babayaran ang mga paninda ng matanda at humingi ng paumanhin. Binigyan naman niya ako ng isang libo at bumulong ng pasasalamat. Si Kapitana Imee ay lubos na natuwa sa nangyari, at least daw walang makukulong ngayon sa knilang maliit na selda sa barangay. Tumawa ako ng todo kasi simple lang naman ang naging isyu at wala naman talagang seryosong kaso sa dalawa. Plus, walang problema na hindi madadaan sa pag-uusap at pakiusap. Salamat Trudy ha, sana matupad na ang pangarap mo na maging abogado para matulungan mo kami dito sa barangay at malay mo sa munisipyo ng Maynila pa, pagbibida ni Kapitana Imee. Hay kapitana, medyo malayu-layo pa iyon. Kasi makapasa man ako siyempre kailangan ko mag-aaply sa mga law firms sa Maynila o kung saan merong opening na trabaho para sa akin, ang pahabol ko habang palabas sa barangay hall. Naku, huwag ka mag-alala, makakapasa ka, sigurado ako diyan. At maniwala ka sa hindi marami kang matutulungan na tao lalu na ang mga mahihirap dito at kung saan ka man mapadpad, ang siguradong sagot ni Kapitana. Haha!, magdilang anghel po sana kayo, sige po at walang tatao sa shop, ang sabi ko at dali-daling timakbo sa shop. Umaambon na noon at nang malapit na ako sa shop atsaka naman bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Hindi ko napansin na may babae pala na nakasilong sa gilid. Dahil ang bubong ng shop ay nakasagad sa at nakadikit sa mall. Parang aakalain mong parte ang shop ng mismong malaking mall na bagong gawa pa lamang noon.
Mang Tano's Fishballs Kapitana Imee Tano
Hi!, sabi ng babae. Hindi ko makita ang kaniyang mukha kasi may payong na nakaharang, di ba nga umuulan. Makikisilong lang ako, kung okay lang?, dagdag pa niya at isinara ang payong niyang hawak. Tumalikod ako at inayos ang mga bulaklak na nasa harapan ng shop. Mga apat na ledges ang nasa harap at ang marami ay nasa loob ng mismong tindahan. Humarap ako uli sa kaniya at ngayon nakita ko ang mukha at buhok ng babae. Ah!, okay lang, si…sige!, gusto mo pumasok muna, may upuan sa loob baka mabasa ka diyan?, ang pilit ko na sbi, at hindi ko maubos maisip na makkita ng isang bababe na ubod ng ganda, parang artista. Sinara ko ang aking bibig kasi nakakahiya, para akong tanga na nakatunganga sa kniya. Kahit ako ay 18 na, marami na rin naman akong naririnig o napapanuod tungkol sa fashion, artista at mga sikat na tao sa Instagram at marami pang iba.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 38 Episodes
Comments