Closet

    

Sanya on her robe                                        Trudy on a dress Sanya want her to try

Nakapili na ako ng damit at medyo sexy ito. So, since gusto ko na makita niya agad kung bagay sa akin, binuksan ko ang pinto ng bathroom at di ko akalain na wala pa la siyang saplot sa tub. Nabigla ako nang makita ko ang kabuuan ng kaniyang katawan. Medyo nahiya ako dahil nga sa aking nakita, pero alam ko naman na pareho kaming babae, kaya wala namang masama kung makita ko ang hubad niyang katawan. Trudy, mamaya ko na lng titingnan ang damit na napili mo, sabi ni Sanya na nakatawa pero ibinaling ang tingin sa kaliwa. Teka nga Sanya, iniiwasan mo ba ako?. Bakit ba?, may nagawa ba ako sa iyo na di mo nagustuhan. Alam ko naman na minsan taklesa ako at walang breeding, eh, ganito talaga ako. Sorry na, kung may nagawa ako sayo na hindi mo nagustuhan!, samo ko kay Sanya habang papalapit sa tub kung saam inilubog niya ang kaniyang katawan para siguro hindi ko na makita. Sayang gusto ko pa naman makita ng malapitan. Bakit masama ba, e, pareho naman kaming babae at dalaga, so, anung problema dun!

            Ah, Trudy, hindi ako galit sa iyo, marami lang akong iniisip kaya gusto kong mapag-isa. Okay, mwah!. See you mamaya!, okay, paliwanag ni Sanya at ngumiti sa akin gaya nang una kaming nagkakilala sa flower shop.

            Okay, sige, mamaya na lang!, sagot ko na labis ang tuwa sa sinabi ni Sanya. Sinara ko ang pinto ng bathroom at in-on ang T.V.. May cable dito kaya nakakapanuod ako ng mga pelikula. At ang mga pelikulang hindi ko pa napapanuod, iyon ang aking pinili at sinimulang panoorin. The World to Come, lumang pelikula na luma din ang setting. Okay to!

            Haa!, Trudy, ang kulit talaga ng babaing iyon, di ako makakilos kanina, parang na-freeze ang aking katawan. Anu ba ito?, I’m going crazy about this girl. F*ck, no way, di pupwede, we’re best of friends, and she’s straight. Besides I have a boyfriend. Kaya tama lang na makakilala siya ng mga guys sa party mamaya. Okay, it’ll be fine, sabi ni Sanya sa kaniyang sarili. Mga ten ng gabi magsa-start ang party ni kuya, pero parang inaantok ako,now. Makatulog nga muna, sabi ni Sanya sa isip niya at nahiga sa kama. Naka bathrobe siya at hindi pa masyado tuyo ang kaniyang buhok nang mapaidlip dito.

            Sanya, katok ni Trudy at nang hindi sumagot ang kaibigan, binuksan niya ang pinto ng kuwarto nito at pumasok. Nakita niya na nkahiga si Sanya sa kama at napakaganda. Naka bathrobe at nakalabas ang isang binti. Hindi pa nakasuot ng panty si Sanya. Trudy, huwag mo gawin iyan, huwag, sabi ng konsensiya ni Trudy sa sarili. Sanya, ang ganda ganda mo na gusto kitang halikan, sabi ni Trudy at dahan dahang lumapit sa kaibigan at tumabi dito. Hinawakan niya ang ulo ni Sanya at hinaplos ang mukha ng hitad. Sanya, mahal…..sabi ni Trudy at akma nang hahalikan si Sanya ng biglang magising siya…

            Mahal pala itong mga damit mo, Sanya!, Sanya, uy!, si Trudy sa nakakabinging boses nito na nagsasabing mahal pala ang mag damit ko at sinukat na niya isa isa at napili ang haltered na dress. Medyo tight sa chest side and hanggang  hita ang length. Ah okay, yup. You’re right!, it’s perfect for you!, sabi ni Sanya kay Trudy na nagbuntung hininga at nagpapasalamat na panaginip lang pala lahat. Hindi na tama ito, bakit ko siya napapanaginipan. Ahhhh!!, sabi ni Sanya sa kaniyang sairili at umaktong masaya at natutuwa sa kakulitan ng kaibigan.

            Sa party ni Sarge, mangilan ngilan lang ang umattend. Si Jordy, Liza, Leon, Mark, Jay at mga kasamahan niya sa kampo. Phlippine Navy si Sarge at ang totoong pangalan niya ay Sargento Wilkins. Sila nga ang may-ari ng mineral water na Wilkins. Makailang taon na ring hindi na gumagamit ng cured water ang bansa dahil nakaimbento ang mga Filipinong siyentista ng portable water na recycled. Marami pa ring umiinom ng cured water pero sinisimulan na ang pag inom ng recycled sa Manila at mga karatig pook ng bansa. Gumagamit na rin ng solar power at green clean living kahit saan kang lugar magpunta sa bansa.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play