The World Beyond
THE
WORLD
BEYOND
BY MVMANALO
PERKS COPYRIGHT
COVERPBO
***********************************************************************************
What do you think of having a garden in front of your porch? I love sunflowers, roses and orchids but not much of daffodils, gumamelas and bongavillas. Ayyy!, anu bay an? Punyeta ka, di ka ksi tumitingin sa dinadaanan mo!, Hoy, ikaw, oo ikaw!, sigaw sa akin ng isang ale na nabangga ko dangan kasi’y masyado ako’ng naaliw sa mga magagandang bulaklak na animo’ng nakaparada sa Dangwa. Sorry po, manang!, sabi ko humihingi ng pasensiya at napatingin na parang sasabunutan ako ng ale. Anu’ng manang ka diyan, miss pa po ako no!, hay naku, mahuhuli ako sa trabaho ng dahil sa’yo, galit na sabi ng ale na dali-dali’ns sumakay sa jeepney at may pahabol pang matalim na titig na para bang napatay na niya ako kung di lang ako umilag. Haha!, joke lang!, Marami talaga dito’ng mainit ang ulo sa Manila, kapag namali ka lang ng galaw o kaya tatanga tang aka, gud lak!, sampal or sabunot ang mapapala mo. Well, ‘di pa naman ako nasabunutan pero sa pagtitinda ng bulaklak dito ng sampung taon, sa palagay ko marami ang makaka relate sa akin.
Ngayon ay taong 2030. Buti nga may Dangwa pa kasi dapat ay tatanggalin na ito dahil marami na ang nagsitayong mall, shops at mga condominium dito. Pero, marami kasi ang nakiusap na mahalaga ang lugar na ito sa mga tao lalo na ang Divisoria. Grabe!, kung dati ay di mahulugang karayom ang tao dito, nang dumating ang pandemya’ng Covid, unti-unting humina ang mga tindahan at stalls na nagtitinda at kahit ang malls ay nawalan ng customers. Nakakalungkot lang talaga pero, anu’ng magagawa natin, iyon talaga ang resulta ng global warming at climate change. Nga pala, ako si Trudy Sangalang, 18 years old at nakatapos ng abogasya sa University of the Philippines. At alam ko na kung bakit kayo andito, ay para marinig ang aking kuwento tungkol sa bayan ko at mundo. Oo, may ari ng flower shop ang aking itay na si Mang Terio at Aling Pasing. Nagpaalam ako kay Amang na ako muna ang magbabantay ng shop dahil masama daw ang kaniyang pakiramdam. Si Inang naman ay nag luluto sa isang Cafeteria na ngayon ay restaurant na.
Tubong Bulacan ang aking ama at taga Bacolod naman ang aking ina. Kaya minsan sa madalas nasa Paombong kami kapag weekends at kung bakasyon sa eskwela. Okay, pano nga ba ako napunta sa pagiging abogado at ngayon flower shop keeper na. Eh, kasi, hinihintay ko pa ang bar examination result na magme-message daw sa aking cellphone tungkol sa resulta. Kung hindi nama daw ay sa email malalaman kung pasado o hindi. So, habang naghihintay ako, di gamitin ko muna ang aking oras sa pagtulong kina amang at inang, naaawa na rin ako sa kinila. Ang buhay sa Pilipinas a hindi madali, kahit ngayo’ng taong 2030, marami pa ring mahihirap ang buhay. At kamakailan nga lang tumulong ako sa isang kapit bahay na nagkaroon ng isyu na drunk driving. Tinawagan ako ni Mang Tano na sa gilid ng bahay lang namin nakatira.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 38 Episodes
Comments