Lumipas ang ilan pang mga araw....
Simula ng pangyayaring iyon ay gabi-gabi ng napapanaginipan ni Sylvestria Doren ang nasabing pangyayaring iyon.
Hanggang sa hindi niya namalayan ng dalaga na kayang-kaya niya maglakbay gamit ang kaniyang panaginip.
Astral Travel Ability ang tawag nila sa kakayahang ito ngunit sa kaniya ay hindi ordinaryong paglalakbay lamang dahil kayang-kaya niyang gamitin ang kakayahang baguhin ang kapalaran ng sinuman mula sa panaginip na iyon. Siya ang naging dahilan kung paano'ng nawawala ang dalawang anak ni Aling Rosa dahil itinakas niya ito gamit ang panaginip niya.
Hindi ordinaryong kakayahan ito kung maituturing at isang sumpa rin kung tutuusin. Ang yumaong si Aling Rosa ay hindi niya nailigtas mula sa pagkakapaslang nito mula sa mga tauhan ni Mang Domeng.
Isa sa kahinaan ng abilidad niya ang hindi mailigtas ang napaslang na sa kasalukuyan.
Mabuti na lamang at nailayo niya ang dalawang bata sa kamay ni Mang Domeng at iniwan sa malayong lugar sa bahay-ampunan ng mga Slave Class.
Hindi man niya hawak ang magiging kapalaran ng mga ito ay alam niyang tama ang naging desisyon niya na iligtas ang mga iyon.
Nakakatakot ang abilidad niyang ito sa una ngunit unti-unting nasanay na si Sylvestria Doren dahil hindi niya matatakasan ang kapalaran niyang ito.
Ngunit natuklasan rin ni Sylvestria Doren noong dalawang araw na kaya niya ring maglakbay sa hinaharap.
Nakita niya kasi ang sariling nasa isang malawak na lugar na purong wasak na gusali maging ang pamilyar na pook na kinatitirikan ng bahay nila na siyang walang natira kundi ang nangatupok na mga pira-pirasong mga pawid at nag-aapoy na mga kahoy ng parte ng mga nasunog na mga kabahayan.
Gabundok na mga sunog na mga bangkay ng mga tao at mga namatay dahil sa mga malalalim na sugat dulot ng iba't ibang mga sandata ang nasaksihan niya.
Mga walang mukha ang mga iyon at alam niyang ang pamilyar na lugar na iyon ay ang mga lugar na ito. Tiyak siyang ang buong Song Empire ay matutupok at matatapos ang emperyo sa kalagim-lagim at karima-rimarim sa hinaharap.
Nasubukan niyang hawakan ang mga tao maging ang kahit na ano'ng mga bagay sa hinaharap ngunit hindi niya nagawa. Isa lamang ang indikasyon iyon na naghihintay ang mapait na kamatayan para sa lahat at may posibilidad na isa rin siya sa mamamatay sa sunog na iyon sa hinaharap.
Gulong-gulo na ang isip ni Sylvestria Doren sa kakaisip niyon na hindi niya namalayan na may naramdaman siyang isang malakas na batok ang natamo niya.
"Oi, tulala ka naman diyan Syl, anong nangyayari sayo?!" Saad ng babaeng katabi niya lamang habang nagapahinga sila sa isang gilid.
"Huh? Ah.. Eh.. Wala" Mabilis na pagtanggi ni Sylvestria habang sapo-sapo nito ang kaniyang noo sa bahaging binatukan siya ng matalik niyang kaibigan na si Karen Olarran.
Sanay na siya rito lalo na kung mambatok ay kala mo ay hindi masakit. Aasarin lang siya nito ng aasarin kung msgrereklamo pa siya.
Tiningnan naman ito ni Karen habang nakataas ng kilay na animo'y sinusuri ang reaksyon ni Sylvestria.
Nitong nakaraang buwan ay tila napansin niya ang pagiging aligaga at balisa ng matalik niyang kaibigan ngunit isinawalang-bahala niya ito kahit na napapansin niyang parang may pinagdadaanan ito dahil palaging mayroong malalim na iniisip.
Nakabusangot naman siyang tiningnan ni Sylvestria ngunit agad na nag-peace sign si Karen. Masyado sigurong malakas ang pagkakabatok niya rito.
Katatapos lamang kasi nila na mananghalian at tila malalim ang iniisip ni Sylvestria. Ewan pero nag-aalala siya rito.
Nakakamiss din ang maging bata ngunit ramdam din nilang lumipas na ang mga araw na iyon at ngayon ay kailangan nilang kumayod ng kumayod para mabuhay.
Napakahirap ng buhay nila. Ewan ba niya, kahit siya ay alam niyang gustong gusto rin ni Sylvestria na makaalis sa lusak na kinabibilangan nila. Sino ba namang hindi diba? Kahit siya ay ganon din noh.
"Maiba nga tayo, handa ka na ba sa susunod na linggo?!" Curious na tanong ni Karen habang nakatingin kay Sylvestria.
"Ah... Eh... Ano'ng ganap ba?!" Ani ni Sylvestria na animo'y nalito.
"Ang Academy Selection. Kahit kailan ka talaga Syl, napaka-makalilimutin mo!" Saad ni Karen sa pabirong tono ng boses nito.
"Next week na ba yun?! Hala... Bakit ngayon mo lang sinabi edi sana nakapaghanda ako." Saad ni Sylvestria na animo'y nagmamaktol.
"Baliw ka talaga Syl. Bawasan mo yan ng hindi ka nakakalimot. Isa pa wala din akong ideya kung ano gagawin natin dun." Sambit ni Karen na nagpipigil ng tawa. Maloko talaga si Sylvestria, magkaedaran lang sila at wala rin siyang ideya noh.
Sarili lang rin naman ang dadalhin nila at lahat silang nasa Working Class o nasa mababang parte ng piramide ay nangangarap na makapag-aral noh lalo na sa mga naglalakihang mga akademya.
Ang pagpasok sa akademya lalo na sa mga prestihiyosong mga institusyon ay siguradong kapag nakapagtapos ay malaki ang mababago sa buhay nila.
Kaalaman at lakas ay maituturing na biyaya para sa lahat ngunit kung wala kang sapat na abilidad o taglay na mahika ay sa kangkungan ka pa rin babagsak.
Ang makatapak pa lamang sa nasabing akademya ay siguradong karangalan iyon sa iilang mga pamilya lalo na sa mismong mga magulang mo.
Ewan ba ni Sylvestria, natatakot siya na kinakabahan. Ang totoo ay ito din ang isa sa pinangangambahan niya. Ang unang hakbang na dapat niyang masiguro ay kung makakapasok ba siya sa standards ng paaralan na kaniyang papasukan. Kung tatanggapin siya.
Maya-maya pa ay narinig nila ang matinis ngunit malakas na tunog ng nasabing bell hudyat na tapos na ang oras ng kanilang pamamahinga at kailangan nilang magtrabaho.
...
Tiktilaok!! Tiktilaok! Tiktilaok!
Rinig na rinig ni Sylvestria Doren ang maagang pagtilaok ng manok.
Napakadilim pa ng paligid at masasabing kailangan na niyang maghanda para sa nasabing selection.
Agad na bumangon ang nasabing dalaga dahil ang araw na pinakahinihintay nilang lahat ay andito na.
Rinig na rinig niya ang ingay sa labas ng bahay nila. Sa dami ng mga kapamilya niya ay sigurado siyang maging ang mga ito ay naghahanda na rin para sa nasabing selection.
Minabuti na rin niyang maghanda para sa okasyong ito. Kagaya nila ay nangangarap din siyang makapasok roon. Naniniwala siya at ang mga magulang niya na ito ang natatanging paraan upang mabago ang buhay nila.
Matapos ang ilang mga minutong paghahanda ay nakarinig siya ng malakas na katok mula sa mismong pinto nila.
"Syl... Syl... Saan ka? Gising ka na diyan!" Pasigaw na wika ng kaibigan niyang si Karen na animo'y aligaga na rin.
Agad ring binuksan ni Sylvestria ang kanilang pintuan dahilan upang magulat ang kaibigan.
Nakita ni Karen ang kaniyang kaibigan na bihis na bihis.
"Hindi ka din excited Syl noh?!" Nakapameywang na saad ni Karen.
"Hiyang-hiya din ako sa'yo Karen noh. Aba'y istorbo ka!" Mataas na boses ni Sylvestria at sinunod ang postura ng kaibigan.
Sabay naman silang napa-apir sa isa't-isa.
"Bago pa man sila magkasigawan o lumikha ng malalakas na ingay pa ay umalis na sila papuntang labasan. Maya-maya lamang kasi ay dadaan na ang susundo sa kanilang transportasyong tren. Sa dami nila ay siguradong hindi sila kakasya sa maliliit na transportasyon.
Hindi nga sila nagkamali dahil marami na silang nakitang mga naghihintay ng pagdating ng tren at makalipas ang tatlumpong minuto ay dumating na rin ang nasabing tren.
Olarran at Doren ang halos kasabayan nila dahil katulad niya ay isa rin sa malalaking pamilya ang Olarran. Hindi kagaya ng mga noble family ay tila nasa palugmok na pamilya sila. Hindi din ibig sabihin na magka-apelyido sila sa mga ito ay malapit sila sa mga ito.
Tahimik at walang imikan ang nangyayari sa loob ng tren. May naglilibot kasi sa tren na sampong bantay at mahigpit na bilin sa lahat na maging tahimik sa buong durasyon ng biyahe. Dadaan kasi sila sa Amarathan, isa sa mga lugar na tinatawag na Death Zone sa Song Empire lalo pa't maraming mga masasamang mga estrangherong may espesyal na abilidad na nambibiktima rito.
May kadiliman ang nasabing lugar ng Amaranthan. Siguro ay dahil magubat ito at isa sa pugad ng mga rebelde ng imperyo.
Maya-maya pa ay tila naramdaman nilang lahat lalo na ng mga bantay ang malakas na pag-uga ng tren at ilang sandali lamang ay tila huminto ito.
Matalim na tiningnan ng mga bantay sa loob ng tren ang mga magkakaedarang mga binata at mga kadalagahan. Pawang alerto sila at parang may hinihintay na panganib sa kanilang kapaligiran.
Mula sa labas ay nakita ni Sylvestria ang mga mabibilis na mga aninong tila tumatalon-talon sa mga puno at ang iba ay lumilipad pa.
Magsasalita pa sana si Sylvestria nang mapansin niyang mabilis siyang pinanlakihan ng mata ng isang bantay tanda na pinipigilan siya nito na magsalita.
Agad ring nakuha ni Sylvestria ang gustong sabihin ng nasabing bantay.
Ang buong akala ni Sylvestria ay magiging okay ang lahat ngunit mabilis niyang naramdaman ang malakas na hampas sa gilid na parte ng leeg niya dahilan upang manghina at manlabo ang mga mata niya. Naramdaman niya ang tila paghawak sa kaniya sa mismong kwelyo niya at kinaladkad siya palayo sa kaibigan niyang si karen na mahinang humihikbi at hindi magawang sumigaw. Sigurado si Sylvestria na takot na takot ang nasabing kaibigan niya na madamay siya na naintindihan niya rin.
Unti-unting lumalabo na ang paningin ni Sylvestria hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments