Aetherborn faction, ito ang faction kung saan nabibilang ang mga may kakayahan ng mga natural na elemento ng mundo kagaya ng tubig, lupa, apoy, hagin maging ng mga secondary at tertiary elements kagaya ng yelo, kidlat at iba pa. Isa ito sa malakas na faction sa Myriad Academy.
Tempest Faction, isang faction na masasabing mayroong destructive abilities na pwedeng hasain upang magamit sa kabutihan o ikabubuti ng nasabing wielder ng may abilidad. Isa din sa katangian ng faction ang napakatibay ng mga kagamitan rito at mayroong sariling defensive barries at formations sa loob ng factions nila. Dito din daw halos lahat ng mga warfreak na mga mag-aaral dahil sa hindi mapigilang maapektuhan ang mga emosyon nila dah sa abilidad na taglay.
Covenant Faction, isang faction kung saan naririto ang matatalino at ang kakayahan ay nakabase lamang sa mga ekstraordinaryong abilidad ng tao. Binansagan sa pagiging GENIUS FACTION. kumpara sa ibang faction, puro pag-aaral ang ginagawa ng mga ito o di kaya ang mga bagay na mas magpapahasa sa indibidwal na mga kakayahan ng mga ito. Mahirap din silang kalaban lalo na ang ibang mayroong taglay na malakas na abilidad na kayang kontrolin ang isip ng tao maging ang pagkontrol sa iba't-ibang parte ng katawan ng mga tao. Di din papatalo ang faction na ito.
Spiremark Faction, kung saan tinaguriang "The Assasins Mark". Hindi maipagkakaila na ang faction na ito ay kakaiba rin lalo na at puro training ang ginagawa nila. Sa paggawa ng bitag, kalasag, espada at iba pang mga bagay na pang-atake. Dito din isinasama ang mga estudyanteng may kakayahan sa mga uri ng mahika (e.g. forbidden, holy, at black magic). Kinatatakutan din ang Faction na ito dahil mayroon silang iba't ibang pamamaraan upang talunin ang mga katunggali nila.
Realmshapers, dito nabibilang ang mga nilalang na may kakayahang gumawa ng mga portal maging ng mapamuksang mga atake na may kinalaman sa space and time maging ng panahon (weather manipulation). Kaibahan sa Aetherborn faction, hindi elemento ang kinontrol ng mga ito at madalas maikumpara ang lakas ng mga ito. Isa sa maituturing na mahalagang faction dahil kaya nilang gumawa ng portal at iba't ibang mga bagay na nagkakaroon ng benepisyo ang lahat. Dito din nagmula ang isa sa mga founder ng paaralan na ito sa faction na ito kung kaya't karamihan sa mga naririto ay hindi nagpapatalo sa kahit na ano'ng factions lalong lalo na ibang mga paaralan kung kompetisyon ang usapan.
Vanguard Faction; Dito inilalagay ang mga estudyante na mayroong malakas na abilidad sa pakikipaglaban. Ang faction na ito ay tinaguriang isa sa pinakatanyag sa labas ng paaralan lalo na at karamihan sa mga nagtatapos na estudyante ay nagiging sundalo, bantay o heneral ng iba't ibang mga siyudad sa labas ng Kemet. Mataas ang mga depensa o tolerance ng faction na ito.
Ang panghuli ay ang Myriad Faction, isa sa misteryosong faction kumpara sa anim na faction. Ayon sa narinig niya ay halos dito napupunta ang mga estudyanteng ang lakas ay kakaiba. Bali-balita na meron daw mga estudyante ang napapabilang rito na may higit sa isa ang kakayahan. Bibihira din ang estudyanteng napupunta dito.
Gamit ang pitong naglalakihang mga batong nakikita nila sa harapan ay ipinaliwanag ng isang gurong lumitaw lamang bigla sa harapan nilang lahat ang mga ito.
Nakahanay ang mga ito upang patakan ng dugo ang batong iyon kung saan ihahanay ang magiging karapat-dapat na faction na meron ka.
Kung iilaw ang isa sa mga bato ay siguradong pasok ka ngunit kapag hindi ay nangangahulugan lamang na wala kang kakayahan o sobrang hina ng kakayahan na meron ka.
Bawat nilalang ay mayroong power level, kapag hindi naabot iyon ay nangangahulugang factionless at walang lugar ang factionless sa paaralang ito. Ito ang batas na ipinatutupad ng paaralan na ito.
Maya-maya pa ay nagsimula ng magtawag ng mga pangalan ang nasabing guro at Kitang-kita kung paanong bumaba isa-isa ang mga estudyante.
Grabe, hindi inaakala ni Sylvestria na marami ang nakapasok sa iba't ibang factions ngunit ang karamihan lalo na sa mga Slave Class ay walang napailaw maski isa. Dahil factionless ang mga ito ay tila pinalabas kaagad ang mga ito habang ang mga estudyanteng may kaniya-kaniyang faction stones na napailaw ay nagbaha-bahagi ayon sa kanilang factions.
Kung tutuusin ay mayroon din mga Slave Class ang pinalad na magpailaw ng mga Faction Stones lalo na sa Doren Family ngunit nabibilang lang sa kamay. Kumpara sa mga kadalagahan at kabinataang nagmula sa medyo maliliit na pamilya at mga Noble Family ay halos pasok silang lahat.
Tunay ngang kapag marami sa pamilya ay lumiliit ang tiyansang magkaroon ng mataas na power level ng abilidad. Ang pagkakataon na magkaroon ng mataas na power level mula sa pamilya ng Slave Class ay napakaliit lang na porsyento.
Agad na napatayo sa kaniyang pwesto si Sylvestria nang tawagin ang kaniyang pangalan ng nasabing guro.
Kabado man siya ay pinilit niyang umakto ng normal at kitang kita pa rin na nahihiya siya dahil bahagya pa siyang nakayuko.
Ngunit napansin niya kanina pa ang mapanghamak na mga tingin ng mga Noble family at mga ordinaryong mga pamilya sa kanilang mga pamilyang galing sa Slave Class. Kung nakakamatay lamang ang mga tinging ipinupukol sa kaniya ng mga ito ay baka bumulagta na siya. Ngunit naisip niyang ngayon pa siya panghihinaan ng loob?
Agad na iwinaksi njya iyon. Agad siyang pumwesto sa unang malaking bato at pinatakan ito ng kaniyang sariling dugo.
Isa... Dalawa... Tatlo at sa ikaanim na bato ay wala man lang umilaw sa mga ito. Kabadong-kabado na si Sylvestria lalo pa't nasa kaniya ngayon ang atensyon ng lahat.
Kita njya sa mga sulok ng mga mata niya ang mga matang mapanuya ng mga estudyanteng mayroon ng mga kanya-kanyang factions na kinabibilangan.
Ang iba ay Kitang-kita niyang nakangising demonyo pa at napakababa ng tingin sa kaniya.
Hindi niya mapigilang makaramdam ng pagmamaliit sa sarili niya. Magkagayon man ay agad na pinatakan niya ng kaniyang sariling dugo mula sa nahiwang palad niya ang ikapitong bato.
Aalis na sana siya ngunit Kitang-kita ang biglang pagliwanag ng kulay puting bato.
Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata ni Sylvestria maging ng iba pang mga nilalang na naririto sa lugar na ito.
"Kamangha-mangha, ikaw ang ikalimang estudyante sa taong ito ang mapapabilang sa Myriad Faction. Magbunyi!!!!" Isang masiglang sambit ng gurong nagsisilbing MC sa araw na ito.
Malakas na palakpakan naman ang namayani sa lugar na ito lalo na sa panig ng mga Slave Class.
Bahagyang nalungkot naman si Sylvestria nang mapansin niyang wala na rito si Karen. Sa kasamaang palad kasi ay lumabas na iyon lalo pa't hindi ito nakapasa sa alinmang faction.
Magkagayon man ay hindi niya mapigilang maging masaya na lamang lalo pa't napabilang siya sa Myriad Faction.
Kung Kitang-kita ang saya sa halos mga kapwa Slave Class niya ay hindi lahat ay natutuwa sa kaniyang naging resulta. Kitang-kita ang inis, inggit, galit at iba pang negatibong emosyon sa ibang mga kadalagahan at kabinataang naririto.
Hindi naman niya kasalanang mapabilang rito. Akala nga niya ay uuwi na siya sa kanila.
Agad na lumapit si Sylvestria sa apat na nilalang na magiging kapwa niya estudyante sa Myriad Faction. Dalawang babae at dalawa ding lalaki ang mga ito. Kitang-kita na ang dalawang tatlo sa mga ito ay ayaw sa kaniya habang ang isa ay parang wala ring pakialam.
Ano ba ang inaasahan niya hindi ba. Alangan namang siya ang kausapin ng mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay nabibilang ang apat na ito sa Noble Families. Noble Class sila at kung ikukumpara ang Slave Class ay parang nasa pagitan sila ng langit ng lupa.
Ilang oras din ang itinagal ng Academy Selection at Kitang-kita sa mata ng lahat ang pagod sa paghihintay at sa wakas ay natapos na rin ang nasabing selection.
Marami din ang nalagas. Kumbaga dalawampu't limang porsyento lamang ang pumasa habang ang pitumpu't lima ang hindi nakapasok sa Myriad Academy.
Natuwa naman si Sylvestria Doren dahil mayroon siyang nakilala sa Myriad Faction na kinabibilangan niya. Ito ay si Hammeron Taran at si Celciana Sante.
Mabuti na lamang at sampo silang napabilang sa Myriad Faction. Pagkatapos niya kasing makapasa sa Selection ay mayroon pang lima na napabilang sa Myriad Faction.
Si Celciana ay nabibilang sa Noble Family habang si Hammeron ay nabibilang sa Squire Family, pamilyang maaaring maging isang sundalo o mandirigma sa hinaharap.
Kahit na napakababa ang pamilyang kinabibilangan niya ay makikitang hindi nandiri o nainis sa kaniya sins Celciana at Hammeron sa kaniya. Hindi niya aakalaing kakausapin siya ng mga ito at gusto pa siyang maging kaibigan.
Mayroon mang pagdududa ngunit isinantabi niya muna ito. Masyado siyang praning para mag isip pa ng kung ano. Wala namang mapapala ang mga ito sa kaniya kung sakaling may masamang motibo ang mga ito. Aarte pa ba siya?
...
Makalipas ang limang araw....
Tirik na tirik ang haring araw habang silang sampo ay nakabilad sa gitna ng field ng Myriad Faction. Hindi aakalain ni Sylvestria na makakapag-aral siya at batak na batak sila sa training.
Napakaganda ng Myriad Academy lalong-lalo na ng Myriad Faction. Kung gaano kalawak ang Faction na ito ay ganoon din kakonti ang mga nag-aaral dito. Ang mga estudyante rito ay mahigit limang daan lamang pero kumpara sa libo-libong mag-aaral ng ibang mga factions ay masasabi niyang tutok na tutok sa kanila ang atensyon ng mga guro rito.
Kompleto sa lahat ng kagamitan rito at napakaraming pagkain. Ngunit kailangan nilang panatilihin ang pag-eensayo nila dahil hindi sila maaaring tumaba.
Sa daming training dito at istriktong mga propesor ay inaasahan na mananalo sila sa kompetisyon na magaganap sa darating na tatlong buwan mula ngayon.
Karaniwang nasa tatlumpo ang nagiging estudyante kada taon ay tila kumonti na lamang ngayon kaya triple ang bigat ng pagsasanay at pag-aaral nila.
Sa linggong ito ay puro physical training sila at dapat ay maging fit sila. Anim sa kanila kabilang na siya ay napalabas na ang abilidad na meron sila ngunit ang apat ay hindi pa.
Sa susunod na linggo gaganapin ang Awakening Ceremony ng mga abilidad nila. Kahit nakabukas na ang ilan sa mga abilidad nila ay half Awakening pa lamang daw iyon ayon sa guro nila.
Nararapat pa rin daw na buksan ang buong potensiyal ng abilidad nila nang sa gayon ay maging handa sila sa paggising ng natatago pa nilang mga kakayahan.
Tila napakamot silang lahat ng kanilang ulo ng marinig ito mula sa kanilang babaeng guro na si Binibining Octavia. Hindi nila aaakalaing isa rin palang dating Myriad Faction student ang kanilang gurong ito.
Lahat na ata ng mga buto nila sa kanilang katawan ay naiunat na at sumasakit dahil sa matinding training. Nalaman din nilang natalo noong dalawang sunod-sunod na taon ang Myriad Faction laban sa Aetherborn Faction, Spiremark Faction at Realmshapers Faction.
Ngayon ay sigurado daw na titindi ang mga makakalaban nilang factions liban sa tatlong ito dahil marami din ang nakitaang potensyal ng iba pa mula rito.
Kakaiba din ang mga naririnig niyang mga abilidad na ikinukwento ni Celciana at Hammeron sa kaniya na halos magpatindig ng balahibo niya.
May katotohanan daw ang mga sinasabi sa kanila ng kanilang babaeng guro. May mga kaedaran daw sila na pamilyar sa kanilang dalawa na may malalakas na abilidad. Siguradong lalakas pa lalo ang mga ito pagkatapos ng Awakening Ceremony.
Kung tutuusin, di pa sinasabi nina Celciana at Hammeron ang mga kakayahan nila. Saka na raw pagkatapos ng Awakening ceremony. Siyempre di niya rin sinabi kung abilidad na meron siya, manigas silang dalawa.
Magkagayon man ay masasabi niyang maaasahan niya ang dalawang ito pagdating sa kalokohan. Naalala niyang muntik na silang mahuli noong nagplano silang gumala sa labas ng Faction nila kahapon. 1 week restriction pa naman sila dahil ang okasyong iyon ay para lang sa mga second year pataas.
Apat na taon daw silang mamamalagi sa paaralang ito at siguradong marami pa silang kakaining bigas aa mga susunod pang mga taon.
Matagumpay silang nakapunta sa labas ng Faction nila ngunit ngayon ay puyat at pagod ang nilalabanan nila. Mukhang mga fresh looking sina Celciana at Hammeron ngunit yung mukha niya ay parang namatayan na sa sobrang laki ng eyebags niya at maputla niyang balat na sa karaniwang araw ay katamtaman lamang ang kulay.
Pakiramdam ni Sylvestria ay siya lang ang gumala kagabi. Grabe, mukhang sa kaniya ata napunta lahat ng pagod at puyat ng dalawang ito.
Nginitian lamang siya nina Celciana at Hammeron ng nakakaloko. Kaibigan niya ba talaga ang mga ito?!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments