Future Boyfriend
Future Boyfriend
Nasa coffee shop ako kasama ang friend ko nang bigla akong makakita ng isang poging barista. Hindi ko mapigilan ang excitement ko kaya kinuha ko ang phone ko at nagsimula akong mag-record.
"Kita nyo yan? Gusto ko yan, future boyfriend ko ang poging barista na yan!" sabi ko sa camera habang nakangiti ng sobra. I'm literally oozing sa kilig.
My friend rolled her eyes and bigla nlang tumayo at pumunta sa counter. "Excuse me, can I add one more order?" tanong niya.
"Sure," sagot ng tao sa front desk.
"One mocha please, and that handsome barista for my friend" sabi niya.
Natigilan ang tao sa front desk at ako naman ay tumigil sa paghinga. Instantly, tumayo ang mga balahibo ko sa hiya at gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko. I sneaked a peak sa direction ng barista pero mukhang wala siyang narinig. I finally breath a sigh relief.
Nang bumalik ang friend ko, nakangiti siya ng sobra. "Ano ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala, gusto ko lang tulungan ka," sagot niya habang tumatawa.
Naku, ang lakas ng loob ng maganda kung friend, ang sarap e tapon sa bulkan!
....................
Kaya, pagkatapos ng nangyari, medyo awkward ang atmosphere sa pagitan namin ng friend ko. Pero hindi siya tumigil sa pag-ngiti, kaya alam kong hindi siya nagsisisi sa ginawa niya.
"Ano, crush mo na?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng coffee shop.
"Hindi ko alam," sagot ko, nanginginig pa rin ang boses ko sa hiya. "Baka nga..... crush na."
Tumawa siya ng maliit. "Sige, abangan natin ang mga susunod na kabanata!"
Natawa na rin ako, kahit na medyo nakakahiya pa rin. "Tara, kain tayo, gutom na ako!"
At sa ganun, nagpatuloy ang aming adventure, walang ideya kung ano ang mangyayari sa susunod na pagkikita namin ng poging barista na iyon... 😏
.............
Madalang lang kami nakakagala ng friend ko since we're both kinda busy. Umabot pa ng ilang buwan bago kami naka-bisita ulit sa coffee shop. But sadly, hindi ko nakita yong barista. I was really looking forward pa naman sana. After that, every weekend ako bumibisita sa coffee shop at umaasa na makita ko ulit yong crush kong barista. Then weekends turn to daily visit, but I never saw him again.
One night, it was raining heavily and I was literally drench. Para akung basang pusa. Nakita kung open pa ang coffee shop, kaya hindi ako nag-alangan pumasok para makisilong muna. But sa oras na iyon, ramdam ko talaga ang kamalasan ng mundo na bumuhos sakin. Kung kailan nag-mukha akung parang basang pusang kalye, d'on pa talaga nagka-taon na bumalik sa work ang crush ko. Para akung nastatwa sa kinatatayuan ko.
'Bakit ngayon paaaaaa?' tanong ko sa sarili ko. 'Dati palagi akung nagpapaganda kada bisita dito, peru ngayon mukha akung pusang itinapon sa kalye, chaka pa nagpakita tong poging barista.' I was literally crying inside at this very moment. Nakita ko na lang na tumataas ang kilay niya, parang nakakaintindi sa ka dilemma ko.
"Ah, welcome... ma'am?" sabi niya, may halong pagtataka sa boses niya.
Napakagat ako sa labi, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko. 😔
"A-ano... coffee... please," i stammered, hindi ako makatingin sa mga mata niya.
Tumawa siya ng mahina, "Okay lang, ma'am. Kahit anong itsura mo, welcome ka pa rin dito....."
"....maganda ka parin po" he added but his voice is barely above a whisper kaya hindi ko masyado narinig lalo pa't sobrang lakas ng ulan sa labas.
Napakunot ako ng noo, parang may something sa sinabi niya... pero hindi ko na pinansin, baka imagination ko lang.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 5 Episodes
Comments