THE UNPLANNED ENCOUNTER

Pumunta si Drey sa isa sa mga ampunan na matagal na niyang sinusuportahan sa BGC. Lihim siyang dumadaan dito after work para kumustahin ang mga bata at makipaglaro sa kanila. Malapit ang loob niya sa mga ito—and the kids adore him just as much.

Pinark ni Drey ang kotse at bumaba, may dalang food para sa mga bata at sa mga sisters.

“Oh, mga bata, huwag magkagulo! Mag-behave kayo,” sabi ng isa sa mga sister.

“Drey! Mabuti at napadaan ka. Napanood namin yung guestings mo with Ms. Zein—pati mga bata, gusto na rin daw maging artista!” natatawang sabi ng sister.

Drey smiled. “Talaga? Idol niyo na ako ngayon?”

Umupo siya kasama ang mga bata.

“Kuya Drey! Gusto ko maging artista—yung may baril, tapos tatakbo, magtatago, tapos babaril—bang, bang!” excited na sabi ni Mikoy.

Si Mikoy ang isa sa mga batang pinaka-close kay Drey.

Napangiti si Drey at ginulo ang buhok nito. “Ganun ba? Eh dapat kumain ka muna nang marami. Hindi sila tumatanggap ng action star na kasing payat mo—parang bangkay!”

Nagtawanan ang mga bata.

“Ako gusto ko maging Darna!”

“Ako leading man, kagaya mo, Kuya Drey!”

“Ako gusto ko yumaman!”

“Ako gusto ko makapagpasaya ng tao!”

Tahimik na nakinig si Drey, smiling habang pinapakinggan ang mga pangarap nila.

“Mga bata, maupo na kayo nang maayos. Kakain na tayo—may dala si Kuya Drey na Jollibee!”

Excited na nagsitakbuhan ang mga bata papunta sa mesa.

Lumapit si Drey kay Sister Jane. “Ahm, Sister… hindi na po ako magtatagal. Dumaan lang po ako, na-miss ko kasi sila. Maaga pa po ako bukas. Babalik na lang po ako sa Sunday.”

“Oh, akala ko dito ka na magdi-dinner,” sabi ni Sister Jane.

“Hindi na po, sa bahay na lang.”

Yumakap si Drey kay Sister Jane.

“Mga bata! Enjoy kayo sa food, ha? Uuwi na si Kuya Drey. Maaga pa work ko bukas, pero babalik ako sa Sunday—maglalaro tayo.”

“Promise po ‘yan, Kuya?” tanong ni Mikoy.

“I promise,” nakangiting sagot ni Drey, sabay halik sa ulo ng bata.

“Magpakabait kayo dito. Tatawagan ko si Sister Jane—pag hindi kayo behave, walang Jollibee!”

“Behave po kami! Si Mikoy lang hindi!” sigaw ng iba.

“Hindi kaya, no!” depensa ni Mikoy.

Nagtawanan sila.

“Sige na, bye-bye!”

Lumabas si Drey at naglakad papunta sa parking lot. Sumakay siya sa kotse, pinaandar ang makina, at binuksan ng guard ang gate.

“Ingat po, sir.”

Ibina ni Drey ang bintana. “Salamat, kuya.”

Alas-otso na ng gabi habang nagda-drive si Drey pauwi sa VGC. Nakikinig siya ng music at sabay kumakanta.

“I know I can treat you better… than he can…”

Tahimik ang daan habang dumadaan siya sa isang shortcut—medyo madilim, maraming puno, at bihira ang sasakyan. Madalas itong daanan para makaiwas sa traffic.

“Tell me why are you wasting time… if you could be with me instead…”

Biglang may babaeng humarang sa gitna ng kalsada.

Napapreno si Drey.

“Ah—shit!”

Bahagya siyang napasubsob sa manibela.

May kumatok sa bintana.

“Hey… are you okay?”

Ibinaba ni Drey ang bintana, halatang inis. “Baliw ka ba?! Bigla ka na lang haharang! Paano kung hindi ako nakapreno?!”

“Sorry na! Hindi kasi ako pinapansin ng mga dumadaan…” paawang sagot ng babae.

Isinara ni Drey ang bintana.

“Wait lang, sir! Na-flat kasi gulong ko… stranded ako. Can you help me?”

Napailing si Drey. “Wow ha. Mukha ba akong mekaniko?”

“Hindi… pero baka pwede mo na lang akong ihatid or tulungan makarating sa repair shop? Please?”

Napabuntong-hininga si Drey. Wala na siyang choice.

“Saan ba yung sasakyan mo?”

Bumaba si Drey sa kotse at sinundan ang babae papunta sa sasakyan nito sa gilid ng kalsada. Sinuri niya ang gulong at napailing.

“Malala na ’to. Wala ka bang spare wheel?” tanong niya.

“Wala,” malungkot na sagot ng babae.

Tiningnan siya ni Drey. “Natamaan ka ba kanina?”

Ngumiti ang babae. “No, I’m fine.”

“Sige, hahatakin ko na lang kotse mo. Sumakay ka.”

Ipinark ni Drey ang kotse niya sa harap at nagkabit ng lubid para mahila ang sasakyan nito.

“Okay ka na ba diyan?” sigaw niya.

“Yes, I’m fine,” sagot nito na may ngiti.

Dahan-dahang nagmaneho si Drey habang naghahanap ng repair shop. Makalipas ang halos isang oras, nakakita rin sila ng maliit na talyer.

Bumaba si Drey. “Ahm, good evening po.”

“Good evening, sir,” bati ng mekaniko. “Ano pong problema?”

“Na-flat po gulong niya. Baka pwede pong maayos.”

Sinuri ng mekaniko ang gulong. “Malala po ’to, ma’am. Baka matagalan.”

“Kuya, may spare wheel ako. Pwede po bang iyon na lang?” tanong ni Drey.

“Ano pong brand ng kotse niyo, sir?”

“Mercedes.”

Napakamot ang mekaniko. “Naku, hindi po pwede. BMW po kasi kay ma’am.”

Napatingin si Drey sa babae. “Sige, ayusin niyo na lang po. Maghihintay na lang siya.”

“Opo, sir.”

“Salamat.”

Pabalik na sana si Drey sa kotse nang bigla siyang hinawakan sa braso.

“Ayy teka.”

Napatingin siya.

“Iiwan mo ako? Dito? Mag-isa? Gabi pa?” nakapout na sabi ng babae.

Nagulat si Drey. “Ha? Dapat ba samahan kita? Hindi nga kita kilala.”

Binuksan niya ang pinto ng kotse.

“Paano kung matagalan? Paano kung may mangyari sa’kin?” dagdag nito.

Napapikit si Drey at napahawak sa noo. “Kinokonsensya mo ba ako, miss?”

“Hindi, pero—”

Sumingit ang mekaniko. “Sir, ma’am, baka bukas niyo na lang balikan. Hindi ko po matatapos ngayon.”

Napabuntong-hininga si Drey. “Sige. Ihahatid na lang kita. Saan ka ba?”

Ngumiti ang babae. “Ah, sige kuya. Bukas na lang po ulit.” Sumakay ito sa kotse niya.

“Wow, ang ganda talaga ng Mercedes. Magkano ’to?” tanong nito, halatang tuwa.

Tahimik lang si Drey habang nagmamaneho.

“Sungit naman,” bulong nito, may smirk.

“Saan kita ihahatid, miss?” tanong ni Drey.

Iniabot ng babae ang kamay niya. “Catarina Claes. You can call me Rina.”

Hindi siya pinansin ni Drey. “Saan nga?”

“Sa Wezlome,” sagot nito, medyo mahina.

Napatingin si Drey. “Mamahalin doon ah. Dapat bayaran mo ’ko sa abala.”

Ngumiti si Rina. “Bababayaran kita… kapag sinabi mo pangalan mo.”

Napatawa si Drey nang mapakla. “Na-blackmail pa nga.”

“Ano nga?” excited na tanong ni Rina.

“Drey Gil.”

Ngumiti si Rina. “Nice meeting you, Mr. Drey Gil.”

Tumango lang siya.

“Andito na tayo,” sabi ni Drey nang huminto ang kotse.

“Hindi mo man lang ako pagbubuksan?” biro ni Rina. “Sa amin kasi—”

“BU-MA-BA KA NA,” madiing sabi ni Drey.

Sandaling natahimik si Rina, pero ngumiti pa rin. “Oo nga. Baba na ako.”

Iniabot niya ang pera. “Ito—30k para sa abala, 20k sa gas. Thank you ulit. Till next time, Mr. Drey Gil.”wink at him.

Bumaba siya ng kotse.

Nagulat si Drey at agad siyang sumunod. “Teka! Rina! Hindi ko ’to matatanggap!”

Binati siya ng mga guard habang papasok. Lumingon si Rina at kumaway.

“Thank you, Drey.”

Huminto si Drey sa gate pero pinigilan siya ng guard.

“Sorry sir, hindi po kayo pwedeng pumasok.”

“Ibabalik ko lang sana ’to,” sabi niya, sabay taas ng pera.

“Pasensya na po.”

Napabuntong-hininga si Drey. “Sige. Pakibigay na lang. Sabihin mo, may pera ako.”

Iniabot niya ang pera at bumalik sa kotse.

Habang nagmamaneho pauwi, napailing siya.

“This day hasn’t been good to me.”

Catarina Claes—ang nag-iisang anak ni Wez Kye Claes, ang makapangyarihang may-ari ng WEZLOME Hotel chain— hindi lamang isang tagapagmana ng kayamanan kundi isang babaeng hinubog ng sariling ambisyon. Sa murang edad na dalawampu’t lima, nakilala siya sa industriya ng pelikula bilang isang matagumpay na producer na nakatrabaho ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa Hollywood tulad nina Denzel Washington, Meryl Streep, Tom Cruise, Leonardo DiCaprio, at Brad Pitt. Sa kabila ng kanyang marangyang buhay, pinili niyang magtungo sa Pilipinas hindi para magpahinga, kundi upang personal na siyasatin ang operasyon ng WEZLOME branch na ipinamana ng kanyang ama sakanya at tuparin ang isa pang layunin—ang makipag-ugnayan sa mga Pilipinong artista para sa kanyang susunod na pelikula, “Love Surpassed Culture,” isang proyektong magtatangkang patunayan na ang pag-ibig ay walang kinikilalang hangganan, kahit pa magkaiba ang mundong pinagmulan.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play