STRANGERS BY CHANCE

Alarm ringing…

“Hmmm…” Drey rubbed his eyes. “Anong oras na ba?”

Inabot niya ang phone at biglang nagising nang makita ang oras.

9:30 AM.

“Ohh nako po!” mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Ilang minuto lang, bumaba na agad siya.

“Drey, breakfast is ready?”

Tumakbo siya papunta sa mama niya at hinalikan ang pisngi nito.

“Ma, I need to go. I love you.”

“Oii— teka…” hindi na nito natapos ang sasabihin. “Hayss, batang ’to… ang tagal kasi umuwi kagabi.”

Sumakay siya sa kotse at mabilis na nag-drive papunta sa studio.

“Patay talaga ako nito,” bulong niya.

Tumunog ulit ang phone.

Direk Kathy is calling…

“Hello tita, I’m on my way na po, sorry,” agad niyang sabi.

“Drey, sinabihan na kita. Andito na lahat, ikaw na lang ang wala!” galit na sabi ni Direk Kathy sa kabilang linya. “Faster! We’ll talk later, ha!”

Call ended.

Napabuntong hininga si Drey. “This is because of her…”

Pagdating niya sa studio, parang gumaan agad ang paligid. Lahat nakahinga nang maluwag nang makita siya.

“Good morning,” Drey said with a smile. “Sorry talaga.”

Tiningnan siya ni Direk Kathy, halatang iritado pa rin.

“Mag-ayos ka na. Pakibilisan. Paki-ayusan niyo ’tong bata,” utos niya sa staff.

“Opo, Direk,” sagot ng make-up artist.

Ilang minuto lang, ready na si Drey at sumama na sila papunta sa Araneta Hall para sa fan greetings at signing.

Pagdating nila sa stage, sumabog agad ang hiyawan ng fans.

“ZEINNNNN… ang ganda moooo!”

“DREYYYY… daddy!!!”

Ngumiti ang dalawang artista at kumaway sa crowd.

“Good morninggg!” sigaw ni Drey, sabay flying kiss sa fans.

Nagsimula ang fan signing. Busy na silang dalawa sa pagpirma at pakikipag-usap sa fans habang hindi humuhupa ang sigawan at excitement ng buong venue.

Catarina’s POV.

Excuse me, Madam, are you still looking for something? We need to go—you still have meetings to catch up,” saad ng secretary niya.

Habang naglalakad sila, napansin ni Rina ang mahabang pila ng tao at malalakas na sigawan.

“Wait… what’s happening over there? Parang may event.”

Lumakad siya papalapit, pero agad siyang pinigilan ng mga guard.

“Madam, it’s better not to get close,” sabi ng secretary.

“Kathleen, can you please not be overcautious? I just want to take a look.”

Napahinto si Rina nang makita ang malaking tarpaulin—mga mukha nina Drey Gil at Zein Crimson ang naka-display.

“Forevermore? Hmm… fan signing.” Bahagyang ngumiti si Rina. “Pero bakit nandiyan siya…?”

“Madam? Ma-lalate na po tayo sa meeting natin,” paalala ni Kathleen.

“Kathleen, reschedule it for me. I’ll deal with them tomorrow. I want to see the artist of this movie.”

“WHAT?!” gulat na reaksyon ng secretary. “Ma’am, ang daming tao dito. Are you sure? Ano pong nakain niyo at gusto niyong pumila para sa… cheap na mga artist na ’yan?”

Tumaas ang kilay ni Rina. “I’m your boss. You follow me.”

Agad yumuko si Kathleen. “Sorry, Madam. Copy, I’ll reschedule it.”

“Thank you. Don’t worry… no one knows me here—except one person.” Ngumiti siya nang bahagya.

Makalipas ang isang oras na pagpila, sa wakas ay nakalapit na si Rina kay Drey.

Umakyat siya sa stage at umupo sa harap nito.

Nakayuko si Drey habang pumipirma. Nang iangat niya ang tingin—

“Hel—” natigilan siya. Nanlaki ang mata. “YOU?!”

Napatingin ang ilang staff.

“Uh… sorry,” agad niyang binawi, sabay ngiti.

“Hi… anong ginagawa mo dito?” tanong niya, pilit kalmado.

“To get your signature.” Ngumiti si Rina at inabot ang purse niya. “Sign my purse.”

Biglang sumingit si Kathleen. “Madam, that’s a one-billion purse—”

Mabilis tinakpan ni Rina ang bibig niya. “Shut up,” bulong niya.

Napansin na ng crew ang eksena. Lalo na si Direk Kathy—may pamilyar sa babae, pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

Tahimik na pumirma si Drey sa purse.

“Here… thank you,” sabi niya, pilit steady ang boses.

Lumapit si Rina nang bahagya. “Anyway… this is the second time.” Inabot niya ang card niya. “Call me. We need to talk.”

“Ms., move na po, may iba pang nakapila,” sabi ng staff.

“Hoy, di mo—”

Biglang tinakpan ulit ni Rina ang bibig ni Kathleen.

“I’m sorry,” sabi niya kay Drey, sabay kindat. “I’ll wait… bye.”

Bumaba si Rina ng stage, may nakaguhit na ngiti sa kanyang mga labi.

Samantala, si Drey… tumango lang, walang ipinakitang reaksyon.

Lumapit si Zein sa kanya.

“Hoy, sino ’yun? Ang ganda ah. Tsaka yung purse niya—sobrang mahal nun, tapos pinapirma niya sayo? Hmm… something’s off. Ano bang nangyari kagabi, huh?”

Ngumiti lang si Drey. “Pirmahan mo muna ’yan,” sabay tawa.

Nagpatuloy siya sa pag-entertain ng fans, pero malayo na ang isip niya.

Natapos ang fan signing.

“Thank you everyone for coming!” nakangiting sabi ni Drey sa fans.

“Thank you!” dagdag ni Zein habang kumakaway.

Inalalayan sila ng mga guards palabas hanggang parking lot. Sumakay sila sa kotse, at makalipas ang ilang oras, nakabalik na rin sa studio.

“Hey, Drey?” tawag ni Direk Kathy.

“Yes, tita…” mahina niyang sagot. Ramdam niyang hindi pa rin ito tapos sa kanya.

“That girl… do you know her?”

Bahagyang nagulat si Drey at napatingin sa kanya.

“Hahaha… tita, hindi po.”

“Drey,” seryosong sabi ni Direk Kathy. “Anong nangyari kagabi? Hindi ’yun basta-basta. Nakita namin yung mga guards na nakabuntot sa kanya, yung secretary… at yung purse niya—worth one billion ’yun.”

Nanlaki ang mata ni Drey.

“1 BILLION?!”

Tumango si Direk Kathy.

“Tita… I don’t know. It’s a long story.”

“Tell me.”

Tahimik na nagkuwento si Drey—lahat ng nangyari kagabi. Habang nakikinig, biglang nagbago ang expression ni Direk Kathy.

“CLAES?” bigla nitong sabi.

“Opo, tita… as in Catarina Claes. paulit na sambit nito kay drey”

Tumango si Drey. “’Yun po ang sabi niya.”

Napatingin si Direk Kathy sa kanya, may halong disbelief at excitement.

“Drey… do you know what you’ve done? Alam mo ba kung sino ’yung tinulungan mo?”

Napakamot si Drey sa ulo. “Wala po akong idea. Sinong matinong tao ba naman ang biglang haharang sa daan, tita…”

Napatawa si Direk Kathy.

“Wait… take a look at this.”

May ipinakita siyang article na may litarato ng mga list of royal families sa kanya.

“Can you spot her here?”

Pagtingin ni Drey—

Nanlaki ang mata niya. Bigla siyang napatayo at napahawak sa ulo.

“No way… that girl…?!”

Tahimik na tumango si Direk Kathy, naka-cross arms.

“Exactly.” Drey meet her tonight and to talk to her.

But tita, haahah why? Like I’m out of business sakanya. Then if she’s the daughter of mr. WEZLOME, I don’t want to be connected with her. No, and never tita.

Drey? She’s the one accepted liza in LA.

Drey froze.

Nag auditon si liza sakanya, tapos ikaw nakita mo lang siya sa kalye, hopeless you help her. Drey this is not a coincidence, she is a producer, famous producer in hollywood industry, I know she’s up to you right after that signing. Direk kathy explained.

Tita, it’s hopie’s dream not mine.

Drey think of it, first okay? You’re running a production company now this can help you.

Direk kathy left drey in the room.

CATARINA’S POV

“Nababaliw na ata si Madam…” bulong ni Kathleen sa sarili habang sinusundan si Rina.

“Wow… that guy is an artist. A Filipino artist, Kathleen,” sabi ni Rina, halatang may saya sa mga mata.

“Madam?” nagtatakang tanong ni Kathleen. “Bakit parang obsessed kayo sa taong ’yun? Hindi naman siya ganun ka-pogi… malayo pa nga sa mga lalaking nanliligaw sa inyo.”

“Kathleen,” kalmadong sagot ni Rina, “I don’t care about them.”

Huminto siya sandali at tumingin sa malayo.

“That man helped me last night. And this isn’t just coincidence, diba?” bahagya siyang ngumiti. “I’ve been looking for a male Filipino artist for my upcoming project.”

Napabuntong-hininga siya, pero may halong excitement.

“This feels like heaven, Kathleen. Parang… the moment I saw him last night, I knew—he’s different.at siya yung hinahanap ko.”

Napakunot ang noo ni Kathleen. “What’s your plan, Madam?”

“I’ll wait for his call.” Ngumiti si Rina habang nakatingin sa phone niya.

“Paano kung hindi siya tumawag, Madam?”

Tumaas ang kilay ni Rina, confident ang boses. “He will.”

Tahimik sandali.

“Anyway, Kathleen… ituloy mo lahat ng meetings tomorrow. And I want my afternoon cleared—no disturbances. Understood?”

“Yes, Madam.”

“Good.” Umupo si Rina at sumandal. “Now you can leave me alone… and bring my food in here.”

DREY’S POV

 Maagang umuwi si Drey sa bahay nila. Pagbukas pa lang ng pinto, halata agad ang pagod sa mukha niya.

“Hey bro, why do you look like that? Hahaha,” pang-aasar ni Andie. “Para kang wreck ah. Okay ka lang?”

Hindi pa siya nakakasagot nang may narinig siyang malambot na boses.

“Uncle…”

Napalingon si Drey.

“Rhiann??” bigla siyang napangiti.

Agad niya itong nilapitan at binuhat.

“Ba’t andito ka, ah?” tanong niya, halatang natuwa.

“Hehehe…” ngumiti lang si Rhiann.

“Drey, nandito sina Liza at EJ!” excited na balita ni Andie.

Biglang nagbago ang expression ni Drey.

“WHAT?”

“Uy, andito na pala si Drey,” saad ni tita dimmy, mama ni drey.

“Hi, Drey!” bati ni EJ, habang si Liza naman ay nakangiti lang.

Ngumiti rin si Drey, pilit na kalmado.

“Hindi man lang kayo nagsabi… nakauwi sana ako nang maaga.”

Pumasok siya sa loob at marahang ibinaba si Rhiann.

“Magbibihis lang muna ako sa taas, Ma.”

Hinalikan niya ang mama niya sa pisngi.

“Guys, bihis lang ako.”

At diretso siyang umakyat ng kwarto.

“Ano’ng nangyari dun, Andie?” tanong ni EJ. “Parang pagod na pagod.”

“Baka maraming show. Kulitin natin mamaya,” nakangiting sagot ni Andie.

Tahimik lang si Liza, nakatingin sa taas—sa kwarto ni Drey.

Pagpasok ni Drey sa kwarto, agad siyang napaupo sa gilid ng kama. Pagod, magulo ang isip.

Kinuha niya ang calling card mula sa bulsa at matagal itong tinitigan.

Catarina Claes.

Napabuntong-hininga siya nang malalim.

“Ako lang ata yung hindi masaya na makilala siya…” bulong niya. “Lord, ano ba ’to? Anong plano mo?”

Napailing siya. “Bahala na…”

Tumayo siya at dumiretso sa banyo para maligo.

“Andie, where’s Drey? Ready na ang pagkain. Tawagin mo nga—hindi pa ’yan nag-breakfast kanina,” sabi ng mama nila.

“Yes, Ma,” sagot ni Andie, sabay akyat sa kwarto ni Drey.

“Hey, Drey? Kakain na. Come quick,” sabi niya habang pumapasok.

“Hoy, ba’t ka nakahiga? Tara na, kakain na.”

“Wala akong gana… matutulog na lang ako,” mahina niyang sagot.

“Dahil ba kay Hopie?”

Umiling si Drey. “No… we’re good. Pagod lang talaga ako.”

“Kaya nga kumain ka muna. Si Rhiann naghihintay sayo.”

Napabuntong-hininga si Drey, saka bumangon. Sabay silang bumaba papuntang dining area.

“Drey is here,” sabi ni Andie.

Napatingin si Liza sa kanya, may halong pag-aalala.

“Upo ka na,” sabi nito.

Ngumiti si Drey at umupo katabi ni Rhiann.

Nagsimula silang kumain. Masaya ang usapan, puno ng kwentuhan at tawanan.

Sinusubuan ni Drey si Rhiann.

“Hmm… Tita Dimmy’s cooking is the best!” masayang sabi ng bata.

Natawa ang lahat.

“Sumbong kita kay Tita Jonie ah,” biro ni EJ.

“Noooo…” natawang sagot ni Rhiann.

Napatingin si Liza kay Drey.

“Drey, why do you look so tired today?”

“Marami lang nangyari today, Ma… but I’m fine,” sagot niya.

Pagkatapos kumain, lumabas si Drey sa balcony, may hawak na beer. Tahimik… nagpapahangin.

“Hi, Drey.”

Napalingon siya. Si Liza.

“Hey… hi,” ngumiti siya. “Na-surprise talaga ako.”

“Hmmm… si Rhiann kasi, gusto talagang pumunta dito. Wala akong choice,” biro ni Liza.

“Ba’t andito ka sa Pinas pala?”

“For Tita Jonie’s birthday tomorrow.”

“Ohh… oo nga no. Sorry, nakalimutan ko,” natawa si Drey.

“Grabe ka, magagalit ’yun,” sabi ni Liza. “Pero… Drey, I know you. You’re not okay. May problema ba?”

“Wala naman…”

“Drey…” seryoso ang tingin ni Liza.

Napangiti si Drey. “Ganda mo pa rin, ni minsan kahit sa anong anggulo wala akong nakikitang pangit..”

“Wag mo akong iniiba. Ano nga?”

Napabuntong-hininga si Drey, saka inabot ang calling card.

“Ano ’to?” tanong ni Liza.

Tiningnan niya—at nanlaki ang mata.

“Ms. Catarina Claes?!”

“Yes…”

“Wow… how did you even get this?”

“It’s a long story, Hopie. Pero ang totoo… wala akong idea kung bakit.”

Tahimik na nakinig si Liza habang kinukwento ni Drey ang nangyari.

Natigilan siya.

“Hindi ko alam, Hopie… gusto ni Tita Kathy na makipag-meet ako sa kanya. Pero… wala akong reason,” sabi niya sabay inom ng beer.

“Drey…” mahinang sabi ni Liza. “That’s not coincidence. It’s an opportunity. Kumakatok na sa’yo.”

“I know…” napangiti siya nang bahagya. “Pero feeling ko… mas deserve mo ’to kaysa sa’kin.”

“Drey, listen to me.” Hinawakan ni Liza ang kamay niya. “Pinaghihirapan ko lahat ng meron ako. Pero ikaw… kusang dumadating sa’yo. Don’t waste it. Makakatulong ’to sa’yo.”

Napatingin si Drey sa kanya, may halong biro sa mata.

“Alam mo… the way you look at me, parang ako pa rin ’yung lalaking minahal mo dati.”

Ngumiti si Liza, pero may lungkot.

“I’m not that girl anymore, Drey.”

“I know…” sabay hawak niya sa kamay ni Hopie.

“Pero ito…” sabay turo sa dibdib ni Drey. “Kahit dalawang taon na, Hopie… ikaw pa rin. Ikaw lang.”

Tahimik si hopie nakatitig kay drey, Ngumiti si Liza, saka dahan-dahang tumayo.

“Pag-isipan mo ’yan, Drey, bago mo bitawan.”

“By the way, uuwi na rin kami. Lumalalim na ang gabi.”

Inayos niya ang sarili at muling ngumiti.

“Nice meeting you, Drey. Goodnight.”

Sabay beso niya bago tuluyang umalis.

Lumalalim ang gabi. Nagpaalam na sina EJ, Rhiann, at Liza.

“Ingat kayo,” sabi ni Drey, kumakaway at nakangiti.

Pero habang papalayo sila… nanatili siyang nakatayo—

hawak ang calling card.

At puno ng tanong ang isip niya.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play