Good morning, mama,” sabi ni Drey habang hinalikan ang pisngi ng kanyang ina.
“Wow, sarap nito ah… ang bango,” dagdag niya sabay amoy sa pagkain.
“You slept very well last night? You’re in a good mood today?” tanong ng mama niya.
“I was just tired yesterday, mama.”
“Para talagang medicine si Hopie sa’yo. Kahit noon pa, makita mo lang siya, okay ka na agad,” biro nito.
“Mama…” mahinang saad ni Drey habang nagsisimula nang kumain.
Habang ine-enjoy ni Drey ang pagkain…
Rina’s side
“Good morning, Manila…” sabi ni Rina habang nag-iinat.
“Hmmm, I overslept.”
Pumasok siya sa banyo at naligo. Pagharap niya sa salamin, napangiti siya—halatang masaya at excited sa araw niya.
Biglang pumasok si Kathleen at nadatnan siyang sumasayaw.
“Madam? Madam?”
Tuluy-tuloy pa rin si Rina sa pagsayaw hanggang mapansin niya si Kathleen.
“Hey, Kathleen! Nandiyan ka pala.”
“Opo, madam. Kanina pa po… parang sobrang saya niyo ngayon.”
Ngumiti si Rina. “Ready na ba meetings ko? Let’s start it early.”
“Pero wala pa kayong breakfast, madam.”
“I’m not hungry. I’ll eat later.”
Drey’s POV
“Ma, alis na po ako,” sabi ni Drey sabay halik ulit sa pisngi ng ina.
“Sige, drive safe, Drey.”
Sumakay siya sa kotse at nag-drive habang kumakanta ng paborito niyang R&B songs.
“’Cause if one day you wake up and find that you’re missing me…
And your heart starts to wonder…’”Patuloy ang tugtog habang nagmamaneho siya.
Hindi nagtagal, nakarating siya sa studio.
“Good morning, everyone! Kumusta? Kumain na kayo?”
“Yes, sir,” sagot ng staff, medyo nagtataka.
“Very good,” nakangiting sabi ni Drey bago pumasok sa kanyang room.
“Iba vibe ni Sir Drey ngayon ah,” bulong ng isa.
“Oo nga,” sang-ayon ng iba.
Drey and Zein started their day attending back-to-back meetings and talk shows.
Habang si Rina naman, abala sa pakikipag-meeting sa mga partners ng kanilang hotel chain. Pareho silang masaya at busy sa kani-kanilang priorities sa buhay.
Samantala…
Liza’s POV
Busy ang lahat sa paghahanda para sa birthday ni Tita Yonie. Si Liza, nasa kusina, tumutulong magluto habang ang iba naman ay nagse-set up ng venue para sa party mamaya. Imbitado rin ang pamilya ni Drey.
“Hopie, si Drey… pupunta ba?” tanong ni Tita Yonie.
“I’m not sure, tita. Busy kasi daw. But I’ll try to ask Andie,” sagot ni Hopie.
Tumango si Yonie. “Okay.”
“Sige po.”
Lumapit si Jan, kapatid ni Yonie.
“Yonie, sigurado ka ba na gusto mong i-invite si Drey? Alam mo naman ang status nilang dalawa.”
Napabuntong-hininga si Yonie. “Jan, matagal na ‘yon—two years ago pa. Si Hopie na mismo nagsabi na magkaibigan sila. Ang gawin na lang natin, walang dapat kumalat na pictures ng dalawa para hindi magulo ang netizens.”
Tahimik na tumango si Jan.
Habang abala si Hopie sa preparations…
Sa kabilang banda, sina Drey at Zein ay nasa talk show.
“Kumusta naman, Drey? Ano ang relationship status natin ngayon?” tanong ng host.
“Well,” ngumiti si Drey, “I don’t close doors. Open ako, pero hindi ako nagmamadali. In the right time, darating tayo diyan.”
“How about you, Zein?”
“Ako? Meron naman… lowkey lang muna,” natatawang sagot niya. “Bawal pa i-chika—secret muna!”
Natawa ang lahat.
Pagkatapos ng show, bumalik sila sa studio para maghanda sa susunod nilang guesting.
Sa loob ng kanyang room, tahimik na nakaupo si Drey, hawak ang calling card.
“Siguro this is my call… let’s give it a try,” bulong niya. “Kung mapapalawak ko ang production ko, I can help Hopie as well.”
Ngumiti siya at kinuha ang phone. At nag type ng mensahe para kay rina:
Hi Ms. Rina, this is Drey. Are you free tonight? I would like to talk with you, if you’re available.
Binasa niya ulit.
“Tama ba ‘to? …Okay na siguro.”
Pinindot niya ang send.
“Hey, Drey! Lunch is ready—punta ka na dun,” tawag ni Direk Kathy.
“Yes, tita!”
“Anyway… have you thought about it?”
Ngumiti si Drey. “I already texted her.”
Napangiti si Direk Kathy. “You’re making the right decision, Drey. I know that.”
Sa kabilang banda…
Nakita ni Rina ang message at agad siyang napangiti.
“I knew you would, Mr. Drey…”
Nag-type siya ng reply.
Hmm, tonight? I won’t be here tonight—I’ll be going to the beach this afternoon. Do you mind coming with me? I plan to hire a tourist guide… maybe you can accompany me around.
Send.
Nag-vibrate ang phone ni Drey.
Binasa niya ang message.
“Oh… I’m afraid I can’t accompany you, Ms. Rina. I have shows to attend—”
Hihit na sana niya ang send nang biglang sumilip si Direk Kathy sa phone niya.
“Hoy!” nakangiting saad nito. “Ano ‘yan, Drey… are you really going to say no?
“Go, Drey—accompany her. Kami na bahala sa’yo today,” sabi ni Direk Kathy.
Nagulat si Drey. “Tita, anong accompany?” natatawa niyang sagot. “No, I have errands to attend later.” Ngumiti siya, pilit umiwas.
“Mas mahalaga pa ba ‘yan?” taas-kilay na tanong ni Direk Kathy. “Sige na, samahan mo na.”
Sumingit si Zein, nakangisi. “Oo nga, opportunity na ‘yan na lumalapit sa’yo, Drey. Malay mo… hindi lang production company mo ang lumago…” sabay turo sa dibdib ni Drey, “pati ito.”
Nagtawanan ang lahat.
“Diba?” dagdag pa niya.
“Oo nga, sir!” sabay-sabay na sabi ng staff.
Napailing si Drey pero napangiti rin. Wala na siyang kawala.
“Sige na nga…” bulong niya.
Kinuha niya ang phone at nag-reply:
Alright. I’ll pick you up at WEZLOME, Ms. Rina.
Send.
“Yaaaan!” sabay-sabay na sigaw ng lahat, parang nanalo sa raffle.
Napailing si Drey, pero hindi niya mapigilang ngumiti.
Mukhang iba nga ang araw na ’to,” saad ng isang staff.
Napailing na lang si Drey, pero may ngiti sa labi.
Sa kabilang banda…
Nakita ni Rina ang message at agad siyang napangiti.
“Madam, si Mr. Pokito Aborido is here,” sabi ni Kathleen habang bahagyang kumakatok.
“Ahm… please, Kathleen. I need to get ready,” kalmadong sagot ni Rina. “Just tell him to come again tomorrow. Okay?” sabay tapik sa balikat nito.
“Pero, madam—”
“No objections. Just do what I said,” putol ni Rina, may halong authority sa boses.
Walang pag-aalinlangan, lumabas siya ng opisina at dumiretso para maghanda.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 6 Episodes
Comments